Napansin ni Waylon ang kakaiba niyang tingin at inangat ang tingin niya. “Anong problema?”Binaba ni Cameron ang kubyertos niya at agad tinanong, “Anong benepisyo ang binigay mo sa dad ko?”Naningkit ang mata niya. “Benepisyo?”“Ano pa ba? Outsider ka pero pinapahalagahan ka niya at hinahayaan na makialam sa problema ng Southern Clan.”Agad ngumisi si Waylon. “Kung yon ang inaalala mo, si Nollace?Nasamid si Cameron sa sarili niyang salita. “Pwede ko ba kayong ikumpara sa parehong level? Ang relasyon na mayroon si Nollace at ang dad ko ay dahil lang sa kikitain.”‘Kahit na kinuha ko ang cheque niya, syempre, masasabi na ang relasyon namin ay magkakampi na nabuo para sa parehong benepisyo.‘Bukod pa doon, hindi pumapayag ang dad ko na makigulo si Nollace sa problema ng Southern Clan. Kaya bakit hindi ko iisipin kung palihim na sinuhulan ni Wayne ang dad ko?’Kalmadong sumimsim ng sabaw si Waylon at mabagal na sinabing, “Sinasabi mo ba na binayaran ko si Mr. Southern Sr. para lan
Sandaling nagulat si Cameron at tumitig kay Daisie. “Sa tingin mo ba buhay pa siya?”“Hindi ba't nakakapagtaka na hindi pa nakikita ang katawan niya?” Bumaba ang tingin niya. “Tatay ni Florence si Joaqin. Kakaiba naman na hindi niya sinubukan na hanapin ang dahilan nang pagkamatay ng tatay niya at inisip niya agad na patay na ang dad niya, hindi ba?”Inisip ni Cameron ang tungkol sa bagay na yon at tumawa. “May kabuluhan din ang sinabi mo.”‘Kung si Manuel ang pumatay kay Joaqin, panigurado na may nagawa siyang paraan para hindi pagdudahan ni Florence. Pero, may gagawin ulit si Manuel kapag nalaman niya ang tungkol sa insidente.’Tumayo siya. “Sige na, magpahinga ka na agad. Ilalabas kita bukas.”Nagulat si Daisie pagkatapos ay tumawa nang malakas. “Sa tingin ko ay wala akong maitutulong sa'yo kapag lumabas ako kasama ka. Bakit hindi ko sabihan si Waylon na samahan ka?”Nang makita ang nagtatakang tingin ni Cameron, agad nagpaliwanag si Daisie, “Ang ibig kong sabihin ay kapag ma
Agad na napakunot si Cameron.‘Wala bang plano si Manuel na tapusin ang problema? o may iba siyang plano?’Sa oras na yon, nakatanggap ng mensahe si Waylon mula kay Saydie at naging seryoso ang ekspresyon niya. “Crap! Si Daisie ang target ni Manuel!”Nagulat si Cameron. “Ano!?”Agad niyang sinabihan ang tauhan niya, “Magpadala ka ng tao sa The Commune ngayon!”…Sumakay ng cab si Daisie papunta sa The Commune. Ang orihinal niyang plano ay gumawa ng pagkakataon para maiwan si Waylon at Cameron. Hindi naman siya kailangan doon. Sa kakayahan ni Waylon, kaya niyang tulungan si Cameron na ayusin ang problema, kaya magiging third wheel lang si Daisie doon.Tumingin siya sa bintana, may napansin siya at napakunot. “Sir, parang hindi tama ‘tong daanan, ano?”Hindi sumagot ang driver at pinahinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at binuksan ang pinto.Agad binuksan ni Daisie ang pinto at lumabas sa sasakyan. Sa oras na yon, pinalibutan siya at hinarangan ng mga lalaki na lumabas sa pa
“Sinabi sa akin ni Waylon.”“Waylon?” Gulat siyang tiningnan ni Daisie. “Hindi ba't nasa Chamber of Commerce siya kasama si Cameron?”Tiningnan siya ni Nollace habang hinahaplos ang namumutla niyang mukha dahil natakot siguro siya. “Oo, nakakuha siya ng intel na ikaw ang target ni Manuel, kaya sinabihan niya ako.”Nasaktan siguro siya kung nahuli ng dating si Nollace.Nilagay ni Daisie ang kamay niya sa kamay ni Nollace at nilapit ang mukha niya sa magaspang na kamay niya. “Kaya ko yon iwasan.”Natawa si Nollace. “Pero nawala ako sa isip ko nang makita ko na nasa panganib ka.”Bumulong siya, “Hindi ka ba natatakot na masaksak ka?”Hinalikan niya ang noo ni Daisie at may tumulong luha habang nakangisi siya. “Hindi ba't niligtas mo ako? Lumalakas ka na rin.”Tinulak siya palayo ni Daisie. “Huwag mo akong purihin.”Binuksan ni Jake ang pinto at nakita sila pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. “Mr. Beck, dadalhin ko na ang mga tao na ‘to.”Tumango si Nollace.Samantala, nagmaneho s
Patuloy silang sinusundan ng mga ito at halatang nandito sila para dumanak ng dugo.Sa loob ng kakahuyan, magkakalapit ang mga puno sa isa't isa. Nagulat ang mga ibon sa tunog ng baril dahilan para magliparan ito. Nagtago si Cameron at Waylon sa likod ng malaking puno na sapat para itago silang dalawa.Tumingin siya sa mga sanga at nakita ang ilang lalaki na naghahanap pa rin, pero walang mapupuntahan sa harap nila dahil isla yon at ang dulo ay bangin.Kinawayan siya ni Waylon. “Akin na yung baril. Guguluhin ko sila.”Tiningnan siya ni Cameron. “Balak mo bang iwan ako mag-isa?”Ngumiti ni Waylon. “Pwede mo ring gawin yon.”Inabot ni Cameron ang baril sa kaniya at kinuha ang kutsilyo mula sa likod. “Mag-ingat ka. Mahihirapan ako sagutin ang pamilya mo kapag namatay ka dito.”Kinuha niya ang baril at kinasa yon. Binigay ni Cameron ang natitirang bala sa kaniya. “24 pa yan lahat. Kasya na ‘yan.”Tumingin siya kay Cameron at walang sinabi pagkatapos ay lumabas.Nakita siya ng lala
Tumalon patalikod si Waylon at iniwasan yon pero hindi tumitigil ang lalaki na yon. Umatake siya gamit ang kaniyang hita pero hinarangan siya ni Waylon gamit ang kaniyang braso. Namanhid ang braso ni Waylon sa malakas na sipa.Nagsalita ang lalaki. “Magaling ka makipaglaban, huh?”Nagsuot siya ng brass knuckles, mukhang gustong labanan si Waylon hanggang mamatay at sumugod.Dumating si Cameron sa oras na yon at hinawakan ang braso niya. Agad na nakaalis ang lalaki sa hawak niya at malakas na suntok ang inamba niya kay Cameron.Umatras siya pero pinadulas ng lalaki ang paa niya. Hinawakan ni Cameron ang balikat ng lalaki, tumalon sa likod niya at nag back kick. Inangat ng lalaki ang braso niya para harangan pero kailangan niyang umatras sa lakas.Sabay na umatake si Waylon at Cameron at nagsimula silang labanan ang dalawang lalaki.Kailangan nilang mag sabay para makaangat nang kaunti dahil malakas talaga ang lalaki.Patuloy siyang umaatras dahil sa atake nila ar pinunasan ang d
Madilim ang mukha ni Sunny habang nakakuyom ang kamao niya.Tumingin sa kaniya si Nollace. “Sa tingin ko nagpadala ang salarin ng dalawang grupo nang sabay. Isang grupo para atakihin si Daisie at ang isa naman ay para kina Cameron at Waylon.”Walang dalang armas ang mga taong umatake kay Daisie kaya halatang hindi nila balak na patayin si Daisie kundi kunin lang siya. Pero, ang grupo na sumunod kila Cameron at Waylon ay armado at handang pumatay.Nag-igting ang panga ni Sunny. “Pagkatapos ng nakaraang insidente, panigurado na hindi malakas ang loob ni Manuel na umatake ulit. Posible kaya na ang tao sa likod niya ang gumawa nito?”Kumuha si Manuel ng mga killer sa Skull Club pero hindi sila nagtagumpay. Ngayong kontrolado na niya ang The Serpent, hindi siya hahayaan ni Fabio kung magkakamali siya ulit.Inangat ni Nollace ang kilay niya. “Paano kung hindi si Manuel ang nagplano nito?”Kumunot si Sunny.Nagpatuloy si Nollace. “Huwag mong kalimutan ang tao na kumakausap sa The Serp
“Gising ka na.”Lumingon si Waylon at nakita si Cameron. Nakaupo siya sa harap ng apoy na lumiwanag sa maganda niyang mukha.Nanunuyo ang labi niya. “Gaano ako katagal na walang malay?”“Apat na oras.” Binato niya ang sahig sa paa niya. “Infected ang sugat at nagkaroon ka ng lagnat. May medical kit sa sasakyan kaya binigyan kita ng tetanus shot at anti-inflammatory, kaya mabubuhay ka.”Kinuha niya ang bote at binuksan ang bote.Sumakit ang braso niya sa ginawa niyang galaw. Kumunot siya at tahimik na ininom ang tubig pagkatapos ay tumingin sa bag sa tabi niya. Mukhang may ilang lata ng pagkain. “Handang handa ang sasakyan mo.”“Gutom ka ba?” Kinuha ni Cameron ang lata at inabot sa kaniya. “Hindi ‘to galing sa sasakyan ko. Sa sasakyan nila ‘to.”Kinuha ni Waylon ang lata pero hindi binuksan. Nang makita na nagdadalawang isip siya, ngumisi si Cameron. “Huwag kang mag-alala. Kumain ako nang kaunti. Walang lason.”Inangat niya ang kaniyang kilay at matagal siyang tiningnan. “Sala
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu