Sinabi ni Titus sa lahat na great-grandfather siya ni Waylon pero walang naniwala sa kaniya. May mga nang-asar pa sa kaniya.Galit niyang ginamit ang identity ng anak niya para i-verify ang account niya. Pagkatapos nadagdag sa profile niya ang ‘Ex-chairman and Founder of Blackgold’, mabilis na nawala ang mga tao na pinagdududahan at inasar siya.Sa kabilang banda, nalaman ni Leonardo ang identity ng poster at nalaman pa ang number.Nagulat ang tao nang malaman niya na ini-imbestigahan sila. Tinawagan nila si Minzy para makunan ng pera o magsasalita sila.Nainis si Minzy sa lakas ng loob ng taong nananakot sa kaniya. “Anong ibig mong sabihin? Hindi ba't binigyan na kita ng $100,000?”Pinilit ng tao. “Hindi magiging sapat ‘yon. Nahanap nila ako, Ms. Holland. Marami kang pera kaya ano ba naman ang isa pang $100,000?”Nahulaan si Minzy. ‘Nahanap siya?’Nag-igting ang panga niya. “Sige, bibigyan pa kita ng $100,000 pero kapag nilaglag mo ako, hindi ka makakatakas kapag nakabalik ako
Sinabi ng tao na ‘yon sa dad niya!Hinawakan ni Minzy ang phone niya at sinubukang magpaliwanag. “Dad, hindi ‘to tulad ng iniisip niyo. Na… napilitan akong gawin ito.”Nang makita na hindi humingi agad ng tawad si Minzy at naghanap pa ng palusot, mas nagalit si Mallon.Pinigilan niya ang kaniyang galit, pinisil ang buto ng kaniyang ilong at tinanong si Minzy. “Matatawag mo tong pinilit? Minzy, kailan ka pa naging masamang tao? Bakit ka gumawa mg rumor sa mga Southern?”Namutla ang mukha ni Minzy nang mapansin niya ang pagkadismaya sa mukha ng tatay niya. “A… ano lang…”Umiyak siya at hinawakan ang kamay ng dad niya. “Dad, inaamin ko na hindi ako nag-iisip nang diretso pero gusto ko talaga siya.”“Kalokohan!” Hinampas ni Mallon palayo ang kamay niya, tinuro ang daliri niya at sinabing, “Kailan pa nagpakababa ang Holland? Gagawin mo ang lahat para makakuha ng lalaki?”Nagsimulang umiyak si Minzy. “Mali ba ako sa pagpili sa pagmamahal ko?”Namutla ang mukha ni Mallon at mukhang na
Tinutok ng mga reporter ang camera kay Cameron. “Ms. Southern, totoo ba ito? Kasal kayo?”Pinagdikit niya ang kaniyang labi at tumango. “Oo.”Nagpatuloy ang reporter. “Narinig ko na anak ka ni Mr. Sunny Southern mula sa East Islands at dati kang nagbibihis lalaki. Bakit mo ginawa iyon?”Tiningnan ni Cameron ang reporter at sumagot. “Hindi ba ‘yon pwede?”Nasamid ang reporter at naiilang na ngumiti. “Pwede naman pero babae ka at nagpapanggap ka na lalaki sa loob ng 20 taon. Sa tingin mo ba ay hindi ‘yon masamang idea?”Ngumiti si Cameron. “Sexist ka ba?”Natahimik ang reporter sa matalas na tanong at napatigil siya.Nagpatuloy si Cameron. “Tumira nga ako kasama ang maraming lalaki habang nagbibihis lalaki pa ako pero lalaki rin ang dad ko.“Magulong lugar ang East Islands. Tinago ng dad ko ang identity ko para protektahan ako. Nakatira ako sa kanila sa loob ng dalawang taon at bukod sa pagiging mahigpit at matapang, mabait sila, tapat at loyal. Bakit mahalaga ang kasarian?“Sin
Pinaglaruan ni Waylon ang buhok nito. “Sige lang.”Hindi komportable si Cameron. Paano siya makakakain kung nakaupo siya sa hita ni Waylon?Kumuha siya ng rib pero nakikiliti ang leeg niya bago pa siya makakagat. Tumawa siya at tinulak ang siko niya sa dibdib ni Waylon. “Waylon, tama na.”Pinahinga ni Waylon ang baba niya sa leeg ni Cameron at tinatamad na sinabing, “Kapag mataba na ang baboy, panigurado na pwede ko na kainin.”Namula si Cameron at tumawa. “Sinong tinatawag mong baboy?”Lumapit siya sa tainga ni Cameron at bumulong, “Piggy Cam.”Pabiro sana siyang hahampasin ni Cameron nang biglang hawakan ni Waylon ang kamay niya, hinawakan ang mukha niya at hinalikan.Bumalik sila sa kwarto, at hinubad ang sweater nila at nalaglag sa gilid ng kama. Nakapatong si Waylon sa kaniya nang mahawakan ni Cameron ang dibdib nito, naramdaman niya ang init mula sa shirt nito.Binawi ni Cameron ang kamay niya pero mukhang inasahan ni Waylon yon at hinawakan ang kamay niya. “Huli na para
