Namula ang mukha ni Cameron at sinubukan niyang itago ang mukha sa pamaypay. Bumulong siya, “Tumigil ka. Nakakahiya. Bilisan na natin at umuwi na tayo.”Lumaki ang ngiti sa mukha ni Waylon. “Sige. Umuwi na tayo ngayon.”Nang makarating sila sa Southern manor, ilang katulong ang naghagis ng bulaklak sa sahig. Lumingon si Waylon at nilapit ang braso niya kay Cameron.Yumuko si Cameron at nilagay ang kamay niya kay Waylon.Binuhat niya si Cameron sa courtyard habang pinapanood nang lahat. Umupo si Sunny at Damian sa kanilang upuan habang pinapanood si Cameron at Waylon na ginagawa ang wedding ceremony. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Sunny. Masaya siya dahil nakahanap na ng lalaking mamahalin ang anak niya. Malungkot siya dahil magiging anak na rin ng iba ang anak niya mula ngayon.Binaba ni Damian ang baso niya nang makita na umiiyak si Sunny. Sinabi niya, “Bakit ka umiiyak? Malaking araw ‘to para sa anak mo. Dapat masaya ka para sa kaniya.”Pinunasan niya ang luh
Namula ang mukha ni Mahina sa kahihiyan, at agad siyang umalis.Pagkatapos niyang bumaba, lumapit siya kay Sunny at bumulong, “Baka hindi makababa ngayon ang young lady at si Master Wayne.”Alam agad ni Sunny ang sinasabi ni Mahina. Mabilis niya itong naintindihan habang kinakaway ang kaniyang kamay. “Sige. Tingnan mo ang paligid. Huwag mo hayaan na may mang gulo sa kanila.”Tinapik ni Mahina ang dibdib niya at sinabing, “Akong bahala.”Nang 9:30 p.m., niyakap ni Cameron ang kumot habang nagngitngit ng ngipin. Maayos siya kahit na nagugutom. Pero bakit ginawa sa kaniya ‘yon ni Waylon? Ang problema pa ay maganda ang pakiramdam niya sa buong proseso.Lumingon si Waylon. Hinawakan niya ang gilid ng kaniyang noo gamit ang isang kamay at pinadulas ang daliri niya sa buhok ni Cameron. Habang nakatingin sa galit na ekspresyon ni Cameron, tumawa siya. “Galit ka ba sa akin, Cam?”Umupo si Cameron at tiningnan siya. Nagngalit ang kaniyang ngipin at suminghal. “Hindi, hindi ako galit.”Tum
“Hindi, sandali!” sigaw ni Cameron.Siguro ay kahit si Waylon mismo ay hindi alam na nakuha niya ang puso ni Cameron sa tulong ng galing niya sa pagluluto.“Gusto mong kumain pero ayaw mo akong patawarin,” sabi niya habang nakakunot ang noo. “Mahirap ito. Ginugulo mo ako. Hindi ko na alam kung anong gusto mo.”“Sinabi ko ba na hindi kita patatawarin?”Inangat niya ang kaniyang kilay. “So pinapatawad mo na ako?”Nilapit ni Cameron ang kamay niya at kinuha ang plato ng short ribs. Tiningnan niya si Waylon at ngumiti. “Syempre. Hindi ako mababaw mag-isip na tao. Ang isang mabuting babaeng tulad ko ay hindi nakikipag-away sa lalaki.”Nilayo ni Waylon ang kamay ni Cameron at sinabing, “Nah, sa tingin ko kaya ko na tong ubusin mag-isa.”“Hindi!” Tumalon si Cameron mula sa likod niya at niyakap siya. “Nagugutom na talaga. Please ipakain mo na sa akin ‘yan.”Nagulat siya.‘Nagmamakaawa ba siya sa akin?’Mukha siyang sakim na kuting na humihingi sa kaniya ng pagkain.Tumingin si Wayl
Hindi nalalayo ang suntok ni Zephir sa suntok ng lalaking may gintong kwintas.Naglaban ang dalawa at naging magulo agad ang buong pangyayari.Agad na tumawag ng pulis ang isang customer at sinabi na may nag-aaway, at agad na dumating ang pulis sa eksena at pinatigil ang dalawa.Sa presinto, nakaupo si Zephir sa bench at nanatiling tahimik habang nagpapaliwanag ang kalaban niya sa pulis, at tunog na-agrabyado talaga ito.Pero dahil pinakita ng surveillance footage na ang lalaking may gintong kwintas ang nagsimula nito, siya ang naparusahan.Agad na pumunta si Leah sa presinto. “Zephir, s*raulo ka! Ano ba ang iniisip mo?”Lumapit siya kay Zephir. “Alam mo ba kung anong oras na ngayon? Nakipag-away ka at ako ang tatawagan mo sa kalagitnaan ng gabi para palabasin ka? Nababaliw ka na ba?”Galit siyang humalukipkip. “Alam mong nakakahiya para sa sarili mo na masali sa ganitong gulo. Kaya wala kang lakas ng loob na ipaalam sa pamilya mo ang insidente na ito, hindi ba?”Maraming pasa
Lumapit si Leah, hinawaman siya sa collar at sinigawan siya, “Matanda na tayo kaya oras na para gumising. Kung hindi, bakit may tinatawag na wishful thinking? Dahil hindi patas ang mundo!“Hindi lahat nangyayari o naibabalik tulad ng nasa isip mo. Zephir, kung sumuko ka na sa sarili mo, masasabi ko na si Nollace Knowles ang tamang pinili ni Daisie sa buhay niya.”Walang pagda-dalawang isip siyang binitawan ni Leah, tumalikod, sumakay sa sasakyan at umalis.Tanging si Zephir lang ang naiwan, nakatayo sa ilalim ng dilaw na streetlight na bumuo ng maraming matikas na katawan sa ilalim ng kaniyang katawan.Tulad ng inaasahan, lumabas sa balita si Zephir kinabukasan dahil sa gulo. At nagsalita si Zephir para umamin sa publiko, humingi ng tawad, at umalis sa conference sa dami ng reporter nang hindi man lang lumilingon.Nagulat si Daisie nang makita niya ang balita habang kumakain ng almusal.‘Hindi naman mukhang gagawa ng gulo at makikipag-away si Zephir.’Dahil siguro wala sa paligi
Ngumisi si Daisie, tumingkayad at hinalikan si Nollace sa baba. “Kung ganoon, dapat ko bang hintayin ang ganti mo pagkatao nito?”Tumawa si Nollace at mahigpit siyang niyakap. “Wala akong magagawa sa'yo ngayon.”Naghalikan ang dalawa, pero tumunog ang cell phone ni Daisie, nagulo ang paligid at dahilan para magdilim ulit ang ekspresyon ni Nollace.Kinuha ni Daisie ang phone niya at nakita na tawag yon mula kay Leah.Tiningnan niya si Nollace at kumurap. “Hubby, pwede?”Nang makita na inaalala ni Daisie ang nararamdaman niya, hindi siya nainis tulad kanina. Dinampian niya ng halik ang noo ni Daisie. “Sige na.”“Love you!” Hinalikan siya sa pisngi ni Daisie at tumabi para sagutin ang tawag.Hinihintay siya ni Leah sa café. Hindi nagtagal, nakita niya ang babae na nakasuot ng mask at sumbrero na pumasok sa cafe. Dumiretso ito sa table niya, hinubad ang kaniyang coat, maingat na tumingin sa paligid at hinubad ang kaniyang mask. “Leah, anong problema kay Zephir? Anong nangyari?”Hi
‘Posible kaya na may relasyon si Zephir ar Zoey?’“Anong ibig mong sabihin? Nakakagulat ba ‘to para sa'yo?” Ngumisi si Zoey. “Kunin mo ‘to bilang babalanko sa'yo. Tigilan mo ang panggugulo sa boyfriend ko.”Pagkatapos sabihin ‘yon, pinatay niya ang tawag at naka-blocked na agad ang number ni Daisie sa cell phone ni Zephir.Habang tinitingnan ang call na namatay, walang masabi si Daisie.‘May relasyon talaga si Zephir at Zoey?’Sa hindi mapaliwanag, pakiramdam niya ay hindi lang simple ang mga nangyayari.Sa kabilang linya ng tawag, sa isang villa apartment…Nang magising si Zephir at nakita si Zoey na nakahiga sa tabi niya, agad niya itong tinulak palayo at umupo.Nang may maisip, nagdilim ang ekspresyon niya.Kanina pa gising si Zoey. Nang makita ‘yon, binalot niya ang kaniyang sarili sa kumot at malambing na ngumiti. “Mr. Gosling, sa'yo na ako mula ngayon.”Tumayo si Zephir sa kama, kinuha ang shirt niya at sinuot.Nang makita na wala siyang sinabi, inisip ni Zoey na nat
Nanginig ang balikat ni Zoey.‘Damn, hindi ako naging maingat. O sadyang nakakatakot lang ang lalaki na ito?”Nilagay ni Zephir ang kamay niya sa balikat nito. “Gusto mo bang maging lead actress sa movie ko?”“I… I…” hindi makapagsalita si Zoey sa oras na ‘yon.Pero, ngumisi si Zephir at hinaplos ang mukha ni Zoey. “Role lang yon, kaya bakit mo ibibigay mo ang lahat ng mayroon ka? Pwede ko ibigay sa'yo ang role.”Nagulat si Zoey. “Talaga?”Naningkit siya at ngumisi habang nakalagay ang daliri niya sa leeg na may bakas ng mga daliri. “Oo naman, basta gawin mo lang ang sinasabi at inuutos ko.”Akala ni Zoey na handa si Zephir na suportahan siya at masayang masaya siya. Pero paano niya malalaman na lalo niyang masisira ang future niya.Pagkatapos ng ilang araw, inanunsyo ng studio ni Zephir ang paghahanda sa pelikula, at si Zoey ang lead actress. Sa announcement na ‘yon, maraming netizen ang nagsimulang pag-usapan ang relasyon ni Zoey at Zephir. Kung tutuusin, sa gabi ng show, ang
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell