"Pero, ang mga music genres na ito ay dumating lang sa kalagitnaan ng 19th at 20th century. Na-master na namin ang ganitong genres, at isa yung kahanga-hanga, pero ano naman ang sasabihin namin sa publiko kung bubuhayin ulit ang classical music?"Natawa si Ryleigh, "Written tradition naman ang classical music ng mga 9th century kaya nagbunga ng sopistikadong national system dati. Ang pinakaunang extant music manuscript ay galing sa Carolingian Empire na naging sikat nung panahon na iyon. Naging popular ang symphonies dahil sa mga Fradinites noong 12th century. Nanatili silang nanindigan sa panahon ng Renaissance period na naganap noong 14th century hanggang 17th century at ngayon isa na ito ng matagumpay na bahagi ng kasaysayan."Sikat ito dahil tagos na emosyonal ito at magarbo, maganda ang harmony at may magandang symphony ang dynamics. Makakaramdam ka ng mahinang haplos sa pagitan ng mga alon ng musika at minsan isang malakas na suntok sa mukha dahil sa yakap ng symphony. Kaya, p
Inalis ni Ryleigh ang kamay niya at sinabi, "Hindi ko lang kayang tiisin na makita silang ganun. Hmph!"Pinisil ni Louis ang pisngi niya. "Kung hindi ako dumating, lalabanan niyo ba sila?"Tiningnan siya ni Ryleigh, malalim ang iniisip, pero hindi nagsalita. Sa oras na iyon, isang magandang babae na naka-long dress ang nakatayo sa hindi kalayuan na may ngiti sa mukha. "Lew."Tiningnan ni Ryleigh si Louis, na ma-swerte sa mga babae. Hindi kasing ganda ng babae na papalapit ang ex-girlfriend niya ni Xyla pero pareho silang kaaya-aya.Alam na ni Ryleigh sino ang babaeng iyon. Malamang si Jodie Smalls iyon na pinag-uusapan ng mga instructor ilang araw ng nakalipas. Isang international supermodel si Xyla na na kaaya-aya, ballet dancer si Jodie na mahinahon at elegante, at mala tubig ang pagka-malumanay. Tiningnan siya ni Louis, at kumunot ang noo. "Sino ka?"Tumalikod si Ryleigh at tinakpan ng bibig niya, pinipigilang tumawa.Marahil nagulat si Jodie nang hindi siya makilala ni
Nag-enjoy si Louis sa 'performance' niya at hindi napigilang sinabi, "Kaya mo rin yun gawin."Nandiri si Ryleigh. "Hindi no!"Lumapit sa kaniya si Louis. "Hindi ba mas kadiri ka kanina nung tinawag mo akong honey?"Huminto si Ryleigh at agad na tumingin sa iba. "Ginawa ko yun? Hindi, hindi pwede. Namali ka ng rinig."Pinisil niya ang pisngi niya at pinatingin siya sa kaniya. "Nagmamaang-maangan p ba tayo?"Bago pa makapagsalita si Ryleigh, hinalikan siya ni Louis. Nagulat siya at pabirong hinampas si Louis. "Nasa public tayo—Mm!Hindi niya iyon pinansin, at pinasandal siya sa pader at nag patigil sa paghinga ni Ryleigh, kinuha lahat ng kaniyang sweetness.Nang makita ni Ryleigh na may dumaan ulit na tao sa kanila, kinakabahan niyang tinulak si Louis palayo at tumalikod habang namumula, nagpapaypay gamit ang kamay niya."Professor Lucas." Tumango ang estudyante kay Louis, at tumango rin siyang sumagot.Nagtago si Ryleigh sa likod ni Louis at tumakbong lumabas nang umalis na ang
Kinabukasan…Naka-dekuwatro na umupo si Ryleigh sa couch suot ang malaking T-shirt ni Louis, naghihintay na may maghatid sa kaniya ng damit.Masaya siyang pumunta sa pinto ng nag-ring ang doorbell.Pero, nawala ang ngiti niya nang makita niya na ang babae sa labas ay si Xyla. "Bakit ka nandito?"Tiningnan siya ni Xyla at ngumiti. "Magkasama na pala kayo pagkatapos ng kasal niyo."Isasara na sana ni Ryleigh ang pinto nang biglang hinawakan ni Xyla ang pinto habang nakabukas at inabot ang bag na may lamang designer clothes sa kamay ni Ryleigh. "Hawakan mo ito. Hindi ko naman gusto pumunta dito kung hindi lang dahil kay Louis."Nilagay na ni Xyla ang sunglasses niya na naka-ngiti, tumalikod, at umalis. Napahinto ng ilang minuto si Ryleigh, hinagis ang bag sa sahig, at galit na naglakad. "Yari ka sa akin, Louis Lucas!"Matapos siyang mag dabog, pinulot ni Ryleigh ang bag ng damit. Mas mabuti naman na may masuot siya kaysa wala!Bumalik na si Xyla sa kotse at nakatanggap ng text mul
Natumba si Ryleigh, at nasubsob ang balat ng kamay niya sa sahig at nagdugo. Napangiwi siya at kinuyom ang kaniyang kamay. Nakahalukipkip ang instructor. "Huwag ka na magpanggap. Mahina lang ang pagkatulak ko sayo at natumba ka?""Kung makikita ito ni Mr. Lucas, sasabihin niya na inaapi ka namin. Natumba ka, kaya huwag mo kami sisihin.""Ikaw—" gaganti sana si Ryleigh nang dumating ang isang babae na dala ang phone. "Pasensya na, aksidenteng nagkaroon ako ng video sa nakakatawang nangyari kanina. Iniisip ko kung ang video na ito ay makakatulong sa pag-aayos ng pangalan ng babaeng ito." Tumingin si Ryleigh at nagulat dahil si Xyla iyon. Lahat ng instructor ay namutla.Ngumiti si Jodie nang makita na iyon ay si Xyla. "Xy, bakit ka nandito?"Lumapit siya kay Xyla. "Huwag mo sanang ma-misunderstood, Xy. Aksidente naman ang nangyari.Tumayo si Ryleigh.Tumalikod si Xyla para tingnan si Jodie. "Hindi naman tayo ganun ka-close."Nahinto ang ngiti ni Jodie, pero kalmado pa rin niy
Nang nakita niya na namutla si Jodie, lumapit si Xyla. “Tinatakot mo ang babae na nasa tabi ni Louis dahil lang sa hindi ka nararapat para sa kaniya? Sa tingin mo ba magkakaroon ka ng pagkakataon na sumayaw ng ballet kung hindi ka lumapit sa akin dahil ang dad ko ang director ng Royal Crown?”Nanginig ang balikat ni Jodie.Nagtataka siya na tiningnan si Ryleigh.Tinapik ni Xyla ang mukha niya. “Iniisip mo ba na malinis at inosente ka? Ginamit mo ang relasyon mo sa akin at kinilala ang mga tao na malapit sa dad ko at binenta mo ang sarili mo para bayaran nila ang ballet career mo sa ibang bansa.“Pagkatapos ng ilang taon na pagsasayaw, hindi ka pa rin sikat, nagsasaya ka lang sa pera na binibigay sa’yo ng ibang tao. Kung hindi namin nalaman ang plano mo at pinutol ang pera na napupunta sa’yo, babalik ka ba?”Hindi malakas ang pagsasalita ni Xyla, pero malinaw siyang naririnig ng lahat, at nagulat sila. Mas lalong nahihiya si Jodie. Kasing putla ng papel ang mukha niya, parang humar
"A—""Jodie. Baka sa ibang tao gumana 'yun, pero pinagmukha mo lang tanga ang sarili mo sa ginawa mo kay Louis."Tumingin si Xyla kay Ryleigh at nagpatuloy. "Hindi ko rin agad natanggap nang malaman ko na engaged na si Louis sa kaniya. Anim na taon! Anim na taon, sinubukan kong makuha ang puso niya, pero hindi niya pa rin ako pinili sa huli. Kailangan ko malaman kung bakit. Kailangan ko malaman kung bakit mas pinili niya siya kaysa sa akin."Tingnan ni Ryleigh si Xyla.Ngumiti si Xyla sa kaniya at sinabing, "Hindi sumama ang loob ko na natalo ako kay Ryleigh.""Nanggaling kayo sa magandang pamilya. Nakatakda na ang lahat sa inyo mula ng pinanganak kayo, at hindi niyo rin kailangan paghirapan 'yun," nagwawalang sigaw ni Jodie. "Pero iba ako. Kung may gusto ako, kailangan ko paghirapan 'yun. Hindi ko iniisip na mas maliit ako kumpara sa mayayaman na tulad niyo, pero bakit ang hirap para sa akin?"Habang nakatingin kay Jodie na umiiyak at humagulgol, may naisip si Ryleigh at sinabi,
Aalam nila na kumampi sila sa maling tao, at nahihiya sila na manatili doon. Nang aalis na sana sila para iwan si Jodie at tumakas, tinawag sila ni Xyla. “Sandali lang, ang tatapang niyo kanina nang hinuhusgahan niyo siya, ano na? Mahirap ba para sa inyo ma buksan ang bibig niyo at humingi ng tawad?”Nang makita na ayaw nila humingi ng tawad, sinabi ni Ryleigh na, “Hayaan mo na. Hindi ko kailangan ang paghingi nila ng tawad.”“Desisyon mo ‘yan. Gumawa sila ng mali kaya kailangan nila humingi ng tawad. Kung hindi nila kaya humingi ng tawad sa ginawa nilang mali, baka hindi sila dapat maging instructor. Sa ganoon sasabihan ko sila na iligpit ang mga gamit nila at umuwi at baka maging masama silang impluwensya sa mga bata.”Kahit anong paga-atubili ng mga babaeng instructor, wala silang magagawa kundi humingi ng tawad kay Ryleigh sa pagmamalupit ni Xyla.Tinanggap ni Ryleigh ang paghingi nila ng tawad.Kumuha ng lipstick si Xyla at inayos ang kaniyang makeup sa kaniyang phone screen.
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu