Posible bang buntis siya?Gumagawa ng almusal si Nollace nang bumaba si Daisie habang nakasuot ng pajamas. Tahimik niyang niyakap ang likod ni Nollace habang hinahaplod ng kamay niya ang dibdib nito.Hinawakan ni Nollace ang kamay niya at tumawa. “Bakit ang aga mo naman ako paglaruan?” Sinandal ni Daisie ang baba niya sa balikat ni Nollace at ngumiti. “Parang ang kalmado mo nitong mga nakaraan. Hindi ka ba naaakit sa kagandahan ko?”Pinatay ni Nollace ang gas, tumalikod siya, at niyakap si Daisie. “Nakalimutan mo ba na gusto mo na matulog tayo sa magkaibang kwarto?”Nahiya si Daisie at yumuko siya.Magaling talaga si Nollace sa self-control. Sobrang flexible ng self-control niya. Parang string iyon na mahigpit, pero pag nakawala, kaguluhan ang mangyayari. Kinarga siya ni Nollace, pinaupo siya sa mesa, at lumapit sa kaniya. “Sinisisi mo ba ako?”Hinawakan ni Daisie ang mukha ni Nollace. “Wala lang akong magandang stamina tulad mo. Magsisimula na ako bukas sa training.”Naning
Pumunta sila sa parking lot. Nakasubsob pa rin ang ulo ni Daisie sa braso ni Nollace kahit na nasa loob na sila ng sasakyan.Humarap si Edison at tiningnan sila. “Anong nangyari?”‘Bakit siya umiiyak? Posible kaya na nadismaya siya dahil hindi siya buntis?’Hinaplos ni Nollace ang ulo nito, tumawa siya. “Bakit umiiyak ka pa kahit magiging nanay ka na? Hindi ka ba nahihiya?”Bahagya siyang suminghal at sumagot, “Hmph! Wala ka na doon.”Basa ang pilikmata niya at hinalikan siya ni Nollace. “Paano kung maging iyakin ang baby natin? Kailangan ko tumakbo dito at doon para pakalmahin kayo ng anak natin araw-araw. Well, baka maging abala ako pero sa tingin ko hindi na rin masama ‘yon.”Tumawa si Daisie at hinampas si Nollace.Niyakap siya ni Nollace sa kaniyang bisig at sinabing, “Hindi ka na iiyak?”Sinubsob niya ang kaniyang ulo sa balikat ni Nollace at walang sinabi na kahit ano.Inutusan ni Nollace si Edison na paandarin ang sasakyan. Sa biyahe, sumisinghot si Daisie sa leeg ni N
Tumawa ang bisita at lumapit, “Tulad ng inaasahan sa son-in-law mo, Mr. Southern. Ang gwapo niya.”Tumango si Waylon at tumawa. “Salamat sa papuri.”Masayang nakangiti si Sunny. “Syempre. Isang Goldmann si Wayne. Kahit na bata pa siya, matapang siya at maaasahan. Kahit si Cam ay masaya na maging asawa siya kaya masaya rin ako.”“Goldmann? Tinutukoy mo ba…”“Tama ka. Ang Goldmann sa Bassburgh.”Mabilis nilang naintindihan ang pangyayari. Doon lang nila nalaman na Goldmann si Waylon, at naipaliwanag din nito ang kakaiba niyang dating.Samantala, sa guestroom ng Yuzu Villa…Natapos ang makeup artist na ayusan si Cameron. Tiningnan niya ang mukha sa salamin at sinabing, “Ang ganda ng kutis mo, Ms. Southern. Naglagay lang ako ng makeup at kasing ganda ka rin ng mga artista.”Sinabi ni Mahina habang tinutulungan na lagyan ng hikaw si Cameron, “Syempre. Maganda talaga si Ms. Southern.”Nang makita ni Cameron na kinuha ulit ng makeup artist ang brush, tinanong niya, “Akala ko tapos k
Namula ang mukha ni Cameron at sinubukan niyang itago ang mukha sa pamaypay. Bumulong siya, “Tumigil ka. Nakakahiya. Bilisan na natin at umuwi na tayo.”Lumaki ang ngiti sa mukha ni Waylon. “Sige. Umuwi na tayo ngayon.”Nang makarating sila sa Southern manor, ilang katulong ang naghagis ng bulaklak sa sahig. Lumingon si Waylon at nilapit ang braso niya kay Cameron.Yumuko si Cameron at nilagay ang kamay niya kay Waylon.Binuhat niya si Cameron sa courtyard habang pinapanood nang lahat. Umupo si Sunny at Damian sa kanilang upuan habang pinapanood si Cameron at Waylon na ginagawa ang wedding ceremony. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Sunny. Masaya siya dahil nakahanap na ng lalaking mamahalin ang anak niya. Malungkot siya dahil magiging anak na rin ng iba ang anak niya mula ngayon.Binaba ni Damian ang baso niya nang makita na umiiyak si Sunny. Sinabi niya, “Bakit ka umiiyak? Malaking araw ‘to para sa anak mo. Dapat masaya ka para sa kaniya.”Pinunasan niya ang luh
Namula ang mukha ni Mahina sa kahihiyan, at agad siyang umalis.Pagkatapos niyang bumaba, lumapit siya kay Sunny at bumulong, “Baka hindi makababa ngayon ang young lady at si Master Wayne.”Alam agad ni Sunny ang sinasabi ni Mahina. Mabilis niya itong naintindihan habang kinakaway ang kaniyang kamay. “Sige. Tingnan mo ang paligid. Huwag mo hayaan na may mang gulo sa kanila.”Tinapik ni Mahina ang dibdib niya at sinabing, “Akong bahala.”Nang 9:30 p.m., niyakap ni Cameron ang kumot habang nagngitngit ng ngipin. Maayos siya kahit na nagugutom. Pero bakit ginawa sa kaniya ‘yon ni Waylon? Ang problema pa ay maganda ang pakiramdam niya sa buong proseso.Lumingon si Waylon. Hinawakan niya ang gilid ng kaniyang noo gamit ang isang kamay at pinadulas ang daliri niya sa buhok ni Cameron. Habang nakatingin sa galit na ekspresyon ni Cameron, tumawa siya. “Galit ka ba sa akin, Cam?”Umupo si Cameron at tiningnan siya. Nagngalit ang kaniyang ngipin at suminghal. “Hindi, hindi ako galit.”Tum
“Hindi, sandali!” sigaw ni Cameron.Siguro ay kahit si Waylon mismo ay hindi alam na nakuha niya ang puso ni Cameron sa tulong ng galing niya sa pagluluto.“Gusto mong kumain pero ayaw mo akong patawarin,” sabi niya habang nakakunot ang noo. “Mahirap ito. Ginugulo mo ako. Hindi ko na alam kung anong gusto mo.”“Sinabi ko ba na hindi kita patatawarin?”Inangat niya ang kaniyang kilay. “So pinapatawad mo na ako?”Nilapit ni Cameron ang kamay niya at kinuha ang plato ng short ribs. Tiningnan niya si Waylon at ngumiti. “Syempre. Hindi ako mababaw mag-isip na tao. Ang isang mabuting babaeng tulad ko ay hindi nakikipag-away sa lalaki.”Nilayo ni Waylon ang kamay ni Cameron at sinabing, “Nah, sa tingin ko kaya ko na tong ubusin mag-isa.”“Hindi!” Tumalon si Cameron mula sa likod niya at niyakap siya. “Nagugutom na talaga. Please ipakain mo na sa akin ‘yan.”Nagulat siya.‘Nagmamakaawa ba siya sa akin?’Mukha siyang sakim na kuting na humihingi sa kaniya ng pagkain.Tumingin si Wayl
Hindi nalalayo ang suntok ni Zephir sa suntok ng lalaking may gintong kwintas.Naglaban ang dalawa at naging magulo agad ang buong pangyayari.Agad na tumawag ng pulis ang isang customer at sinabi na may nag-aaway, at agad na dumating ang pulis sa eksena at pinatigil ang dalawa.Sa presinto, nakaupo si Zephir sa bench at nanatiling tahimik habang nagpapaliwanag ang kalaban niya sa pulis, at tunog na-agrabyado talaga ito.Pero dahil pinakita ng surveillance footage na ang lalaking may gintong kwintas ang nagsimula nito, siya ang naparusahan.Agad na pumunta si Leah sa presinto. “Zephir, s*raulo ka! Ano ba ang iniisip mo?”Lumapit siya kay Zephir. “Alam mo ba kung anong oras na ngayon? Nakipag-away ka at ako ang tatawagan mo sa kalagitnaan ng gabi para palabasin ka? Nababaliw ka na ba?”Galit siyang humalukipkip. “Alam mong nakakahiya para sa sarili mo na masali sa ganitong gulo. Kaya wala kang lakas ng loob na ipaalam sa pamilya mo ang insidente na ito, hindi ba?”Maraming pasa
Lumapit si Leah, hinawaman siya sa collar at sinigawan siya, “Matanda na tayo kaya oras na para gumising. Kung hindi, bakit may tinatawag na wishful thinking? Dahil hindi patas ang mundo!“Hindi lahat nangyayari o naibabalik tulad ng nasa isip mo. Zephir, kung sumuko ka na sa sarili mo, masasabi ko na si Nollace Knowles ang tamang pinili ni Daisie sa buhay niya.”Walang pagda-dalawang isip siyang binitawan ni Leah, tumalikod, sumakay sa sasakyan at umalis.Tanging si Zephir lang ang naiwan, nakatayo sa ilalim ng dilaw na streetlight na bumuo ng maraming matikas na katawan sa ilalim ng kaniyang katawan.Tulad ng inaasahan, lumabas sa balita si Zephir kinabukasan dahil sa gulo. At nagsalita si Zephir para umamin sa publiko, humingi ng tawad, at umalis sa conference sa dami ng reporter nang hindi man lang lumilingon.Nagulat si Daisie nang makita niya ang balita habang kumakain ng almusal.‘Hindi naman mukhang gagawa ng gulo at makikipag-away si Zephir.’Dahil siguro wala sa paligi
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,