Umiwas ng tingin ni Freyja at hindi na siya nagsalita.‘Pero pag kinasal na tayo, share na tayo ng pera nating dalawa. Normal lang na gastusin mo ang pera ko, at normal lang na magtrabaho ako para may parang gagastusin ang asawa ko. Hindi mo kailangan isipin na baka bababa ang tingin ko sayo. Bakit pa ako magpapakasal kung hindi naman pala magagastos ng asawa ko ang sarili kong pera?“Nilagay ng asawa ko ang buhay niya sa panganib para bigyan ako ng anak, matutulog siya katabi ako, at habang buhay niya na akong kasama. Kung hindi ko gustong gastusin niya ang pera ko, sana naging single na lang ako.”Tumawa si Freyja dahil may punta nga naman ang sinabi ni Colton pero mas nalungkot si Freyje. “I…”“Sige na, huwag na natin pag-usapan ito. Ang baho ko at kailangan ko na maligo.” Pinandirian ni Colton ang sarili niya. “Hindi, hindi ko kayang tiisin ito.” Napahinto si Freyja at dahan-dahan na tumayo. “May shower room dito. Ihatid kita doon.” Hinatid ni Freyja si Colton sa shower roo
“Kapatid niya kaya yung bata na kasama niya?” Tanong ni Freyja. Tumingin si Freyja pero hindi siya nagsalita. Dinala ni Mia ang batang lalaki sa tabi ng mesa, inalalayan niya ito at pinaupo. May sinabi si Mia sa bata at umalis para kumuha ng pagkain habang naghihintay ang batang lalaki sa mesa.Napansin ni Freyja na may kakaiba sa mata ng bata. “Bulag ba siya?”Tumayo si Norman at lumapit.Bumulong si Leia, “Hoy, anong ginagawa mo…”Umupo si Norman sa harap ng batang lalaki, akala ng bata ay nakabalik na ang kapatid niya. “Anong kakainin natin ngayong gabi?”Umupo si Norman sa harap ng bata at kinaway ang kamay niya pero hindi nag-react ang bata. “Hindi ka talaga makakita.”Nagtaka ang bata. “Sino ka?”“Hoy, lumayo ka sa kapatid ko.” Nakita ni Mia so Norman nang lumapit siya at agad na nagalit. Binagsak niya ang kubyertos sa mesa. “Kung gusto mo gumanti, ako na lang harapin mo.”Agad na tumayo sila Freyja at Colton at lumapit sila. Humalukipkip si Norman at hindi siya natat
Tumingin ang lahat sa kaniya. “Pero hindi mabuting paraan ang magnakaw. Kahit ang target mo ay ang mga taong hindi naman kailangan ang pera kasi iniisip mo hindi naman nila iisipin masyado pag nawalan sila ng maliit na halaga ng pera, hindi lahat ng pera ay hindi magiging masaya pag ganun. “Magpasalamat ka na ang naging target mo ay wala masyadong pakialam sa nangyari pero hindi pwede na swerte ka na lang lagi. Baka makulong ka ng ilang araw. Pag may nakahuli na isa kang magnanakaw, baka saktan ka at ipahiya sa publiko. Baka kung ano pang gawin sayo. Naisip mo ba kung paano mabubuhay ang kapatid mo kung wala ka?”Walang masabi si Mia dahil hindi niya pa iyon naisip.“Kailan ang surgery niya?”“January 28th.”Dinukot ni Freyja ang bulsa niya, kinuha niya ang pen at sinulat ang phone number ng villa sa palad ni Mia. “Tawagan mo ako sa susunod na araw, ibibigay ko sayo ang address. Magkita na lang tayo.”Ilang sandling napahinto si Mia at nagtatakang tiningnan ang number sa kaniyan
Tiningnan sila ni Freyja at sinabi, “Dahil nagawang patulungin ng home manager ang mga villager para hanapin ang wallet, ibig sabihin nirerespeto nila ang home manager. Kahit si Mia na matigas ang ulo ay nirerespeto siya. Sa tingin ko mabuti siyang tao. Siguro nirerespeto siya ng mga villager dahil tinutulungan niya ang mga taong kailangan ng tulong.”Tumango si Norman. “Kaya isa na siyang santo.”Lumalim ang gabi, at tahimik na ang lugar.Nagpapahinga si Freyja sa harap ng binata at tiningnan ang madilim na gubat. Maliwanag ang buwan at nasa ibabaw ng mga hills, sobrang linaw at payapa.Lumapit si Colton, niyakap si Freyja mula sa likod at pinatong niya ang kaniyang baba sa ulo nito. “Anong iniisip mo?” Ngumiti si Freyja. “Iniisip ko magtayo ng foundation.”Napahinto si Colton at natawa siya. “Basta masaya ka, susuportahan kita kahit ano pa.”Tiningnan siya ni Freyja. “Talaga?”“Iyon ang pera na iniwan sayo ng grandpa mo. Hindi kita pipigilan na gamitin iyon. Maganda rin nama
