Share

Kabanata 2101

Lumingon si Daise at naglakad papunta kay Sunny. “Umalis siya kasama si Cameron kaninang umaga. Iniisip ko kung naging maayos na ang sitwasyon.”

Umupo si Sunny sa rocking chair, kinuha ang palm fan, at pinaypayan ang sarili niya gamit yon. “Huwag kang mag-alala. Walang hindi kayang ayusin si Cam. Bukod pa doon kasama niya ang kapatid mo. Magiging maayos lang siya.”

Hinila ni Daisie ang maliit na upuan at umupo sa tabi ni Sunny. “Hindi dapat ganiyang mindset ang mayroon ka. Kahit na sobrang lakas ni Cameron, hindi ka dapat makapampante sa kaniya. Kung tutuusin, babae pa rin siya kaya kahit gaano siya kalakas, kailangan mo pa rin mag alala sa kaniya.”

Nagulat siya at tumitig kay Daisie. Pero, matagal siyang hindi nakapagsalita.

Pinalaki niyang parang lalaking anak si Cameron. Laging namumuhay si Cameron sa inaasahan niya at kayang gawin ang lahat ng bagay mag-isa, kaya minsan ay nakakalimutan niyang babaeng anak niya si Cameron.

Para sa kaniya, walang bagay na hindi niya kayang maga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status