“Binuhusan mo ako ng tubig sa mukha!”Nagalit ang lalaki at sasaktan na sana niya si Leah, pero may pumigil sa kaniya bago pa niya mababa ang kaniyang kamay. Galit siyang tumalikod. “Huwag mo ako pakialaman—”Hinawakan ni Zephir ang kamay ng lalaki para hindi ito makagalaw. “Sigurado ka bang gusto mong manakit ng babae sa publiko?”Napansin ng lalaki na nakatingin ang lahat sa kaniya, kaya nag-igting ang panga niya, pinatunog ang kaniyang dila, at umalis. Tiningnan ni Leah si Zephir. “Bakit ka nandito?”Kalmadong sinabi ni Zephir. “May meeting kami ng business partner ko dito at nakita kita.”Kinuha ni Leah ang bag niya. “Salamat.”“Wala ‘yon.”Umalis ng restaurant si Zephir kasama si Leah at iniwan niyang mag-isa si Zoey na umiinom kasama ang dalawang lalaki. Hindi na makainom si Zoey pero hindi na babalik si Zephir, gusto na ni Zoey gumawa ng paraan para umalis. Ayaw siyang pakawalan ng mga lalaki. May isang humawak sa balikat niya. “Sabi ni Mr. Gosling sasamahan mo raw ka
Hindi nagtagal at annual charity ball na. Puno ng mga artista ang event. Nakasuot ng haute couture dress si Zoey at naglakad sa red carpet kasama ang mga taong may mga kilalang pangalan. Agad siyang naging pokus sa event.Si Daisie na hindi nakasuot ng haute couture ay nakumpara sa kaniya. Nang maglakad sa event hall, nilagpasan ni Zoey si Daisie. “No way! Hindi nakasuot ng haute couture ang princess ng mga Goldmann? Oh well, sa tingin ko hindi ka naman kakasya sa haute couture kung buntis ka.”Nakasuot ng loose dress si Daisie at may fur coat na nakatakip sa kanyang tiyan. Kahit na hindi iyon haute couture, nagkakahalaga ng five figures ang fur coat na ‘yon.Tumalikod si Daisie para tingnan si Zoey at kalmado siyang sumagot, “Charity ball ito, hindi beauty pageant.”“Sige, sabihin mo na lang na hindi sayo kasya ang mga dress. Hindi mo na kailangan mag dahilan.”Huminto si Zoey sa harap ni Daisie at humalukipkip siya. “Aalis ka naman na rin sa industry pag nanganak ka na. Sobran
Hindi siya sinabihan ni Daisie, pero hindi iyon hahayaan na lang ng ibang artista. “Zoey, charity event ito, hindi fashion show. Sa tingin ko hindi dapat ikaw ang nasa gitna.”Hindi naman pwede na kahit sino na lang ang nasa gitna. Isang charity event ito. Hindi nga nakatayo sa gitna ang mga sikat, pero siya ang nandoon. Walang tao ang papayag dito.Sumagot si Zoey, “Wala namang sinabi ang iba, kaya sino ka para sabihin ito sa akin? Tumayo ka rin dito kung hindi ka masaya na nandito ako.”Nagulat ang artista.Kumunot ang noo ng main organizer ng event at may sinabi siya sa assistant. Agad na may tinawag ang assistant para tumulong sa kanila.Hindi nagtagal, biglang nag-request ang organizer na i-arrange sila base sa funds na kanilang binigay. Tatayo sa likod ang mga walang binigay na funds.Matapos mangyari iyon, pinag-usapan na ng lahat si Zoey. Namutla ang mukha ni Zoey dahil naging awkward ang sitwasyon.Nagbulungan ang mga tao, “Wala siyang funds na binigay? Ang kapal pa n
Tinulungan ni Zephir na umupo si Daisie. Nang makita niyang namutla ang mukha ni Daisie, tinanong niya, “Ayos ka lang, Daisie?”Walang sinabi si Daisie.Tumalikod si Zephir at galit na tiningnan si Zoey, kaya napaatras ito sa takot. Sabi niya, “Hindi… ko siya tinulak. Siya ang nalaglag mag-isa. Hindi ko kasalanan.”Biglang tumayo si Daisie mula sa sahig. Lumapit siya kay Zoey at sinampal niya ito sa mukha, kaya tumagilid ang mukha niya.Nagulat si Zoey. Hinawakan niya ang pula, at namamaga niyang pisngi at sinabi, “Sinampal mo ako?”Nang gaganti na sana si Zoey, hinawakan ni Daisie ang kamay niya at sinipa siya kaya natumba si Zoey sa sahig. Nasaktan si Zoey at sumigaw siya, “Daisie, baliw ka ba!?” Hindi umawat si Zephir.Tiningnan siya ni Daisie. “Ako, baliw? Kung may mangyari na masama sa batang nasa sinapupunan ko, kaya mo bang harapin ang consequences, Zoey?”Mas lalong naging halata ang pulang bakas sa pisngi ni Zoey. Nag-igting ang ngipin niya at sinabi, “Sino ba nakakaa
