Nagulat sila Leia at Shannon. “Kasal ka na!?” Ngumiti si Freyja pero wala siyang sinabi na kahit ano.Umupo sila Leia at Shannon. Nagulat sila ng malaman na kasal na pala si Freyja. “Oh my gosh! Hindi namin alam na kasal ka na pala. Kailan nangyari?”Tiningnan ni Freyja si Colton. Kinuha ni Colton ang baso ng tubig at uminom siya. “Ngayong taon lang kami kinasal.”“Kaya pala hindi namin alam.” Tumawa si Leia at nagpatuloy. “Hindi naman siguro sikreto ang kasal niyo, ‘no?”Nahihiyang sumagot si Freyja. “Nope…”Nang biglang, tumingin si Shannon kay Colton at tinanong, “Sa Zlokova ka, ‘di ba? Anong trabaho mo?”“Small business lang,” seryosong sagot ni Colton.Hindi makapagsalita si Freyja na tumingin kay Colton.‘Yeah, small business lang. Sobrang liit kaya nakikita mo ang company logo niya kahit saan.’“Sarili mo bang business?” “Well… Pwede nating sabihin na ko,” sagot ni Colton.Pinatong ni Shannon ang baba niya sa kaniyang kamay at ngumiti. “I see. Narinig ko na ang c
Matapat na sinabi ng waiter, “Pero binayaran lang ng lalaki na ‘yon ang share nila at sinabi rin niya na hindi niya kayo kilala.”Mas lalong napahiya si Shannon sa harap-harapang sampal sa mukha niya.Sa kabilang parte ng bayan, sa sasakyan…Hindi mapigilan ni Freyja na tumawa nang malakas. “Akala ko binayaran mo rin ang bill nila.”‘Kung tutuusin, umupo sila nang kusa at nag order ng pagkain nila. Ginawa lang nila ‘yon para sa libreng lunch, hindi ba? Sinong nakakaalam na magiging Dutch si Colton sa pagbayad ng bill.”Hindi nagbago ang ekspresyon ni Colton. “Bakit ko naman babayaran ang sa kanila? Mukha ba akong tanga na maraming pera para gastusin?”Tiningnan siya ni Freyja. “Salamat.”Ang totoo, alam niya na tinutulungan siya ni Colton na makaganti sa mga babae na ‘yon.Bigla niyang tinanong, “Kaya ba hindi mo ako pinapakilala sa mga coursemate mo?”Yumuko si Freyja. “Sa tingin ko lang ay hindi naman kailangan.”Pinahinto niya ang sasakyan, pinarada sa gilid ng kalsada at
Hininaan ni Colton ang boses niya at pinaharap si Freyja. “Nakasuot ka ng ganiyan… Sino ang hindi susuko agad sa laban?”Niyakap ni Freyja si Colton, pinatong ang baba niya sa balikat nito at tumawa. “Paano ang prinsipyo mo?”Kinagat niya ang bow tie ni Freyja, niluwagan at ngumisi. “Sa oras na ‘to, natural lang na iwan ko muna ang mga ‘yon.”Sa Bassburgh, sa martial arts training center…“Grandmaster, ilang araw na ang lumipas at hindi pa pumunta rito ang babae na ‘yon kahit isang araw. Baka nagsisinungaling siya. Sa tingin ko niloloko lang niya tayo nang binanggit niya ang tungkol sa collaboration,” Dismayado na sabi ni Dylan habang nag-aayos ng mga training equipment sa baba, habang ang iba ay nakatitig kay Nick na nakatayo sa likod ng counter, tinitingnan ang mga libro.Sinara ni Nick ang libro sa kamay niya, inangat ang tingin niya at sumulyap sa kalendaryo sa pader.‘Kasinungalingan lang ba ‘yon? Siya ang pumunta dito at nakiusap sa collaboration, at hindi na siya nagpakita
‘Ang totoo, basta gusto niya, pwede akong humanap ng magandang storefront ngayon mismo. Pero gusto niyang magtrabaho sa martial arts training center na ‘yon.’‘Dahil ba kay Nick Wickam?’‘Hindi, kailangan kong umalis at tumingin mamayang tanghali.’Sa parehong oras, sa martial arts training center…Nilinisan ni Cameron ang kwarto niya bago niya pa ayawan ang itsura nito. Nang lumabas siya sa kwarto, nakasalubong niya si Nick na kalalabas lang din sa opisina nito.Hindi siya pinansin ni Nick, tumalikod at umalis.“Hey, kung tutuusin, business partner tayo. Bakit ganiyan ang ugali mo?”Naguluhan si Cameron.‘Kung may galit pa sa akin ang lalaking ‘to, bakit siya papayag na makipagtrabaho sa akin?’Tumigil si Nick, humarap at tiningnan si Cameron. “Mag-business partner lang tayo. Bukod pa doon, malapit ba ang relasyon natin?”Humalukipkip siya. “Tama ka. Magkaribal pa rin tayo.” ‘Nagkikipagtrabaho ako sa karibal ko dahil pareho naming gusto na kumita.’Suminghal si Nick. “Kar
