Inangat ni Nollace ang tingin niya at pinanood ang bawat hakbang ni Daisie palapit sa kaniya at siniksik ang sarili nito sa bisig niya.Bahagyang natigil su Nollace, bumaba ang tingin niya, at namamaos na tinanong, “Anong problema?”Umiling siya at dinikit ang pisngi niya sa mainit na dibdib ni Nollace. “Ayos lang siya. Tara na.”Tinaas ni Nollace ang kamay niya para yakapin si Daisie, hinalikan siya sa noo, at ngumisi. “Ang clingy mo.”Tumingin si Daisie sa kaniya at naningkit habang nakangiti. “Sinasabi mo ba na ayaw mo sa ugali kong ‘to?”Ngumiti siya. “Hindi.”Pagkalipas ng ilang araw, kinumpirma ng mga pulis na si Zoey ang gumawa ng krimen ng intentional injury at naglabas ng arrest warrant para sa kaniya. Lagpas sa kalahati ng fans ni Zoey ang nag-unfollow sa kaniya, naiwan na lang ang mga fans na matitigas ang ulo na naniniwalang malinis ang idol nila.Pero, gumawa ng krimen si Zoey at opisyal na natanggal sa entertainment industry. Ngayong iniiwasan niya ang mga pulis,
“Napilitan lang ako na gawin ‘yon.” Hinubad ni Zoey ang mask niya at tiningnan ang magulong paligid. “Paano mo nagawang tumira sa ganitong klase ng lugar?”“Kung hindi?” Ngumisi si Tiffany at binuka ang kamay niya. “Kaya mo bang labanan ang mga kapitalista na ‘yon at talunin sila sa Bassburgh?”“Hindi ba't galit ka rin kay Daisie?” Lumapit si Zoey sa kaniya at pinatong ang kamay niya sa gilid ng mesa. “Kung hindi dahil sa kanila, hindi ka sana mapupunta sa ganito kabulok na lugar ngayon. Kaya paano kung magtulungan tayo?”Tiningnan ni Tiffany si Zoey. “Gusto mong magtulungan tayo? Anong magagawa ng isang pinaghahanap na kriminal sa sinasabi mo?”“Wala na akong kahit ano, kaya hindi na ako natatakot. Alam ko na ginamit ka rin ni Zephir Gosling at sinaksak ko siya. Ituring mo na lang ang bagay na ‘yon bilang ganti ko para sa'yo.”‘Narinig ko ang tungkol sa nangyari kay Tiffany noon. Kahit na mukhang si Tiffany ang may gusto na isabotahe si Nollace, si Zephir ang mastermind na nakais
Makikita ang martial arts training center sa gitna ng siyudad, malapit sa commercial region na ilang block lang ang layo mula sa administrative at financial areas. Hindi mura ang kada buwan na renta sa mga property sa parte na ‘yon—aabot ng $70,000 kada buwan.Pinitik ni Cameron ang daliri niya. “Paano kung pumunta ako at kausapin ang may-ari?”Nagulat si Daisie at natagalan siya bago naintindihan kung ano ang nasa isip ni Cameron. “Sinasabi mo ba sa akin na interesado ka sa training center?”Inangat ni Cameron ang kilay niya. “Tama ka.”Pumarada si Cameron at Daisie sa labas ng training center at lumabas ng sasakyan. Sa oras na ‘yon, bahagyang nakasara ang pinto ng martial arts training center. Mukha itong pinabayaan at kaunti lang ang tao na nasa hall.Binuksan ng dalawa ang pinto at pumasok sa training center. Ang tagalinis lang ang nandoon at nagma-mop ng sahig. Nang mapansin nito ang dalawang babae, tingnan niya ang mga ito. “May hinahanap ba kayo?”Tanong ni Daisie, “Wala b
Bahagyang inangat ni Cameron ang kilay niya at lumaki ang ngiti. “So, sinasabi mo ba mabibigyan ako ng grandmaster mo ng magandang laban?”May matalas siyang kutob sa mga martial arts experts. Panigurado na hindi lang basta martial arts practitioner ang grandmaster na nasa likod ng tao na ito.“Isa pang rason para makita ko siya.”Nang lalapit na si Cameron sa disciple, bigla niyang naramdaman ang malakas na killing intent mula sa paligid. Agad siyang tumigil sa paggalaw at tumalikod para tingnan ang grupo ng tao na nakatayo sa harap ng attic.Hindi katulad ng damit nila sa suot ng martial arts disciple, at hindi pa nakita ni Cameron ang mukha nila sa martial arts training center.Sa unang tingin, mukhang pamilyar ang uniform nila at pakiramdam ni Cameron ay nakita na niya ang mga ito noon.“Dylan, hindi ka dapat maging bastos sa mga bisita natin.” May taon na bumaba mula sa taas. Nakatayo ang lalaki sa likod ng ilaw at mukha siyang matikas at matangkad. Gawa sa cotton at linen a
“At sa nangyari noong nakaraan, kagagawan yon ni Conroy sa sarili niya. Syempre, wala akong pake tungkol sa ganoong bagay, pero…” Tiningnan ni Nick si Cameron, lumapit sa kaniya at huminto sa harap. “Oras na para ayusin ang gulo sa pagitan natin sa isang paraan?”Inangat ni Cameron ang tingin niya. “Paano ang plano mo para ayusin?”Lumapit si Nick at nagalakad habang may malaking ngisi. “Iniisip ko kung nag-improve ang skills mo. Gusto kitang makalaban ulit sa ring.”…Pagkatapos umalis ni Daisie sa training center, tinawagan niya si Waylon at sinabihan tungkol sa desisyon ni Cameron na manatili sa lugar na yon dahil nag-aalala siya rito.Nang marinig ‘yon, tumigil ang pen sa kamay ni Waylon sa pagsusulat. “Sinasabi mo ba na may galit ang may-ari ng martial arts training center kay Cameron?”“Siguro. Nararamdaman ko.” Bumaba ang tingin ni Daisie. “Waylon, sobrang nag-aalala ako kay Cameron. Kahit pa gaano kalakas si Cameron, mukhang hindi basta mahina lang ang kalaban. Paano kung
“Sinong nagsabi sa'yo na hindi ako marunong tumanggap ng pagkatalo? Inaamin ko na magandang kalaban si Mr. Wickam, tulad ng kasabihan, lahat ay patas pagdating sa digmaan. Alam din dapat ito ni Mr. Wickam, hindi ba?” may kumpiyansa na sumagot si Cameron sa akusasyon ni Dylan.Mabagal ba tumayo si Nick, tinakpan ang mukha niya gamit ang kaniyang palad at tumawa. “Hindi ko inakala na tuso ka pa rin. Gumamit ka pa ng ganitong paraan.”Walang pakialam na inayos ni Cameron ang sleeves niya. “Dati mababa ang tingin ko sa gumagamit ng mga ganitong paraan pero nagbabago ang mga tao. Ang masasabi ko lang ay minaliit mo ang kalaban mo.”Nanginginig sa galit si Dylan. “W-Wala ka talagang kahihiyan.”Ngumisi siya. "Ang mga walanghiyang tao ay ang mga walang talo sa mundo.”‘Natutunan ko ‘yon kay Wayne.’“Ikaw—”Inangat ni Nick ang kamay niya para pinigilan ang sasabihin ni Dylan, tumingin siya kay Cameron at tumawa. “Tama ka. Minaliit ko ang kalaban ko at binigyan ka ng pagkakataon para ma
Tumango si Nick. “Inaasahan ko ‘yan.”Inilayo ni Waylon si Cameron.Pagkatapos umalis sa training center, kumawala si Cameron sa braso ni Waylon at tiningnan siya. “Kilala mo ba si Nick?”Tinitigan ni Waylon ang mukha niya. “Hindi ka ba natatakot na magseselos ako kapag patuloy mong binabanggit ang ibang lalaki sa harap ko?”Nasamid si Cameron sa sarili niyang salita. “Ikaw? Magseselos? Ano bang dapat mong ikaselos?”Sinandal siya ni Waylon sa hood ng sasakyan, pinisil ang baba niya at mas lumapit sa kaniya. “Malapit ba kayong dalawa?”Hindi siya nag dalawang isip bago sumagot, “Hindi ko naman masasabi na malapit kami.”Naguguluhan si Waylon. Wala siyang magawa dahil sumagot siya nang nay kumpiyansa at mukhang hindi nagsisinungaling.Hinaplos niya ang gilid ng labi ni Cameron gamit ang daliri niya at yumuko para halikan si Cameron, at agad na nilagay ni Cameron ang kamay niya sa dibdib ni Waylon. “May mga tao dito— Mmmm!”Hinawakan ni Waylon ang batok ni Cameron gamit ang kani
Hinawakan ni Waylon ang batok ni Cameron at siniil ang labi nito.Sa sobrang inis ni Cameron ay gusto niyang kagatin si Waylon. Pero, para bang alam na nito ang magiging reaksyon niya, agad niyang inalis ang labi niya palayo.Kumuha si Cameron ng tsinelas at binato kay Waylon.Umilag si Waylon sa lumilipad na bagay sa pagtago sa pinto, at lumagpas ang sapatos sa katawan niya, nakaiwas sa target nito. Malakas siyang tumawa. “Bakit ang cute mo pa rin kapag naiinis ka?”“Wayne Goldmann, umalis ka!”Pagkatapos umalis ni Waylon, humiga si Cameron sa gilid ng bathtub at namumula ang pisngi niya.‘Baka nautakan na ako ng tao ba ito. Kung hindi, paanong… Paanong halos tanggapin ko na ang sinasabi niya kanina!?’Sa study room, umupo si Waylon sa likod ng desk at binasa ang material na pinadala sa kaniya ni Leonardo.Ang may-ari ng martial arts training center na si Nick Wickam ay itinuturing na kilalang tao sa Southeast Eurasia.Sumikat ang mga Wickam sa Southeast Eurasia. Pagkatapos n