Naningkit ang mata ni Waylon habang nakatingin kay Cameron. Mukhang para sa kaniya ay nagseselos si Cameron.Ngumisi ang babae at sinabing, “Sir, kaibigan mo ba siya? Mukha siyang babae. Sigurado ka bang ayos lang ang sexual orientation?”Nagdilim ang mukha ni Cameron.Bago pa siya may masabi, inakbayan siya ni Waylon at sinabing, “Tama ka. Gusto ko ang tulad niya.”“Ugh, nakakadiri kayo!” Sigaw ng babae bago umalis.Lumingon si Cameron para tingnan si Waylon. Tinulak niya palayo si Waylon at sinabing, “Marami kang unwanted romantic encounter.”Inangat ni Waylon ang baba niya. “Galit ka ba, Cam?”“Huwag kang magbiro,” sumagot si Cameron. “Malabo naman na magselos ako sa matandang tulad niya.”Bigla siyang binuhat ni Waylon sa sahig. Nasa dagat na sila ngayon at napatigil siya sa gulat. “Wayne, anong ginagawa mo…”Binuhat siya ni Waylon sa kwarto at nilagay sa kama. Pagkatapos, bago pa niya maintindihan, lumapit siya kay Cameron at kinulong sa kaniyang mga bisig. “Bakit ka nagp
Tiningnan ni Cameron ang orasan. “Speak of the devil. Sa tingin mo ba may nilagay sila sa pagkain na ito?”Tumawa si Waylon. “Siguro.”Hiniwa ni Cameron ang steak at sinabing, “Anyway. Kailangan natin ipakita na nahulog tayo sa patibong nila.”Nang 1:00 p.m., pumunta ang attendant para kunin ang mga dish. Napagtanto niya na naubos ni Cameron at Waylon ang pagkain.Humihikab si Cameron habang nanonood ng TV sa couch, at naliligo si Waylon.Tinulak palayo ng attendant ang dining car. Nang umalis siya, inangat niya ang kaniyang mata para tingnan si Cameron bago isara ang pinto.Sa gilid ng corridor, isang babae na nakasuot ng mink coat ang humithiy ng sigarilyo niya at tinanong, “Kinain ba nila ang pagkain?”Binuksan ng attendant ang takip. “Oo, naubos nila.”Naging malamig ang mata ng babae habang may bakas ng ngiti sa gilid ng kaniyang labi. “Pareho silang bata pa. Sa tingin ko makakakuha tayo ng magandang organ sa kanila.”Isang kalbo at matabang lalaki na may tattoo sa braso
Na-alerto ang mga tao na naghihintay sa labas dahil sa kaguluhan. Pumasok sila sa operating room at nagulat. “Hulihin niyo sila!”Magkatalikod na nakatayo si Cameron at Waylon habang pinapalibutan sila ng mga tao. Masyadong puno ang lugar para malaya silang makagalaw pero sapat na ‘yon para limitahan ang kilos nila.Tiningnan nila ang mga tao at tinanong ni Cameron, “Sigurado ka ba na magagawa mo?”Niluwagan ni Waylon ang relo niya at sumagot, “Gusto mo ba magpaligsahan?”Tumawa siya. “Sige. Tingnan natin kung sino ang mas mabilis na mapabagsak sila.”Napuno ng galit ang mga mukha ng mga tao habang nakikinig sa usapan nila. “Bw*sit! Minamaliit niyo ba kami?”Sabay na sumagot si Cameron at Waylon, “Sige.”Galit ma sumigaw ang mga tao, “Hulihin natin sila!”Pagkatapos mag-utos ng lalaki, sinugod sila ng grupo na iyon.Nagkagulo ang punong operating room na sa sobrang gulo ay bahagyang naririnig sa ilang mga guest room ang tunog na nanggagaling mula sa ilalim ng sahig.Lumabas s
Maraming pasahero ang sumisigaw sa takot. Walang nakakaalam kung ano ang nangyayari. Lahat sila ay alam na nasa panganib sila.Nang makarating si Cameron sa deck, nakita niya ang lahat ng pasahero na nagtipon, puno ng takot ang mukha nila. Biglang, lumiko ulit ang barko at sumigaw ang mga pasahero.Natumba si Cameron at agad na humawak sa pader.Isang babaeng attendant ang takot na takot kaya umupo siya sa sahig at umiiyak. Lumapit si Cameron sa kaniya at hinawakan sa balikat. “Nasaan ang bridge?”Pero, hindi siya makapagsalita sa takot. Pinapakalma ng nga katrabaho niya ang mga pasahero at nang marinig niya ang tanong ni Cameron, sinabi niya, “Alam ko kung nasaan ang bridge pero bakit ka pupunta doon? May nangyari ba?”Lumapit si Cameron sa attendant at sinabing, “Kailangan natin sabihin sa kapitan na ihinto ang barko. Malayo na sa original na daan ang barko. Hindi masasabi ang panahon sa lugar na ito. Kapag dumaan tayo sa hamog, mataas ang tiyansa na mababangga tayo sa ibang bar
“Anong gagawin natin ngayon? Hindi man lang tayo makapasok.” Parang sobrang kinakabahan din ang middle-aged na lalaki.Biglang nakakita si Cameron ng ventilation duct.Sa basement…Natalo na ni Waylon ang lahat ng kalaban at nagamit niya na ang kalahati ng kaniyang lakas. Basa ng pawis ang likod niya, puno rin ng mantsa ang kaniyang malinis at puting damit, sira-sira iyon ay sobrang kusot.Biglang gumalaw ang ship nang lumabas si Waylon ng operating room, at tumama siya sa pader. Tumama sa tubo na nasa pader ang dumudugo at bali na kamay ni Waylon.Nilabas niya ang kaniyang phone pero wala itong signal.Hawak ni Waylon ang kamay niya nang lumabas siya sa elevator, dumampi ang tingin niya sa bintana.May layer ng makapal na mist ang bumalot sa buong dagat, at sobrang malabo ang paligid.Pinatunog niya ang dila niya at nagmadali papuntang cockpit. Dumating si Cameron sa cockpit sa pamamagitan ng ventilation duct, sinipa niya ang metal cover ng duct at tumalon mula taas.Ag
Pawis na pawis ang lalaki, at ang kamay niyang nakahawak sa helm ay nanginginig din. Tiningnan siya ni Cameron.‘Hindi pwede na kabahan pa ako ngayon. Maaapektuhan ng pagkabalisa ko ang kaba niya.’“Nagkaroon ka na ba ng ganitong sitwasyon noong nagpapatakbo ka ng cargo ship?”Lumunok ng laway ang lalaki at sinabi, “Iba talaga ang sitwasyon ngayon.”Nanatiling kalmado si Cameron at sinabi, “Kung may sitwasyon na mangyari tulad nito, anong gagawin mo?” Nagulat ng ilang sandali ang lalaki. ‘Sobrang taas ng speed at inertia ng barko, hindi madali na huminto na lang bigla.’‘Kung mangyayari ito sa akin…”Huminga nang malalim ang lalaki.“Walang gustong mamatay at pati ako. Sa oras na ito, kailangan ko na lang sumuko. Baka magkaroon pa tayo ng pagkakataon. Kung hindi natin susubukan, hindi na tayo makakaligtas.’Mahigpit niyang hinawakan ang helm. Habang gumagalaw ang barko sa makapal na hamog, ang pagiging vigilant at pag iwas sa mga collision ang mga dapat sundin na principl
Matapos magkaroon ng malay, may naririnig na mga boses si Waylon sa paligid niya at dahan-dahang binuksan ang kaniyang mata. Nang nabuksan niya na ang mata niya sa malakas na liwanag, nagsimula na siyang makakita ng malalabong tao sa paligid niya.“Wayne.”“Willy?”Nang makita na ni Waylon ang tao sa paligid niya at na-realize niyang sila Cameron at Sunny iyon, dahan-dahan siyang umupo. Agad siyang tinulungan ni Sunny. “Nagpapagaling ka pa rin sa mga injury mo kaya dahan-dahan muna.”Tumingin si Waylon sa paligid at nalaman niyang nasa ospital siya. Tinakpan ng palad niya ang kaniyang mukha, kinamot niya ang kaniyang noo at tumawa. “Mula kailan pa akong nandito?” Sumagot si Sunny, “Nang sinabi ni Cam sa akin na magpadala ng susundo sayo, nakahiga ka na at walang malay. May lagnat ka dahil sa infection sa sugat mo.”Noong una ay iniisip ni Sunny na makakapag wedding bouquet na sila agad pag dumating sila Waylon sa East Island pero walang nag-akala na mangyayari ang bagay na iyo
Matagal na hindi tinanggal ni Sunny ang mata niya sa balita. ‘Hindi ba may scandal si Waylon at Minzy noong nakaraan? Halos atakihin na ako sa puso ng makita ko ang balita na ‘yon. Malapit ko na maisip na mawawala na sa akin ang isang excellent son-in-law.’“Dad!” Pumunta si Cameron sa courtyard, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang mga dekorasyon na tinatanggal sa pader ng courtyard. “Naghanda ka ba ng secret wedding banquet para sa amin ni Waylon? Bakit hindi mo muna tinanong ang opinyon ko?”Kumunot ang noo ni Sunny. “Bakit hindi mo sinasamahan si Sunny sa ospital?” Humalukipkip di Cameron at sinabi, “Hindi na siya bata. Bakit kailangan ko pang manatili sa tabi niya para magbantay?”“Ikaw…” Sobrang galit si Sunny at nakaramdam siya ng lungkot. “Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sayo. Sa tingin ko kailangan ko na sabihin sayo lahat ngayon.“Oo, baka sa tingin mo nasa posisyon ka para magpahabol pero huwag ka lang talaga babalik dito na umiiyak dahil ang asawa ko a