Tumango si Nick. “Inaasahan ko ‘yan.”Inilayo ni Waylon si Cameron.Pagkatapos umalis sa training center, kumawala si Cameron sa braso ni Waylon at tiningnan siya. “Kilala mo ba si Nick?”Tinitigan ni Waylon ang mukha niya. “Hindi ka ba natatakot na magseselos ako kapag patuloy mong binabanggit ang ibang lalaki sa harap ko?”Nasamid si Cameron sa sarili niyang salita. “Ikaw? Magseselos? Ano bang dapat mong ikaselos?”Sinandal siya ni Waylon sa hood ng sasakyan, pinisil ang baba niya at mas lumapit sa kaniya. “Malapit ba kayong dalawa?”Hindi siya nag dalawang isip bago sumagot, “Hindi ko naman masasabi na malapit kami.”Naguguluhan si Waylon. Wala siyang magawa dahil sumagot siya nang nay kumpiyansa at mukhang hindi nagsisinungaling.Hinaplos niya ang gilid ng labi ni Cameron gamit ang daliri niya at yumuko para halikan si Cameron, at agad na nilagay ni Cameron ang kamay niya sa dibdib ni Waylon. “May mga tao dito— Mmmm!”Hinawakan ni Waylon ang batok ni Cameron gamit ang kani
Hinawakan ni Waylon ang batok ni Cameron at siniil ang labi nito.Sa sobrang inis ni Cameron ay gusto niyang kagatin si Waylon. Pero, para bang alam na nito ang magiging reaksyon niya, agad niyang inalis ang labi niya palayo.Kumuha si Cameron ng tsinelas at binato kay Waylon.Umilag si Waylon sa lumilipad na bagay sa pagtago sa pinto, at lumagpas ang sapatos sa katawan niya, nakaiwas sa target nito. Malakas siyang tumawa. “Bakit ang cute mo pa rin kapag naiinis ka?”“Wayne Goldmann, umalis ka!”Pagkatapos umalis ni Waylon, humiga si Cameron sa gilid ng bathtub at namumula ang pisngi niya.‘Baka nautakan na ako ng tao ba ito. Kung hindi, paanong… Paanong halos tanggapin ko na ang sinasabi niya kanina!?’Sa study room, umupo si Waylon sa likod ng desk at binasa ang material na pinadala sa kaniya ni Leonardo.Ang may-ari ng martial arts training center na si Nick Wickam ay itinuturing na kilalang tao sa Southeast Eurasia.Sumikat ang mga Wickam sa Southeast Eurasia. Pagkatapos n
Uminom si Cameron ng tsaa. “Ayos lang. Marami akong oras.”Umirap si Dylan nang makita na mananatili doon si Cameron. “Ano bang gusto mo? Nangako na ang grandmaster namin na hindi ka gagantihan, kaya huwag ka ng makulit.”Pinagkrus ni Cameron ang hita niya. “Nandito ako para magbigay ng offer, at sinasabi mo na makulit ako. Anong problema mo? Malaki ba ang kinikita mo? Kahit na galit ka sa akin, magpakita ka naman ng kaunting respeto.”Nagulat si Dylan. “Anong ibig mong sabihin?”Kumaway siya. “Hindi mo rin maiintindihan kahit na ipaliwanag ko ang lahat sa'yo. Umalis ka na at sabihan ni Nick na lumabas at makipagkita sa akin.”May gustong sabihin si Dylan pero isang middle-aged na boses ng lalaki ang nagmula sa taas. “Dylan, hayaan mong makapasok si Ms. Southern.”Ngumuso si Dylan at nagdadalawang isip na sinabi, “Sumunod kayo sa akin.”“Ganiyan dapat.” Tumayo si Cameron habang nakangiti, lumingon at sinabi kay Daisie. “Hintayin mo ako dito.’Tumango si Daisie.Umakyat si Came
Tumingin si Nick kay Cameron. “Kailan ka pa natuto magsalita para sa iba?”Nagulat si Cameron. “Nagsasabi ako ng totoo.”Wala siyang sinabi na kahit ano.Naningkit ang mata ni Cameron. “Please huwag mong sabihin na may galit ka pa rin sa akin?”Kumunot siya. “Ano?”“Alam ko. Sobra ang ginawa ko noon. Kaya kong humingi ng tawad sa'yo. Kung tutuusin, bata pa ako at mayabang na babae noon.”Pagkatapos sabihin yon, tumawa si Cameron at lumapit bigla sa kaniya. “Tinuturo ng martial arts training center mo ang fist technique ng Southern. Bagay sa'kin ‘yon, hindi ba? May nangyari man na masama, pwede kang magpatuloy na grandmaster ng lugar na ito, at magiging isa ako sa shareholder o kung ano man, or baka isa sa mga trainer minsan?”Pagkatapos ng ilang sandali, pinalayas si Cameron sa opisina.Nagulat si Cameron. Lumingon siya at sumigaw, “Hoy! Bakit mo ako palalayasin? Hoy, Nick, ano sa tingin mo? Magsalita ka naman!”‘Magi-invest ako sa martial arts training center niya at hindi si
Bago pa matapos ni Cameron ang kaniyang sinasabi, may kotseng matulin ang takbo ang huminto sa kanilang harap. Hinawakan ni Cameron ang manibela, maririnig ang matining na tunog na screeching tires. Hinawakan ni Daisie ang seat belt at prinotektahan ang kaniyang bewang habang mahigpit na nakapikit ang kaniyang mata. Hindi nila maiwasan ang kotse at bumangga sila sa kotse na nasa harap nila. Agad iyon naging dahilan ng chain accident.Hindi pinansin ni Cameron ang sakit na nararamdaman niya at inunat ang kaniyang kamay para hawakan si Daisie. “Daisie, ayos ka lang?”Tiningnan ni Cameron si Daisie na nakaupo sa passenger seat. Nanginginig siya at namumutla ang kaniyang mukha dahil sa gulat. “A… Ayos lang ako pero masakit ang tiyan ko.”Nakita ni Cameron na may dugong tumutulo sa hita ni Daisie kaya agad niyang tinanggal ang seat belt niya at lumabas sa kotse. Tinawag niya ang driver na lumapit sa kanila para tingnan ang nangyari. “Please dalhin mo kami sa ospital. Nasaktan ang k
Niyakap ni Nolan si Maisie. “Alright, ligtas na si Daisie ngayon kaya hindi mo na kailangan mag-aalala.”Lumapit sila Waylon at Cameron. “Dad, Mom.”Umalis si Maisie sa pagkakayakap ni Nolan, pinunasan niya ang kaniyang luha at ngumiti. “Ayos lang ang kalagayan ng kapatid at pamangkin mo.”Ngumiti rin si Waylon. “Buti naman.”Tiningnan ni Cameron ang loob ng kwarto. Kahit na ligtas naman silang dalawa, mabigat pa rin ang pakiramdam niya.…Gumising si Daisie ng 1:00 p.m. at nakita na natutulog si Nollace sa gilid ng kama. Tinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang mukha ni Nollace.Dahan-dahang binuksan ni Nollace ang mata niya, tiningnan niya si Daisie at hinawakan ang kamay na nasa mukha niya. “Gising ka na.”Ngumiti si Daisie.Hinalikan ni Nollace ang daliri niya. “Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala…”Hinawakan ni Nollace ang mukha niya at tumawa. “Ayos lang ako.”“Tumatawa ka?” Mahinang tinapik ni Nollace ang ulo ni Daisie at lumapit sa kaniya. “Mababaliw ako pag m
Nagdalawang isip ang pulis bago tumango.Pumunta sa kwarto si Waylon, hinila niya ang upuan, at umupo. Nakayuko ang lalaki habang tumutulo ang malalamig na pawis sa kaniyang noo.Ilang sandali siyang tumingin sa lalaki. “Narinig ko na may sira ang kotse mo kaya nawalan ka ng kontrol, tama?”Maingat na tumingin ang lalaki. “Oo.”Naningkit ang mata ni Waylon. “Sigurado ka?” Kinakabahan ang lalaki. “Sinabi sa akin na malfunction ang nangyari. Bakit mo naman iisipin na ilalagay ko sa panganib ang buhay ko?”Kalmadong nilabas ni Waylon ang phone niya, binuksan niya ang footage ng nangyari, at nilagay sa harap ng lalaki. Pinanood niya iyon habang balisa ang mata. “Ano ito…”Pinagkrus ni Waylon ang mga daliri niya, pinatong ang kaniyang baba, at matalim ang titig sa lalaki na parang nakikita niya ang nasa isip nito. “Paano kung alam mong hindi ka naman mapapahamak?”Kinuyom ng lalaki ang kamay niya na nakapatong sa kaniyang hita habang nilalamig ang buto sa kaba.Nilagay ni Waylon a
“Kailangan mo inumin ang gamot mo.”“Pero sobrang pait.”Ngumiti si Nollace. “Gusto mo bang subuan kita?”“Ahem.” Inistorbo sila ni Waylon at ngumiti. “Okay lang ba sa inyo na nanonood kami?”Nagulat si Daisie at nahihiyang nagtago sa braso ni Nollace. “Waylon!”Ngumiti si Waylon. “Aalis na lang kami.”Tiningnan sila ni Nollace at tinanong, “Bakit kayo nandito?” Lumapit si Cameron sa kama. “Umalis kami kanina para panoorin ang video footage.”Tumingin si Daisie sa kanila. “Video ng accident?”Tumango si Cameron. “Sinadya ‘yon.” Huminto nang ilang sandali si Daisie, yumuko siya. “Pero… masaya akong ligtas ka.”Hinawakan ni Daisie ang kamay niya at ngumiti. “Cam, huwag mo sisihin ang sarili mo. Hindi mo ‘yon kasalanan.” Hinila ni Waylon ang upuan at umupo. “Alright, may trabaho tayong kailangan gawin. Kailangan natin humanap ng ebidensya na plinano niya ang aksidente.”Sa loob ng kwarto, sinabi ni Waylon sa kanila ang resulta ng imbestigasyon. Sinadya gawin ang aksidente,