Share

Kabanata 1026

Tiningnan siya ni Louis. “Mali ka ng narinig. Wala akong sinabi.”

Natahimik sina Robbin at Blake.

Kumunot ang noo ni Ryleigh. “Talaga?”

Tumango si Louis bilang sagot, at saka kumuha ng isang piraso ng cake at sinubuan si Ryleigh. “Ang sarap, di’ ba?”

“Hindi na masama.” Tumango si Ryleigh, nakalimutan na ang tinatanong niya, tumalikod at nagsimulang kumain ng cake.

Lumingon si Louis sa nakatulalang sina Robbin at Blake at saka ngumiti.

Nag-thumbs up sa kaniya ang dlawa.

‘Grabe, bro. Ikaw talaga ang nasa kontrol.”

Samantala, dahil buntis si Barbara, tinatanggap niya ang mga toast at blessings mula sa lahat gamit ang tubig imbes na wine. Si Nina at ang manager ni Helios na si Morgan ay lumapit sa kanila at nag-alok ng toast, habang ang mga entertainer at directors na malapit sa kanila ay dumating din.

Tumawa si Morgan nang makita niya sina Daisie at Waylo. “Hindi ba’t kayo yung dalawa naming batang celebrity dati?”

Naalala siya ni Daisie. Nakasuot siya ng magandang princess dres
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status