Kumunot ang noo ni Cameron. “Hindi mo ba kaya na paalisin na lang ang mga babae na ‘yon?” Ngumisi si Waylon. “Kakaiba ito. Kailangan ko magkaroon ng kontrol.”“Wala ka ba napapagod?”“Bakit naman ako mapapagod sa isang bagay na nagbibigay init at saya sa isang relasyon?” Hinalikan ni Waylon ang sulok ng mata ni Cameron. “Kahit na anong problema ang ibigay mo sa akin sa susunod, mas magiging masaya pa ako na harapin ang lahat ng iyon bilang parte ng buhay ko.”Kinurot ni Cameron ang pisngi ni Waylon. “Anong ibig mong sabihin na nagbibigay ako ng problema kahit saan? I— Hmm!”Hinalikan siya sa labi ni Waylon, agad na nilagay ni Cameron ang kamay niya sa dibdib ni Waylon. “Wayne Goldmann, hindi ka pa kumakain ng dinner…”“Dessert muna ang uunahin ko.”“Kailan pa nagkaroon ng dessert?”Tumingin si Waylon at binalot ng yakap si Cameron. “Hindi ba ikaw ang dessert ko?”Hinaplos ni Waylon si Cameron mula ulo hanggang paa, nag-igting ang ngipin ni Cameron at namula ang pisngi niya. “
Hindi nagsalita si Daisie.Nakita ni Zephir si Daisie sa reception table.Ngumiti si Daisie, magalang siyang tumango, at agad din binawi ang tingin.Hindi pa niya nakikita si Zephir matapos ang filming nila.Nagulat si Daisie na pumunta si Zephir sa fashion show. Matapos ang show, sa huli ay naging katabi ni Daisie si Zoey, baka sinadya iyon gawin ng mga organizer. Nakaupo rin sa tabi nila sila Zephir at Hannah.Pero ang atensyon ng media ay nakala Daisie at Zoey.Hindi naisip ni Zoey na gagawin iyon ng mga organizer. Habang binabati nila ang mga reporter, may sinabi siya na si Daisie lang ang nakarinig. “Ang malas nito. Sana hindi sabihin ng mga tanga mong fans na sinusubukan ko na naman sumikat dahil tumatabi ako sayo.”Ngumiti si Daisie. “Sa pagkakaalam ko, mga fans mo naman ang mga tanga.”Nawala ang ngiti ni Zoey. Dahil sa nangyari noong variety show, maraming ginawa na nakakatuwang sitwasyon ang mga fans niya para lang sumikat si Zoey ulit. Halos lahat ng mga netizen ay t
Umiwas ng tingin si Cameron. “Pwede bang tumahimik ka? Hindi ako nagmamadali.”Dahan-dahang uminom si Waylon ng kape ar ngumiti.Pumasok si Mahina at nakasunod sa kaniya ang grupo ng mga taong maraming mga dalang gamit. Pinahinto ni Cameron si Mahina. “Anong ginagawa mo?”Ngumiti si Mahina at sinabi, “Naghahanda lang kami para sa kasak mo. Sabi ni Mr. Southern kukunin daw natin ang best wedding planner sa buong island para planuhin ang kasal mo.”Nagulat si Cameron. “Kailangan ba natin pagdaanan ang hassle na ‘yan?”Kasal lang naman ‘yon.Ngumiti ang crew member sa likod nila. “Hindi ito hassle. Minsan lang sa buhay ang event na ito. Lahat naman ay gusto maging magandang bride. Responsibilidad namin na maging masaya kayo.”Matapos iyon, naging seryoso ang ekspresyon ni Cameron.Ngumiti siya. “Saan nakuha ng matandang iyon ang wedding planner?’Hinawakan ni Mahina ang kamay niya. “Tara. Ipapakita ko sa’yo.”“Anong dapat kong makita— Ano?”Bago pa siya matapos, hinila siya
Matagal ng alam ni Leah na may gusto si Zephir kay Daisie.Nang iniwan ni Zephir ang pag-aaral ng finances at lumipat sa filming, pinapakita nito na pupunta siya sa entertainment industry para kay Daisie.Tinaas ni Daisie ang kilay niya. “Leah, kasal na ako.”“Kasal? Kanino?” Nagulat si Leah.Sinabi ni Daisie sa kaniya ang tungkol kay Nollace. Nagulat si Leah dahil hindi niya inaasahan na magbabago ang plot.“Ibig sabihin, wala kang nararamdaman para kay Zephir?”Huminto si Daisie. “Hindi ko naman sinabi na gusto ko siya.”Hindi alam ni Leah ano ang magiging reaksyon niya. “Nakita ko na close ka sa kaniya noong nasa school pa tayo. Sinasabi mo ba ngayon na wala ka talagang nararamdaman para sa kaniya?”Hinawakan ni Daisie ang noo niya, naging awkward na ang paligid. “Big brother naman ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko siya gusto sa ganyang paraan.”Marahil masyado pa silang mga bata para pag-ibahin ang mga nararamdaman nila pero sa puso ni Daisie, isang nakakatandang kapatid niy
Matapos ang matagal na pananahimik, tumawa si Zephir. “Hindi ko na nga kilala ang sarili ko.”Sa Taylorton…Sinabi ni Daisie kay Nollace ang tungkol sa naging usapan nila ni Leah kanina.Nagbalat ng orange si Nollace para kay Daisie at sinubuan niya ito pero hindi niya napigilan na tumawa. “Anong kinain mo?”Kumandong si Daisie sa hita ni Nollace. “Lahat. Pero napansin ko na wala ako masyadong gana kumain nitong mga nakaraan, ayos lang din naman pero nadagdagan timbang ko.”Inakala ni Daisie na buntis siya pero ‘di ba dapat kumakain siya nang marami kung buntis siya?Kung wala siyang gana kumain, iyon ay maaaring dahil iba-iba ang sleep cycle niya. Baka late lang din ang period niya dahil hindi balance ang kaniyang hormones.Napahinto si Nollace at tiningnan niya si Daisie.Hindi napansin ni Daisie ang pagbabago sa ekspresyon ni Nollace at nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Laging nag-aalala ang mga artista sa timbang nila. Kasalanan mo kasi lagi kang nagluluto ng masarap at pina
Posible bang buntis siya?Gumagawa ng almusal si Nollace nang bumaba si Daisie habang nakasuot ng pajamas. Tahimik niyang niyakap ang likod ni Nollace habang hinahaplod ng kamay niya ang dibdib nito.Hinawakan ni Nollace ang kamay niya at tumawa. “Bakit ang aga mo naman ako paglaruan?” Sinandal ni Daisie ang baba niya sa balikat ni Nollace at ngumiti. “Parang ang kalmado mo nitong mga nakaraan. Hindi ka ba naaakit sa kagandahan ko?”Pinatay ni Nollace ang gas, tumalikod siya, at niyakap si Daisie. “Nakalimutan mo ba na gusto mo na matulog tayo sa magkaibang kwarto?”Nahiya si Daisie at yumuko siya.Magaling talaga si Nollace sa self-control. Sobrang flexible ng self-control niya. Parang string iyon na mahigpit, pero pag nakawala, kaguluhan ang mangyayari. Kinarga siya ni Nollace, pinaupo siya sa mesa, at lumapit sa kaniya. “Sinisisi mo ba ako?”Hinawakan ni Daisie ang mukha ni Nollace. “Wala lang akong magandang stamina tulad mo. Magsisimula na ako bukas sa training.”Naning
Pumunta sila sa parking lot. Nakasubsob pa rin ang ulo ni Daisie sa braso ni Nollace kahit na nasa loob na sila ng sasakyan.Humarap si Edison at tiningnan sila. “Anong nangyari?”‘Bakit siya umiiyak? Posible kaya na nadismaya siya dahil hindi siya buntis?’Hinaplos ni Nollace ang ulo nito, tumawa siya. “Bakit umiiyak ka pa kahit magiging nanay ka na? Hindi ka ba nahihiya?”Bahagya siyang suminghal at sumagot, “Hmph! Wala ka na doon.”Basa ang pilikmata niya at hinalikan siya ni Nollace. “Paano kung maging iyakin ang baby natin? Kailangan ko tumakbo dito at doon para pakalmahin kayo ng anak natin araw-araw. Well, baka maging abala ako pero sa tingin ko hindi na rin masama ‘yon.”Tumawa si Daisie at hinampas si Nollace.Niyakap siya ni Nollace sa kaniyang bisig at sinabing, “Hindi ka na iiyak?”Sinubsob niya ang kaniyang ulo sa balikat ni Nollace at walang sinabi na kahit ano.Inutusan ni Nollace si Edison na paandarin ang sasakyan. Sa biyahe, sumisinghot si Daisie sa leeg ni N
Tumawa ang bisita at lumapit, “Tulad ng inaasahan sa son-in-law mo, Mr. Southern. Ang gwapo niya.”Tumango si Waylon at tumawa. “Salamat sa papuri.”Masayang nakangiti si Sunny. “Syempre. Isang Goldmann si Wayne. Kahit na bata pa siya, matapang siya at maaasahan. Kahit si Cam ay masaya na maging asawa siya kaya masaya rin ako.”“Goldmann? Tinutukoy mo ba…”“Tama ka. Ang Goldmann sa Bassburgh.”Mabilis nilang naintindihan ang pangyayari. Doon lang nila nalaman na Goldmann si Waylon, at naipaliwanag din nito ang kakaiba niyang dating.Samantala, sa guestroom ng Yuzu Villa…Natapos ang makeup artist na ayusan si Cameron. Tiningnan niya ang mukha sa salamin at sinabing, “Ang ganda ng kutis mo, Ms. Southern. Naglagay lang ako ng makeup at kasing ganda ka rin ng mga artista.”Sinabi ni Mahina habang tinutulungan na lagyan ng hikaw si Cameron, “Syempre. Maganda talaga si Ms. Southern.”Nang makita ni Cameron na kinuha ulit ng makeup artist ang brush, tinanong niya, “Akala ko tapos k