Nagpatuloy na lumaki ang usapan sa Internet, at gusto ng lahat na lumabas si Daisie at magsalita tungkol sa nangyari. Sa workshop ni Zephir…Sinabi ng assistant ni Zephir kay Zoey na sabihin niya ang totoo. Habang nakaupo, hindi nakinig si Zoey sa kaniya at sinabi, “Bakit ko naman sasabihin ang totoo? Siya naman ang sumampal sa akin kaya dapat lumapit siya at mag-sorry sa akin.”Kinamot ng assistant ang noo niya at sinabi, “Zoey, ito na ang last warning na binigay ni Mr. Gosling sayo. Dapat gawin mo ang sinabi niya bago pa mahuli ang lahat.”Tumayo si Zoey at sinabi, “‘Di bale na lang kung pupunta si Daisie at manghingi ng tawad sa akin. Kung hindi, hindi ako titigil sa plano.”Matapos siyang magsalita, dumating si Nollace sa labas ng pinto kasama ang isang lawyer. “Ikas dapat ang manghingi ng tawad sa asawa ko.”Nagbago ang ekspresyon ni Zoey. “Anong ibig mong sabihin?”Umatras si Zoey nang dalawang beses at natatakot na tumingin sa kanila. “Tutulungan niyo bang lahat si Dai
Ang isang bagay dito sa mundo na hindi kayang harapin ni Zoey ay ang sarili niyang kagustuhan na sobrang tinatago niya sa kaniyang puso.Parang public execution ang ginawa ni Nollace. Dinurog niya ang pride at self-esteem ni Zoey.Tiningnan ni Nollace ang lawyer niya at tinanong, “Anong parusa sa prostitution?”Inayos ng lawyer ang eyeglasses niya at sinabi, “Kahit saang lugar pa, illegal talaga na magkaroon ng sexual interaction sa mga tao para makakuha ng remuneration benefits o kahit ano pa. Kahit na hindi iyon krimen, may katumbas itong detention na more than ten days and less than fifteen days, at may multa na $800.Ngumiti si Nollace kay Zoey at tinanong, “May gusto ka bang sabihin, Ms. Markle?” Umiling si Zoey at malakas na sumigaw, “Hindi. Pinilit ako na gawin ‘yan. Hindi ako ‘yon… Hindi ko ito kasalanan…”“Wala namang may pakialam kung pinilit ka ba o hindi. Titingin lang naman ang mga pulis at judge sa mga ebidensya. At saka, ‘di ba nakuha mo naman na ang gusto mo? Kaya
Gusto lang naman ni Zoey na makaabot sa tuktok ng mundo at hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang goal niya. Wala siyang ginawa na masama.Bakit nakapokus ang lahat kay Daisie? Bakit walang nakakita sa efforts niya?Lahat ng nasa entertainment industry ay mga profit-seeker, at isa lang siya sa mga iyon. Gusto niyang makakuha lang ng parte. Mataas ang pangarap niya. Wala naman siyang ginawa na masama, pero biktima lang siya ng kapangyarihan sa huli. Galit siya sa mundong ito dahil hindi patas ang lahat.Nang biglang, nakita niya ang gunting sa mesa. Nang tumalikod si Zephir, lumapit si Zoey sa mesa at kinuha ang gunting. Nang marinig ni Zephir ang nangyayari at tumalikod, sinaksak siya ni Zoey at diniin ang gunting sa kaniyang tiyan. Ito ay isang bagay na hindi niya inaasahan, at puno ng gulat ang mata niya.Tiningnan siya ni Zoey at nakakatakot na nakangiti. “Dahil gusto niyo namang lahat na sirain ako, isasama ko kayong lahat sa impyerno!’Narinig ng assistant ni Ze
“Zephir!”Doon lang dumating sila Patricia at Alexander. Kasama din nila sila Francisco at Naomi.Nang makita ni Patricia si Leah, mabilis siyang lumapit kay Leah at tinanong, “Leah, kumusta si Zephir at ano ba ang nangyari?” “Relax, Ms. Gosling,” pinagaan ni Leah ang loob niya. “Nasa loob pa ng operating room si Zephir. Sigurado akong magiging okay lang siya. Sa kung ano naman ang nangyari, kailangan natin maghintay na gumising siya.”Tinakpan ni Patricia ang bibig niya at umiyak. Niyakap siya ni Alexander at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Magiging ayos lang ang anak natin.”“Sinabi ko sa kaniya na dapat hindi siya pumasok sa entertainment industry pero hindi siya nakinig!” Nalulungkot si Patricia nang malaman ang nangyari sa kaniyang anak. Dati rin siyang sikat na artista sa entertainment industry kaya alam niya kung gaano ka-delikado sa entertainment industry.Nang biglang, nakita niya si Daisie, at biglang nag-iba ang ekspresyon niya. “Ikaw pala ‘yon.”“Mrs. Gosling, mataga
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa