Matapos magdalawang-isip ng ilang sandali, nag-igting ang ngipin ni Alan at sinabi niya na si Zoey ang mastermind sa nangyaring aksidente.Nilagay ni Cameron ang kamay niya sa kaniyang baba at sinabi, “Oh, yung artista na pinaghahanap ngayon?”Sinabi ni Alan sa kanila na kailangan niyang magtago dahil marami siyang utang. Para makabayad siya, tinutulungan niya ang kaibigan niya magbantay ng casino sa town. Dating artista ang pinsan ang kaibigan niya at nagtatrabaho naman iyon sa casino matapos niyang galitin ang mga Goldmann. Bata pa ang babae, maganda, at may magandang katawan. Alam niya kung paano akitin ang mga lalaki kaya maraming lalaki ang pumupunta sa casino dahil sa kaniya. Kahit gaano kalaki ng mapalanuhan nila o matalo, gusto lang nila na makatabi matulog ang babae.Tinanong ni Cameron, “Si Zoey ba ang tinutukoy mo?”Umiling si Alan. “Hindi. Si Zoey ang naghanap sa kaniya para manghingi ng tulong. Ang babae na ‘yon ay si Tiffany.”May biglang naalala sa narinig na pang
Nang mahuli ng mga pulis si Zoey at Tiffany, wala sa kanila ang nakasuot ng damit. Isang linggo ang lumipas, lumabas na ng ospital si Daisie. Tumakbo palapit sa kaniya ang mga reporters nang makita siya, maraming mga tanong ang sinabi kay Daisie, tungkol sa anak niya o kung si Zoey ba talaga ang salarin kaya napunta siya sa ospital. Hinarangan ni Nollace si Daisie at sumagot, “Salamat sa concern niyo. Ayos lang ang asawa at anak ko.” Hinawakan ni Daisie ang kamay ni Nollace at ngumiti.Mahigpit siyang niyakap ni Nolltat naglakad sila palapit sa sasakyan na nasa labas kung saan may mga bodyguard na nakapalibot. Nang makapasok sa kotse, umalis na sila habang nanonood ang mga reporters.Nang bumalik sila sa Goldmann mansion, inutusan ni Maisie ang mga katulong na maghanda ng lunch. Tiningnan ni Daisie ang masasarap na putahe sa mesa at napasabi na lang, “Mom, hindi ba sobra-sobra naman yata ito?” “Sobra na ba ito sayo?” Lahat ng pagkain na ito ay maganda para sa kalusugan mo
Lumingon si Colton kay Freyja.”Bakit? Ayaw mong makita ako ng iba? Hindi ba ako presentable?” Hindi pa pinakilala ni Freyja si Colton sa mga kaklase niya simula nung dumating ito sa Yaramoor. Tuwing pupunta si Colton sa university para sunduin siya, kailangan niyang magtago. ‘Iniisip niya ba na pangit ako o ano?’Nagulat si Freyja. “Sinabi ko na ba ‘yan dati?” “Hindi mo ‘yan sinabi dati, pero paano ko naman malalaman ang nasa isip mo.” Sumandal si Colton sa upuan at malungkot na sinabi, “Lagi mo na lang ako iniiwan sa bahay tapos aalis ka para makasama mga kaklase mo. Bakit hindi mo ako ipakilala sa kanila? Pare-pareho lang kayong mga babae. Kahit kasal na, gusto niyo pa rin mamuhay mag-isa.”Tumawa si Freyja at hinawakan ang kamay ni Colton. “Hindi naman sa ayaw kitang ipakilala sa mga kaklase ko at mas lalong hindi dahil hindi ka presentable.” Inalis ni Colton ang kamay niya sa pagkkahawak ni Freyja at tumingin sa labas ng bintana. “Anong dahilan?” Sumandal si Freyja sa u
Nagulat sila Leia at Shannon. “Kasal ka na!?” Ngumiti si Freyja pero wala siyang sinabi na kahit ano.Umupo sila Leia at Shannon. Nagulat sila ng malaman na kasal na pala si Freyja. “Oh my gosh! Hindi namin alam na kasal ka na pala. Kailan nangyari?”Tiningnan ni Freyja si Colton. Kinuha ni Colton ang baso ng tubig at uminom siya. “Ngayong taon lang kami kinasal.”“Kaya pala hindi namin alam.” Tumawa si Leia at nagpatuloy. “Hindi naman siguro sikreto ang kasal niyo, ‘no?”Nahihiyang sumagot si Freyja. “Nope…”Nang biglang, tumingin si Shannon kay Colton at tinanong, “Sa Zlokova ka, ‘di ba? Anong trabaho mo?”“Small business lang,” seryosong sagot ni Colton.Hindi makapagsalita si Freyja na tumingin kay Colton.‘Yeah, small business lang. Sobrang liit kaya nakikita mo ang company logo niya kahit saan.’“Sarili mo bang business?” “Well… Pwede nating sabihin na ko,” sagot ni Colton.Pinatong ni Shannon ang baba niya sa kaniyang kamay at ngumiti. “I see. Narinig ko na ang c
Matapat na sinabi ng waiter, “Pero binayaran lang ng lalaki na ‘yon ang share nila at sinabi rin niya na hindi niya kayo kilala.”Mas lalong napahiya si Shannon sa harap-harapang sampal sa mukha niya.Sa kabilang parte ng bayan, sa sasakyan…Hindi mapigilan ni Freyja na tumawa nang malakas. “Akala ko binayaran mo rin ang bill nila.”‘Kung tutuusin, umupo sila nang kusa at nag order ng pagkain nila. Ginawa lang nila ‘yon para sa libreng lunch, hindi ba? Sinong nakakaalam na magiging Dutch si Colton sa pagbayad ng bill.”Hindi nagbago ang ekspresyon ni Colton. “Bakit ko naman babayaran ang sa kanila? Mukha ba akong tanga na maraming pera para gastusin?”Tiningnan siya ni Freyja. “Salamat.”Ang totoo, alam niya na tinutulungan siya ni Colton na makaganti sa mga babae na ‘yon.Bigla niyang tinanong, “Kaya ba hindi mo ako pinapakilala sa mga coursemate mo?”Yumuko si Freyja. “Sa tingin ko lang ay hindi naman kailangan.”Pinahinto niya ang sasakyan, pinarada sa gilid ng kalsada at
Hininaan ni Colton ang boses niya at pinaharap si Freyja. “Nakasuot ka ng ganiyan… Sino ang hindi susuko agad sa laban?”Niyakap ni Freyja si Colton, pinatong ang baba niya sa balikat nito at tumawa. “Paano ang prinsipyo mo?”Kinagat niya ang bow tie ni Freyja, niluwagan at ngumisi. “Sa oras na ‘to, natural lang na iwan ko muna ang mga ‘yon.”Sa Bassburgh, sa martial arts training center…“Grandmaster, ilang araw na ang lumipas at hindi pa pumunta rito ang babae na ‘yon kahit isang araw. Baka nagsisinungaling siya. Sa tingin ko niloloko lang niya tayo nang binanggit niya ang tungkol sa collaboration,” Dismayado na sabi ni Dylan habang nag-aayos ng mga training equipment sa baba, habang ang iba ay nakatitig kay Nick na nakatayo sa likod ng counter, tinitingnan ang mga libro.Sinara ni Nick ang libro sa kamay niya, inangat ang tingin niya at sumulyap sa kalendaryo sa pader.‘Kasinungalingan lang ba ‘yon? Siya ang pumunta dito at nakiusap sa collaboration, at hindi na siya nagpakita
‘Ang totoo, basta gusto niya, pwede akong humanap ng magandang storefront ngayon mismo. Pero gusto niyang magtrabaho sa martial arts training center na ‘yon.’‘Dahil ba kay Nick Wickam?’‘Hindi, kailangan kong umalis at tumingin mamayang tanghali.’Sa parehong oras, sa martial arts training center…Nilinisan ni Cameron ang kwarto niya bago niya pa ayawan ang itsura nito. Nang lumabas siya sa kwarto, nakasalubong niya si Nick na kalalabas lang din sa opisina nito.Hindi siya pinansin ni Nick, tumalikod at umalis.“Hey, kung tutuusin, business partner tayo. Bakit ganiyan ang ugali mo?”Naguluhan si Cameron.‘Kung may galit pa sa akin ang lalaking ‘to, bakit siya papayag na makipagtrabaho sa akin?’Tumigil si Nick, humarap at tiningnan si Cameron. “Mag-business partner lang tayo. Bukod pa doon, malapit ba ang relasyon natin?”Humalukipkip siya. “Tama ka. Magkaribal pa rin tayo.” ‘Nagkikipagtrabaho ako sa karibal ko dahil pareho naming gusto na kumita.’Suminghal si Nick. “Kar
Hindi lang ‘yon, hindi pa nakita ni Cameron ang mga galaw na ginagamit ni Waylon ngayon. Halos nagulat si Cameron.‘Hindi ba nita binigay ang lahat ng kaya niya nang nakikipaglaban siya sa akin noong nasa East Islands pa kami?’Pero, ngayon na kaharap niya si Nick, mukhang malakas ang atake niya, sa sobrang agresibo ay naiinis si Nick doon.Hindi rin tinigil ni Nick ang mga suntok niya. Pero, pagkatapos ng ilang round ng laban, hindi siya naging kampante laban kay Waylon.Tiningnan niya ang background ni Waylon—siya ang official na tagapagmana ng Night Banquet ng Goldmann. Bukod pa doon, magaling si Waylon sa matinding atake at lahat ng galaw niya ay akma sa kahinaan ng kalaban.Natutuwa at kinakabahan ang mga tao na nanonood. Labanan ‘yon ng dalawang pinakamalakas.Hindi man lang kumurap si Cameron sa buong laban. Hindi niya mapigilan isipin na niloko siya ni Waylon.Kung kakalabanin niya si Waylon sa ganitong pangyayari, wala siyang pag-asa na manalo.‘Halata naman na pinipig