Hininaan ni Colton ang boses niya at pinaharap si Freyja. “Nakasuot ka ng ganiyan… Sino ang hindi susuko agad sa laban?”Niyakap ni Freyja si Colton, pinatong ang baba niya sa balikat nito at tumawa. “Paano ang prinsipyo mo?”Kinagat niya ang bow tie ni Freyja, niluwagan at ngumisi. “Sa oras na ‘to, natural lang na iwan ko muna ang mga ‘yon.”Sa Bassburgh, sa martial arts training center…“Grandmaster, ilang araw na ang lumipas at hindi pa pumunta rito ang babae na ‘yon kahit isang araw. Baka nagsisinungaling siya. Sa tingin ko niloloko lang niya tayo nang binanggit niya ang tungkol sa collaboration,” Dismayado na sabi ni Dylan habang nag-aayos ng mga training equipment sa baba, habang ang iba ay nakatitig kay Nick na nakatayo sa likod ng counter, tinitingnan ang mga libro.Sinara ni Nick ang libro sa kamay niya, inangat ang tingin niya at sumulyap sa kalendaryo sa pader.‘Kasinungalingan lang ba ‘yon? Siya ang pumunta dito at nakiusap sa collaboration, at hindi na siya nagpakita
‘Ang totoo, basta gusto niya, pwede akong humanap ng magandang storefront ngayon mismo. Pero gusto niyang magtrabaho sa martial arts training center na ‘yon.’‘Dahil ba kay Nick Wickam?’‘Hindi, kailangan kong umalis at tumingin mamayang tanghali.’Sa parehong oras, sa martial arts training center…Nilinisan ni Cameron ang kwarto niya bago niya pa ayawan ang itsura nito. Nang lumabas siya sa kwarto, nakasalubong niya si Nick na kalalabas lang din sa opisina nito.Hindi siya pinansin ni Nick, tumalikod at umalis.“Hey, kung tutuusin, business partner tayo. Bakit ganiyan ang ugali mo?”Naguluhan si Cameron.‘Kung may galit pa sa akin ang lalaking ‘to, bakit siya papayag na makipagtrabaho sa akin?’Tumigil si Nick, humarap at tiningnan si Cameron. “Mag-business partner lang tayo. Bukod pa doon, malapit ba ang relasyon natin?”Humalukipkip siya. “Tama ka. Magkaribal pa rin tayo.” ‘Nagkikipagtrabaho ako sa karibal ko dahil pareho naming gusto na kumita.’Suminghal si Nick. “Kar
Hindi lang ‘yon, hindi pa nakita ni Cameron ang mga galaw na ginagamit ni Waylon ngayon. Halos nagulat si Cameron.‘Hindi ba nita binigay ang lahat ng kaya niya nang nakikipaglaban siya sa akin noong nasa East Islands pa kami?’Pero, ngayon na kaharap niya si Nick, mukhang malakas ang atake niya, sa sobrang agresibo ay naiinis si Nick doon.Hindi rin tinigil ni Nick ang mga suntok niya. Pero, pagkatapos ng ilang round ng laban, hindi siya naging kampante laban kay Waylon.Tiningnan niya ang background ni Waylon—siya ang official na tagapagmana ng Night Banquet ng Goldmann. Bukod pa doon, magaling si Waylon sa matinding atake at lahat ng galaw niya ay akma sa kahinaan ng kalaban.Natutuwa at kinakabahan ang mga tao na nanonood. Labanan ‘yon ng dalawang pinakamalakas.Hindi man lang kumurap si Cameron sa buong laban. Hindi niya mapigilan isipin na niloko siya ni Waylon.Kung kakalabanin niya si Waylon sa ganitong pangyayari, wala siyang pag-asa na manalo.‘Halata naman na pinipig
Nagulat si Dylan at tinabi ang ointment. “Ganoon ba talaga siya kalakas?”“Siya ang tagapagmana ng Night Banquet ng mga Goldmann. Hindi na nakakagulat na may ganoon siyang kakayahan.” Nanatiling kalmado si Nick sa buong usapan at hindi nagpakita ng inis tungkol sa katotohanan na natalo siya kay Waylon.‘Laging may mas magaling sa akin. Natalo ako ni Wayne sa isang magandang laban.’Ngumuso si Dylan. “Pero sa tingin ko sinadya niya ‘yon na para bang may galit siya sa'yo.”Ngumiti si Nick.‘Hindi galit ang mayroon siya sa akin, o galit nga?’Sa kabilang banda ng siyudad, sa Emperon…Umupo si Cameron sa mesa habang ang isang kamay ay nakalagay sa kaniyang noo, nakatitig sa lalaking nagluluto sa kusina. Pagkatapos makauwi, nagsuot siya ng dark gray na knitted sweater at pares ng light-colored na linen trouser. Pero kahit ano pa ang suot niya, imposible na hindi siya maging gwapo sa mukha niya.Siguro ay dahil sa nakahulma at well-defined niyang mukha at naloko siya nito mula pa nan
Hinayaan ni Cameron na mag-train ang mga bata at umupo sa gilid, tinitingnan niya ang kaniyang phone lagi. Iniisip niya kung masakit ba ang mga sinabi niya kagabi.Biglang, nagsimulang umiyak ang isa sa mga maliit na batang babae. Nalaman ni Cameron na dahil ang ka-sparring nito na batang lalaki ay tinamaan siya nang malakas at nasaktan siya.Kumuha ng ilang tissue si Camera pata punasan ang luha nito. “Sasabihan ko siya na humingi ng sorry, okay? Tingnan mo, hindi ka maganda kapag umiiyak.”Suminga ang bata at nagsimulang tumigil sa pag-iyak.Tiningnan ni Cameron ang lalaki at nakita ang pangalan sa balikat nito: Chadwick Boucher.Nag-iwas ng tingin si Chadwick. “Sobrang hina niya.”Huminga nang malalim si Cameron, lumapit dito at yumuko. “Dapat mag sorry ka sa batang babae.”“Wala akong ginawang mali. Mahina lang siya.”Ngumiti si Cameron. “Tama ka. Mahina siya, pero ano ang inaaral natin sa martial arts?”Hindi siya nagsalita.“Para protektahan ang sarili at magkaroon ng l
“Hindi ko alam kung paano gumagana ang pagiging mag-asawa, o kung paano magparaya. Alam ko na ang pagpaparaya ay hindi ibig sabihin na mamumuhay ka sa kagustuhan ng iba.“Kung… Kung ganito talaga ang pagiging mag-asawa, mas mabuti pang—” Lumapit si Waylon sa kaniya at niyakap siya nito. Natigil si Cameron sa bisig ni Waylon.Mahigpit na niyakap ni Waylon ang braso niya kay Cameron. Hindi niya dapat pinilit si Cameron.“Pasensya na, Cam.”Nakatikom ang labi ni Cameron at binaon ang mukha niya sa balikat ni Waylon.Inangat ni Waylon ang mukha nito at hinalikan ang pagitan ng kilay niya. “Hindi dapat kita pinanatili sa tabi ko at pinaramdam sa'yo na nawalan ka ng kalayaan. Pasensya na.”Tumingin si Cameron sa kaniya. “Natatakot ka ba na lolokohin kita?”Nagulat si Waylon. “Ano?”Pinatunog ni Cameron ang dila niya at nag-iwas ng tingin. “Ayaw mo ako na malapit kay Nick dahil natatakot ka na baka lokohin kita. Kung may namamagitan sa amin, matagal na sana naging kami. Wala ka sana
Tumikhim si Waylon at ginulo ang buhok nito. “Tita mo ‘yon.”Nagulat si Chadwick. Ang ‘lalaking’ yon ay ‘tita’ niya?Hindi ‘yon ipinaliwanag sa kaniya ni Waylong nang maayos, kaya mali ang pagkakaintindi ni Chadwick.Habang nasa training, tingin nang tingin si Chadwick kay Cameron habang kakaiba ang titig.Tumaas ang balahibo ni Cameron dahil may nakatitig sa kaniya. Tumingin siya sa paligid at napansin na yung maliit na bata ‘yon.Napagtanto ng bata na nakita siya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa training.Habang nagpapahinga sila, tumabi si Chadwick para uminom. Magdadala lagi ang astig na lalaki ng tubig kahit saan siya mapunta.“Chadwick Boucher ang pangalan mo, hindi ba?”Nang marinig niya ang boses ni Cameron, nanginig siya at halos matapon ang inumin. “Oo, anong maitutulong ko sa inyo?”Natigil si Cameron dahil parang matanda magsalita ang batang lalaki.Hindi niya gaano inisip ‘yon at yumuko siya para tingnan si Chadwick. “Napansin ko na maganda a
Ngumiti si Waylon at nilagay ang buhok ni Cameron sa likod nito, pinakita ang kaniyang noo. Dinampian niya ng halik ang pagitan ng kilay ni Cameron.Nakita ni Waylon at Cameron si Chadwick sa school kinabukasan. Lumabas si Chadwick sa classroom niya, nakita niya na may kasamang babae si Waylon at natigil siya.‘Kakaiba ang mga matatanda. Lalaki ang kasama niya noong nakaraan pero babae naman ang kasama niya ngayon.’Kumaway si Waylon. “Chaddy, tara at kilalanin mo ang tita mo.”Kinabahan si Chadwick. “Ilang asawa ba ang mayroon kayo?”Hindi mapigilan ni Cameron na tumawa.Tinulak siya palapit ni Waylon. “Tingnan mo nang maigi.”Ngumiti si Cameron sa kaniya. “Hello Chadwick, nagkita tayo ulit.”Napagtanto ni Chadwick na pamilyar si Cameron at napalitan ng gulat ang ekspresyon niya. “Ikaw si Master Southern!?”Nag-thumbs up si Cameron. “Ang galing.”Mas lalo siyang nandiri. “Bakit ka nakapambabae?”Natahimik si Cameron. ‘Pwede bang bugbugin ko na lang siya?’Pagkatapos ipaliw