Bahagyang nagulat si Shannon. Tinitigan niya si Freyja at napakagat ng kaniyang labi.Nagulat din si Freyja. Lalo na't, hindi naman niya maalala na sinabi niya kay Colton ang venue. ‘Paano niya nalaman na nandito ako?’Tiningnan nang maigi ng boyfriend ni Shannon si Colton. “Sino ka?"Matapos iyon, bahagyang naiirita ang ekspresyon niya nang tinanong si Shannon. “Kaibigan mo ba ito?”Lumapit si Freyja kay Colton. “Paano mo nalaman na nandito ako?”Walang ekspresyon na tiningnan ni Colton ang mga tao sa likod ni Freyja, inunat niya ang kaniyang kamay at niyakap ito. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito?” “Oh my God! Siya ba ang asawa ni Freyja?” “‘Di ba sabi ni Shannon kanina na ang asawa ni Freyja ay isang entrepreneur na nag uumpisa pa lang ng kaniyang sariling business? Ang mga kotse na dala niya… Ang halaga ng lahat ng ‘yon ay pwede na makabili ng kahit sinong tao dito sa villa, tama?” Habang nakikinig sa mga bulungan sa kaniyang paligid, kinuyom ni Shannon
Sumandal si Colton sa upuan. “Pag dinala na natin ang Dad mo dito, ito na ang magiging bahay mo simula ngayon.” Nagulat si Freyja at tinitigan si Colton. “Ikaw…”“Hindi mo ako kailangang pasalamatan agad.” Hinaplos ni Colton ang buhok ni Freyja, niyakap nito ito, at may binulong. “Lalo na't, hindi ko pa rin matanggap na mababa ang tingin nila sa asawa ko kanina.”Namula ang mata ni Freyja, at nanliit ang kaniyang puso at parang wala ng pakiramdam. Matapos lumabas ang lahat sa sasakyan, nagulat ulit sila.Walang makapaniwala na ito ang bahay ng asawa ni Freyja.‘Hindi na nakakapagtaka bakit ayaw niyang manatili doon kanina. Sobrang laki ng lugar na ito kumpara sa villa ng boyfriend ni Shannon.‘May helipad pa sa lawn at may rose garden na nakapalibot sa villa. Kung pupunta tayo sa backyard, baka maligaw pa tayo, tama? Hinatid sila ni Colton sa rose garden, halos higit sa isang dosenang katulong ang nag-aayos ng venue ng kanilang party. Nakabalot ng puting tela ang mahabang me
Habang nag-uusap sila, dumating si Colton sa likod ni Freyja at nilagay niya ang kamay niya sa balikat nito. “Pinag-uusapan niyo ba ako guys?” Nakangiti na sumagot ang isang bisita, “Tinatanong lang namin si Freyja paano ka niya nakilala.”“Talaga?” Naningkit ang mata ni Colton, tiningnan niya ang babaeng nakaupo sa harap niya at masayang sinabi, “Pareho kami ng school noong college. Hindi talaga masasabi na isang love at first sight iyon pero totoong story ‘yon ng isang true love.”Nagulat si Freyja, parang may mali sa kwento ni Colton kaya tinaas niya ang kaniyang ulo. “Anong pinag-uusapan niyo?” “‘Di ba ganun naman talaga ang nangyari?” Lumapit si Colton at tinitigan si Freyja. “Iniisip ko kung sino ba ang babaeng hindi ako makalimutan, sobra niya akong iniisip at talagang pumunta pa siya sa Zlokova para lang makita ako.”Namumula ang tainga ni Freyja.Hinaplos ni Colton ang kaniyang tainga gamit ang kaniyang daliri at ngumisi. “Sinasabi mo ba na walang hiyang lalaki ang Dad
“Pero gusto ba talaga nila umalis sa kompanya? Pakiramdam lang siguro nila ay masyado silang maraming ginagawa kaya nagrereklamo sila. Kung ganun ay bibigyan na lang natin sila ng opportunity na umalis sa kompanya. Doon lang tatahimik ang bibig nila, habang ang iba naman na hindi gustong umalis ay makakaramdam ng pros and cons at gagawa sila ng desisyon base sa kalagayan nila ngayon. At pag nangyayari iyon, kailangan lang natin damihan ang benefits at itaas ng sweldo nila. Kung ganun, ano na sa tingin mo ang nasa isip nila?”Inisip iyon nang mabuti ni Hedeon. “I see. Iisipin nila na pang-akim lang ang notice na nagsasabi sa kanilang mag-resign.” Nagbukas ang pinto ng elevator, at pumasok sa loob si Nollace. “Iisipin nila na isang kalokohan lang iyon, matutuwa pa sila na pinili nilang manatili, at yung mga umalis naman ng kumpanya ay hindi na mararanasan ang ilang benepisyo pati ang taas ng sweldo. Kung ganun, natural lang na hihinto na ang mga reklamo.” Hindi nakapagsalita si Hede
Samantala, paisa-isang hinatid ni Freyja palabas ng villa ang mga coursemate niya.Pumunta si Leia sa sasakyan, biglang tumigil, at humarap para tumingin kay Freyja. “Salamat sa pagtanggap, at kailangan ko humingi sa'yo ng tawad.”Bahagyang nagulat si Freyja.Yumuko si Leia. “Itinuturing ko na kaibigan si Shannon. Sinisi ka niya nang sinisiraan ka niya noon. Kahit na wala naman akong pakialam doon, dapat pinigilan ko siya. Pasensya na doon.”Bahagyang tinikom ni Freyja ang labi niya. Lagi siyang nag-iisa at ayaw niyang magkaroon ng malapit na koneksyon sa iba, kaya wala siyang pakialam sa iniisip ng iba sa kaniya.Mukha lang na wala siyang pakialam doon sa kaniyang panlabas, pero sa loob niya ay may pakialam siya.Bahagya siyang nagulat na humingi si Leia ng tawad sa kaniya pero nakaramdam din siya ng init sa kaniyang dibdib. “Ayos lang.”“Freyja, totoong totoo ka kapag kasama mo ang asawa mo. Kahit na palakaibigan ka naman kapag kasama ka namin, nakikita ko na peke lang ang ngi
Kahit na hindi malaki at magarbo ang Pruitt manor, matagal na itong itinayo at isang antique na bahay.Nasa bahagyang abala na parte ng siyudad ito at kung maibebenta ito sa mababang halaga, malaking kawalan ‘yon.Patuloy na tumataas ang halaga ng mga ari-arian sa lugar na ‘yon at mahal na naibebenta. Walang rason para ibenta ito.Tiningnan ni Brandon ang kwarto na ilang dekada niyang tinirahan. Puno iyon ng alaala at hindi niya ‘yon ibebenta.Ilang kahon ang nilagay sa sasakyan habang nakatayo si Brandon sa hardin, nakatingin siya sa lumang bahay. Sumakay siya sa sasakyan pagkatapos ng ilang sandali.Kinabukasan…Bumalik si Freyja sa college para magpasa ng application sa shoot. Nakasalubong niya si Leia at ilang tao nang lumabas siya sa opisina.Nang maalala ang nangyari kahapon, kinagat niya ang kaniyang labi at lumapit. “Good morning.”Natigil ang magkakaibigan dahil nagulat sila. Hindi sila binabati ni Freyja noon.Tiningnan siya ni Leia. “Morning, Freyja.”Ngumiti ang i
“Anong ibig sabihin nito?”Kumunot si Freyja, pero lumapit si Shannon at hinawakan ang kwelyo nito bago siya magsalita. “Inilayo nila ako dahil sa'yo. Ito ang gusto mo, hindi ba?”Ginalaw ni Freyja ang kamay nito at tinulak. “Anong kinalaman ko diyan?”“Matagal ka nang nagsisinungaling sa akin. Plano niyo ito ng asawa mo, hindi ba? Bakit siya dumating pagkatapos mong sabihin na hindi siya darating? Kung hindi dahil sa'yo, hindi sana sila umalis. Kasalanan mo ito lahat!”Tinuon ni Shannon ang lahat ng galit niya kay Freyja dahil pinahiya siya nito sa harap ng lahat at naging dahilan kung bakit siya nilalayuan.Hindi siya pinansin ni Freyja at aalis na sana.Hinawakan siya ni Shannon at hindi hinayaan na makaalis si Freyja. “Hindi kita hahayaan na makaalis hanggang sa maayos natin ito.”Sa oras na ‘yon, dumating si Leia. “Shannon, anong ginagawa mo?”Lumapit siya para hilain si Shannon. “Baliw ka ba?”Tinulak siya palayo ni Shannon. “Ano? Walang taon na tayong magkaibigan, nakal
Tumingin si Leia kay Freyja. “Huwag mo na siyang pansinin. Nasanay siya na napapalibutan ng tao, kaya masama loob non ngayong mag-isa na lang siya. Magiging ayos din siya kapag natanggap niya na.”Ngumiti si Freyja at tumango.Samantala, sa Knowles mansion…Nakaparada ang sasakyan sa labas. Lumabas si Colton na may regalo at pumunta sa hardin. Lumabas si Peter sa bahay. “Ikaw ba si Mr. Goldmann?”Tumango si Colton.“Dito po.” Tumabi si Peter at inilahad ang braso niya.Pumasok si Colton sa mansion habang si Diana at ang asawa nito ay nakaupo sa living room. Nang malaman nila na bibisita ang kapatid ni Daisie, naghanda sila.Hinatid ni Peter si Colton sa living room nang tumayo si Diana habang nakangiti. “Ikaw siguro ang kapatid ni Daise. Maupo ka.”Umupo si Colton at nilagay ang box ng regalo sa mesa. “Wala pang oras ang mom ko para pumunta at bumisita, kaya sinabihan nila ako na pumunta. Ito ang maliit na regalo na hinanda ko para sa'yo.”“Masaya ako na nandito ka.” May naala