Home / All / The Story of Us (Tagalog) / Chapter 1 - Prologue

Share

The Story of Us (Tagalog)
The Story of Us (Tagalog)
Author: Luna King

Chapter 1 - Prologue

Author: Luna King
last update Last Updated: 2021-09-01 10:11:22

“Mommy! Daddy! Tingnan niyo po ang gawa ko oh! Nanalo po ako ng first place sa competition namin sa school.” Ipinagmamalaking ipinakita ng sampung taong gulang na si Sky sa mga magulang ang kanyang ginawang news article, pati na rin ang napanalunang gold-plated na medalya.

Naisipan niyang sumali sa annual writing competition ng kanilang school. News writing wasn’t really her forte. Mas gusto niyang sumulat nang mga fiction stories katulad nang sa mga Disney princesses, pero dahil news writing na lang ang available spot ay sinunggaban na niya. Akalain ba niyang puwede naman pala siya sa ganoong larangan.

“Wow! Ang talented talaga ng anak ko!” Masayang kinuha ng kanyang Ina ang nakakwadrong news article mula sa anak. Her daughter’s work was already placed inside a frame, tanda ng pagkilala na ito nga’y nanalo. May number one pang ribbon na nakadikit sa kanang ibabang bahagi ng frame.

“Ididisplay daw po ‘yan sa school library namin ‘My.” May pagmamalaki pa niyang dagdag.

“You really could be a great writer someday. Malay mo maging sikat na journalist ka pa, or better yet, news anchor.” Hinagod-hagod pa nito ang medyo kulot at mahabang buhok ng anak.

Ang Daddy naman niya ay pasimple lang sinulyapan ang gawa niya.

“Imbes na paglaanan mo ng pansin ‘yang pagsusulat mo ng kung anu-ano, you should shift your attention to your academics. Walang maabot ‘yang journalism mo. That will not sustain the kind of lifestyle I’m giving you.” Walang ganang sabi ng kanyang ama.

Sky looked at her Mom and saw sadness and pity in her eyes. Napayuko na lang siya at marahang kinuha ang kanyang news article mula sa Ina.

……. 

“Salutatorian?! Salutatorian ka lang sa graduation? My god Sky Isabelle!” Sigaw ng kanyang Ama. Pabagsak pa nitong ibinaba ang kubyertos. Umalingawngaw ang tunog niyon sa nakabibinging katahimikan sa kanilang hapag-kainan.

Kumakain sila ng mga oras na iyon ng ibalita niya sa mga magulang ang mga detalye ng activities para sa nalalapit nilang high school graduation. Gusto sana niyang sa Mommy lang muna niya sabihin ang final result nang kanilang honor roll. Panigurado kasi siyang madidisappoint at magagalit ang kanyang daddy. He was already expecting her to be the best, to be a valedictorian, and to be the number one. Pero pasasaan ba’t malalaman at malalaman din nito ang results dahil may mga anak ang mga amigo nito na sa kamalas-malasan ay kaklase pa niya.

“Hener…” Ginagap ng kanyang Ina ang nakakuyom na kamao ng kanyang Ama. Pinipilit na pakalmahin ito. Ngunit marahas nitong binawi ang kamay.

Tiningnan niya ang kanyang Mommy. Halatang nasasaktan ito sa pagbulyaw sa kanya ng kanyang ama.

“No! This is unacceptable! A Bustamante must always be the best! Binuhos ko lahat ng kailangan mo sa lahat nang bagay not just to give me second place! Is this how you will handle the company in the future? Second best?!” Dagdag na bulyaw pa nito.

‘Di na niya napigilang mapaiyak. It’s always about the company and the money pero never about their family or her. “Dad… I gave my best naman, eh. Kaso – “

But her dad cut her off. “Kaso ano?! Kaso your best isn’t enough! Not enough for me! Not enough for this family! And definitely, will never be enough for the company!”

Pagkatapos nitong magbitiw nang masasakit na salita ay padabog itong pumanhik sa second floor nang kanilang bahay. Akala niya ay doon na magtatapos ang nakakapanlumong gabing iyon ngunit hindi pa pala. Muling bumaba ang kanyang Daddy at may tangan na itong itim at malaking trash bag. Dumaan ito sa kanilang harapan at dumiretso sa sliding door na konektado sa kinaroroonan nang kanilang malawak na garden at rectangular shape na swimming pool.

Masama ang naging kutob niya sa laman nang trash bag na bitbit nang kanyang daddy. Bigla ay napasunod siya rito. Naabutan niyang binuhos nito ang laman sa isang metal dram na lagayan talaga nang kanilang basura. Nakita niyang nangalaglag at nagkaputol-putol ang kanyang mga napanalunang trophies sa pagsali sa ibat’ ibang writing contests mula pa noong elementary siya to the present. Pati mga libro at notebook niya na may kinalaman sa pagsusulat ay ‘di nakaligtas.

“Dad, what are you doing?” Garalgal na ang boses niya sa pagpipigil na umiyak

“Doing you a huge favor. I’m waking you up from this idiotic dream of yours.” Pagkatapos ay walang anumang sinilaban nito ang loob ng dram. Dahil naunang natupok ang mga libro ay mabilis na kumalat ang apoy.

“Noooo! Dad! Please Nooo!” Patakbo sana niyang pupuntahan ang dram ngunit maagap siyang pinigilan nang kanyang Mommy na noon ay lumuluha na rin.

Mababakas dito ang pangamba na basta na lamang niyang hablutin ang laman nang nag-aapoy na dram.

“Marta!” Malakas na tawag nang kanyang daddy sa kanyang yaya.

“Señor?” Nagkukumahog pa itong lumapit sa kanyang ama. Nanatiling nakayuko ang ulo nito dahil sa takot na pati ito’y mabulyawan.

“Siguraduhin mong maabo ang lahat nang laman niyan.” Iyon lang at naglakad na ito pabalik sa loob nang kanilang mansiyon.

Siya naman ay ‘di napigilang mapaluhod. Napahagulhol siya as she saw her hard-earned trophies burn to ashes. It’s as if her dreams are slipping further and further away from her grasp.

Niyakap naman siya ng kanyang Mommy at inalo ng kanyang yaya, pero lahat nang iyon ay ‘di maabot ang nagdidilim na bahagi nang kanyang puso.

…….. 

The night was warm and humid so Sky decided to sit alone in an isolated area in their garden. Mayroong set nang marmol na upuan at mesa sa kanilang hardin na natatabingan nang dalawang puno ng indian mango. Sa paligid naman nang mga puno ay mga samu’t saring orchids nang kanyang mommy. This was her favorite spot alright. Siya at ang mommy lang niya ang laging nagagawi roon.

Hindi siya makatulog. Pabiling-biling siya sa higaan kaya kaysa ganoon siya buong magdamag ay pinili na lamang niyang magpahangin. She can’t forget the events that transpired the other night. Talagang naabo ang lahat ng mga pinaghirapan niyang trophies pati na ang mga references niya about writing.

Malungkot siyang napabuntong-hininga. Nasasayangan kasi siya sa mga librong sinunog nang kanyang daddy. Ipon pa mula sa baon sa eskwela ang pinambili niya sa mga iyon. May iba na hindi pa niya nababasa. Gusto sana niya pagdating na lang nang summer break niya buklatin ang mga iyon para sana makapag focus siya.

Hindi talaga niya kahit kailan maiintindihan ang kanyang daddy. Simula’t sapul nang magkaisip siya, he honed her to be always the best. ‘A Bustamante never loses to anyone.’ ‘Yan ang mga katagang isinisiksik nito sa kanyang murang utak. And she always....always did her best to please her father. She was always on top of her game be it in academics or extracurricular activities. She was always in her best manners, prim and proper. But the more she tried her best, the more she tried to please him, pakiramdam niya kahit kailan he was never satisfied of her achievements. It was always ‘I know you can do better than that’. And not once did he really looked at her nor congratulated her sincerely. Minsan, ‘di niya maiwasang maitanong sa sarili kung anak ba talaga ang tingin nito sa kanya.

Writing was her only escape. Kapag nagsusulat siya, nakakabuo siya nang isang  mundo na kontrolado niya ang mga pangyayari. Na kung saan, the heroine is always loved and everything falls perfectly in place in the end. Napangiti siya nang mapakla. Maybe her dad was right after all. Maybe she really needed to wake up. After all, her life was far from the stories she wrote.

Napaigtad siya nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. She smelled the familiar scent of her mom. Ito na lang yata ang rason kung bakit hindi pa siya tuluyang nahuhulog sa depression. Her mother always kept her on her feet kahit na minsan gusto na lang niyang sumuko.

“Oh, ba’t gising ka pa?” Tanong nang mommy niya matapos ang sandaling katahimikan. Nakaupo ito sa arm rest nang inuupuan niya.

“Wala ‘My. Nagpapahangin lang po. Can’t sleep.” Tipid siyang ngumiti rito.

Hinagod-hagod nito ang kanyang buhok. Naaaninag niya sa mga mata nito ang awa at simpatya para sa kanya.

Matamang pinagmasdan ni Sky ang kanyang mommy. Matangos na ilong lang yata ang nakuha niya rito. Kahit sa daddy niya, wala siyang namana. Maganda rin naman siya, just that she looked different from her parents. But in all seriousness, her mom is really beautiful. Even in her early 50s, ‘di maikakailang maganda ito. And her mom was the most loving, obedient, and responsible human being she ever met, kahit na pati ito ay tinatratong hangin nang kanyang ama. They were her father’s liability. Magkaganun’ man, her mother always remained by his father’s side throughout the years.

“I know your dad is always hard on you. Pero sana Sky, ‘wag kang magtatanim nang sama nang loob sa kanya. He’s raising you sa paraang alam niya.”

“I know ‘My...pero gusto ko lang naman na maappreciate niya rin ‘yung mga efforts ko. Gusto ko rin naman na pagtuonan niya nang pansin na anak rin niya ako. I am not some kind of business deal na kailangan maperpekto.” Ang mga luhang kanina pa niya pinipigil ay tuluyan nang kumawala.

Niyakap siya nang kanyang mommy. “I know Sky...I know.. I see you... And I am so proud of you...hindi mo lang alam, pero I am blessed to have you as my daughter. ”

Her mom cupped her face. “Remember this anak: you fight for your happiness. You go after what you want. And you fall in love and you only marry the person you fall in love with. Don’t end up like me, okay? Maging matatag ka, anak. I want you to be always happy.”

Sky can see the tears of her mother. If her dad’s words ever since she was young was to be always on top, her mom was always like this. Bata pa lang din naman siya, alam na niyang her parents were in a loveless marriage. She smiled sadly. Another reason for her to wake up to reality.

…..... 

Tahimik na umiiyak si Sky habang ipinapatong ang isang tangkay nang puting rosas sa urn na pinaglagyan nang abo ng kanyang Ina.

Her Mom was diagnosed with cancer three years ago. Sabi ng mga espesyalistang doctor na kinuha nila, kaya pa naman daw maagapan and so her parents went abroad to seek medical help. She kept a positive thought na magiging okay rin ito. Baka nga iyon din ang maging dahilan upang magbago ang takbo nang relasyon nang kanyang mga magulang. She thought her father was being extra attentive of his wife those past few years. Pansin lang naman niya. He was still tough on the outside, but there are times he looks at his wife na para bang may nakikita siyang guilt? Awa? She can’t say exactly.

When school break from college came, she would go abroad para mabisita ito. ‘Dun na kasi namalagi ang Mommy niya for the past three years para masiguradong ‘di nito mamimiss ang lahat nang treatments nito. Pabalik-balik siya at umaasang sa bawat pagbisita niya, her Mom would eventually recover at makakauwi na kasama niya. But it didn’t happen.

Kakatapos lang ng finals nila and that night she was planning to book a ticket para makalipad kaagad sa US. She wanted to tell her Mom about her semester kasi alam niyang excited din itong malaman ang mga kaganapan sa buhay niya, lalo pa’t may nagugustuhan siyang lalaki sa kanilang campus. She also felt that the feeling was mutual at nasabi na niya sa kanyang Mommy ang mga paninja moves nito sa kanya. Maging ito man ay kinikilig din kaya very supportive ito sa umuusbong niyang pag-ibig. Siguradong marami siyang baong mapag-uusapan nila.

Saktong mag lalog-in na sana siya sa kanyang email nang mag-ring ang kanyang phone. It was an international call and she knew the number all too well. It was the number her Mom uses to call her.

Sobrang excited siyang sagutin ang tawag, pero hindi ito at ang masayang boses nito ang bumati sa kanya. It was her Father’s.

Walang emosyong ibinalita nito ang pag panaw ng kanyang Mommy. Na ipapacremate na lang daw ang labi nito upang mas mapadali ang pag-uwi. Nagsabi rin ito kung kelan ito uuwi kasama ang abo ng kanyang yumaong ina. It was like her Father was just talking about the weather. Na everything is fine at parang hindi ito nawalan nang asawa.

When the call ended, nanghihina siyang napaupo sa sahig. Nablanko siya at sobrang nabibingi sa mabilis na pagtibok nang kanyang puso. The rest was all blurry. When she woke up, nakapalibot na sa kanya ang mga kaibigan niya. They were all looking worried, and when she looked around, everything inside her room was smashed. Ang kanyang 65 inches smart TV at maging ang full length body mirror sa kanyang condo ay wasak rin. Marami pang nagkalat na bubog sa sahig na hindi niya mawari kung saan nagmula. Mahapdi at medyo malabo rin ang kanyang paningin.

And then, it all came back. Wala na ang Mommy niya. The single person in this world who loves and believes in her was now gone. Ang kanyang cheerleader at secret diary ay ‘di na niya makakapiling kahit kailan. Napahagulhol na lang siya ulit.

And now, a week later, reality sunk in. Ililibing na ang Mommy niya. Tahimik lang siyang umiiyak habang pinagmamasdan ang ilang taong nakikiramay at naglalagak ng bulaklak sa munting garapa na pinaglalagyan nang abo nito. Ang ilan ay yumayakap pa sa kanya.

She tried to look at her Father. Nakikipagkamay ito sa mga taong nakikiramay. He had a stone-cold expression. Kahit ang mga mata nito, walang emosyon. She wanted to seek warmth in them, pero alam niyang ang nag-iisang taong makakapagbigay noon ay nakahimlay at nakatadhana ng matulog panghabang-buhay.

Related chapters

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 2 - The Present

    Sky rolled her eyes as she was exiting her car, a porsche silver taycan. Kasalukuyang nakaipit sa pagitan ng tainga at balikat niya ang cellphone. “Yes madam. Pupunta po ako later.... Yes, yes, I know... pinaghirapan mo kuno ‘yan.” Kausap niya sa kabilang linya ang isa sa mga barkada niyang si Chiena. She and her other friends were classmates way back in high school. At kahit pa nagkanya-kanya na sila ‘nung magcollege, they never lost contact. Naging mas close pa nga sila nang mga ito. They make it a point na magkita-kita two or three times a week. To Sky, her friends were the closest she ever got to having siblings. “Hoy Bruha! ‘Wag na ‘wag niyo akong iindiyanin. Alam niyo namang I went to hell and back para lang makakuha nang mga exclusive invites na ‘to noh!” Paulit-ulit pa na pagpaalala nito. “I know, pero kahit naman nandun’ kami, I’m sure na kay Pablo naman ang undivided attention mo.” Pagtataray pa ni Sky. She and all their friends knew that Chiena had always been head

    Last Updated : 2021-09-01
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 3 - Can of Worms

    Eksaktong kalalapag pa lang ni Sky nang kanyang bag sa table nang magring ang intercom niya sa lamesa. She knew right away the call came from her father’s office. “Yes, Bernard?” Ito ang halos dalawampung taon nang secretary nang kanyang ama. Itinuturing na rin niya itong parang tiyuhin. He was there when his father or mother couldn’t pick her up in school kapag kapwa busy ang mga ito. “Ms. Sky, you are requested at your father’s office.” May nahihimigan siyang kung ano sa boses nito. Nagtataka man ay inignora niya iyon. Kakamustahin na lang niya ito pagkatapos nilang mag-usap nang kanyang ama. “Okay, I’ll be there in ten minutes.” Iyon lang at nagpaalam na siya. She freshened up and went out to ride the elevator. Nasa pinakataas na palapag ang president’s office. Para siyang nasosuffocate kapag papunta siya roon. Exclusive kasi ang buong floor para rito. Ang tanging bubungad lang sa’yo ay ang office table nang secretarya nito na nasa kanang bahagi at ang visitor’s lounge

    Last Updated : 2021-09-01
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 4 - Starting Over

    Malakas ang buhos ng ulan ng bumaba siya mula sa bus. Pailan-ilan lang din ang dumadaang mga tricycle at lahat pa iyon ay punuan. Kung wala mang sakay ang iba ay sinasabihan lamang siyang pauwi na ang mga ito at ‘di na bibiyahe dahil nga sa magagabi na at masama pa ang panahon. Buti na lamang at malaki-laki rin ang bus station na iyon at may bubong pa. Kung hindi ay paniguradong basing-sisiw siya ngayon. Ang lamig naman. Napahinga na lang siya ng malalim at ‘di napigilang manginig. Sky hugged herself at mas lalo pa niyang tinaasan ang pagkakazipper nang kanyang jacket. Blessing in disguise talaga na nahablot pa niya ito mula sa cabinet. Hindi napigilan nang dalaga na igala ang paningin. Probinsyang-probinsya talaga ang dating ng lugar. Tantiya niya ay nasa tatlo o apat na metro lang ang lapad nang malubak na kalsada. May mga parte namang nanatiling matino pa rin ang semento, ngunit animo isang dekada na nang huling makatikim ito nang road repair. May mga malalaking puno sa gilid n

    Last Updated : 2021-09-02
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 5 - Happenstance

    It was already Lily’s third week in San Bernardino. Kay bilis lang nang paglipas nang mga araw. Ni hindi nga niya napansin na ganoon katagal na pala siyang namamalagi roon. Sa loob ng maikling panahon ay halos nakagaanan na niya ng loob ang mga taga-roon. At home na siya sa mga ito, lalo na sa kanyang mga kapitbahay. She lived a simple life every day. Napag-alaman din niyang dalawang bahay lang pala ang pagitan nila ng matandang mag-asawang tumulong sa kanya. Hayun at nakilala din niya ang anak ng mga itong si Maymay. Maymay was cute and funny. Napakadaldal nito at napakajolly kaya kaagad niya itong nakagaanan ng loob. Para itong nawalay niyang kapatid at halos araw-araw ay bumibisita ito sa kanila ni Aling Nelia. Sa katunayan nga ay maaga sila nito ngayong gumising upang magkasamang mamalengke. Pero ang ipipinagtataka niya ay ang pagkukumahog nitong makaalis sila kaagad. “Ate Lily! Ate Lily! Dali na, mauna na tayo kina Nanay at Tatay. Sus! Matagal pa ang mga iyon.” Natawa siya

    Last Updated : 2021-09-02
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 6 - Bound for Disaster

    Dinala si Lily ng kanyang mga paa sa lilim ng isang mayabong na punong mangga malapit sa tabing ilog. The place was her favorite hangout spot tuwing hapon. The view was at least a seven-meter-wide river na kapag diniresto mo sa pamamangka ay konektado mismo sa karagatan. Ito rin ang isa sa mga pinagkakakitaang kabuhayan ng mga taga San Bernardino na kung saan pangingisda ng tilapia ang numero unong produkto. Magkagayon man ay napakapayapa ng lugar at disiplinado ang mga tao. Kumpara sa mga nakikitang niyang ilog sa Maynila na may mga lumulutang na kung anu-ano, ang ilog dito ay napakalinis at nagmumula pa mismo sa mga kabundukan. Animo krystal ito sa kanyang paningin na kumikinang dahil sa pagtama ng sinag ng araw dito. Nakakadagdag pa sa kapayapaan ng lugar ang huni ng mga ibong nag-aawitan sa mga puno. This is the life… So peaceful…

    Last Updated : 2021-09-02
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 7 - The First String

    Kapwa hirap si Lily at Maymay sa pagbibitbit ng kanilang mga pinamili mula sa palengke. Isang sapad ng saging saba at isang basket na puno ng isdang tilapia ang dala-dala ni Lily samantalang sampung kilong bigas naman ang kay Maymay. “Oh my gas-bigas! Anak ng tilapia naman oh! Ang layo na ng nilakad natin wala pa ring tricycle na nagpapasakay.” Reklamo ulit ni Maymay. Maya’t-maya ang ginagawa nitong pagsusumpa sa mga tricycle na dumadaan ngunit tumatangging pasakayin sila. Ang iba kasi ay may mga karga ring samu’t-saring gulay at kakanin habang ang iba naman ay pakiyawan ang biyahe. Si Lily man ay nahihirapan na rin sa bigat ng mga dalahin. “Dalawang araw na lang kasi at fiesta na. Baka kagaya natin, last minute na pagbili na rin ang ginagawa ng ilan.”

    Last Updated : 2021-09-03
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 8 - Keep Calm

    Masaya pa silang nagtatawanan nang lalaki habang naghahabulan. Akmang babatuhin pa sana ni Lily si Miguel nang napitas nitong bunga nang amorseko. “Hooooy kayong dalawa!” Napatigil silang pareho ng marining ang sumita sa kanila. Nagkatinginan pa sila ni Miguel dahil ‘di nila namamalayang nasa harapan na pala sila ng bahay nina Aling Merlinda. Parehong nasa may tarangkahan ng bahay sina Kaloy at Maymay. Kapwa makahulugan ang mga ngiting ipinupukol ng dalawa sa kanila. Pasimpleng tumikhim si Maymay. “Kuya Miguel, Ate Lily, ah ano kasi inimbitahan ni Nanay si Kaloy na dito na lang maghapunan kasama namin.” Siniko pa nito ang katabing binata. “O – O

    Last Updated : 2021-09-03
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 9 - Two Steps Back

    Malakas na hiyawan nang mga tao ang nauulinagan ni Lily habang papalapit sa may tabing-ilog. Kasalukuyang ginaganap dito ang boat race na kasama sa palaro ngayong pista. Hindi magkamayaw ang mga tao lalo na ang mga kababaihan. May ibang halos himatayin na sa kakasigaw. She rolled her eyes. Syempre dahil ‘yun kay Miguel na kasalukuyang kalahok sa laro. I mean, who wouldn’t scream their guts out? The guy was half-naked at tanging jersey shorts lang ang suot. Mabilis at may kasiguruhan ang mga kilos nito habang patuloy sa pag sagwan. Mukhang ito pa yata ang nangunguna. Papaikot na ito sa poste nang kawayan at pabalik na sa starting point. With every move he made makes his rippling muscles more evident. Klarong-klaro ang mala-adonis nitong katawan na well-sculpted. Ba’t ganun’? Wala siyang bilbil?

    Last Updated : 2021-09-04

Latest chapter

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 156 - A Little Secret

    Sky’s P.O.V.Sky couldn’t believe her eyes as she stared at the man in front of her. No wonder he looked somewhat familiar! Because the more she stared at him, the more she realized the similarities he had with Alessandro. Both men clearly shared the same proud and pointed nose. At tulad ng binata ay nagtataglay din ito ng mga matang nangungusap at mamula-mulang malahugis-pusong labi. Are all men born from Vontillon lineage this perfect? But didn’t they say he’s over mid-fifties or something? Bakit tila yata nasa kwarenta pa lang ang edad nito? No! In fact, he could even pass for someone who’s in his late thirties! Hindi tuloy niya mapigilang mapatitig dito ng matagal. Ikiniling naman ng lalaki ang ulo nito habang halata sa anyo ang pag-aalala. “Is there something wrong, Ms. Bustamante? Nahihilo ka na naman ba?”Napakurapkurap naman siya habang pilit na ibinabalik sa tamang huwisyo ang isipan. Maagap din niyang tinanggap ang nakalahad pa rin nitong kamay subalit dahil sa pagmamadal

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 155 - Desserts and Desires

    Sky’s P.O.V. Sky could feel her eyes shimmer as she stared at the last piece of the strawberry shortcake. She was already in for her second round of dessert at ngayon ay napupusuan niyang subukan sana ang naturang cake. It was supposed to be her first choice a while ago ngunit naagaw ang kanyang atensyon ng mga macaroons na naroon kaya iyon na muna ang inuna niya. Tutal naman kanina lang ng tingnan niya iyon ay mayroon pang tatlong cake ang nakahain kaya’t naisip niyang balikan na lamang ang mga iyon. Subalit heto nga’t nag-iisang slice na lamang pala ang natitira and she wasn’t sure if there was another refill for it. She was about to reach for the cake spatula ng may isang kamay ang naunang umabot niyon at mab

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 154 - Ties

    Sky’s P.O.V. Tigalgal na napatitig si Sky sa kanyang ama. She must’ve misheard him, right? Surely her father has not yet gone senile! Sa laki ba naman ng pagod at paghihirap na pinagdaanan ng kanilang kompanya para lang makuha ang mga naglalakihang kontrata mula mula sa Vontillon Corp, hindi siya makapaniwalang ganoon at ganoon na lang ito papakawalan ng kanyang ama!“W-What do you mean, Dad? W-Why would you want to cut ties with the largest company in the country?” Puno ng pagkalitong tanong niya.Her father had a hard look on his face as he stared at her. Wari ba may kung anong mabigat na alalahanin ang nasa isip nito at tila maigi pa nitong pinag-iisipan kung sasagutin ba siya nito o hindi. Bandang huli ay napabuga na lang ito ng isang malalim na buntong-hininga bago tumuwid muli ng tayo.“I no longer see any reason why we should still continue our partnership with them.” Maikli lamang ang tugon nitong iyon ngunit bakas mula sa bawat katagang binitawan ng kanyang ama ang pinalida

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 153 - The Future and The Past

    Sky’s P.O.V.“What are you doing? Did I not tell you not to leave my side?” Matigas ngunit mahinang turan kaagad ng kanyang ama ng harapin siya. The volume of his voice was enough for just the two of them to hear. Kasalukuyan na sila nitong nasa kabilang bahagi ng malawak na bulwagan, malayo na mula sa kinaroroonan kanina nila Alessandro. Ilan lang din ang mga bisitang nasa ibayo nila dahil bahagyang nasa sulok na iyon ng venue. Sky let out a soft sigh. “Dad, I did try to find you a while ago but I couldn’t. Ikaw ang bigla-bigla na lang nawawala at ‘di mahagilap. Where have you been all this time?” In truth, she did look for her father after she went to the lady’s room. She even strained her eyes looking around for him pero hindi talaga niya ito makita. Sa pagkakataong iyon naman din saktong nagtama ang mga mata nila ni Alessandro, and although she did not expect it, nilapitan at kinausap siya ng binata. Kahit pa para sa kanya ay nahahati ang kalooban niya sa saya at sakit sa muli

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 152 - Questions and Doubts

    Alessandro’s P.O.V.“Up until this point, nothing suspicious had been detected.” Pabulong na wika sa kanya ni Ethan.Katatapos lang nitong kausapin si Max na noon ay nakapwesto sa ikalawang palapag kung saan overlooking ang venue. Alessandro could also clearly see the man from where they were standing. Nakatayo ito habang nakakapit sa railings at tinatanaw ang mga nangyayari sa kanila sa ibaba.“Do you think Hector backed out last minute seeing there are too many of our men surrounding the venue?” He heard Ethan ask. Balisa pa nitong palihim na iginala ang pangin sa mga panauhin.Siya naman ay marahang napabitaw nang kanina pa kinikimkim na buntong-hininga. He didn’t like any of these at all. Masyadong tahimik. Masyadong kalmado ang lahat. Biglang bumalik sa isip niya ang dalawang babalang nakasulat sa puting tarhetang nakaipit sa palaso. First, it warned him to be wary with the deliveries coming in and out of the hotel. Hence, Ethan made sure to secure the entrance, exits, and all th

  • The Story of Us (Tagalog)   Author's Note #9

    Dear Valued Readers, Hello po ulit sa inyong lahat! Kamusta mustasa aking mga readers? Long time no read sa aking monthly Author's Note. Hehehe well ayun, you're all probably wondering bakit pautay-utay na 'yung pag-a-update ko. Sorry na po... huhuhu busy lang po sa aking other side hustles. Struggle is real pero go lang nang go. Rest assured na tatapusin ko po talaga ang novel na ito. Hehehe excited din akong mapiece together na 'yung mga pangyayari. Alam kong marami rin kayong mga katanungan at masasagot lahat nang iyan sa buwan nang jaraaaaaaaan: HULYO! HAHAHAHAHA omg omg siguro hate niyo na ako... 'wag naman hahaha peace mga kapatid! Sabi nga ni Sky diba, "Kapit lang!" So ayun na nga... give me time and space and the Milkyway charot hahaha nakakapressure and at the same time, nakakachallenge palang isulat ang ending. But I still hope you all like it :) See you soon! Love lots! ~Luna King

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 151 - The Third String

    Alessandro’s P.O.V.Sinubukan pa niyang tumikhim upang muling ibalik sa dating tono ang boses. Damn it! Umayos ka, Alessandro!“I heard from your father his assistant couldn’t make it.” Sabi na lang niya.Marahang napatango naman ang dalaga. “Yes. Something came up last minute kaya hindi siya makapunta rito. May kinailangan kasi siyang asikasuhin sa Batangas and apparently, it’s one thing that can’t be postponed.”Natigilan naman si Alessandro. He suddenly remembered the property Señor Heneroso owned in Batangas. Sa pagkakatanda niya, may malaking farm doon ang mga manugang nang namayapa nitong asawa. He initial

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 150 - Unfolding

    Ethan’s P.O.V. Ethan felt the sound of the blood running through his veins and the loud thumping of his heart drowned the noise around him. His muddled mind tried its best to remember the background investigation he had once conducted on Sky. How come he didn’t notice it before?! Subalit bigla rin niyang naalalang hindi rin naman kasi siya nagtagal sa naturang paaralan. Siguro ay dalawang taon lang din ang iginugol niya roon dahil iyon nga’t nagtransfer na siya sa isang specialized military school. Kaya siguro hindi na rin iyon pinansin pa nang kanyang isipan… because it was just a minor detail in her past anyway. Isa pa’y ang siniguro niya noon ay kung anong pinagkakaabalahan nang dalaga at pati na rin ang tungkol sa kompanya nang pamilya nito. After all, the Poderoso did fail to get the business

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 149 - The Stars Realign

    Ethan’s P.O.V.Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Halos sabay din silang kumilos nang kaibigan upang tawirin ang munting espasyo sa pagitan nila upang saglit na magyakapan.“I didn’t know you were home! Ang akala ko nga hindi na kita makikita pa kasi roon sa Canada ka na lang maglalagi.” Aniya rito nang bumitaw na.Mavie laughed at his remark. “Grabe ka naman. Umuwi kaya ako rito three years ago. Sadly, kayo naman ni Alessandro ang hindi ko mahagilap. Nagpunta pa nga ako sa mansyon pero si Nana Leticia lang ang nakausap ko. Sabi pa niya, nasa US daw kayong lahat…”Bigla namang natigilan si Ethan. ‘Di yata’t ang tinutukoy nito ay noong panahong nagpapagaling pa si Alessandro. At natur

DMCA.com Protection Status