Pumunta sila sa parking lot. Nakasubsob pa rin ang ulo ni Daisie sa braso ni Nollace kahit na nasa loob na sila ng sasakyan.Humarap si Edison at tiningnan sila. “Anong nangyari?”‘Bakit siya umiiyak? Posible kaya na nadismaya siya dahil hindi siya buntis?’Hinaplos ni Nollace ang ulo nito, tumawa siya. “Bakit umiiyak ka pa kahit magiging nanay ka na? Hindi ka ba nahihiya?”Bahagya siyang suminghal at sumagot, “Hmph! Wala ka na doon.”Basa ang pilikmata niya at hinalikan siya ni Nollace. “Paano kung maging iyakin ang baby natin? Kailangan ko tumakbo dito at doon para pakalmahin kayo ng anak natin araw-araw. Well, baka maging abala ako pero sa tingin ko hindi na rin masama ‘yon.”Tumawa si Daisie at hinampas si Nollace.Niyakap siya ni Nollace sa kaniyang bisig at sinabing, “Hindi ka na iiyak?”Sinubsob niya ang kaniyang ulo sa balikat ni Nollace at walang sinabi na kahit ano.Inutusan ni Nollace si Edison na paandarin ang sasakyan. Sa biyahe, sumisinghot si Daisie sa leeg ni N
Tumawa ang bisita at lumapit, “Tulad ng inaasahan sa son-in-law mo, Mr. Southern. Ang gwapo niya.”Tumango si Waylon at tumawa. “Salamat sa papuri.”Masayang nakangiti si Sunny. “Syempre. Isang Goldmann si Wayne. Kahit na bata pa siya, matapang siya at maaasahan. Kahit si Cam ay masaya na maging asawa siya kaya masaya rin ako.”“Goldmann? Tinutukoy mo ba…”“Tama ka. Ang Goldmann sa Bassburgh.”Mabilis nilang naintindihan ang pangyayari. Doon lang nila nalaman na Goldmann si Waylon, at naipaliwanag din nito ang kakaiba niyang dating.Samantala, sa guestroom ng Yuzu Villa…Natapos ang makeup artist na ayusan si Cameron. Tiningnan niya ang mukha sa salamin at sinabing, “Ang ganda ng kutis mo, Ms. Southern. Naglagay lang ako ng makeup at kasing ganda ka rin ng mga artista.”Sinabi ni Mahina habang tinutulungan na lagyan ng hikaw si Cameron, “Syempre. Maganda talaga si Ms. Southern.”Nang makita ni Cameron na kinuha ulit ng makeup artist ang brush, tinanong niya, “Akala ko tapos k
Namula ang mukha ni Cameron at sinubukan niyang itago ang mukha sa pamaypay. Bumulong siya, “Tumigil ka. Nakakahiya. Bilisan na natin at umuwi na tayo.”Lumaki ang ngiti sa mukha ni Waylon. “Sige. Umuwi na tayo ngayon.”Nang makarating sila sa Southern manor, ilang katulong ang naghagis ng bulaklak sa sahig. Lumingon si Waylon at nilapit ang braso niya kay Cameron.Yumuko si Cameron at nilagay ang kamay niya kay Waylon.Binuhat niya si Cameron sa courtyard habang pinapanood nang lahat. Umupo si Sunny at Damian sa kanilang upuan habang pinapanood si Cameron at Waylon na ginagawa ang wedding ceremony. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Sunny. Masaya siya dahil nakahanap na ng lalaking mamahalin ang anak niya. Malungkot siya dahil magiging anak na rin ng iba ang anak niya mula ngayon.Binaba ni Damian ang baso niya nang makita na umiiyak si Sunny. Sinabi niya, “Bakit ka umiiyak? Malaking araw ‘to para sa anak mo. Dapat masaya ka para sa kaniya.”Pinunasan niya ang luh
Namula ang mukha ni Mahina sa kahihiyan, at agad siyang umalis.Pagkatapos niyang bumaba, lumapit siya kay Sunny at bumulong, “Baka hindi makababa ngayon ang young lady at si Master Wayne.”Alam agad ni Sunny ang sinasabi ni Mahina. Mabilis niya itong naintindihan habang kinakaway ang kaniyang kamay. “Sige. Tingnan mo ang paligid. Huwag mo hayaan na may mang gulo sa kanila.”Tinapik ni Mahina ang dibdib niya at sinabing, “Akong bahala.”Nang 9:30 p.m., niyakap ni Cameron ang kumot habang nagngitngit ng ngipin. Maayos siya kahit na nagugutom. Pero bakit ginawa sa kaniya ‘yon ni Waylon? Ang problema pa ay maganda ang pakiramdam niya sa buong proseso.Lumingon si Waylon. Hinawakan niya ang gilid ng kaniyang noo gamit ang isang kamay at pinadulas ang daliri niya sa buhok ni Cameron. Habang nakatingin sa galit na ekspresyon ni Cameron, tumawa siya. “Galit ka ba sa akin, Cam?”Umupo si Cameron at tiningnan siya. Nagngalit ang kaniyang ngipin at suminghal. “Hindi, hindi ako galit.”Tum