Hindi lang ‘yon, hindi pa nakita ni Cameron ang mga galaw na ginagamit ni Waylon ngayon. Halos nagulat si Cameron.‘Hindi ba nita binigay ang lahat ng kaya niya nang nakikipaglaban siya sa akin noong nasa East Islands pa kami?’Pero, ngayon na kaharap niya si Nick, mukhang malakas ang atake niya, sa sobrang agresibo ay naiinis si Nick doon.Hindi rin tinigil ni Nick ang mga suntok niya. Pero, pagkatapos ng ilang round ng laban, hindi siya naging kampante laban kay Waylon.Tiningnan niya ang background ni Waylon—siya ang official na tagapagmana ng Night Banquet ng Goldmann. Bukod pa doon, magaling si Waylon sa matinding atake at lahat ng galaw niya ay akma sa kahinaan ng kalaban.Natutuwa at kinakabahan ang mga tao na nanonood. Labanan ‘yon ng dalawang pinakamalakas.Hindi man lang kumurap si Cameron sa buong laban. Hindi niya mapigilan isipin na niloko siya ni Waylon.Kung kakalabanin niya si Waylon sa ganitong pangyayari, wala siyang pag-asa na manalo.‘Halata naman na pinipig
Nagulat si Dylan at tinabi ang ointment. “Ganoon ba talaga siya kalakas?”“Siya ang tagapagmana ng Night Banquet ng mga Goldmann. Hindi na nakakagulat na may ganoon siyang kakayahan.” Nanatiling kalmado si Nick sa buong usapan at hindi nagpakita ng inis tungkol sa katotohanan na natalo siya kay Waylon.‘Laging may mas magaling sa akin. Natalo ako ni Wayne sa isang magandang laban.’Ngumuso si Dylan. “Pero sa tingin ko sinadya niya ‘yon na para bang may galit siya sa'yo.”Ngumiti si Nick.‘Hindi galit ang mayroon siya sa akin, o galit nga?’Sa kabilang banda ng siyudad, sa Emperon…Umupo si Cameron sa mesa habang ang isang kamay ay nakalagay sa kaniyang noo, nakatitig sa lalaking nagluluto sa kusina. Pagkatapos makauwi, nagsuot siya ng dark gray na knitted sweater at pares ng light-colored na linen trouser. Pero kahit ano pa ang suot niya, imposible na hindi siya maging gwapo sa mukha niya.Siguro ay dahil sa nakahulma at well-defined niyang mukha at naloko siya nito mula pa nan
Hinayaan ni Cameron na mag-train ang mga bata at umupo sa gilid, tinitingnan niya ang kaniyang phone lagi. Iniisip niya kung masakit ba ang mga sinabi niya kagabi.Biglang, nagsimulang umiyak ang isa sa mga maliit na batang babae. Nalaman ni Cameron na dahil ang ka-sparring nito na batang lalaki ay tinamaan siya nang malakas at nasaktan siya.Kumuha ng ilang tissue si Camera pata punasan ang luha nito. “Sasabihan ko siya na humingi ng sorry, okay? Tingnan mo, hindi ka maganda kapag umiiyak.”Suminga ang bata at nagsimulang tumigil sa pag-iyak.Tiningnan ni Cameron ang lalaki at nakita ang pangalan sa balikat nito: Chadwick Boucher.Nag-iwas ng tingin si Chadwick. “Sobrang hina niya.”Huminga nang malalim si Cameron, lumapit dito at yumuko. “Dapat mag sorry ka sa batang babae.”“Wala akong ginawang mali. Mahina lang siya.”Ngumiti si Cameron. “Tama ka. Mahina siya, pero ano ang inaaral natin sa martial arts?”Hindi siya nagsalita.“Para protektahan ang sarili at magkaroon ng l
“Hindi ko alam kung paano gumagana ang pagiging mag-asawa, o kung paano magparaya. Alam ko na ang pagpaparaya ay hindi ibig sabihin na mamumuhay ka sa kagustuhan ng iba.“Kung… Kung ganito talaga ang pagiging mag-asawa, mas mabuti pang—” Lumapit si Waylon sa kaniya at niyakap siya nito. Natigil si Cameron sa bisig ni Waylon.Mahigpit na niyakap ni Waylon ang braso niya kay Cameron. Hindi niya dapat pinilit si Cameron.“Pasensya na, Cam.”Nakatikom ang labi ni Cameron at binaon ang mukha niya sa balikat ni Waylon.Inangat ni Waylon ang mukha nito at hinalikan ang pagitan ng kilay niya. “Hindi dapat kita pinanatili sa tabi ko at pinaramdam sa'yo na nawalan ka ng kalayaan. Pasensya na.”Tumingin si Cameron sa kaniya. “Natatakot ka ba na lolokohin kita?”Nagulat si Waylon. “Ano?”Pinatunog ni Cameron ang dila niya at nag-iwas ng tingin. “Ayaw mo ako na malapit kay Nick dahil natatakot ka na baka lokohin kita. Kung may namamagitan sa amin, matagal na sana naging kami. Wala ka sana