“Anong problema? Hindi ko ba pwedeng sabihin ito? Wala ng dahilan para pag-usapan pa ang matagal na nangyari.”Nagsimulang magsagutan ang mag-ama.Niyakap ni Waylon ang balikat ni Cameron at nilayo siya sa sala. Tumawa si Cameron nang makarating na sila sa garden. “Sobrang nakakatuwa silang dalawa. Sobrang kakaiba nila kumpara sayo.”Naningkit ang mata ni Waylon at tiningnan si Cameron habang umiiling. “Sobrang kakaiba kumpara sa amin?”Tumingin si Cameron kay Waylon habang humahakbang paatras. “Nakikipagtalo ka ba sa kapatid mo? Hindi. Ang madaldal sa pamilya niyo ay ang kapatid mong si Daisie at ang dalawang matandang lalaki. “Kung wala sila, siguro sobrang tahimik ng bahay niyo, hindi tulad sa Southern Clan.”Hindi naman talaga magulo sila Colton at Waylon, lalo na sila Nolan at Maisie. Maliban kala Daisie at sa dalawang matanda, ang lahat ng mga Goldmann ay tulad na rin nila.Huminto sa paglalakad si Waylon at ngumiti. “Tama ‘yan. Mas maingay talaga ang bahay pag nandito
Biglang tumawa si Cameron. “Tama ‘yan. Akala ko iiwan mo na ang mga pangarap mo pagkatapos mo manganak.”Ngumiti si Daisie. “Hindi naman tayo nabubuhay para sa mga anak natin at hindi rin dapat sila mabuhay para sa atin. Tao tayong lahat. Maikli lang ang buhay kaya kung susuko ako sa trabaho na gusto ko dahil sa anak ko, magiging meaningless ang buhay ko.”Ngumisi si Cameron. “Pero may pera naman si Nollace at ang mga Goldmann. Kaya mo ng mabuhay kahit ilang beses pa.”Kahit na iwanan niya ang kaniyang trabaho at manatili sa bahay ng walang ginagawa, hindi niya kailangan alalahanin ang kahit na ano.Ayun ang buhay na gusto ng nakararami. Ano pa bang dahilan bakit gusto magpakasal ng mga tao sa mayayaman? Ayun naman talaga ang pinakaimportante sa kanila.Sumagot si Daisie. “No way. Hindi pwede na gamitin ko na lang ang pera ng pamilya ko. Mahihiya ako kay Nolly.”Ngumisi si Cameron. Nakatanggap ba siya ng sampal sa mukha?Pero sa wakas ay naintindihan niya na bakit sobra ang pagm
“Binuhusan mo ako ng tubig sa mukha!”Nagalit ang lalaki at sasaktan na sana niya si Leah, pero may pumigil sa kaniya bago pa niya mababa ang kaniyang kamay. Galit siyang tumalikod. “Huwag mo ako pakialaman—”Hinawakan ni Zephir ang kamay ng lalaki para hindi ito makagalaw. “Sigurado ka bang gusto mong manakit ng babae sa publiko?”Napansin ng lalaki na nakatingin ang lahat sa kaniya, kaya nag-igting ang panga niya, pinatunog ang kaniyang dila, at umalis. Tiningnan ni Leah si Zephir. “Bakit ka nandito?”Kalmadong sinabi ni Zephir. “May meeting kami ng business partner ko dito at nakita kita.”Kinuha ni Leah ang bag niya. “Salamat.”“Wala ‘yon.”Umalis ng restaurant si Zephir kasama si Leah at iniwan niyang mag-isa si Zoey na umiinom kasama ang dalawang lalaki. Hindi na makainom si Zoey pero hindi na babalik si Zephir, gusto na ni Zoey gumawa ng paraan para umalis. Ayaw siyang pakawalan ng mga lalaki. May isang humawak sa balikat niya. “Sabi ni Mr. Gosling sasamahan mo raw ka
“Aray…”Habang unti-unting bumabalik ang malay ni Maisie, tanging ang pumipintig lamang niyang ulo at masakit niyang katawan ang kaniyang nararamdaman, para bang nabangga siya ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sakit ngunit wala siyang lakas para labanan ito.Halos hindi niya maaninag ang anino ng lalaking nasa dilim ngunit naamoy niya ang kakaiba nitong Gucci cologne, binabalot nito ang hangin sa paligid.Nanatiling tahimik ang lalaki habang dinidikit nito ang katawan sa kaniya, hinahalikan at dinidilaan ang kaniyang makinis na leeg…Kasabay nang bukang-liwayway, suminag na ang araw.Biglang idinilat ni Maisie ang kaniyang mga mata. Nagulantang siya nang makita niya ang sariling nakahubad sa kama katabi ang isang taong hindi niya nakikilala. Nakatalikod ito sa kaniya.Namutla ang mukha ni Maisie nang bumalik sa kaniya ang mga alaala mula kagabi. Hindi iyon panaginip lang!Paano siya napunta rito?Ang tanging naaalala lang ni Maise mula sa mga nangyari kagabi ay nag
Sa airport ng royal capital of Bassburgh…Sa gitna ng hindi mabilang na mga turista, isang mag-ina ang lumabas. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila.Ang totoo, isang ina at tatlong magagandang bata ang kasama niya.Mahinhin at napakaganda ng babae. Ang kumuha sa atensyon ng mga tao ay ang napakagandang batang babae na buhat-buhat nito sa isang braso. Kulot at makapal ang buhok ng batang babae, dahilan para magmukha siyang manika.Ang dalawang magkamukhang dalawang batang lalaki na sumusunod sa kaniya ay napakaganda rin ng features ng mukha, isang pares ng makikinang at kulay amber na mga mata, kulay dark brown na buhok, at napakaputing mga balat. Parang hindi sila totoo!Inalis ng babaeng nakatayo sa harapan ng BMW ang kaniyang sunglasses. Pinapanood niya si Maisie Vanderbilt na karga-karga ang isang bata at ang dalawa pang nakasunod rito, napasingjap siya sa gulat. “Grabe, Zee! Tatlo kaagad ang anak mo sa isang pagbubuntis lang?”Wala siyang masabi nang makita niya ang apat! Hi
Ang matalim na tingin ng lalaki ang tumambad kay Maisie nang lumingon siya. Natulala siya dahil sa mukha nito.Maputi ang balat ng lalaki, napakaganda ng features ng mukha nito, kapansin-pansin ang kulay amber nitong mga mata na tila mayroong tinatagong lalim, at isang linya ng maninipis na labi na kasing talim ng kutsilyo.Kamukhang-kamukha nito sina Colton at Waylon. Pareho din sila ng kulay ng mga mata!Nalaman lang ni Maisie na triplets ang magiging anak niya noong nasa labor na siya sa Stoslo. Walang namana sa itsura niya ang panganay at pangalawa niyang anak. Pero, mayroong kaunting pagkakahawig sa kaniya ang bunso na mayroong itim na itim na buhok–kapareho din ng lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon.Nagdilim ang mga mata ni Maisie habang tinititigan niya ang lalaki sa harapan niya.‘Sino ang lalaking ito? Anong relasyon niya kay WIllow?’Naka-focus ang mga mata ni Nolan Goldmann sa mukha ni Maisie. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. ‘Ang babaeng ito…’Nang makitang
”Alam ng lahat na isang VIP si Nolan na minsan na rin inimbita ng royal family ng Stoslo, at kaibigan niya rin ang prinsesa ng Stoslo. Natural lamang na nakita na niya ang commemorative medal ng royal family. Makikita niya ang tricks ni Maisie kahit na mayrooon man itong maipakita!”Ngumisi si Maisie. “Bakit ko ipapakita sa iyo ang ganoong kahalagang bagay?”Pinapahawatig nitong hindi siya karapat-dapat!Nanginginig na sa galit si Willow pero mayroon pa rin ngisi sa mukha niya. “Ibig bang sabihin ay wala kang lakas ng loob na maipakita iyon?”“Tingnan mo siya, Nolan. Sinungaling siya. Alam niyang minsan ka ng bumisita sa royal family at makikilala mo ang medal. Kaya wala siyang lakas ng loob na ilabas iyon.” Ibang-iba ang ugali ni Willow pagdating kay Nolan.Seryosong tumaas ang maninipis na labi ni Nolan. “Ideya ko ang pagbabayad ng $150,000,000. Ideya ko rin ang pagkuha kay Zora bilang designer namin. Kaya naman, palalagpasin ko ang nangyari ngayong araw kung mapapatunayan mong
Dinaka ni Maisi ang cell phone papunta sa balcony at sinagot ang tawag. “Anong nangyari, pinagsisisihan na ba ni DIrector Vanderbilt ang ginawa niya?”Nagngangalit ang mga ngipin ni WIllow sa inis nang marinig niya iyon. “Maisie, huwag kang magpakampante.Karangalan mo na handa kaming bayaran ka ng $150,000,000 para magtrabaho sa amin!”“Oh talaga? Parang pinapalabas mo namang kailangan na kailangan ko ng milyones niyo.” Sumandal si Maisie sa balcony habang mayroong ngiti sa mga labi. “Dahil hindi naman sincere ang collaboration na ito, huwag mo na akong tawagan.”“Sandali!” Sigaw ni Willow, umupo siya sa kaniyang office’s desk at ngumisi. “Maisie Vanderbilt, huwag mong kalimutan na hawak ko pa rin ang video.”Unti-unting nagdilim ang ekspresyon ni Maisie nang marinig niya ang salitang “video.”Ngumisi si WIlow nang wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya. “Kung ayaw mong ilabas ko ang nangyari noon, pinapayuhan kitang pumunta rito at makipag-usap sa akin bukas nang umaga.”