“Lahat may pantay na pagkakataon para lumaban. Binigyan na kita ng pagkakataon dati, pero wala na akong kontrol kung pipiliin ka ba niya o hindi. At sinasabi mo pa na niloloko kita? Pero mag-isip ka nang maayos, ako ba ang nagsabi sa kaniya na huwag ka piliin?”“Ikaw—”“Ano pang makukuha mo sa pakikipagtalo mo sa akin ngayon tungkol dito? Kung sa tingin mo ay may pagkakataon ka pa, pumunta ka na lang kay Wayne at manghingi ka ng paliwanag kaysa ginugulo mo ako dito. Dapat mong malaman na sa East Islands ako lumaki, sanay na akong maging matapang at makatarungan. Kaya kung may mangyayaring hindi maganda, gagawan ko ng paraan. Walang pagkakaiba sa akin kung babae pa ‘yan o lalaki.”Matapos ito sabihin, iniwan ni Cameron mag-isa si Minzy sa parking lot.Kinuyom ni Minzy ang kamay na nasa gilid niya.‘Bakit niya inaasahan na tanggapin ko na lang ang kawalan ko?!’Sobrang galit si Cameron dahil siya ang target ngayon ni Minzy dahil kay Waylon.‘Marunong lang kumuha ng atensyon ng iba
Mabilis na umalis ang receptionist sa pangyayari, hinihiling niya na hindi siya nakagawa nang malaking pagkakamali ngayon!Bumaba ang tingin ni Waylon, tumingin siya jay Cameron, na mukhang naiinis at hindi mapigilan na tumawa. “Anong problema? Nagagalit ka nang sobra dahil lang may pumigil sa'yo sa loob ng lobby?”Humalukipkip si Cameron. “Wala ‘tong kinalaman sa kung galit ako o hindi.”Naningkit ang mata niya na para bang nababasa ang nasa isip nito. “Nakasalubong mo ba si Minzy?”“Ano sa tingin mo?”‘Sabi ko na nga ba.’Ngumiti si Waylon. “Anong sinabi niya sa'yo?”Nag-iwas ng tingin ng mata si Cameron. “Siya? Marami siyang sinabi sa akin.”Inangat ni Waylon ang kamay niya at binalot sa balikat ni Cameron. Wala siyang pakialam kung may ibang tao sa lobby at dinala niya si Cameron sa elevator.Nang makarating ang elevator sa administrative department, natahimik ang mga empleyado mg department nang makita nila si Waylon na lumabas sa elevator habang nakaakbay sa babae. Ang i
Para ito akusan si Cameron an mapagpanggap na tao.Dapat ipapakilala ni Cameron si Minzy kay Waylon at gagawin silang magkarelasyon pero nahulog siya sa lalaking para sa kaibigan niya at sinabi na patas na labas yon.Dahil sa komentong ‘yon, nagsimulang pagdudahan ng mga tao na ang tinutukoy na si Ms. Southern ay ang babaeng guest na kasama sa variety show kasama si Waylon.Ilan sa mga rational na netizen ang nagsasabing walang ginawang mali si Cameron. Walang relasyon si Minzy at Waylon, kaya patas lang yon.Pero, ilang netizen ang nagsabi ng masamang salita kay Cameron dahil dapat niyang tulungan na magkaroon ng relasyon si Minzy at Waylon pero nahulog siya rito at ninakaw si Waylon. Hindi maituturing na patas yon. ‘Niloko’ lang niya ang kaibigan niya.Ang mga tao na napanood ang talk show ay biglang nawalan ng interes kay Cameron at naging hater.Sa huli, lumabas din ang katotohanan tungkol sa pagpapanggap ni Cameron na lalaki sa loob ng dalawang dekada sa East Islands. Sinasa
Sinabi ni Titus sa lahat na great-grandfather siya ni Waylon pero walang naniwala sa kaniya. May mga nang-asar pa sa kaniya.Galit niyang ginamit ang identity ng anak niya para i-verify ang account niya. Pagkatapos nadagdag sa profile niya ang ‘Ex-chairman and Founder of Blackgold’, mabilis na nawala ang mga tao na pinagdududahan at inasar siya.Sa kabilang banda, nalaman ni Leonardo ang identity ng poster at nalaman pa ang number.Nagulat ang tao nang malaman niya na ini-imbestigahan sila. Tinawagan nila si Minzy para makunan ng pera o magsasalita sila.Nainis si Minzy sa lakas ng loob ng taong nananakot sa kaniya. “Anong ibig mong sabihin? Hindi ba't binigyan na kita ng $100,000?”Pinilit ng tao. “Hindi magiging sapat ‘yon. Nahanap nila ako, Ms. Holland. Marami kang pera kaya ano ba naman ang isa pang $100,000?”Nahulaan si Minzy. ‘Nahanap siya?’Nag-igting ang panga niya. “Sige, bibigyan pa kita ng $100,000 pero kapag nilaglag mo ako, hindi ka makakatakas kapag nakabalik ako
Sinabi ng tao na ‘yon sa dad niya!Hinawakan ni Minzy ang phone niya at sinubukang magpaliwanag. “Dad, hindi ‘to tulad ng iniisip niyo. Na… napilitan akong gawin ito.”Nang makita na hindi humingi agad ng tawad si Minzy at naghanap pa ng palusot, mas nagalit si Mallon.Pinigilan niya ang kaniyang galit, pinisil ang buto ng kaniyang ilong at tinanong si Minzy. “Matatawag mo tong pinilit? Minzy, kailan ka pa naging masamang tao? Bakit ka gumawa mg rumor sa mga Southern?”Namutla ang mukha ni Minzy nang mapansin niya ang pagkadismaya sa mukha ng tatay niya. “A… ano lang…”Umiyak siya at hinawakan ang kamay ng dad niya. “Dad, inaamin ko na hindi ako nag-iisip nang diretso pero gusto ko talaga siya.”“Kalokohan!” Hinampas ni Mallon palayo ang kamay niya, tinuro ang daliri niya at sinabing, “Kailan pa nagpakababa ang Holland? Gagawin mo ang lahat para makakuha ng lalaki?”Nagsimulang umiyak si Minzy. “Mali ba ako sa pagpili sa pagmamahal ko?”Namutla ang mukha ni Mallon at mukhang na
Tinutok ng mga reporter ang camera kay Cameron. “Ms. Southern, totoo ba ito? Kasal kayo?”Pinagdikit niya ang kaniyang labi at tumango. “Oo.”Nagpatuloy ang reporter. “Narinig ko na anak ka ni Mr. Sunny Southern mula sa East Islands at dati kang nagbibihis lalaki. Bakit mo ginawa iyon?”Tiningnan ni Cameron ang reporter at sumagot. “Hindi ba ‘yon pwede?”Nasamid ang reporter at naiilang na ngumiti. “Pwede naman pero babae ka at nagpapanggap ka na lalaki sa loob ng 20 taon. Sa tingin mo ba ay hindi ‘yon masamang idea?”Ngumiti si Cameron. “Sexist ka ba?”Natahimik ang reporter sa matalas na tanong at napatigil siya.Nagpatuloy si Cameron. “Tumira nga ako kasama ang maraming lalaki habang nagbibihis lalaki pa ako pero lalaki rin ang dad ko.“Magulong lugar ang East Islands. Tinago ng dad ko ang identity ko para protektahan ako. Nakatira ako sa kanila sa loob ng dalawang taon at bukod sa pagiging mahigpit at matapang, mabait sila, tapat at loyal. Bakit mahalaga ang kasarian?“Sin
Pinaglaruan ni Waylon ang buhok nito. “Sige lang.”Hindi komportable si Cameron. Paano siya makakakain kung nakaupo siya sa hita ni Waylon?Kumuha siya ng rib pero nakikiliti ang leeg niya bago pa siya makakagat. Tumawa siya at tinulak ang siko niya sa dibdib ni Waylon. “Waylon, tama na.”Pinahinga ni Waylon ang baba niya sa leeg ni Cameron at tinatamad na sinabing, “Kapag mataba na ang baboy, panigurado na pwede ko na kainin.”Namula si Cameron at tumawa. “Sinong tinatawag mong baboy?”Lumapit siya sa tainga ni Cameron at bumulong, “Piggy Cam.”Pabiro sana siyang hahampasin ni Cameron nang biglang hawakan ni Waylon ang kamay niya, hinawakan ang mukha niya at hinalikan.Bumalik sila sa kwarto, at hinubad ang sweater nila at nalaglag sa gilid ng kama. Nakapatong si Waylon sa kaniya nang mahawakan ni Cameron ang dibdib nito, naramdaman niya ang init mula sa shirt nito.Binawi ni Cameron ang kamay niya pero mukhang inasahan ni Waylon yon at hinawakan ang kamay niya. “Huli na para
Yumuko si Cameron. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na ayaw niyang bumalik.“Sasamahan kita.”“Paano ang kumpanya mo?” tanong ni Cameron.Tumawa si Waylon, “Nandito ang dad at lolo ko. Aasikasuhin nila ang kumpanya.”Gumalaw ang pilikmata ni Cameron. Hindi niya alam ang sasabihin.Nilapit ni Waylon ang labi niya sa pisngi ni Cameron at sinabing, “Bibigyan kita ng sampung minuto para bumangon at bumaba para mag almusal. Kung hindi…” Lumingon siya at tumingin kay Cameron. “Hindi kita paaalisin sa kama.”“Sige na! Sige na! Babangon na ako!”Tinulak siya palayo ni Cameron at pumasok sa banyo.Baka kailangan niya na matulog hanggang tanghali kung gagawin nila ulit ‘yon.Nang matapos siyang mag-ayos, nakasuot na ng casual attire si Waylon at nakaupo sa harap ng mesa habang nagkakape. May almusal din sa mesa.Hinila ni Cameron ang upuan, umupo, at kumuha ng tinapay. Dahil siguro sa naubos niyang energy kagabi kaya gutom na gutom siya ngayon.“Kailan tayo babalik?”Inangat