“Hmm… Tama na…” Tinulak siya palayo ni Cameron. Sobrang tulog siya at hindi maidilat ang kaniyang mata, lahat ng nangyayari sa paligid niya ay malabo sa kanyang paningin.Gumalaw ang Adam’s apple ni Waylon, niluwagan niya ang kaniyang collar. “Tingnan mo sarili mo, parang baby matulog.” Humiga si Waylon sa kama, niyakap niya si Cameron at hinaplos ang pisngi nito gamit ang kaniyang palad. “Kailan mo sasabihin sa publiko ang tungkol sa kasal natin?” Sa kabilang parte ng city, sa hotel…Nakaupo si Minzy sa couch, binabasa niya ang mga news article. Matagal na niyang alam na ilalabas ng media ang balita. Nang mabasa paano binuhay ng mga reporter at editor ang relasyon nila ni Waylon, mahigpit niyang tinikom ang labi niya.Natatakot siyang maglabas ng statement si Waylon para ipaliwanag ang relasyon nila, pero inaasahan din niya na sana hindi gawin ni Waylon.‘Sa balitang ito, pwede ko na bang sabihin na may koneksyon na ako kay Waylon ngayon?’Biglang nag-ring ang doorbell.Tuma
Umalis ng kwarto si Mallon matapos sabihin ang kailangan niyang sabihin kay Minzy. Kinabukasan, noong umaga…Suminag ang liwanag sa kurtina ng bintana at umabot ang ilaw sa taas ng kama. Umikot si Cameron, niyakap niya ang kaniyang katabi, at biglang binuksan ang kaniyang mata. Humiga si Waylon sa tabi ni Cameron, nakapatong ang kamay niya sa kaniyang noo na parang kanina pa siya gising. Nilaro ni Waylon ang dulo ng buhok ni Cameron at hinalikan ito. “Gising ka na?” Pinikit ni Cameron ang mata niya. “Hindi pa.” Ngumisi si Waylon, umikot siya at agad na tinakpan ng katawan niya si Cameron. Mabilis na binuksan ni Cameron ang mata niya at nilagay ang kaniyang kamay sa dibdib ni Waylon. “Wayne Goldmann!” Huminto ang halik ni Waylon sa sulok ng labi ni Cameron. “Bakit?” “Gusto kong kumain sa The Attic’s short ribs.” Noong nag-order sila ng takeout sa lugar na iyon, tinikman niya ang short ribs at sobrang nagustuhan iyon ni Cameron. Tumawa si Waylon, alam niyang iniiba l
Nang makita na nagseselos si Cameron, tumawa nang malakas si Waylon. “Sino bang nagsabi sa akin na hindi natin ilalabas sa publiko ang relasyon nating dalawa? Paano mo ito ipapaliwanag sa media at publiko kung mahuli tayo ng paparazzi at makunan ng picture?”Nilunok ni Cameron ang mga sinabi niya. Bigla niyang naalala na may sinabi siya dati na ayaw niyang sabihin sa publiko ang relasyon nilang dalawa ni Waylon.Bahagyang tinaas ni Waylon ang kilay niya. “‘Yan na ba lahat ng sasabihin mo?”Bahagyang nahiya si Cameron. ‘Ako nga ang nagsabi dati na ayokong sabihin sa publiko ang relasyon natin pero ako rin ang may gusto na sabihin na sa publiko ito ngayon. Parang sinampal ko ba ang sarili ko?’“Binabawi mo na ngayon ang mga sinabi mo at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan.” Hinawakan ni Waylon ang noo niya at naging inosente ang kaniyang ekspresyon.“Kung sasabihin sa publiko ang kasal natin, baka magsisi ka na nagpakasal ka sa akin at baka gustuhin mo ng divorce.
Ako lang ba ang nag-iisip na sinusubukan ng matandang lalaki na ito na ilayo ang anak niya sa panganay na tagapagmana ng mga Goldmann? Siguro dahil hindi siya mapiling tao?##Oh my, ngayon na binanggit mo na, nang umattend si Mr. Goldmann ng variety show kasama si Daisie, parang may ibang meaning kung paano siya tumingin at makipag-interact kay Mr. Southern pero ngayon nakikipag-private meal na siya sa ibang babae. At saka may pamilya na rin ang pangalawang tagapagmana ng mga Goldmann at pati si Daisie kaya ang panganay na lang ang naiiwan. Mahirap hindi mag-isip ng kung anong bagay.##Parang playboy vibe na ang dating sa akin ni Mr. Goldmann ngayon. Parang mabait siya sa lahat ng babae…#Sa Blackgold…Sinara ni Waylon ang laptop niya matapos panoorin ang balita tungkol sa paglilinaw ni Mallon. Ang mga naging usapan naman tungkol sa kaniya sa Internet ay hindi niya pinansin.Biglang kumatok si Leonardo sa pinto sa oras na iyon.Tinaas niya ang tingin niya. “Come in.”Binuksan ni
‘Pfft! Wayne Goldmann, napakaswerte mo namang tao! May magandang babae dito sa baba na naghihintay ng pagkakataon para lang maghatid ng pagkain sayo!’May galit na ngiti na lumabas sa sulok ng labi ni Minzy. “Oo, pero wala dito si Mr. Goldmann kaya kahit na pumunta ka pa, wala kang magagawa kasi wala naman siya.”“Wala siya dito sa kompanya?” Bahagyang nagulat si Cameron.“Bakit naman ako magsisinungaling sayo? Wala talaga siya—”Hindi na hinintay ni Cameron na matapos ang sinasabi ni Minzy. Nilabas niya ang phone niya at tinawagan si Waylon para itanong, “Nasaan ka?”Biglang naging kakaiba ang ekspresyon ni Minzy.Pinatay na ni Cameron ang tawag. “Sabi niya sa akin nasa opisina raw siya. Ms. Holland, hindi magandang gawain ang pagsisinungaling.”Mas nahiya si Minzy. Hindi niya inaasahan na tatawagan agad ni Cameron si Waylon para tanungin kung nasaan ito. Para siyang sinampal sa mukha.‘Sinadya talaga ni Wayne na hindi ako makita, pero willing siyang makita si Cameron. Sila ba
“Lahat may pantay na pagkakataon para lumaban. Binigyan na kita ng pagkakataon dati, pero wala na akong kontrol kung pipiliin ka ba niya o hindi. At sinasabi mo pa na niloloko kita? Pero mag-isip ka nang maayos, ako ba ang nagsabi sa kaniya na huwag ka piliin?”“Ikaw—”“Ano pang makukuha mo sa pakikipagtalo mo sa akin ngayon tungkol dito? Kung sa tingin mo ay may pagkakataon ka pa, pumunta ka na lang kay Wayne at manghingi ka ng paliwanag kaysa ginugulo mo ako dito. Dapat mong malaman na sa East Islands ako lumaki, sanay na akong maging matapang at makatarungan. Kaya kung may mangyayaring hindi maganda, gagawan ko ng paraan. Walang pagkakaiba sa akin kung babae pa ‘yan o lalaki.”Matapos ito sabihin, iniwan ni Cameron mag-isa si Minzy sa parking lot.Kinuyom ni Minzy ang kamay na nasa gilid niya.‘Bakit niya inaasahan na tanggapin ko na lang ang kawalan ko?!’Sobrang galit si Cameron dahil siya ang target ngayon ni Minzy dahil kay Waylon.‘Marunong lang kumuha ng atensyon ng iba
Mabilis na umalis ang receptionist sa pangyayari, hinihiling niya na hindi siya nakagawa nang malaking pagkakamali ngayon!Bumaba ang tingin ni Waylon, tumingin siya jay Cameron, na mukhang naiinis at hindi mapigilan na tumawa. “Anong problema? Nagagalit ka nang sobra dahil lang may pumigil sa'yo sa loob ng lobby?”Humalukipkip si Cameron. “Wala ‘tong kinalaman sa kung galit ako o hindi.”Naningkit ang mata niya na para bang nababasa ang nasa isip nito. “Nakasalubong mo ba si Minzy?”“Ano sa tingin mo?”‘Sabi ko na nga ba.’Ngumiti si Waylon. “Anong sinabi niya sa'yo?”Nag-iwas ng tingin ng mata si Cameron. “Siya? Marami siyang sinabi sa akin.”Inangat ni Waylon ang kamay niya at binalot sa balikat ni Cameron. Wala siyang pakialam kung may ibang tao sa lobby at dinala niya si Cameron sa elevator.Nang makarating ang elevator sa administrative department, natahimik ang mga empleyado mg department nang makita nila si Waylon na lumabas sa elevator habang nakaakbay sa babae. Ang i
Para ito akusan si Cameron an mapagpanggap na tao.Dapat ipapakilala ni Cameron si Minzy kay Waylon at gagawin silang magkarelasyon pero nahulog siya sa lalaking para sa kaibigan niya at sinabi na patas na labas yon.Dahil sa komentong ‘yon, nagsimulang pagdudahan ng mga tao na ang tinutukoy na si Ms. Southern ay ang babaeng guest na kasama sa variety show kasama si Waylon.Ilan sa mga rational na netizen ang nagsasabing walang ginawang mali si Cameron. Walang relasyon si Minzy at Waylon, kaya patas lang yon.Pero, ilang netizen ang nagsabi ng masamang salita kay Cameron dahil dapat niyang tulungan na magkaroon ng relasyon si Minzy at Waylon pero nahulog siya rito at ninakaw si Waylon. Hindi maituturing na patas yon. ‘Niloko’ lang niya ang kaibigan niya.Ang mga tao na napanood ang talk show ay biglang nawalan ng interes kay Cameron at naging hater.Sa huli, lumabas din ang katotohanan tungkol sa pagpapanggap ni Cameron na lalaki sa loob ng dalawang dekada sa East Islands. Sinasa