Lumingon si Waylon kay Cameron. “Naaamoy ko hanggang dito yung pagseselos mo.”Ayaw umamin ni Cameron at sinabing, “Sinong nagsabi sa'yo na nagseselos ako?”“Kung hindi ka nagseselos, bakit ka galit na galit at bakit mo sinundan ang sasakyan ko kanina?”Nagulat si Cameron. Lumingon siya kay Waylon. “Alam mong sinusundan kita kanina?”Tumawa siya. “Oo. Kung tutuusin, walang gagawa nang ganoon bukod sa'yo.”Kinagat ni Cameron ang labi niya at walang sinabi. Hindi niya rin alam kung bakit gusto niyang sundan sila. Baka galit siya o baka dahil ayaw niyang malapit si Minzy kay Waylon?Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, bigla niyang tinanong, “Type mo ba si Ms. Holland?”Kumunot si Waylon. “Sinabi ko ba na type ko siya?”“Walang lalaki ang hihindi sa mahinhin at mabait na babaeng tulad niya, hindi ba? Ayos lang. Pwede mong sabihin sa akin kung gusto mo siya. Maiintindihan ko.”Biglang tinapakan ni Waylon ang accelerator, dahilan para humigpit ang hawak ni Cameron sa handle
Bago pa matapos ni Cameron ang sinasabi niya, hinalikan siya ulit ni Waylon.…Nang malaman ng magulang ni Conroy na isinugod si Conroy sa hospital pagkatapos mabugbog, agad silang pumunta sa hospital para bisitahin ang anak nila. Nang makita nila ang namamagang mukha ng kanilang anak, para bang may sumaksak sa puso nila.“Oh my gosh! Anak, sinong gumawa sa'yo nito?”Naka cast ang braso ni Conroy, nakasabit sa sling ang hita niya at puno ng pasa at namamaga ang mukha niya.Nang makita niya ang kaniyang magulang, umiyak siya na parang bata. “Mom, Dad, kailangan niyo akong tulungan! May nang bully sa akin.”Tinanong ni Emma, “Hindi ba't nag atal ka mag Taekwondo? Bakit mo hinayaan na ma-bully ka?”Hindi sinabi ni Conroy sa mga magulang niya na siya ang may kasalanan, kaya gumawa siya ng kwento at ibinaling lahat ng sisi kay Cameron.Nang marinig ng magulang niya na na-bully ang anak nila dahil maraming tao ang nasa paligid nila, nagdilim ang kanilang mukha. Kung tutuusin, iniinga
Tumutulo ang malamig na pawis sa likod ni Thedius habang nanlalamig ang buo niyang katawan.Si Sunny Southern… Lahat ng nasa henerasyon niya ay narinig na ang pangalan nito. Kung tutuusin, alam nila ang lahat ng nangyari kay Titis Goldmann. Kahit na na mas bata si Sunny kay Titus, maikukumpara ang reputasyon ni Snny sa Southeast Eurasia sa lolo ni Nolan sa mga araw na ito.Nilagay ni Waylon ang kamay niya sa balikat nito at lumapit. “At saka, fiancee ko si Cameron. Ngayon, anak mo ang may lakas ng loob na hawakan siya. Kahit na patawarin kayo ni Mr. Southern, hindi lang uupo ang Goldmann at manonood.”Pagkatapos niyang magsalita, umalis si Waylon sa living room kasama ang mga tauhan niya nang hindi lumilingon.Hindi pa rin natatauhan si Thedius kahit matagal na oras na ang lumipas. Gulong gulo ang isip niya ngayon. Nang una, inakala niya na wala lang si Cameron at matutulungan niya ang kaniyang anak na makipag ayos.Pero, ang totoo ay maling tao ang ginulo ng anak niya ngayon.Sa
“Sinong tinutukoy mong walang hiya? Bakit ako ang sinisisi mo?” “Sige, isisi mo na ‘yan sa akin.” Hinaplos ni Waylon ang sulok ng mata ni Cameron. Bumaba ang daliri niya sa baba nito, kinurot iyon, at inangat ang mukha niya. “Dapat hindi kita iniwan, mag-isa ka lang sa bahay at wala kang alam pagdating sa kusina. Para sa kaligtasan, dapat akong mag-hire ng housekeeper na pupunta dito sa tuwing wala ako. Para alagaan ka, para hindi mo mapatay ang sarili mo sa susunod.”Sa sandaling iyon, kumulo ang tiyan ni Cameron sa sinabi ni Waylon. Tumawa si Waylon. “Gutom ka?” Hum na lang ang naging sagot ni Cameron. Ayaw ni Waylon na magutom si Cameron habang hinihintay siyang linisin ang kalat. “Hindi muna magagamit itong kusina sa ngayon kaya mag-order na lang tayo.”Matapos nilang mag-order ng takeout, umupo si Cameron sa mesa at kumain. Kahit na hindi kasing sarap ng luto ni Waylon ang takeout, hindi naman pangit ang lasa nito. Halos isang oras at kalahati ang nagamit ni Waylon sa
Nakatitig lang si Waylon sa mukha ni Cameron na parang pusa na naglaro sa coal mine at hindi alam na nagkaroon na ng dumi ang kaniyang mukha. Namula ang pisngi ni Cameron nang mapansin na nakatingin sa kaniya si Waylon. Bakit ka nakatingin sa akin?” Hindi napigilan ni Waylon na tumawa nang malakas. “Ikaw ang tagapagmana ng mga Southern kaya bakit para kang pusa na marumi?” Agad na nawala ang original na intimate na atmosphere sa sinabi ni Waylon, agad siyang tinulak ni Cameron. “Sinong pusa ang tinutukoy mo!?”Hinawakan ni Waylon si Cameron. “Hindi ka naniniwala sa akin?” Kinagat ni Cameron ang balikat ni Waylon pero hindi niya masyadong nilakasan. Kaya naman kinurot ni Waylon ang pisngi niya at hinalikan siya sa labi. Nagulat si Cameron dahil sa ambush at kinarga siya ni Waylon bago pa siya makapag-react. Sinubukan ni Cameron na tumakas, “Wayne, ibaba mo ako!”Dinala siya ni Waylon sa banyo, at agad na nakita ni Cameron ang mukha niya sa salamin at tinakpan niya ito ng k
Umupo si Cameron at binuksan ang phone niya nang magsara ang pinto. Nang may kausap si Waylon kanina sa phone, nilabas ni Cameron ang phone niya at nakita ang balita habang nagtatago sa ilalim ng kumot.‘Si Minzy Holland ang future eldest daughter-in-law ng mga Goldamann?’Bumulong si Cameron. ‘Pasensya ka na pero naka-reserve na sa akin ang title na ‘yan.’Nang 7:00 p.m. sa Glitz Club…Nakaupo si Waylon sa private room. Wala ng ibang tao sa private room maliban sa mga bodyguard niya. Matapos ang ilang sandali, dumating si Mallon at naglakad palapit kay Waylon habang nakangiti. “Mr. Goldmann, hinahanap mo raw ako?” Niyaya ni Waylon si Mallon na umupo at inutusan ang isa sa mga bodyguard na bigyan si Mallon ng wine. Sa ilalim ng dim light sa kwarto mula sa lamp, walang makakahula ng ekspresyon sa mukha ni Waylon, hindi alam kung masaya ba siya o galit. Pinag-krus niya ang kaniyang hita at sumandal sa upuan. “Mr. Holland, isa ka sa mga business partners ng Dominic Group.
“Hmm… Tama na…” Tinulak siya palayo ni Cameron. Sobrang tulog siya at hindi maidilat ang kaniyang mata, lahat ng nangyayari sa paligid niya ay malabo sa kanyang paningin.Gumalaw ang Adam’s apple ni Waylon, niluwagan niya ang kaniyang collar. “Tingnan mo sarili mo, parang baby matulog.” Humiga si Waylon sa kama, niyakap niya si Cameron at hinaplos ang pisngi nito gamit ang kaniyang palad. “Kailan mo sasabihin sa publiko ang tungkol sa kasal natin?” Sa kabilang parte ng city, sa hotel…Nakaupo si Minzy sa couch, binabasa niya ang mga news article. Matagal na niyang alam na ilalabas ng media ang balita. Nang mabasa paano binuhay ng mga reporter at editor ang relasyon nila ni Waylon, mahigpit niyang tinikom ang labi niya.Natatakot siyang maglabas ng statement si Waylon para ipaliwanag ang relasyon nila, pero inaasahan din niya na sana hindi gawin ni Waylon.‘Sa balitang ito, pwede ko na bang sabihin na may koneksyon na ako kay Waylon ngayon?’Biglang nag-ring ang doorbell.Tuma
Umalis ng kwarto si Mallon matapos sabihin ang kailangan niyang sabihin kay Minzy. Kinabukasan, noong umaga…Suminag ang liwanag sa kurtina ng bintana at umabot ang ilaw sa taas ng kama. Umikot si Cameron, niyakap niya ang kaniyang katabi, at biglang binuksan ang kaniyang mata. Humiga si Waylon sa tabi ni Cameron, nakapatong ang kamay niya sa kaniyang noo na parang kanina pa siya gising. Nilaro ni Waylon ang dulo ng buhok ni Cameron at hinalikan ito. “Gising ka na?” Pinikit ni Cameron ang mata niya. “Hindi pa.” Ngumisi si Waylon, umikot siya at agad na tinakpan ng katawan niya si Cameron. Mabilis na binuksan ni Cameron ang mata niya at nilagay ang kaniyang kamay sa dibdib ni Waylon. “Wayne Goldmann!” Huminto ang halik ni Waylon sa sulok ng labi ni Cameron. “Bakit?” “Gusto kong kumain sa The Attic’s short ribs.” Noong nag-order sila ng takeout sa lugar na iyon, tinikman niya ang short ribs at sobrang nagustuhan iyon ni Cameron. Tumawa si Waylon, alam niyang iniiba l