Ang tatlong security guard at ang mapayat na lalaki ay dinakip. Habang inilalayo sila, sumigaw sila, “Sir, inosente kami!”Hindi sila pinansin ni Cameron at tumingin kay Manuel na madilim ang mukha. “Ayaw niyo ba ng katotohanan? Hindi ba't sinabi niyo na pinagtatakpan namin ang mga tauhan namin? Huwag kayong mag-alala. Tinatrato ko lahat nang patas. Tatanungin ko ang apat na suspect hanggang sa huli.”“Bakit kita pagkakatiwalaan? Sinong nakakaalam kung lolokohin mo kami at may gawin ka na naman.”“Lolokohin ko kayo at may gagawin na naman? Sino ba ako sa tingin mo? Isang dream walker at sinabihan sila sa panaginip nila na patayin ang tauhan mo? Hindi ba't gusto niyong mahanap ko ang totoong pumatay?”Lumapit si Cameron kay Manuel at humalukipkip. “Huwag na huwag mong iisipin na makakatapat mo ang Southern Clan namin dahil lang sa may suporta ka ng tao na yon. Kapag pinilit mo nang sobra, pwede ko kayong patayin lahat dito, walang ititira kahit isa.“Kung tutuusin, maaapektuhan ang
Humalukipkip si Cameron at bahagyang suminghal, “Mananatili lang sa dilim ang isang tao kung hindi natin sila bibigyan nang bahagyang tulak. Aso lang siya ng ibang tao pero may lakas siya ng loob para baliktarin ang Southern Clan at hingiin ang The Commune At The Sexta sa amin. Kung hindi dahil sa taong nasa likod niya, sa tingin mo ba makakarating siya kung nasaan siya ngayon?”Kung pinatay ni Manuel si Joaqin para tulungan si Florence na maging leader ng The Serpents, hindi sana siya naging aso nila nang maraming taon. Kaya bakit kukunin niya ang The Serpent mula kay Florence? At saka, posible ba sa isang tao na hindi sumunod sa taong pinagsilbihan niya pagkatapos makuha ang kapangyarihan gusto niya?Tumawa si Waylon at sinabing, “Siguro magaling lang siya magtago ng ambisyon niya?”Tinuro ni Cameron ang dibdib ni Waylon gamit ang daliri niya at nagpatuloy. “Kahit gaano pa ka-ambisyoso ang tao, isa lang siyang sanggol na nasa braso kung wala siyang lakas ng loob. At saka, isa siya
Kung hindi tinakot ni Cameron si Samuel gamit ang pagkamatay ni Joaqin, panigurado na hindi siya bibigyan ng pagkakataon ni Manuel na tanungin ang mga tao na yon.Sigurado siyang iniisip na ni Manuel kung paano papatayin ang panakip butas niya.“So ang security guard na yon ang taksil?”“Malaki ang natalo niyang pera sa casino nang araw na yon at may utang siya sa casino na ilang libong dolyar. Hindi niya kayang bayaran yon kaya nahanap siya ng mga tao sa The Serpent at binigyan siya ng malaking pera para bayaran ang utang niya. Bilang kapalit, gusto nilang ilagay ang bangkay sa loob ng Southern Chamber of Commerce at binura ang footage sa surveillance room nang sobrang aga.”Tumawa si Waylon. “Halatang patibong ito.’Tumango si Mahina. “Tama ka, Mr. Goldmann. Patibong nga ito. Nandoon si Manuel sa casino nang araw na yon. Mukhang target niya na talaga ito mula simula kaya kinuha niya ang pagkakataon para idaan siya sa pera.”Tumayo si Cameron at kinaway ang kamay niya. “Kumuha k
Lumingon si Daise at naglakad papunta kay Sunny. “Umalis siya kasama si Cameron kaninang umaga. Iniisip ko kung naging maayos na ang sitwasyon.”Umupo si Sunny sa rocking chair, kinuha ang palm fan, at pinaypayan ang sarili niya gamit yon. “Huwag kang mag-alala. Walang hindi kayang ayusin si Cam. Bukod pa doon kasama niya ang kapatid mo. Magiging maayos lang siya.”Hinila ni Daisie ang maliit na upuan at umupo sa tabi ni Sunny. “Hindi dapat ganiyang mindset ang mayroon ka. Kahit na sobrang lakas ni Cameron, hindi ka dapat makapampante sa kaniya. Kung tutuusin, babae pa rin siya kaya kahit gaano siya kalakas, kailangan mo pa rin mag alala sa kaniya.”Nagulat siya at tumitig kay Daisie. Pero, matagal siyang hindi nakapagsalita.Pinalaki niyang parang lalaking anak si Cameron. Laging namumuhay si Cameron sa inaasahan niya at kayang gawin ang lahat ng bagay mag-isa, kaya minsan ay nakakalimutan niyang babaeng anak niya si Cameron.Para sa kaniya, walang bagay na hindi niya kayang maga
Kumurap si Daisie. “Anong gusto mong pag pustahan?”Tumingin si Sunny sa kaniya at nagpaliwanag. “Pagpupustahan natin kung sino sa kanilang dalawa ang magkakagusto sa isa't isa. Ipupusta ko ang lahat sa kapatid mo. Siya ang unang aamin na nauna siyang nahulog. Kung sinong matalo ay kailangan pumayag sa kondisyon ng isa. Ano?”Agad na pumayag si Daisie nang walang pagda-dalawang isip.…Nang dumating ang gabi, nag-order si Cameron ng masarap na pagkain sa Yuzu Villa at inutusan ang waiter na magbukas ng bote ng Merlot. Nag-hire din siya ng pianist para magpatugtog ng musika sa private room para madagdagan ang saya.Nang makita niya na hindi pa kumakain si Waylon, inangat ni Cameron ang tingin niya. “Tumatakbo ka buong araw. Hindi ka ba nagugutom?”Tinitigan niya ang wine sa baso niya. “Ayos lang ako.”Nagsalin din siya ng wine sa kaniyang baso. “Paano ko ba ‘to sasabihin? Binigyan mo ako ng malaking pabor ngayong araw kaya payagan mo akong ilibre ka ng pagkain.”Kaswal niyang in
Napansin ni Waylon ang kakaiba niyang tingin at inangat ang tingin niya. “Anong problema?”Binaba ni Cameron ang kubyertos niya at agad tinanong, “Anong benepisyo ang binigay mo sa dad ko?”Naningkit ang mata niya. “Benepisyo?”“Ano pa ba? Outsider ka pero pinapahalagahan ka niya at hinahayaan na makialam sa problema ng Southern Clan.”Agad ngumisi si Waylon. “Kung yon ang inaalala mo, si Nollace?Nasamid si Cameron sa sarili niyang salita. “Pwede ko ba kayong ikumpara sa parehong level? Ang relasyon na mayroon si Nollace at ang dad ko ay dahil lang sa kikitain.”‘Kahit na kinuha ko ang cheque niya, syempre, masasabi na ang relasyon namin ay magkakampi na nabuo para sa parehong benepisyo.‘Bukod pa doon, hindi pumapayag ang dad ko na makigulo si Nollace sa problema ng Southern Clan. Kaya bakit hindi ko iisipin kung palihim na sinuhulan ni Wayne ang dad ko?’Kalmadong sumimsim ng sabaw si Waylon at mabagal na sinabing, “Sinasabi mo ba na binayaran ko si Mr. Southern Sr. para lan
Sandaling nagulat si Cameron at tumitig kay Daisie. “Sa tingin mo ba buhay pa siya?”“Hindi ba't nakakapagtaka na hindi pa nakikita ang katawan niya?” Bumaba ang tingin niya. “Tatay ni Florence si Joaqin. Kakaiba naman na hindi niya sinubukan na hanapin ang dahilan nang pagkamatay ng tatay niya at inisip niya agad na patay na ang dad niya, hindi ba?”Inisip ni Cameron ang tungkol sa bagay na yon at tumawa. “May kabuluhan din ang sinabi mo.”‘Kung si Manuel ang pumatay kay Joaqin, panigurado na may nagawa siyang paraan para hindi pagdudahan ni Florence. Pero, may gagawin ulit si Manuel kapag nalaman niya ang tungkol sa insidente.’Tumayo siya. “Sige na, magpahinga ka na agad. Ilalabas kita bukas.”Nagulat si Daisie pagkatapos ay tumawa nang malakas. “Sa tingin ko ay wala akong maitutulong sa'yo kapag lumabas ako kasama ka. Bakit hindi ko sabihan si Waylon na samahan ka?”Nang makita ang nagtatakang tingin ni Cameron, agad nagpaliwanag si Daisie, “Ang ibig kong sabihin ay kapag ma
Agad na napakunot si Cameron.‘Wala bang plano si Manuel na tapusin ang problema? o may iba siyang plano?’Sa oras na yon, nakatanggap ng mensahe si Waylon mula kay Saydie at naging seryoso ang ekspresyon niya. “Crap! Si Daisie ang target ni Manuel!”Nagulat si Cameron. “Ano!?”Agad niyang sinabihan ang tauhan niya, “Magpadala ka ng tao sa The Commune ngayon!”…Sumakay ng cab si Daisie papunta sa The Commune. Ang orihinal niyang plano ay gumawa ng pagkakataon para maiwan si Waylon at Cameron. Hindi naman siya kailangan doon. Sa kakayahan ni Waylon, kaya niyang tulungan si Cameron na ayusin ang problema, kaya magiging third wheel lang si Daisie doon.Tumingin siya sa bintana, may napansin siya at napakunot. “Sir, parang hindi tama ‘tong daanan, ano?”Hindi sumagot ang driver at pinahinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at binuksan ang pinto.Agad binuksan ni Daisie ang pinto at lumabas sa sasakyan. Sa oras na yon, pinalibutan siya at hinarangan ng mga lalaki na lumabas sa pa
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa