Si Waylon ang unang lalaki na tumanggi sa kaniya.Siya rin ang una na hindi napakita ng paghanga o pagtingin tungkol sa kaniya.Kaya hindi niya makalimutan si Waylon kahit bumalik na siya sa Kong Port. Pakiramdam niya ay wala man lang sa kalahati ang ibang lalaki kumpara kay Waylon.Malungkot na bumalik si Minzy sa kaniyang hotel at biglang nakakita ng flash. Natigil siya at napagtanto na may kumukuha ng larawan niya.Patitigilin niya sana yon nang may bigla siyang naalala at tumigil sa kaniyang paglalakad.…Binalik si Waylon sa Emperon at nakita na wala doon ang sapatos ni Cameron.Tinawagan niya ito pero hindi sumagot.Inisip niya kung saan pumunta si Cameron kaya nag text siya kay Daisie.Samantala, sa martial arts center…Pagkatapos mabasa ang text mula kay Waylon, tumingin si Daisie kay Cameron na sumusuntok ng punching bag. Nang pumunta si Cameron para makita siya, nahulaan agad ni Daisie na dahil yon sa galit ito kay Waylon.Siguro ay seryoso ang bagay na ‘yon para i
“Mukhang kailangan ko ipakita sa'yo ang kaya kong gawin!”Sa halip na pakalmahin sila, nagtipon ang mga nanonood at pinalalabang sitwasyon.Wala sa mood si Cameron. Ngayon may nag alok ng kaniyang sarili para mailabas niya ang galit niya, agad na lumiwanag ang mata niya sa saya. “Sa totoo lang, wala lang ang black belt sa Taekwondo. Walang dapat ipagmalaki.”Suminghal si Conroy. Hindi pa siya nakakita ng mayabang na babae noon. “Babae, hindi ba't parang sumusobra ka na?”Humalukipkip siya, sinabi ni Cameron, “Hah, para lang sa mga talunan ang pagyayabang. Ang totoong master ay hindi bibigyan ng pagkakataon ang kalaban na makaganti.”Nagalit na si Conroy pagkatapos mainsulto nang paulit-ulit ni Cameron. Inangat niya ang kaniyang sleeves at sinabi, “Binigyan na kita ng pagkakataon pero hindi mo iningatan. Mukhang kailangan kita turuan ng leksyon ngayong araw.”Inangat ni Cameron ang kamay niya at sinabing, “Sandali.”Akala ni Conroy na natatakot si Cameron at mayabang siyang tumaw
“Ano?” Nang marinig ni Daisie ang sinabi ni Cameron, tiningnan niya si Conroy at tinanong, “Sinubukan mo siyang pag samantalahan? Ang lakas ng loob mo!”Pagkatapos niyang magsalita, sinipa niya ang lalaki, bumagsak ito sa sahig.Pinatigil ni Cameron si Daisie nang sisipain niya ito ulit. “Sige na, sige na. Tama na ‘yan. Binugbog ko na siya. Bullying na ‘yan kapag pinagpatuloy natin na bugbugin siya.”Samantala, may pumasok sa building.Nang makita niya ang eksena sa building, naningkit ang mata niya. “Anong nangyari dito?”Nang makita ni Cameron si Waylon, nagalit siya ulit at sinipa si Conroy.Gusto siyang pigilan ni Daisie pero masyado siyang mabagal.Nagulat si Conroy. Pagkatapos bumalik sa kaniyang huwisyo, sumigaw siya, “Bakit sinipa mo ako ulit?”‘Bakit niya ako ginaganito!?’Mabilis na lumapit si Waylon at hinawakan si Cameron. “Sige na, tumigil ka na.”Inilayo ni Cameron ang kamay nito at sinabing, “Labas ka na dito.”Naningkit ang mata ni Waylon at sinabing, “Labas
Lumingon si Waylon kay Cameron. “Naaamoy ko hanggang dito yung pagseselos mo.”Ayaw umamin ni Cameron at sinabing, “Sinong nagsabi sa'yo na nagseselos ako?”“Kung hindi ka nagseselos, bakit ka galit na galit at bakit mo sinundan ang sasakyan ko kanina?”Nagulat si Cameron. Lumingon siya kay Waylon. “Alam mong sinusundan kita kanina?”Tumawa siya. “Oo. Kung tutuusin, walang gagawa nang ganoon bukod sa'yo.”Kinagat ni Cameron ang labi niya at walang sinabi. Hindi niya rin alam kung bakit gusto niyang sundan sila. Baka galit siya o baka dahil ayaw niyang malapit si Minzy kay Waylon?Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, bigla niyang tinanong, “Type mo ba si Ms. Holland?”Kumunot si Waylon. “Sinabi ko ba na type ko siya?”“Walang lalaki ang hihindi sa mahinhin at mabait na babaeng tulad niya, hindi ba? Ayos lang. Pwede mong sabihin sa akin kung gusto mo siya. Maiintindihan ko.”Biglang tinapakan ni Waylon ang accelerator, dahilan para humigpit ang hawak ni Cameron sa handle
Bago pa matapos ni Cameron ang sinasabi niya, hinalikan siya ulit ni Waylon.…Nang malaman ng magulang ni Conroy na isinugod si Conroy sa hospital pagkatapos mabugbog, agad silang pumunta sa hospital para bisitahin ang anak nila. Nang makita nila ang namamagang mukha ng kanilang anak, para bang may sumaksak sa puso nila.“Oh my gosh! Anak, sinong gumawa sa'yo nito?”Naka cast ang braso ni Conroy, nakasabit sa sling ang hita niya at puno ng pasa at namamaga ang mukha niya.Nang makita niya ang kaniyang magulang, umiyak siya na parang bata. “Mom, Dad, kailangan niyo akong tulungan! May nang bully sa akin.”Tinanong ni Emma, “Hindi ba't nag atal ka mag Taekwondo? Bakit mo hinayaan na ma-bully ka?”Hindi sinabi ni Conroy sa mga magulang niya na siya ang may kasalanan, kaya gumawa siya ng kwento at ibinaling lahat ng sisi kay Cameron.Nang marinig ng magulang niya na na-bully ang anak nila dahil maraming tao ang nasa paligid nila, nagdilim ang kanilang mukha. Kung tutuusin, iniinga
Tumutulo ang malamig na pawis sa likod ni Thedius habang nanlalamig ang buo niyang katawan.Si Sunny Southern… Lahat ng nasa henerasyon niya ay narinig na ang pangalan nito. Kung tutuusin, alam nila ang lahat ng nangyari kay Titis Goldmann. Kahit na na mas bata si Sunny kay Titus, maikukumpara ang reputasyon ni Snny sa Southeast Eurasia sa lolo ni Nolan sa mga araw na ito.Nilagay ni Waylon ang kamay niya sa balikat nito at lumapit. “At saka, fiancee ko si Cameron. Ngayon, anak mo ang may lakas ng loob na hawakan siya. Kahit na patawarin kayo ni Mr. Southern, hindi lang uupo ang Goldmann at manonood.”Pagkatapos niyang magsalita, umalis si Waylon sa living room kasama ang mga tauhan niya nang hindi lumilingon.Hindi pa rin natatauhan si Thedius kahit matagal na oras na ang lumipas. Gulong gulo ang isip niya ngayon. Nang una, inakala niya na wala lang si Cameron at matutulungan niya ang kaniyang anak na makipag ayos.Pero, ang totoo ay maling tao ang ginulo ng anak niya ngayon.Sa
“Sinong tinutukoy mong walang hiya? Bakit ako ang sinisisi mo?” “Sige, isisi mo na ‘yan sa akin.” Hinaplos ni Waylon ang sulok ng mata ni Cameron. Bumaba ang daliri niya sa baba nito, kinurot iyon, at inangat ang mukha niya. “Dapat hindi kita iniwan, mag-isa ka lang sa bahay at wala kang alam pagdating sa kusina. Para sa kaligtasan, dapat akong mag-hire ng housekeeper na pupunta dito sa tuwing wala ako. Para alagaan ka, para hindi mo mapatay ang sarili mo sa susunod.”Sa sandaling iyon, kumulo ang tiyan ni Cameron sa sinabi ni Waylon. Tumawa si Waylon. “Gutom ka?” Hum na lang ang naging sagot ni Cameron. Ayaw ni Waylon na magutom si Cameron habang hinihintay siyang linisin ang kalat. “Hindi muna magagamit itong kusina sa ngayon kaya mag-order na lang tayo.”Matapos nilang mag-order ng takeout, umupo si Cameron sa mesa at kumain. Kahit na hindi kasing sarap ng luto ni Waylon ang takeout, hindi naman pangit ang lasa nito. Halos isang oras at kalahati ang nagamit ni Waylon sa
Nakatitig lang si Waylon sa mukha ni Cameron na parang pusa na naglaro sa coal mine at hindi alam na nagkaroon na ng dumi ang kaniyang mukha. Namula ang pisngi ni Cameron nang mapansin na nakatingin sa kaniya si Waylon. Bakit ka nakatingin sa akin?” Hindi napigilan ni Waylon na tumawa nang malakas. “Ikaw ang tagapagmana ng mga Southern kaya bakit para kang pusa na marumi?” Agad na nawala ang original na intimate na atmosphere sa sinabi ni Waylon, agad siyang tinulak ni Cameron. “Sinong pusa ang tinutukoy mo!?”Hinawakan ni Waylon si Cameron. “Hindi ka naniniwala sa akin?” Kinagat ni Cameron ang balikat ni Waylon pero hindi niya masyadong nilakasan. Kaya naman kinurot ni Waylon ang pisngi niya at hinalikan siya sa labi. Nagulat si Cameron dahil sa ambush at kinarga siya ni Waylon bago pa siya makapag-react. Sinubukan ni Cameron na tumakas, “Wayne, ibaba mo ako!”Dinala siya ni Waylon sa banyo, at agad na nakita ni Cameron ang mukha niya sa salamin at tinakpan niya ito ng k