Namula ang mata ng madre. Hindi na niya mapigilan ang kaniyang emosyon habang sinasabi, “Ms. Pruitt… seryoso ba kayo?”Nilapitan na niya ang ilang organization para magtanong tungkol sa investment nila. Pero lahat ng iyon ay hindi pumayag tuwing nalalaman nilang walang binabayad ang nga matatandang nakatira sa kanilang nursing home. Ang dahilan kaya sila nagbibigay dahil gusto nila ng charity, hindi nila iyon gagawin nang libre lang. Simula noon, hindi na siya lumapit sa kahit anong organization.Hindi niya alam paano babawi kay Freyja sa offer na binigay niya.Tumango si Freyja. “Oo. Halata naman na naisip ko na ito bago ko sabihin ang ideya sayo.”“Ms. Pruitt, hindi… hindi mo alam paano ako babawi sa kabaitan mo,” sagot ng madre, puno ng luha ang kaniyang mga mata.Tumayo si Freyja at inabot ang tissue sa madre. “Hindi mo ako kailangan bayaran ng kahit ano. Matagal mo na itong ginagawa kaya gagawin ko ang kaya kong gawin para tulungan ka.”…Umalis na silang apat sa lugar ma
“Sige,” sagot ni Daisie. Nang makita ni Nollace na malungkot si Daisie, hinalikan niya ito sa labi at sinabi, “Be a good girl. Pag natapos ko na lahat ng gagawin ko, magiging free na ako para samahan ka.”Walang sinabi si Daisie na kahit ano.Bumaba si Nollace at tinawag si Madam Ames. “Pag gusto ni Daisie na lumabas mamaya, samahan mo siya.”Sumagot si Madam Ames, “Yes, sir.”Nang umalis na sa villa si Nollace, pumunta si Madam Ames sa kusina. Naghahanda na ng lunch ang mga katulong sa kusina para kay Daisie. Nang makita nila si Madam Ames, bumati sila sa kaniya, “Madam Ames.”Tumango si Madam Ames at sinabi, “Handa na ba ang pagkain? Dadalhin ko na sa taas.”Inabot ng katulong ang pagkain ni Daisie kay Madam Ames at naglakad palayo. Tiningnan ni Madam Ames ang masustansyang meal na nasa tray at dinala iyon sa taas.Kumatok siya sa pinto at ilang sandling naghintay. Nang makuha ang permiso ni Daisie, doon lang niya binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto.Nakaupo si Daisie s
Sa administrative office…Isang flashy-looking woman ang nakatanggap ng message at agad na binura iyon. Walang nag-aakala na si Madam Ames ay isang bantay na nilagay sa paligid ni Daisie.‘Siya ang sinasabing royal bride-to-be? Well, hindi na ako makapaghintay na makita siya.’Nang lumabas si Daisie ng elevator, isang babae ang lumapit at huminto sa harap niya. “Ikaw ang royal bride-to-be, ‘di ba?”Tumingin si Daisie at naningkit ang mata niya. Hindi pa niya nakita dati ang babaeng nasa harap niya. “Kilala ba kita?”Inunat ng babae ang kamay niya palapit kay Daisie at sinabi, “Ako si Cecilia Taylor, assistant ako ng His Highness. Isang Earl ang grandpa ko, at minister naman ang dad ko.”Nang hahawakan na sana ni Daisie ang kamay niya, binawi ito ni Cecilia at ngumiti. “Sorry at ang dami kong sinabi sayo. Pero nasa meeting pa rin ang His Highness. Sobrang busy siya kaya nag-aalala ako na baka wala siyang oras para makausap ka.”Napahinto ng ilang sandali si Daisie, pedo agad di
Hinawakan ni Nollace ang ilong niya at nanahimik.Nang binisita niya ang palace noong nakaraan, nilapitan siya ng kaniyang Dad at sinabi sa kaniya ang tungkol sa cabinet meeting. Doon dumating si Cecilia at naging assistant niya. Alam niya na lahat ng iyon ay kagagawan ng mga Taylor.Sinabi ng mga Taylor sa lahat na loyal sila sa pamilya sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga naging tulong nila sa royal family. Pero sa totoo lang, gusto lang nila ma-control ang royal family.Nang buhay pa ang grandfather niya, may ginagawa ang mga Taylor sa likod ng mga tao dahil hindi sila masaya na si Yorrick ang naging Minister of Finance.Sa oras na iyon, pinaalis ng grandfather niya sa cabinet ang isang minister na malapit sa mga Taylor para maging banta na kailangan nilang maging maayos. Kaya naman nagkaroon na ng mababang tingin sa mga Taylor simula noon.Ngayon na namatay na ang grandfather niya at ang mom niya na ang may hawak ng trono, nagsimula na namang maging active ang mga Taylor. Hin