“Hindi, sandali!” sigaw ni Cameron.Siguro ay kahit si Waylon mismo ay hindi alam na nakuha niya ang puso ni Cameron sa tulong ng galing niya sa pagluluto.“Gusto mong kumain pero ayaw mo akong patawarin,” sabi niya habang nakakunot ang noo. “Mahirap ito. Ginugulo mo ako. Hindi ko na alam kung anong gusto mo.”“Sinabi ko ba na hindi kita patatawarin?”Inangat niya ang kaniyang kilay. “So pinapatawad mo na ako?”Nilapit ni Cameron ang kamay niya at kinuha ang plato ng short ribs. Tiningnan niya si Waylon at ngumiti. “Syempre. Hindi ako mababaw mag-isip na tao. Ang isang mabuting babaeng tulad ko ay hindi nakikipag-away sa lalaki.”Nilayo ni Waylon ang kamay ni Cameron at sinabing, “Nah, sa tingin ko kaya ko na tong ubusin mag-isa.”“Hindi!” Tumalon si Cameron mula sa likod niya at niyakap siya. “Nagugutom na talaga. Please ipakain mo na sa akin ‘yan.”Nagulat siya.‘Nagmamakaawa ba siya sa akin?’Mukha siyang sakim na kuting na humihingi sa kaniya ng pagkain.Tumingin si Wayl
Hindi nalalayo ang suntok ni Zephir sa suntok ng lalaking may gintong kwintas.Naglaban ang dalawa at naging magulo agad ang buong pangyayari.Agad na tumawag ng pulis ang isang customer at sinabi na may nag-aaway, at agad na dumating ang pulis sa eksena at pinatigil ang dalawa.Sa presinto, nakaupo si Zephir sa bench at nanatiling tahimik habang nagpapaliwanag ang kalaban niya sa pulis, at tunog na-agrabyado talaga ito.Pero dahil pinakita ng surveillance footage na ang lalaking may gintong kwintas ang nagsimula nito, siya ang naparusahan.Agad na pumunta si Leah sa presinto. “Zephir, s*raulo ka! Ano ba ang iniisip mo?”Lumapit siya kay Zephir. “Alam mo ba kung anong oras na ngayon? Nakipag-away ka at ako ang tatawagan mo sa kalagitnaan ng gabi para palabasin ka? Nababaliw ka na ba?”Galit siyang humalukipkip. “Alam mong nakakahiya para sa sarili mo na masali sa ganitong gulo. Kaya wala kang lakas ng loob na ipaalam sa pamilya mo ang insidente na ito, hindi ba?”Maraming pasa
Lumapit si Leah, hinawaman siya sa collar at sinigawan siya, “Matanda na tayo kaya oras na para gumising. Kung hindi, bakit may tinatawag na wishful thinking? Dahil hindi patas ang mundo!“Hindi lahat nangyayari o naibabalik tulad ng nasa isip mo. Zephir, kung sumuko ka na sa sarili mo, masasabi ko na si Nollace Knowles ang tamang pinili ni Daisie sa buhay niya.”Walang pagda-dalawang isip siyang binitawan ni Leah, tumalikod, sumakay sa sasakyan at umalis.Tanging si Zephir lang ang naiwan, nakatayo sa ilalim ng dilaw na streetlight na bumuo ng maraming matikas na katawan sa ilalim ng kaniyang katawan.Tulad ng inaasahan, lumabas sa balita si Zephir kinabukasan dahil sa gulo. At nagsalita si Zephir para umamin sa publiko, humingi ng tawad, at umalis sa conference sa dami ng reporter nang hindi man lang lumilingon.Nagulat si Daisie nang makita niya ang balita habang kumakain ng almusal.‘Hindi naman mukhang gagawa ng gulo at makikipag-away si Zephir.’Dahil siguro wala sa paligi
Ngumisi si Daisie, tumingkayad at hinalikan si Nollace sa baba. “Kung ganoon, dapat ko bang hintayin ang ganti mo pagkatao nito?”Tumawa si Nollace at mahigpit siyang niyakap. “Wala akong magagawa sa'yo ngayon.”Naghalikan ang dalawa, pero tumunog ang cell phone ni Daisie, nagulo ang paligid at dahilan para magdilim ulit ang ekspresyon ni Nollace.Kinuha ni Daisie ang phone niya at nakita na tawag yon mula kay Leah.Tiningnan niya si Nollace at kumurap. “Hubby, pwede?”Nang makita na inaalala ni Daisie ang nararamdaman niya, hindi siya nainis tulad kanina. Dinampian niya ng halik ang noo ni Daisie. “Sige na.”“Love you!” Hinalikan siya sa pisngi ni Daisie at tumabi para sagutin ang tawag.Hinihintay siya ni Leah sa café. Hindi nagtagal, nakita niya ang babae na nakasuot ng mask at sumbrero na pumasok sa cafe. Dumiretso ito sa table niya, hinubad ang kaniyang coat, maingat na tumingin sa paligid at hinubad ang kaniyang mask. “Leah, anong problema kay Zephir? Anong nangyari?”Hi