Hinawakan ni Colton ang kamay ni Freyja. “Freyja, ikaw…” “Kaya, nakapag-isip-isip na ako.” Tinanggal ni Freyja ang tie ni Waylon at hinawakan ang collar nito. Habang lumalapit siya ay kaniyang sinasabi, “Hangga't maaari ay tatayo ako sa tabi mo. Hindi na importante kung maabot ko ang height mo. Kailangan ko lang ipakita sa lahat na hindi ako useless pag wala ka.”Noong una, akala ni Colton ay magsasabi si Freyja na gusto niyang umalis ulit. Hindi niya inaasahan na sasabihin ni Freyja iyon, nagulat ng ilang sandali si Colton.Matapos ang ilang sandali, hinawakan siya ni Colton. Nakatutok sa kanilang dalawa ang ilaw na tumagos sa bintana. “Kailan ka aalis?”Inikot ni Freyja ang kamay niya sa leeg ni Colton at sinabi, “Bukas ng tanghali, kaya…”Diniin ni Colton si Freyja sa bintana at hinalikan siya. Hinubad ni Freyja ang jacket ni Colton at hinulog iyon sa sahig. Tumulo sa bintana ang patak ng hamog, kaya lumalabo ang ilaw na mula sa mga streetlumps. Sa makulimlim na ilaw, sa ilali
Tiningnan ni Colton ang kamay niya hanggang sa mawala na sa tingin niya si Freyja. Ilang minuto pa lang na umalis si Freyja pero na-miss na siya agad ni Colton.Hindi alam ni Colton paano siya mabubuhay ng wala si Freyja. Sa oras na iyon, tumunog ang phone ni Colton. Si Leonardo iyon. Sinagot si Colton ang tawag, sinabi ni Leonardo, “Sir, Gusto ka makita ni Mr. Weatherby.”Kumunot ang noo ni Colton.Hinihintay ni Royce sa lobby ng Blackgold Group si Colton. Sinabi niya sa mga empleyado na hindi siya aalis hangga't hindi niya nakikita si Colton. Nang dumating na si Colton sa lobby, lumuhod si Royce sa harap niya at nanghingi ng tawad, “Mr. Goldmann, pasensya ka na talaga sa ginawa ko. Parang awa mo na patawarin mo ako. Gagawin ko lahat ng sasabihin mo. Huwag mo lang i-cancel ang cooperation sa pagitan ng kompanya natin.”Blackgold Group ang nagmo-monopolize ng halos lahat ng technology at construction sa Bassburgh. Kung ayaw ng kumpanya na mag-supply sa kaniya, magsasara ang n
Kumunot ang noo ni Colton. ‘Bakit hindi niya ako pinapadalhan ng kahit anong text o tawag?” Dumating si Leonardo sa pinto. “Mr. Goldmann.”Wala sa sarili na sumagot si Colton, “Yeah?” “Nandito ang kapatid mo,” sagot ni Leonardo.Matapos iyon, tumagilid si Leonardo para papasukin si Waylon.Gumawa ng tsaa si Leonardo para kala Colton at Waylon, nilagay niya iyon sa teapot table at umalis ng opisina. Kinuha ni Waylon ang teapot at naglagay ng tea sa cup. “Narinig ko na bumalik na raw si Freyja sa Yaramoor?”“Yeah,” sagot ni Colton.“Sabihin mo na gusto mong sabihin. Dalawa lang tayo dito.” Tumawa si Waylon. Alam niyang may gumugulo sa isip ni Colton. Sumandal si Colton sa upuan at sinabi, “Ilang na simula ng umalis siya papunta sa Yaramoor pero wala pa rin siyang tawag sa akin. Nag-aalala ako sa kaniya.”Tumawa si Waylon. “Apat na araw pa lang. Hindi mo kailangan mag-alala.”Humalukipkip si Colton at sumagot, “Sana tinawagan man lang niya ako.”Tinapat ni Waylon ang teacu
Binuksan ni Brandon ang refrigerator, wala itong laman kaya nahiya siya. “Matagal na kasi akong hindi nagluluto ng kakainin. Umupo ka muna. Lalabas muna ako para bumili ng lulutuin. Anong gusto mong kainin ngayong gabi?”Umupo si Freyja sa couch. “Kahit ano, ayos lang sa akin ang kahit ano.” Naglakad si Brandon papuntang pinto, kinuha niya ang coat, at sinuot ito. “Okay, alis muna ako.”Tinawag siya ni Freyja. “Dad.”Tumalikod si Brandon at nagulat nang ilang sandali.Sabi ni Freyja, “Sasama ako sayo.”Pumunta ang mag-ama sa supermarket para bumili ng mga ingredients at pagkain. Matagal ng hindi lumabas si Freyja kasama ang kaniyang Dad. Naaalala pa niya na ilang taon pa lang siya ng nilabas siya ng Dad niya para maglaro. Twenty years ang lumipas sa isang kurap.Sa pamilya niya dati, laging aggressive ang kaniyang nanay, at ang kaniyang tatay ay sumusunod lang lagi sa kaniyang asawa, at ayon ang naging dahilan para maging mas malayo ang relasyon nilang mag-ama.Parang hindi
Naging tahimik nang ilang sandali sa sala. Matagal na hindi nagsalita si Brandon, yumuko siya. “Fey… Ayoko lang na bigyan ka ng problema.” Dahan-dahan siyang nagsalita, “Hindi naman kailangan gumastos ng sobra para sa pagkain. Hangga’t makakain, ayos lang ‘yon sa akin. Ayos pa rin naman ako ngayon, ‘di ba?” Galit na suminghal si Freyja. “Sabihin mo na lang sa akin agad. Wala na bang pera ang mga Pruitt?” Hindi na nagsalita si Brandon. “Alam ko na agad kahit noong unang pasok ko pa lang sa bahay. Wala na ang sasakyan na nakaparada sa labas. Siguro binenta mo na. Hindi rin masyadong nagbago ang mga gamit sa bahay, pero lahat ng mga antiques ni mom dati ay wala na ngayon.” Tinuro ni Freyja ang cabinet na walang laman. ‘Sanay si mom sa magarbong buhay, at mga alaga niya ang mga antique niya kaya hindi niya kayang ibenta na lang ang mga iyon.‘Isa na lang ang naiisip kong posibilidad. Binenta ni Dad lahat ng antique at tinanggal niya ang mga katulong nang makulong si mom. ‘Ma
Alam ni Freyja na marami ang niluto ng Dad niya kagabi para malagay niya ito sa refrigerator pag hindi nila naubos. Nang makita ni Brandon na umuwi na si Freyja, nagulat siya. Agad niyang sinara ang pinto ng refrigerator at nagpaliwanag, “Kagabi lang naman ito. Sayang naman kung itatapon na lang agad…” Wala ng sinabi si Freyja at nilagay na lang niya ang almusal sa mesa. “Bumili ka na lang ng makakain mo agad sa susunod. Huwag ka na masyadong magtago ng pagkain sa refrigerator.”Agad na sumagot si Brandon, “Okay, susubukan kong gawin” Pero agad siyang binuking ni Freyja, “Kung wala ako dito, hindi mo naman na ‘yon gagawin ‘di ba?” Naglakad si Brandon papunta sa mesa, hinila niya ang upuan at umupo. “Plano mo bang bumalik sa college para sa postgraduate program entrance examination?” Tinanggal ni Freyja ang balot ng cheese sauce, kumuha siya ng tinapay, at sinawsaw sa cheese. “Oo, babalik ako ngayong araw sa college. “ May sasabihin sana si Brandon nang biglang nag-ring an
Hindi na makatanggi si Brandon kaya isasama na lang niya ang bisita nila. Bahagyang naningkit ang mata ni Colton. “Bisita?” ‘Bisita lang ba ako?’Lumapit si Freyja at tumingin kay Colton. “Kung hindi, anong gusto mo? Nandito ka sa bahay ko ngayon kaya kanino ka dapat makikinig?”Nag-igting ang ngipin ni Colton at mahina ang boses na sumagot, “Okay, makikinig ako sayo.”“Tama ‘yan, good boy.” Naglabas ng cash si Freyja at nilagay sa palad ni Colton. “Para sa grocery shopping ‘to. Huwag kayo magsayang ng pera.”Hindi nakapagsalita si Colton.Nang bumalik si Freyja sa college, pumunta si Colton sa supermarket kasama si Brandon para bumili ng ingredients pero hindi sila masyadong nag-uusap kaya medyo awkward ang paligid. Saka hindi rin naman nila masyadong kilala ang isa't isa.Hindi masyadong gusto ni Colton ang pamilya ni Freyja dahil kay Sandy at Ken. Pero tatay ni Freyja si Brandon kaya kailangan pa rin niyang magpakita ng respeto. “Ahem, anong itatawag ko sayo?” Si Brandon
Binati ni Waylon ang lalaki at nakipag-handshake siya. “Mr. Warren, sorry at pinaghintay kita.”Kinaway ni Herald ang kamay niya. “Nah, kakaumpisa lang namin. Tara, ipapakilala kita sa ilang business partners ko.”Sinamahan ni Herald si Waylon papunta sa ilang matatandang lalaki at masaya siyang pinakilala, “Lahat sila ay may mga level of cooperation sa Dominic Constructions. Ito si Mr. Nixon Weeber, Mr. Torres Xanthos, at si Mr. Mallon Holland.”Nagtanguan sila Waylon sa isa't isa.Tumawa si Nixon. “Matagal ko ng gustong makita ang pangalawang tagapagmana ng mga Goldmann. Ngayon na nakita na kita ng personal, nakakamangha ka nga talaga tulad ng sinasabi nila. Tulad ng inaasahan ko sa anak ng legendary na si Nolan Goldmann.”Magalang na sumagot si Waylon, “Pinapasaya mo naman ako, Mr. Weeber.”Suminghal si Nixon. “Kung pwede ka pa at wala ka pang kinakasama, siguradong ipapakilala ko sayo ang anak ko.”Sabi ni Torres, “‘Di ba meron pang isang tagapagmana? Ang mas nakakatandang k