Binati ni Waylon ang lalaki at nakipag-handshake siya. “Mr. Warren, sorry at pinaghintay kita.”Kinaway ni Herald ang kamay niya. “Nah, kakaumpisa lang namin. Tara, ipapakilala kita sa ilang business partners ko.”Sinamahan ni Herald si Waylon papunta sa ilang matatandang lalaki at masaya siyang pinakilala, “Lahat sila ay may mga level of cooperation sa Dominic Constructions. Ito si Mr. Nixon Weeber, Mr. Torres Xanthos, at si Mr. Mallon Holland.”Nagtanguan sila Waylon sa isa't isa.Tumawa si Nixon. “Matagal ko ng gustong makita ang pangalawang tagapagmana ng mga Goldmann. Ngayon na nakita na kita ng personal, nakakamangha ka nga talaga tulad ng sinasabi nila. Tulad ng inaasahan ko sa anak ng legendary na si Nolan Goldmann.”Magalang na sumagot si Waylon, “Pinapasaya mo naman ako, Mr. Weeber.”Suminghal si Nixon. “Kung pwede ka pa at wala ka pang kinakasama, siguradong ipapakilala ko sayo ang anak ko.”Sabi ni Torres, “‘Di ba meron pang isang tagapagmana? Ang mas nakakatandang k
Ngumiti si Waylon. “Basta ayos lang sa'yo.”Natigil si Minzy at ngumiti. “Syempre ayos lang.”Tiningnan ni Waylon ang relo niya at sinabing, “Gumagabi na. Uuwi na ako.”Tumango si Minzy.Pagkatapos niyang umalis, lumiwanag ang mata ni Minzy.Nang bumalik si Waylon sa Emperon, 10:30 p.m na. Pinatay niya ang ilaw sa living room, umakyat, at napansin ang ilaw na nagmumula sa ilalim ng pinto, na nagbibigay ng liwanag sa madilim na corridor.‘Gising pa ba siya?’Kumatok si Waylon, pero walang sumagot. Binuksan niya ang pinto at nagulat sa nakita niya.Natutulog si Cameron habang nakaipit ang kumot sa mahaba niyang hita. Kalahati ng kumot ang nasa sahig habang suot niya ang silky nightgown na makikita ang katawan niya kapag gumalaw siya.Nag-igting ang panga niya. Sinusubukan ba nito ang pagpipigil niya? Hindi maganda ‘yon.Huminto si Waylon sa kama, lumapit, at pinatong ang kamay niya sa parehong gilid at walang pagda-dalawang isip na dinampian ng halik si Cameron.Gumalaw siya h
Umalis sa kwarto si Waylon.Kumunot si Cameron at napaisip nang malalim.Samantala, tanghali na sa Yaramoor.Nakauwi na si Freyja mula sa mga lecture niya. Hindi siya komportable na iwan si Colton at dad niya dahil alam niya na hindi gusto ni Colton ang dad niya. Mahina ang loob ng dad niya kaya malaking gulo kapag pinaiyak siya ni Colton.Kinuha niya ang kaniyang susi, binuksan ang pinto at agad naamoy ang alak.Kumuha ang dalawang lalaki ng snack at nagsimulang uminom. Nakaubos na sila ng dalawang dosenang beer.Kumuba pa si Brandon ng dalawang bote ng wine na tinatago nila. Halos ubos na ang isa non at nasa kalahati naman ang isa. Siguro ay lasing na siya habang umiiyak na parang bata habang hawak si Colton at isang bote na walang laman.Sinabi niya na humihingi siya ng tawad tungkol sa mga nangyari pati na rin sa pagiging walang kwenta niya.Marami rin ang nainom ni Colton at nakapatong ang ulo sa kamay niya, hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ni Brandon. Sinalinan siya n
Kinabukasan…Nang magising si Freyja, nanunuyo ang lalamunan niya at wala siyang lakas na umalis sa kama.Dala ni Colton ang almusal sa tray at nakita niya ang mga marka sa leeg ni Freyja. Masaya siya sa kaniyang ‘trabaho’. “Ang aga mong nagising.”Inilagay niya ang pagkain sa mesa. Bukod sa simpleng almusal, may mangkok din ng sabaw. “Nag-aalala ako na baka sobrang pagod ka kaya ginawan kita ng sabaw.”Nagtaka si Freyja. “Kumakain ba ng sabaw ang mga tao sa umaga?”Umupo siya sa kama, kumuha ng sabaw at inihipan. “Gagaan ang pakiramdam mo diyan.”Inilapit niya ang sabaw sa bibig ni Freyja kaya hinigop niya yon at tinuro ang tray. “Gusto ko ng itlog. Balatan mo para sa akin.”Binaba ni Colton ang mangkok at ginawa ang sinabi ni Freyja.Pinakain niya na si Freyja noon pero sumasagot siya noon at sinasabing inuutusan siya nito. Pero ngayon, naiilang siya sa pagiging ‘masunurin’ nito.Nang mapagtanto na nakatitig si Freyja sa kaniya, tumingin si Colton. “Anong problema?”Sumanda
