Tumikhim si Waylon at ginulo ang buhok nito. “Tita mo ‘yon.”Nagulat si Chadwick. Ang ‘lalaking’ yon ay ‘tita’ niya?Hindi ‘yon ipinaliwanag sa kaniya ni Waylong nang maayos, kaya mali ang pagkakaintindi ni Chadwick.Habang nasa training, tingin nang tingin si Chadwick kay Cameron habang kakaiba ang titig.Tumaas ang balahibo ni Cameron dahil may nakatitig sa kaniya. Tumingin siya sa paligid at napansin na yung maliit na bata ‘yon.Napagtanto ng bata na nakita siya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa training.Habang nagpapahinga sila, tumabi si Chadwick para uminom. Magdadala lagi ang astig na lalaki ng tubig kahit saan siya mapunta.“Chadwick Boucher ang pangalan mo, hindi ba?”Nang marinig niya ang boses ni Cameron, nanginig siya at halos matapon ang inumin. “Oo, anong maitutulong ko sa inyo?”Natigil si Cameron dahil parang matanda magsalita ang batang lalaki.Hindi niya gaano inisip ‘yon at yumuko siya para tingnan si Chadwick. “Napansin ko na maganda a
Ngumiti si Waylon at nilagay ang buhok ni Cameron sa likod nito, pinakita ang kaniyang noo. Dinampian niya ng halik ang pagitan ng kilay ni Cameron.Nakita ni Waylon at Cameron si Chadwick sa school kinabukasan. Lumabas si Chadwick sa classroom niya, nakita niya na may kasamang babae si Waylon at natigil siya.‘Kakaiba ang mga matatanda. Lalaki ang kasama niya noong nakaraan pero babae naman ang kasama niya ngayon.’Kumaway si Waylon. “Chaddy, tara at kilalanin mo ang tita mo.”Kinabahan si Chadwick. “Ilang asawa ba ang mayroon kayo?”Hindi mapigilan ni Cameron na tumawa.Tinulak siya palapit ni Waylon. “Tingnan mo nang maigi.”Ngumiti si Cameron sa kaniya. “Hello Chadwick, nagkita tayo ulit.”Napagtanto ni Chadwick na pamilyar si Cameron at napalitan ng gulat ang ekspresyon niya. “Ikaw si Master Southern!?”Nag-thumbs up si Cameron. “Ang galing.”Mas lalo siyang nandiri. “Bakit ka nakapambabae?”Natahimik si Cameron. ‘Pwede bang bugbugin ko na lang siya?’Pagkatapos ipaliw
Kinakabahang tanong ni Diana, “Honey, sa tingin mo ba magugustuhan ni Daisie ang mga regalo na ito o hindi? Paano kung hindi niya magustuhan? Hmm… Parang may kulang. Kailangan pa ba natin bumili?”Minasahe ni Rick ang sintido niya at umiling na lang. Hindi ganito mag-alala ang misis niya kapag naghahanda ng regalo sa kaniyang birthday.Hindi nagtagal, tumawag ang katulong mula sa baba. “Ma'am, nandito na si Master Nollace.”Iniwan ni Diana ang asawa niya sa tabi at nagmamadaling bumaba. Nang makita niya si Daise at Nollace, lumapit siya sa kanila nang may ngiti sa mukha.Hindi niya pinansin si Nollace, lumapit siya agad kay Daisie at niyakap ito. “Daisie, binisita mo na rin ako sa wakas. Alam mo ba kung gaano kita ka-miss?”Naranasan na ni Daisie ang sigla ni Diana. Habang nakangiti, sinabi niyang, “Ako rin, Mom.”Nagulat si Diana. Hindi siya makapaniwala na tumingin kay Daisie at itinanong, “Anong tinawag mo sa akin?”“Mom?” Hindi mo gusto?” Naisip ni Daisie na hindi gusto ni D
Ngumiti si Daisie. “Okay lang ‘yan. Pwede naman ako kumain ng kahit ano.”“Sige. Bababa muna ako.”Bago pa umalis si Diana, tiningnan niya si Nollace at sinabi, “Huwag mong subukan na saktan si Daisie, naiintindihan mo?”Hindi nakapagsalita si Nollace.Nang umalis si Diana, hindi na napigilan ni Daisie ang sarili niya at tumawa. “Nakakatuwa pa rin talaga ang mom mo.”Natawa na rin si Nollace. “Iyon ay dahil gusto ka niya.”Tiningnan siya ni Daisie at sinabi, “Gusto ka rin naman niya. Lalo na't ikaw lang ang nag-iisa niyang anak.”Nagulat si Nollace. Alam niyang pinapagaan ni Daisie ang loob niya at tumawa. “Nag-aalala ka ba na baka magalit ako?”Walang sinabi na kahit ano si Daisie.Hinaplos ni Nollace ang buhok niya at hinalikan ang noo ni Daisie. “Mabuti ng gusto ka ng mom ko. Kung pwede lang ibigay ko na sayo ang lahat ng pagmamahal dito sa mundo.”Habang kumakain sila ng dinner, kinakausap lang ni Diana si Daisie at hindi niya pinapansin ang kanyang anak at asawa.“Sweet
Hindi nakapagsalita si Nollace. Kinabukasan, sa National Film and Television College…Hinahanda ni Freyja sa classroom ang script niya para sa short film nang biglang dumating si Shannon, Leia, at ilan nilang kaklase. Sabi ni Shannon, “Siya nga pala, may sorority party mamaya sa bahay ng boyfriend ko. Gusto mo ba pumunta?” “Ano? May boyfriend ka”“Yeah, lagpas na kami isang buwan. Hindi ko na naipakilala sayo pero makikita mo naman siya ngayon.”“Naiinggit ako sayo. Ano namang trabaho ng boyfriend mo?” Ngumiti si Shannon at sumagot, “May business ang pamilya niya. Nitong nakaraan ay plano na ng Dad niyang siya ang magmana ng kompanya.”Matapos magsimula ni Shannon, lumapit siya kay Freyja at tinanong, “Freyja, pupunta ka ba? Pwede mo rin isama ang asawa mo.”Mahigpit na tinikom ni Freyja ang labi niya. Parang nalaman na ni Shannon na tatanggihan siya ni Freyja kaya nagpatuloy siya. “Huwag ka mag-alala. Magkakaibigan naman tayo lahat. Sumama ka na sa amin para masaya.”“T
Tiningnan ni Colton ang contract. Matapos ang ilang sandali, pinirmahan niya ang kaniyang pangalan, at nilagyan din iyon ng stamp ng kaniyang lawyer. Matapos nilang umalis, nakatanggap ng tawag si Colton kay Maisie. Sinagot niya ang tawag at sinabi, “Mom?” Sabi ni Maisie, “Cole, bumalik na sa Yaramoor na sila Daisie at Nolly. Pag nagkaroon ka ng oras, bisitahin mo ang mga Knowles. Huwag mo kalimutan magdala ng regalo.” “Ano? Nasa Yaramoor na sila?”“Buntis di Daisie kaya syempre kailangan niya bumalik sa Yaramoor kasama si Nolly. Dahil nasa Yaramoor ka na, bumisita ka na lang madalas sa mga Knowles para naman maging maayos ang relasyon sa pagitan ng pamilya natin. Huwag mo hayaan na maramdaman ng mga Knowles na wala tayong ginagawa. Naiintindihan mo?” Tinikom ni Colton ang labi niya. “Okay.”Matapos niyang ibaba ang tawag, tiningnan niya ang labas ng bintana. Kung buntis si Daisie, ibig sabihin ba ay magiging uncle na rin si Colton?Para sa anak ni Daisie, parang kailangan t
“Anong ginagawa niyo guys? Nagdala ako ng wine para sa inyo.” Lumapit ang lalaki na may dalang dalawang bote ng wine. May dalawang lalaki rin na nakatayo sa tabi niya. Hindi pa nakita ni Shannon ang dalawang lalaki na iyon dati kaya ilang sandali siyang nagulat. Lumapit siya sa boyfriend niya at tinanong, “Kaibigan mo ba sila?”Tinanong ng lalaki. “Okay lang naman sa inyo guys, ‘di ba?”Bago pa nakapagsalita si Shannon, dalawang babaeng estudyante ang nagsalita at nagbiro, “Syempre, ayos lang sa amin.”Nagpatuloy ang party.Nakatayo lang si Freyja sa gilid ng drill habang dalawang lalaki ang masayang nasa pool kasama ang ilang babae. Masyado ng nagiging malapit ang mga lalaki sa mga babae kaya napakunot ng noo si Freyja. Hindi niya alam kung bakit pero nasa isip niya na parang walang balak na tama ang boyfriend ni Shannon. Para sa kaniya ay parang walang pakialam ang boyfriend ni Shannon sa mga coursemates nila. Kung hindi, dapat hindi siya nagdala ng dalawang lalaking hindi nama
Bahagyang nagulat si Shannon. Tinitigan niya si Freyja at napakagat ng kaniyang labi.Nagulat din si Freyja. Lalo na't, hindi naman niya maalala na sinabi niya kay Colton ang venue. ‘Paano niya nalaman na nandito ako?’Tiningnan nang maigi ng boyfriend ni Shannon si Colton. “Sino ka?"Matapos iyon, bahagyang naiirita ang ekspresyon niya nang tinanong si Shannon. “Kaibigan mo ba ito?”Lumapit si Freyja kay Colton. “Paano mo nalaman na nandito ako?”Walang ekspresyon na tiningnan ni Colton ang mga tao sa likod ni Freyja, inunat niya ang kaniyang kamay at niyakap ito. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito?” “Oh my God! Siya ba ang asawa ni Freyja?” “‘Di ba sabi ni Shannon kanina na ang asawa ni Freyja ay isang entrepreneur na nag uumpisa pa lang ng kaniyang sariling business? Ang mga kotse na dala niya… Ang halaga ng lahat ng ‘yon ay pwede na makabili ng kahit sinong tao dito sa villa, tama?” Habang nakikinig sa mga bulungan sa kaniyang paligid, kinuyom ni Shannon