Yumuko si Cameron. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na ayaw niyang bumalik.“Sasamahan kita.”“Paano ang kumpanya mo?” tanong ni Cameron.Tumawa si Waylon, “Nandito ang dad at lolo ko. Aasikasuhin nila ang kumpanya.”Gumalaw ang pilikmata ni Cameron. Hindi niya alam ang sasabihin.Nilapit ni Waylon ang labi niya sa pisngi ni Cameron at sinabing, “Bibigyan kita ng sampung minuto para bumangon at bumaba para mag almusal. Kung hindi…” Lumingon siya at tumingin kay Cameron. “Hindi kita paaalisin sa kama.”“Sige na! Sige na! Babangon na ako!”Tinulak siya palayo ni Cameron at pumasok sa banyo.Baka kailangan niya na matulog hanggang tanghali kung gagawin nila ulit ‘yon.Nang matapos siyang mag-ayos, nakasuot na ng casual attire si Waylon at nakaupo sa harap ng mesa habang nagkakape. May almusal din sa mesa.Hinila ni Cameron ang upuan, umupo, at kumuha ng tinapay. Dahil siguro sa naubos niyang energy kagabi kaya gutom na gutom siya ngayon.“Kailan tayo babalik?”Inangat
Naningkit ang mata ni Waylon habang nakatingin kay Cameron. Mukhang para sa kaniya ay nagseselos si Cameron.Ngumisi ang babae at sinabing, “Sir, kaibigan mo ba siya? Mukha siyang babae. Sigurado ka bang ayos lang ang sexual orientation?”Nagdilim ang mukha ni Cameron.Bago pa siya may masabi, inakbayan siya ni Waylon at sinabing, “Tama ka. Gusto ko ang tulad niya.”“Ugh, nakakadiri kayo!” Sigaw ng babae bago umalis.Lumingon si Cameron para tingnan si Waylon. Tinulak niya palayo si Waylon at sinabing, “Marami kang unwanted romantic encounter.”Inangat ni Waylon ang baba niya. “Galit ka ba, Cam?”“Huwag kang magbiro,” sumagot si Cameron. “Malabo naman na magselos ako sa matandang tulad niya.”Bigla siyang binuhat ni Waylon sa sahig. Nasa dagat na sila ngayon at napatigil siya sa gulat. “Wayne, anong ginagawa mo…”Binuhat siya ni Waylon sa kwarto at nilagay sa kama. Pagkatapos, bago pa niya maintindihan, lumapit siya kay Cameron at kinulong sa kaniyang mga bisig. “Bakit ka nagp
Tiningnan ni Cameron ang orasan. “Speak of the devil. Sa tingin mo ba may nilagay sila sa pagkain na ito?”Tumawa si Waylon. “Siguro.”Hiniwa ni Cameron ang steak at sinabing, “Anyway. Kailangan natin ipakita na nahulog tayo sa patibong nila.”Nang 1:00 p.m., pumunta ang attendant para kunin ang mga dish. Napagtanto niya na naubos ni Cameron at Waylon ang pagkain.Humihikab si Cameron habang nanonood ng TV sa couch, at naliligo si Waylon.Tinulak palayo ng attendant ang dining car. Nang umalis siya, inangat niya ang kaniyang mata para tingnan si Cameron bago isara ang pinto.Sa gilid ng corridor, isang babae na nakasuot ng mink coat ang humithiy ng sigarilyo niya at tinanong, “Kinain ba nila ang pagkain?”Binuksan ng attendant ang takip. “Oo, naubos nila.”Naging malamig ang mata ng babae habang may bakas ng ngiti sa gilid ng kaniyang labi. “Pareho silang bata pa. Sa tingin ko makakakuha tayo ng magandang organ sa kanila.”Isang kalbo at matabang lalaki na may tattoo sa braso
Na-alerto ang mga tao na naghihintay sa labas dahil sa kaguluhan. Pumasok sila sa operating room at nagulat. “Hulihin niyo sila!”Magkatalikod na nakatayo si Cameron at Waylon habang pinapalibutan sila ng mga tao. Masyadong puno ang lugar para malaya silang makagalaw pero sapat na ‘yon para limitahan ang kilos nila.Tiningnan nila ang mga tao at tinanong ni Cameron, “Sigurado ka ba na magagawa mo?”Niluwagan ni Waylon ang relo niya at sumagot, “Gusto mo ba magpaligsahan?”Tumawa siya. “Sige. Tingnan natin kung sino ang mas mabilis na mapabagsak sila.”Napuno ng galit ang mga mukha ng mga tao habang nakikinig sa usapan nila. “Bw*sit! Minamaliit niyo ba kami?”Sabay na sumagot si Cameron at Waylon, “Sige.”Galit ma sumigaw ang mga tao, “Hulihin natin sila!”Pagkatapos mag-utos ng lalaki, sinugod sila ng grupo na iyon.Nagkagulo ang punong operating room na sa sobrang gulo ay bahagyang naririnig sa ilang mga guest room ang tunog na nanggagaling mula sa ilalim ng sahig.Lumabas s
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell