Lumagapak ako sa sahig ng opisina ni Jesse matapos tanggapin ang malakas na suntok ni Barbie sa mukha ko. "Gago ka Pierce! Gago ka sa lahat ng mga gago!" Hinihingal at nakakuyom ang mga kamao na sinugod niya ako uli at tinadyakan sa hita. "Hanggang kailan mo ba balak na saktan iyang kaibigan ko? Hanggang kailan mo ba siya paiiyakin ha?!"Hindi ako sumagot. Balewalang bumangon lang ako at inayos ang suot. Ngayon ang alis namin pabalik sa US at dumaan lang ako sa kompanya nila Jesse para magpaalam. Ilang saglit pa nga lang kaming naiwan ni Barbie sa office ng kaibigan pero agad na niya akong binirahan. Pinahid ko ang dugo sa gilid ng labi at nagkibit-balikat."Hindi na mangyayari iyan kahit kailan pa, Barbie. Aalis na kami papunta sa US at wala na akong balak pa na bumalik rito. I'm sorry if I hurt Xylca."Natawa ito nang mapakla. "Mabuti pa nga. Sana hindi ka na lang talaga bumalik e. Sapat naman na ang nagawa ng kaibigan ko para sa iyo."Hindi ko siya masyadong naintindihan kaya hindi
Ilang oras din kaming naghintay bago lumabas ang doktor mula sa operating room at sabihin sa amin ang kalagayan ni Xylca. Muntik na akong mapasigaw sa saya nang sinabi nito na nasa maayos na na sitwasyon ang pasyente. Lahat kami ay nakahinga nang maluwag at napaiyak na rin ang mga kaibigan ni Xylca.Bago bumalik sa ospital ay sumaglit muna ako sa bahay para kumuha ng gamit. Balak kong magkampo sa labas ng silid nito para hintayin na magising ito.I need to see her alive so bad. Pagdating ko sa bahay ay natigilan ako nang makita si Sab sa loob na naghihintay sa akin na nakaupo sa sofa.A surge of anger rose inside me."Xian..."I didn't reply. I just sat on her side and sighed. Exhaustion is wearing me down now."How can you do that to me, Sab? Why didn't you tell me that Xylca is my kidney donor?"Namutla ito saka namasa ang gilid ng mga mata. "You knew.""Yes! At muntik ko nang hindi malaman! Muntik na akong makaalis ng Pilipinas nang hindi ko man lang nalalaman! Why did you lie to m
Two years later..."Hoy na babae ka!" Hinarangan ko ang demonyitang nagkatawang-tao sa pagpasok nito sa gate ng bahay nito. "Ano itong naririnig ko sa mga kapitbahay natin na ipinagkakalat mo na inaagaw ko raw iyang Amerikanong hilaw na asawa mo?! Hoy Grasya! Gumising ka nga! Hindi ako pumapatol sa may asawa!"Galit na tinapunan niya ako ng sulyap. "Hindi malabong mangyari na agawin mo ang asawa ko, Xylca! Diborsyada ka na sa asawa mong Amerikano kaya baka si Floyd naman ang susunod mong biktima. Balita dito sa subdivision na tirador ka ng mga afam!"Umusok ang lahat ng mga butas ko sa narinig. "Tanga! Annulled ako. Walang divorce dito sa Pilipinas. Aral-aral ka rin paminsan-minsan. Hindi iyong pinaiiral mo lang palagi iyang bibig mo. Tsaka, hinding-hindi ko susulutin 'yang asawa mo dahil may bago na rin akong afam. Ang bantot ng asawa mo kompara sa afam ko kaya itikom mo iyang bibig mo ha. Sa susunod na makarinig pa ako ng mga tsismis mo mula kay Wyn, ngangatngatin na talaga kita ng
"Hindi mo naman sinabing may hired gardener ka pala rito, Xylca. At hindi lang basta-basta ha. May-ari lang naman ng construction company."Sumilip ako ng bahagya sa pinto sa tabi ni Pariah para tingnan ang lalaking mukhang masayang-masaya sa ginagawa. May pasayaw-sayaw pa nga ito at pakanta-kanta. Naiiling na bumalik din naman agad ako sa paghuhugas ng pinggan.Tanghaling-tapat ay bigla na lang sumulpot si Pierce at nagdesisyong linisin ang likod-bahay. Nagdala pa nga ito ng bouquet ng bulaklak at ilang boxes ng chocolate na inubos lang ni Pariah."Fren, hatdan mo naman ng tubig si Pierce o. Parang mahihimatay na sa kaka-mower ng mga damo mo.""Hindi ko naman siya inutusang kalbuhin ang garden ko. Paladesisyon iyan. Ginagawang kawawa ang sarili para kaawaan ko." Pinunasan ko ang kamay at naupo sa silya saka sumubo ng mansanas."Baka ma-dehydrate iyan. Sayang naman ang kidney mo," ani nito at inagaw ang kinakain ko.Sinulyapan ko uli ang lalake na tagaktak na ang pawis mula ulo hang
"Pano ba yan bruha. Na kay Pierce si Wyn. Nakalimutan kong ngayon nga pala ang birthday mo. Makapaghihintay ka ba? Sunduin ko lang si Wyn sandali.""I have a better idea. Ipahatid mo na lang kay Pierce sa bahay para complete family kayo sa birthday ko. Sige na, Xylca. Ngayon lang. Pagbigyan mo na ang birthday girl."Inilagay ko sa speaker mode ang cellphone at nagsimulang mag-shave ng kilikili. Nakalimutan ko talaga ang birthday ni Barbie at kung hindi pa ito tumawag para sabihing ako na lang ang hinihintay ng barkada ay hindi pa ako maliligo. Distracted ako buong maghapon dahil hindi rin mawala-wala sa isip ko kung sino ba iyong babaeng sumagot sa phone ni Pierce kanina nang kamustahin ko si Wyn."Ay 'wag na at baka kung ano pang isipin niya. Baka magkaroon pa iyon ng pag-asa at isipin na baliw na baliw pa rin ako sa kaniya."Pinatay ko ang mahinang buga ng shower at sunod na kinuskos ang balat gamit ang exfoliator."Hindi niya iyan iisipin. Alam naman niyang allergic ka na ngayon sa
"Saan ako matutulog? 'Wag mong sabihing magtatabi tayo?" nakataas ang kilay na tanong ko kay Pierce nang makapasok na kami sa bahay nito. Karga nito ang natutulog na si Wyn habang pumapanhik kami sa hagdan patungo sa second floor."As of now, yes. Under renovation pa ang guest room. And I never thought that you'll move in and we'll not be sharing the same bed."Inayos nito ang pagkakasubsob ni Wyn sa balikat nito bago ako sinulyapan.Pinaningkitan ko ito ng mga mata. Alam ko na ang laman ng utak nito kahit hindi nito sinasabi."Alam mo ikaw, Pierce. Matagal ka ng wala sa barangay pero hindi mo pa rin naiiwan iyang ugali mo noon. Maparaan ka na gustong-gusto ko maliban ngayon. Bakit mo pa kasi kami pinilit na dito muna tumira kung hindi pa pala ayos itong bahay mo? Paano kung may mga butas pa? Naku! Eh di naospital kami ng wala sa oras?"Tumigil ito sa harap ng isang pinto at binuksan ito. Tumambad sa akin ang isang napakalaking silid na may napakalaking kama sa gitna. Muntik na akong
Inobserbahan ko lang si Pierce nang kumakain na kami ng umagahan. Mataman nitong inaasikaso si Wyn at walang binabanggit sa akin tungkol sa babae na kaaalis lang.Pansin ko rin na hindi ginalaw ni Wyn ang itlog nang malaman nito na hindi ako ang nagluto kaya ako na lang ang kumain. Sayang naman ang grasya."Nak, kain ka pa." Nilagyan ko ng tocino ang plato nito. "Gusto mong lutuan kita ng itlog? May oras pa naman. Hindi ka pa male-late.""Wag na po," tanggi nito. "Ang dami ng foods, ma. Masasayang lang ito. Ang sabi ni Ms. Sexy ay maraming mga bata ang nagugutom sa mundo.Proud na tumango ako. Ang ganda talaga ng effect ni Ms. Sexy sa anak ko. "Okay, sabi mo e.""That's good, Wyn. You know how important not to waste food but tell us what do you want to eat, okay? We'll make it for you and we'll help you finish it," wika ni Pierce na binabalatan ang orange."Papa, wag tuluy-tuloy English. Hindi pa ako masyado makaintindi," sikmat nito sa ama."Wag nga English, Pierce. Alam mo namang na
"Sinundo na po kanina ng daddy niya si Wyn Ms. Xylca. Akala ko nga po ay kasama niya kayo. Nagkamali ako at mukhang si Ms. Marga ang kasama niya sa kotse kanina. Hindi po ba kayo natawagan ni Mr. Pierce?"Nginitian ko ang guro ni Wyn. "Ganun po ba, ma'am." Inilabas ko ang cellphone na kanina pa namatay sa biyahe. "Tinawagan nga niya siguro ako pero na-lowbat na ako. Sige, ma'am. Thank you. Dadaanan ko na lang sa office niya si Wyn.""Sige po. Ingat po kayo."Pinaandar ko kaagad ang kotse papunta sa kompanya ni Pierce. Medyo natagalan ako mula sa meeting kasama ang chemist para sa bagong formula ng lip products ko kaya hindi ko na namalayan ang oras. Nakapamewang na tiningala ko ang gahiganteng gusali sa harap ko. Sinimulan kong bilangin ang mga bintana pero hindi kinaya ng powers ko."Ang yaman talaga ng mokong. Baka pakasalan ko na nga talaga siya."Pagpasok ko sa lobby ay hinanap ko ang front desk para tawagin si Pierce pero hindi ko na pala gagawin iyon dahil mabilis na nakalapit
Hindi pa man namin nabubuksan ang ilaw ay atat na isinandal ako ni Pierce sa pader at sinakop ang mga labi ko. Idinikit ko ang katawan nito at kinagat ang labi nito para makapasok ang dila at paglaruin sa dila nito. Napaungol si Pierce sa ginawa ko at ikiniskis ang katigasan sa hita ko.Nagmamadaling hinubad nito ang barong at isinunod ang inner shirt saka mabilis akong binalikan at pinatagilid para hubarin ang suot kong gown. Dama ko ang init sa bawat dantay ng daliri nito sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagnanasa sa bawat hagod nito sa dibdib ko na natatakpan na lang ng bra na wala na halos itinago.“Let’s turn on the lights. I wanna see you,” ani nito sa malat na boses.Pagbaha ng ilaw ay wala na itong inaksayang oras. Binuhat niya ako at idineposito sa kama at agad na kinubabawan at sinimulang hubarin ang bra ko. Naghahabol sa hininga na dumapo sa tiyan ko ang hintuturo nito na pumadausdos pababa hanggang sa makarating sa ibabaw ng panty ko.Kagat ang labi na iginalaw nito iy
Napili naming venue sa kasal ang private island na pagmamay-ari ng Herrera clan. Beach wedding ang gusto ko na mas nagmukhang garden wedding sa dami ng bulaklak. Imbitado ang lahat ng mga kapamilya namin at mga kaibigan. Kahit kakaunti lang ang nagpunta sa side ni Pierce ay masaya pa rin ito lalo na at ang kapatid nitong si Jasper ang tumayong best man samantalang si Missy naman ang maid of honor ko. Pinadalhan din namin ng invitation si Marga pero magalang itong tumanggi. Ang huling balita ko na lang dito ay tumulak ito papunta sa Europe. “Finally! You are getting married too!” Niyakap at hinalikan ako ni Myca na sumugod sa mansion kasama ang mga kaibigan. Pinasadahan niya ako ng tingin. “You have always been so beautiful Xylc but you look more especially glowing now. Congratulations.”“Salamat, Myca.” “O ‘di ba? Sabi ko naman sa iyo bruha, effective ang operation amuin si Fafa Pierce mo,” ani ni Pariah na sunod na yumakap sa akin.“Kaya nga e. Hindi na niya nakaya ang kamandag
"Wyn, nak, tumawag na ba ang papa mo? Ang sabi niya ay pauwi na siya. Tawagan mo nga uli," utos ko rito habang nasa harap ng salamin at nagme-make up.Susunduin niya kami para sa weekly dinner namin sa labas. Alas-sais pa nito sinabing nakalabas na ito ng office pero mag-a-alas siyete na ay wala pa rin ito. Hindi naman traffic ayon sa app na pinagtanungan ko.Naroon naman ang pamilyar na pagbundol ng kaba sa dibdib ko na pilit kong iwinaksi. "Ma, kaka-text lang ni papa. Basahin ko ha. Xylc my goddess, magpahatid na lang kayo kay manong sa resto. Need to reroute due to traffic. Love you. Mwah mwah," basa nito na puno pa ng feelings.Naglagay na ako ng lipstick. "Ganun ba. Replayan mo. Sabihin mo na ok.""Ok lang ang sasabihin ko ma? Walang mwah mwah?"Tinawanan ko si Wyn saka tumayo para tingnan ang sarili sa salamin."Sige, lagyan mo ng mwah mwah. Damihan mo. Mga sampu.""Okay po."Nang makontento sa ayos ay hinila ko na ang kamay ng anak palabas. Naghihintay na ang driver na binuksa
Ilang beses akong huminga nang malalim habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital. Bawat segundong dumadaan ay pasakit sa akin. Makailang beses akong pinangapusan ng hininga pero lumaban ako. Kailangan kong makita si Pierce. Kailangang makita ko siyang buhay.Hindi pa man nakaka-park ang kotse ay binuksan ko na ang pinto at lumabas. Sa entrance pa lang ay nakaramdam na ako ng pagkaliyo. Butil-butil ng pawis ang gumiti sa noo ko. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam kong putlang-putla na ako. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan, ang pakiramdam na parang sinasakal ako habang hinahanap ko noon ang katawan ni Pierce. Nakakasuka sa kaba. Tandang-tanda ko pa ang mukha nito noon. Ang putla nito na parang wala ng buhay. Ayoko na iyong maranasan. Hindi ko kaya.Sinubukan kong humakbang uli pero labis ang panginginig ng tuhod ko kaya sumandal muna ako sa pader at ipinikit ang mata. Habol ang hininga na pilit kong pinayapa ang sarili. “Okay lang po ba kayo, ma’am?” tano
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Ikaw ba naman ang madaling-araw na lubayan sa kakakadyot kung hindi ka rin ba tanghaliin ng gising. Iniunat ko ang katawan at napangiwi sa sakit. Para akong binugbog, iyong masarap na klase ng bugbog. Feeling ko nga ay namaga talaga ang lips ng kipay ko sa sobrang gigil nito kagabi. “Ang mokong na iyon. Sinulit talaga.” Pati boses ko ay malat sa kakasigaw at kakaungol. Parang lumantak siya ng sangkaterbang energy drink sa ginawa nito sa akin kagabi. Ito lahat ang tumrabaho. Nakahiga lang ako doon habang kung anu-anong posisyon ang itinuturo niya sa akin. Biniro ko pa nga na baka inubos nito lahat ng porno sa ilang taon na wala itong partner. Tumanggi naman ito. Minsan lang daw. Nagbabasa raw ito nang madalas. Isinuot ko ang roba at kinuha ang cellphone. Message kaagad ni Pierce ang binasa ko.“I cooked something for you. Eat and rest well, Xylc. Thank you so much for last night. I love you.”“Luh, parang tanga,” nangingiting wika ko at paulit-
Buong hapunan ay dama ko ang tensiyon sa aming dalawa ni Pierce. Iniiwasan naming magkadikit dahil baka hindi namin makontrol ang sarili. Gusto na nga naming hilahin ang oras para makatulog na si Wyn. Si Pierce na ang nagpatulog kay Wyn. Ako ay tumalilis na sa kwarto para maligo. Muntik pa akong mapasigaw nang paglabas ko sa banyo ay agad akong hilahin ni Pierce para isandal sa pader. Wala na itong sinayang na oras. Gigil na sinakop niya ang mga labi ko at iniangkla ang hita ko sa bewang nito. Ipinulupot ko ang mga kamay sa leeg nito bago pumikit at ibinuka ang bibig para papasukin ang dila nito na agad naglumikot sa loob. Bumaba ang halik nito sa tenga pababa sa leeg ko at mahinang kinagat ang balat doon. Hindi pa ito nakontento at sinipsip pa ito para mag-iwan ng kiss mark. Marahas na hinaplos at nilamas niya ang puwet ko.Napaungol ako sa sensasyon lalo na nang ikiskis niya sa tiyan ko ang katigasan nito. Hinihingal na tinitigan niya ako habang dahan-dahang hinihila ang tali ng
Lunes ng umaga ay natagpuan ko ang sarili na nasa harap ng opisina ni Pierce dala ang mga nilutong pagkain para sa tanghalian nito. Nagtanong-tanong ako sa mga may-asawa ng mga kaibigan kung paano sila bumabawi sa mga partner nila at ito na nga ang naging payo nila sa akin.“Bisitahin mo sa office tapos dalhan mo ng pagkain,” sabi ni Pariah nang tawagan ko siya. “Iyon lang? Sure ka bang gagana ito? Effective ba ito kay Owen?” tukoy ko sa asawa nito.“Naman! Kahit sardinas at noodles pa ang dalhin ko sa kaniya, inuubos niya.”“Eh kasi naman, patay na patay sa iyo iyang lalaki mo.”“Wow kung makapagsalita o! Parang hindi hinabol-habol ni piercing eyes!”Sunod ko namang tinawagan si Myca para humingi ng tips. “After you visit him in the office to feed and fatten him, give him a blowjob when he comes home. That will surely make him so relaxed and happy.”Namula ang mukha ko. “Blowjob? Teka, hindi ko pa napag-aaralan iyan. Baka sumabit lang sa ngipin ko ang bulbol niya.”Tumawa si Myca s
“Ma, why are you only telling me this now?”Nahinto ako sa pagpasok sa silid nang marinig ang iritableng tono ni Pierce. Tatawagan ko na sana siya para sabihin na aalis na kami dahil tapos na kaming mag-ayos ni Wyn. Pagkatapos ng hapunan sa bahay ay ito naman ang nag-aya ng dinner kasabay ang buong pamilya nito.Natuwa ako dahil patunay iyon na unti-unti nang naayos kahit papaano ang relasyon nito sa pamilya nito. Alam ko kung gaano kasalimuot ang kwento ng buhay nito. Minsan niya rin itong nakwento sa akin at mas naintindihan ko pa ang komplikadong sitwasyon nila nang magkausap ako ng mama nito tungkol sa dahilan kung bakit biglang naglayas si Pierce. “Ma, how can I tell Xylc and Wyn that? They’re expecting to have dinner with you and the rest of the family. Ako ang ang-aya sa kanila kasi akala ko na okay na. Sabi mo okay na ‘di ba? Ang sabi nila pupunta sila? But why would they suddenly cancel it?”Ramdam ko ang frustration sa boses nito at kung hindi ko lang alam na si Pierce ito
“Ahm Pierce?" Kumatok ako sa bukas na pinto. Mula sa pagkakasubsob sa harap ng sangkaterbang papeles ay nag-angat ito ng tingin sa akin.Kinuyumos ng awa ang dibdib ko pagkakita sa pagod nitong mukha.Kanina pa ako nag-aalala rito. Pagkauwi galing sa office ay dito ito agad nagkulong sa home office. Nag-aalala ako dahil hindi ito kumain ng hapunan. Kape lang ang laman ng tiyan nito. Tinanong ko ang sekretarya nito pero wala raw kinain si Pierce sa buong maghapon. Nagka-aberya daw sa project kaya inaayos nito agad. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ito bumaba kaya inakyat ko na."Xylc, why?""Busy ka pa ng bonggang-bongga?" Nag-aalinlangan akong pumasok dahil baka hindi makaistorbo lang ako. Hinubad nito ang salamin at sumandal sa swivel chair. Pinatay rin nito ang laptop at ibinuka ang braso sa akin."Not that busy anymore. Come here.""Yown."Kinuha ko ang tray na may pagkain na nasa sahig sa labas at pumasok."Kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom."Inayos ko an