’Itong pelikula—” Magsasalita na sana si Maisie nang biglang marinig ang isang hindi maipaliwanag na boses, at namula agad ang mga pisngi niya!”‘Diyos ko! Ano bang pelikula ang napili ko!?’“P..palitan ko.” Nilapag niya ang fruit salad at tatayo na sana, pero hinila siya ni Nolan pabalik, kaya napaupo siya ulit.Tinitigan ni Nolan ang mukha niyang kasing pula na ng mansanas, at hindi mapigilang matawa. “Seryoso ka ba nang imbitahin mo akong panoorin ‘tong pelikula kasama mo?”“Seryoso ako…” Pakiramdam ni Maisie na medyo hindi tama ang tanong na yun at saka dinagdag, “Gusto ko lang manood ng pelikula kasama ka!”“Dalawa lang tayo dito.” Nilapit ni Nolan ang mga labi niya sa pisngi ni Maisie habang nakahawak sa baywang nito. “Wala ka bang ibang gustong gawin?”Gayunpaman, bago pa makapagsalita si Maisie, nakadikit na ang mga labi ni Nolan sa kaniya. At siya naman na nauuhaw at nag-iinit na ay parang isang turistang nakahanap ng water source na papawi sa uhaw niya matapos maligaw n
Pinasandal siya ni Nolan sa dibdib niya at hinalikan siya sa mga labi. “Hindi magiging kasing importante mo ang trabaho mo.”Mahigpit siyang niyakap ni Maisie habang nakadikit ang pisngi niya sa dibdib ni Nolan. Napaluha siya. “Magiging spoiled ako kung lagi mo akong tatratuhin nang ganito.”“Magiging advantage ko lang kapag nasanay ka nang ganito.” Mahinang bulong ni Nolan sa tainga ni Maisie, pinunasan niya ang mga luha nito at saka mahigpit itong niyakap. “Balak kong ibigay lahat ng gusto mo para ako lang ang nag-iisang tao sa mundo na kayang intindihin ang buhay mo pagkatapos ng lahat ng ito.”Hindi alam ni Maisie kung kailan natapos ang pelikula. Ang tanging naramdaman niya lang ay ang epekto na ni Nolan sa kaniya.Matapos ang ilang rounds, niyakap nila ang pawisang katawan ng isa’t-isa, at nag-aalinlangan si Nolan na umalis sa pagyayakapan nila.Tinitigan ni Maisie ang mga blue roses na namumulaklak na sa courtyard. Ang gaganda ng mga ito, katulad ng pag-ibig na pinapakita s
Yumuko si Maisie. "Paano naman ang tagapagmana ng mga Knowles…"Bumuntong hininga si Madam Nera. "Wala naman na siyang natitira. Kahit nga katawan niya hindi makita. Ano pa kaya, siya na lang ang nag-iisang tagapagmana ng mga Knowles. Kahit na bata pa si Rick, sigurado ako na hindi niya makakayanan na malagpasan lahat ng sakit ng isa o dalawang taon pagkatapos mawala ang sarili niyang anak."Tinikom ni Maisie ang labi niya.'Sa totoo lang, hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay ng batang iyon. Bata pa lang si Nollace, pero dahil sa pagkamakasarili at galit ni Madam Knowles sa nga Knowles, talagang nawalan sila ng pag-asa, at kahit si Zeta ay namatay dahil sa misyon niya.Hinatid na ni Maisie pauwi si Madam Nera matapos nilang mag-usap ng ilang oras. Sa oras na yun, lumapit sa kaniya si Lucy at sinabi, "Ms. Vanderbilt, may ipinadalang mga bulaklak sayo ang La Perla Group.""La Perla?" Nagulat si Maisie. Naalala niya na pagmamay-ari pala ng pamilyang Pearl Santiago ang La Perla G
Niyakap siya ni Nolan mula sa likod, at ang mainit niyang dibdib ay ramdam ang tibok sa likod ni Maisie. "Nandito ka sa harap ng kwarto na ito three years ago habang nandito naman ako."Nilubog niya ang mukha niya sa leeg ni Maisie at may bahid ng mga memorya ang kaniyang mata. "Nandito ka lang dati para mag magbid ng jewelry. Kaya, nandito tayo ngayon para bilhan ka ng pinakamagandang jewelry na meron sa lugar na ito."Nagsimula na ang auction, at ang unang item na nakadisplay sa stage ay ang South Afrenikan pink diamond na tens ng million dollars ang halaga, at ilang VIP's na ang nagpresyo para sa diamond.Tiningnan ni Maisie si Nolan, na walang impresyon. Halatang hindi siya pumunta dito para sa pink diamond. Kaya, iniisip niya kung anong klaseng jewelry ang planong ibigay ni Nolan sa kaniya ngayong gabi.Hindi man lang tinanong ni Nolan ang presyo ng mga naunang items, kaya hindi napigilan ni Maisie na mapasandal sa kanya. "Nagtataka na ako."Lumapit si Nolan sa tainga niya at
Niyakap siya ni Nolan. "Paano mo ipapakita ang appreciation mo?"Nakatingkayad na tumayo si Maisie at hinalikan siya sa labi. "Ito ang pinakapaboritong regalo na natanggap ko. Talagang habang buhay ko itong itatago."Hinalikan sita ni Nolan sa noo at sa pagitan ng kaniyang kilay. "Masaya ako basta masaya ka."Nung sumunod na araw, buo nang tumubo ang bulaklak sa music academy, at puno ng malalambot na gulay ang garden ng academy. Naglalakad sa koridor ang mga tao ilang mga guro rin ang lumalakad."Narinig ko na bumalik na sa academy si Jodie para maging instructor. Pero 'di ba major siya in ballet?""Ano naman kung major siya sa ballet? Nanalo siya ng award bilang pianist. Hindi naman siya magiging disadvantage kung babalik siya sa school niya dati para maging instructor.""Sabi nila na si Mr. Lucas at siya ay estudyante ng parehong department, at siya ang belle ng solong instrumentation department ng music academy. Siguro perfect couple na sila ng campus kung nagkabalikan sila d
Nagulat si Ryleigh.Lumapit sa kaniya si Charles at tinapik ang kaniyang balikat. "Ryleigh, hindi natin pwedeng asahan ang iba na lumaban para sa atin. Kung ang lahat ay mababa ang tingin sayo, mas kailangan mong may patunayan sa kanila."Nawala agad ang gulo sa isip ni Ryleigh matapos marinig ang mga sinabi ni Charles.Ngumiti siya, nagpasalamat, at lumabas ng opisina. "Naiintindihan ko na ngayon, salamat."Habang tinitingnan siyang lumabas ng opisina, masayang ngumiti si Charles.Makalipas ang ilang araw, nagdala ng ilang estudyante si Ryleigh mula sa orchestra department. Halatang lahat sila ay nagtataka. "Ms. Hill, bakit niyo po kami pinapunta dito?"Tiningnan ni Ryleigh ang music manuscript sa kamay niya at tumawa. "Gagawa tayo ng banda!"Isa sa mga babae ang lalo pang naguluhan. "Banda?"Isang babae ang huminga nang malalim. "Anong klaseng banda ang magagawa natin? Talagang tatawanan tayo ng mga estudyante sa solo instruments department pag kumanta tayo sa funeral at pa
"Pero, ang mga music genres na ito ay dumating lang sa kalagitnaan ng 19th at 20th century. Na-master na namin ang ganitong genres, at isa yung kahanga-hanga, pero ano naman ang sasabihin namin sa publiko kung bubuhayin ulit ang classical music?"Natawa si Ryleigh, "Written tradition naman ang classical music ng mga 9th century kaya nagbunga ng sopistikadong national system dati. Ang pinakaunang extant music manuscript ay galing sa Carolingian Empire na naging sikat nung panahon na iyon. Naging popular ang symphonies dahil sa mga Fradinites noong 12th century. Nanatili silang nanindigan sa panahon ng Renaissance period na naganap noong 14th century hanggang 17th century at ngayon isa na ito ng matagumpay na bahagi ng kasaysayan."Sikat ito dahil tagos na emosyonal ito at magarbo, maganda ang harmony at may magandang symphony ang dynamics. Makakaramdam ka ng mahinang haplos sa pagitan ng mga alon ng musika at minsan isang malakas na suntok sa mukha dahil sa yakap ng symphony. Kaya, p
Inalis ni Ryleigh ang kamay niya at sinabi, "Hindi ko lang kayang tiisin na makita silang ganun. Hmph!"Pinisil ni Louis ang pisngi niya. "Kung hindi ako dumating, lalabanan niyo ba sila?"Tiningnan siya ni Ryleigh, malalim ang iniisip, pero hindi nagsalita. Sa oras na iyon, isang magandang babae na naka-long dress ang nakatayo sa hindi kalayuan na may ngiti sa mukha. "Lew."Tiningnan ni Ryleigh si Louis, na ma-swerte sa mga babae. Hindi kasing ganda ng babae na papalapit ang ex-girlfriend niya ni Xyla pero pareho silang kaaya-aya.Alam na ni Ryleigh sino ang babaeng iyon. Malamang si Jodie Smalls iyon na pinag-uusapan ng mga instructor ilang araw ng nakalipas. Isang international supermodel si Xyla na na kaaya-aya, ballet dancer si Jodie na mahinahon at elegante, at mala tubig ang pagka-malumanay. Tiningnan siya ni Louis, at kumunot ang noo. "Sino ka?"Tumalikod si Ryleigh at tinakpan ng bibig niya, pinipigilang tumawa.Marahil nagulat si Jodie nang hindi siya makilala ni
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu