Binuksan ni Brandon ang refrigerator, wala itong laman kaya nahiya siya. “Matagal na kasi akong hindi nagluluto ng kakainin. Umupo ka muna. Lalabas muna ako para bumili ng lulutuin. Anong gusto mong kainin ngayong gabi?”Umupo si Freyja sa couch. “Kahit ano, ayos lang sa akin ang kahit ano.” Naglakad si Brandon papuntang pinto, kinuha niya ang coat, at sinuot ito. “Okay, alis muna ako.”Tinawag siya ni Freyja. “Dad.”Tumalikod si Brandon at nagulat nang ilang sandali.Sabi ni Freyja, “Sasama ako sayo.”Pumunta ang mag-ama sa supermarket para bumili ng mga ingredients at pagkain. Matagal ng hindi lumabas si Freyja kasama ang kaniyang Dad. Naaalala pa niya na ilang taon pa lang siya ng nilabas siya ng Dad niya para maglaro. Twenty years ang lumipas sa isang kurap.Sa pamilya niya dati, laging aggressive ang kaniyang nanay, at ang kaniyang tatay ay sumusunod lang lagi sa kaniyang asawa, at ayon ang naging dahilan para maging mas malayo ang relasyon nilang mag-ama.Parang hindi
Naging tahimik nang ilang sandali sa sala. Matagal na hindi nagsalita si Brandon, yumuko siya. “Fey… Ayoko lang na bigyan ka ng problema.” Dahan-dahan siyang nagsalita, “Hindi naman kailangan gumastos ng sobra para sa pagkain. Hangga’t makakain, ayos lang ‘yon sa akin. Ayos pa rin naman ako ngayon, ‘di ba?” Galit na suminghal si Freyja. “Sabihin mo na lang sa akin agad. Wala na bang pera ang mga Pruitt?” Hindi na nagsalita si Brandon. “Alam ko na agad kahit noong unang pasok ko pa lang sa bahay. Wala na ang sasakyan na nakaparada sa labas. Siguro binenta mo na. Hindi rin masyadong nagbago ang mga gamit sa bahay, pero lahat ng mga antiques ni mom dati ay wala na ngayon.” Tinuro ni Freyja ang cabinet na walang laman. ‘Sanay si mom sa magarbong buhay, at mga alaga niya ang mga antique niya kaya hindi niya kayang ibenta na lang ang mga iyon.‘Isa na lang ang naiisip kong posibilidad. Binenta ni Dad lahat ng antique at tinanggal niya ang mga katulong nang makulong si mom. ‘Ma
Alam ni Freyja na marami ang niluto ng Dad niya kagabi para malagay niya ito sa refrigerator pag hindi nila naubos. Nang makita ni Brandon na umuwi na si Freyja, nagulat siya. Agad niyang sinara ang pinto ng refrigerator at nagpaliwanag, “Kagabi lang naman ito. Sayang naman kung itatapon na lang agad…” Wala ng sinabi si Freyja at nilagay na lang niya ang almusal sa mesa. “Bumili ka na lang ng makakain mo agad sa susunod. Huwag ka na masyadong magtago ng pagkain sa refrigerator.”Agad na sumagot si Brandon, “Okay, susubukan kong gawin” Pero agad siyang binuking ni Freyja, “Kung wala ako dito, hindi mo naman na ‘yon gagawin ‘di ba?” Naglakad si Brandon papunta sa mesa, hinila niya ang upuan at umupo. “Plano mo bang bumalik sa college para sa postgraduate program entrance examination?” Tinanggal ni Freyja ang balot ng cheese sauce, kumuha siya ng tinapay, at sinawsaw sa cheese. “Oo, babalik ako ngayong araw sa college. “ May sasabihin sana si Brandon nang biglang nag-ring an
Hindi na makatanggi si Brandon kaya isasama na lang niya ang bisita nila. Bahagyang naningkit ang mata ni Colton. “Bisita?” ‘Bisita lang ba ako?’Lumapit si Freyja at tumingin kay Colton. “Kung hindi, anong gusto mo? Nandito ka sa bahay ko ngayon kaya kanino ka dapat makikinig?”Nag-igting ang ngipin ni Colton at mahina ang boses na sumagot, “Okay, makikinig ako sayo.”“Tama ‘yan, good boy.” Naglabas ng cash si Freyja at nilagay sa palad ni Colton. “Para sa grocery shopping ‘to. Huwag kayo magsayang ng pera.”Hindi nakapagsalita si Colton.Nang bumalik si Freyja sa college, pumunta si Colton sa supermarket kasama si Brandon para bumili ng ingredients pero hindi sila masyadong nag-uusap kaya medyo awkward ang paligid. Saka hindi rin naman nila masyadong kilala ang isa't isa.Hindi masyadong gusto ni Colton ang pamilya ni Freyja dahil kay Sandy at Ken. Pero tatay ni Freyja si Brandon kaya kailangan pa rin niyang magpakita ng respeto. “Ahem, anong itatawag ko sayo?” Si Brandon
Binati ni Waylon ang lalaki at nakipag-handshake siya. “Mr. Warren, sorry at pinaghintay kita.”Kinaway ni Herald ang kamay niya. “Nah, kakaumpisa lang namin. Tara, ipapakilala kita sa ilang business partners ko.”Sinamahan ni Herald si Waylon papunta sa ilang matatandang lalaki at masaya siyang pinakilala, “Lahat sila ay may mga level of cooperation sa Dominic Constructions. Ito si Mr. Nixon Weeber, Mr. Torres Xanthos, at si Mr. Mallon Holland.”Nagtanguan sila Waylon sa isa't isa.Tumawa si Nixon. “Matagal ko ng gustong makita ang pangalawang tagapagmana ng mga Goldmann. Ngayon na nakita na kita ng personal, nakakamangha ka nga talaga tulad ng sinasabi nila. Tulad ng inaasahan ko sa anak ng legendary na si Nolan Goldmann.”Magalang na sumagot si Waylon, “Pinapasaya mo naman ako, Mr. Weeber.”Suminghal si Nixon. “Kung pwede ka pa at wala ka pang kinakasama, siguradong ipapakilala ko sayo ang anak ko.”Sabi ni Torres, “‘Di ba meron pang isang tagapagmana? Ang mas nakakatandang k
Ngumiti si Waylon. “Basta ayos lang sa'yo.”Natigil si Minzy at ngumiti. “Syempre ayos lang.”Tiningnan ni Waylon ang relo niya at sinabing, “Gumagabi na. Uuwi na ako.”Tumango si Minzy.Pagkatapos niyang umalis, lumiwanag ang mata ni Minzy.Nang bumalik si Waylon sa Emperon, 10:30 p.m na. Pinatay niya ang ilaw sa living room, umakyat, at napansin ang ilaw na nagmumula sa ilalim ng pinto, na nagbibigay ng liwanag sa madilim na corridor.‘Gising pa ba siya?’Kumatok si Waylon, pero walang sumagot. Binuksan niya ang pinto at nagulat sa nakita niya.Natutulog si Cameron habang nakaipit ang kumot sa mahaba niyang hita. Kalahati ng kumot ang nasa sahig habang suot niya ang silky nightgown na makikita ang katawan niya kapag gumalaw siya.Nag-igting ang panga niya. Sinusubukan ba nito ang pagpipigil niya? Hindi maganda ‘yon.Huminto si Waylon sa kama, lumapit, at pinatong ang kamay niya sa parehong gilid at walang pagda-dalawang isip na dinampian ng halik si Cameron.Gumalaw siya h
Umalis sa kwarto si Waylon.Kumunot si Cameron at napaisip nang malalim.Samantala, tanghali na sa Yaramoor.Nakauwi na si Freyja mula sa mga lecture niya. Hindi siya komportable na iwan si Colton at dad niya dahil alam niya na hindi gusto ni Colton ang dad niya. Mahina ang loob ng dad niya kaya malaking gulo kapag pinaiyak siya ni Colton.Kinuha niya ang kaniyang susi, binuksan ang pinto at agad naamoy ang alak.Kumuha ang dalawang lalaki ng snack at nagsimulang uminom. Nakaubos na sila ng dalawang dosenang beer.Kumuba pa si Brandon ng dalawang bote ng wine na tinatago nila. Halos ubos na ang isa non at nasa kalahati naman ang isa. Siguro ay lasing na siya habang umiiyak na parang bata habang hawak si Colton at isang bote na walang laman.Sinabi niya na humihingi siya ng tawad tungkol sa mga nangyari pati na rin sa pagiging walang kwenta niya.Marami rin ang nainom ni Colton at nakapatong ang ulo sa kamay niya, hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ni Brandon. Sinalinan siya n
Kinabukasan…Nang magising si Freyja, nanunuyo ang lalamunan niya at wala siyang lakas na umalis sa kama.Dala ni Colton ang almusal sa tray at nakita niya ang mga marka sa leeg ni Freyja. Masaya siya sa kaniyang ‘trabaho’. “Ang aga mong nagising.”Inilagay niya ang pagkain sa mesa. Bukod sa simpleng almusal, may mangkok din ng sabaw. “Nag-aalala ako na baka sobrang pagod ka kaya ginawan kita ng sabaw.”Nagtaka si Freyja. “Kumakain ba ng sabaw ang mga tao sa umaga?”Umupo siya sa kama, kumuha ng sabaw at inihipan. “Gagaan ang pakiramdam mo diyan.”Inilapit niya ang sabaw sa bibig ni Freyja kaya hinigop niya yon at tinuro ang tray. “Gusto ko ng itlog. Balatan mo para sa akin.”Binaba ni Colton ang mangkok at ginawa ang sinabi ni Freyja.Pinakain niya na si Freyja noon pero sumasagot siya noon at sinasabing inuutusan siya nito. Pero ngayon, naiilang siya sa pagiging ‘masunurin’ nito.Nang mapagtanto na nakatitig si Freyja sa kaniya, tumingin si Colton. “Anong problema?”Sumanda