Tumingin sa paligid si Minzy.Kahit na walang nararamdaman sa kaniya si Waylon, hindi niya maiwasan na kunin ang atensyon niya. Hindi niya pa inaamin ang relasyon niya kay Cameron, at hindi pa sila kasal, kaya inakala niya na may pagkakataon pa siya.“Mr. Goldmann, gusto mo bang manood ng movie sa weekend? Wala akong makitang makakasama at ikaw lang ang kakilala ko sa Bassburgh.”Nahihiya siyang inimbita ni Minzy.Inangat ni Waylon ang kilay niya at pinag-isipan yon.Tumingin ang driver sa rearview mirror. “Sir, may sasakyan na sumusunod sa atin.”Kalmado si Waylon at mukhang alam kung sino ang nasa sasakyan, kaya kumurba ang labi niya.Tumalikod si Minzy at mukhang kinakabahan. “Sumusunod sa atin? Kakilala ba natin yan?”Walang pakialam si Waylon. “Sinong nakakaalam? Baka.”Nang makita ni Minzy na hindi kinakabahan si Waylon sa pagsunod sa kanila, sinasabing baka kakilala nila, at mukhang kalmado at maayos, inisip niya an baka kakilala ito ni Waylon.Gusto niyang malaman kun
Si Waylon ang unang lalaki na tumanggi sa kaniya.Siya rin ang una na hindi napakita ng paghanga o pagtingin tungkol sa kaniya.Kaya hindi niya makalimutan si Waylon kahit bumalik na siya sa Kong Port. Pakiramdam niya ay wala man lang sa kalahati ang ibang lalaki kumpara kay Waylon.Malungkot na bumalik si Minzy sa kaniyang hotel at biglang nakakita ng flash. Natigil siya at napagtanto na may kumukuha ng larawan niya.Patitigilin niya sana yon nang may bigla siyang naalala at tumigil sa kaniyang paglalakad.…Binalik si Waylon sa Emperon at nakita na wala doon ang sapatos ni Cameron.Tinawagan niya ito pero hindi sumagot.Inisip niya kung saan pumunta si Cameron kaya nag text siya kay Daisie.Samantala, sa martial arts center…Pagkatapos mabasa ang text mula kay Waylon, tumingin si Daisie kay Cameron na sumusuntok ng punching bag. Nang pumunta si Cameron para makita siya, nahulaan agad ni Daisie na dahil yon sa galit ito kay Waylon.Siguro ay seryoso ang bagay na ‘yon para i
“Mukhang kailangan ko ipakita sa'yo ang kaya kong gawin!”Sa halip na pakalmahin sila, nagtipon ang mga nanonood at pinalalabang sitwasyon.Wala sa mood si Cameron. Ngayon may nag alok ng kaniyang sarili para mailabas niya ang galit niya, agad na lumiwanag ang mata niya sa saya. “Sa totoo lang, wala lang ang black belt sa Taekwondo. Walang dapat ipagmalaki.”Suminghal si Conroy. Hindi pa siya nakakita ng mayabang na babae noon. “Babae, hindi ba't parang sumusobra ka na?”Humalukipkip siya, sinabi ni Cameron, “Hah, para lang sa mga talunan ang pagyayabang. Ang totoong master ay hindi bibigyan ng pagkakataon ang kalaban na makaganti.”Nagalit na si Conroy pagkatapos mainsulto nang paulit-ulit ni Cameron. Inangat niya ang kaniyang sleeves at sinabi, “Binigyan na kita ng pagkakataon pero hindi mo iningatan. Mukhang kailangan kita turuan ng leksyon ngayong araw.”Inangat ni Cameron ang kamay niya at sinabing, “Sandali.”Akala ni Conroy na natatakot si Cameron at mayabang siyang tumaw
“Ano?” Nang marinig ni Daisie ang sinabi ni Cameron, tiningnan niya si Conroy at tinanong, “Sinubukan mo siyang pag samantalahan? Ang lakas ng loob mo!”Pagkatapos niyang magsalita, sinipa niya ang lalaki, bumagsak ito sa sahig.Pinatigil ni Cameron si Daisie nang sisipain niya ito ulit. “Sige na, sige na. Tama na ‘yan. Binugbog ko na siya. Bullying na ‘yan kapag pinagpatuloy natin na bugbugin siya.”Samantala, may pumasok sa building.Nang makita niya ang eksena sa building, naningkit ang mata niya. “Anong nangyari dito?”Nang makita ni Cameron si Waylon, nagalit siya ulit at sinipa si Conroy.Gusto siyang pigilan ni Daisie pero masyado siyang mabagal.Nagulat si Conroy. Pagkatapos bumalik sa kaniyang huwisyo, sumigaw siya, “Bakit sinipa mo ako ulit?”‘Bakit niya ako ginaganito!?’Mabilis na lumapit si Waylon at hinawakan si Cameron. “Sige na, tumigil ka na.”Inilayo ni Cameron ang kamay nito at sinabing, “Labas ka na dito.”Naningkit ang mata ni Waylon at sinabing, “Labas
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell