Kapwa hirap si Lily at Maymay sa pagbibitbit ng kanilang mga pinamili mula sa palengke. Isang sapad ng saging saba at isang basket na puno ng isdang tilapia ang dala-dala ni Lily samantalang sampung kilong bigas naman ang kay Maymay.
“Oh my gas-bigas! Anak ng tilapia naman oh! Ang layo na ng nilakad natin wala pa ring tricycle na nagpapasakay.” Reklamo ulit ni Maymay.
Maya’t-maya ang ginagawa nitong pagsusumpa sa mga tricycle na dumadaan ngunit tumatangging pasakayin sila. Ang iba kasi ay may mga karga ring samu’t-saring gulay at kakanin habang ang iba naman ay pakiyawan ang biyahe.
Si Lily man ay nahihirapan na rin sa bigat ng mga dalahin. “Dalawang araw na lang kasi at fiesta na. Baka kagaya natin, last minute na pagbili na rin ang ginagawa ng ilan.”
Napapadyak sa lupa ang dalagita dahil sa tinuran niya. “Tweeeh! Ang beauty ko – “
“Ay beauty pa rin...” Kagyat na dugtong ni Kaloy sa gagawin sanang pagsisintir muli ng dalagita. ‘Di man lang nila namalayan ang paglapit nito sa kanila.
Teka...teka...tekaaa! Nandito si Kaloy. Ibig sabihin – Dahil sa dagliang paglingon ng dalaga ay hindi niya napansin ang isang malaking bulto na nakasunod sa kanya. Tuloy ay napasubsob ang beauty niya sa dibdib nito. Dahil sa gulat ay bigla siyang napaatras at muntik nang mawalan nang panimbang. Buti na lang at maagap nitong nahawakan ang magkabila niyang balikat at nahila siya palapit sa katawan nito. Muling napadikit ang mukha niya sa dibdib nang lalaki. Muscles… check! Abs…mukhang double check!
“Are you really that excited to see me?” Aliw na aliw na turan ng baritonong tinig. He was looking down at her, smiling.
Nang mapatingala si Lily sa mukha ng lalaki ay ‘di niya napigilang mahigit ang hininga. The guy was ridiculously gorgeous upclose! Kung sa malayo ay ulam lang, sa malapitan ay ala king meal ito. But the one best thing that drew her was his eyes. They were dark, mysterious and consuming. Chaaar! ‘Di niya mapigilang mapalunok. And those lips –
“Eherm! Ang susunod na programa ay may temang nangangailangan ng striktong patnubay at gabay ng magulang.”
Napapitlag silang pareho ni Miguel at dali-dali silang naghiwalay.
“Intense ah!” Pangiti-ngiti pang dugtong ni Maymay.
Lupaaaa! Lamunin mo ako! Pakiramdam ni Lily ay puputok ang ulo niya sa pag-uunahan ng pag-ragasa ng kanyang dugo sa mukha.
“’Wag na lang natin silang istorbohin.” Patawa-tawa namang tukso ni Kaloy.
Kinuha na nito kay Maymay ang dala nitong bigas at bahagya pang yumukod. Inilahad pa nito ang kamay sa daraanan. “Ladies first.”
Kaagad na naglakad palayo ang dalawa habang nagbubulungan. Napapalo pa sa balikat ng binata at napahagikhik si Maymay dahil sa sinabi ng binata rito.
Naiwan silang nakatayo at nagpapakiramdaman ni Miguel. Nahihiya siyang tumingin sa huli. Ahhh...ehhh ano bang magandang sabihin? Huhuhu
Nagulat na lang siya ng biglang kunin ng lalaki ang kanyang mga dala.
“Ah ako na niyan.” Alanganin niyang tugon. Akmang babawiin na sana niya rito ang basket.
“Na-eye-rape mo na ako’t lahat, mahihiya ka pa ba?” Tudyo nito sa kanya.
“Graaaahh! Unbelievable!” Kakaripas na sana siya ng takbo palayo rito ngunit mabilis nitong nahawakan ang kanyang braso.
“Hoooy! Grabe ka naman. Ako na nga nagdala nito, iiwan mo pa ako?”
“Bakit? Sinabi ko bang kunin mo ha?” Inis na tanong niya rito.
At ang kumaaag! Ngiting-ngiti pa sa kanya. Hahalikan ko na ‘to! Este babalian ng buto pala! Napaismid siya sa kanyang naisip.
“Okay… sorry na. Peace na tayo.” Nagbeautiful eyes pa ito.
“Isa pa, pagsumunod ka kina-Maymay, baka masira ang diskarte ng alaga ko. Kaya…please...sa’ken ka na lang sumabay.” Nagsusumamo pa nitong dagdag.
Nagdadalawang-isip siya. Napatingin siya sa direksiyon tinahak nila Maymay at Kaloy and then glanced back at Miguel.
“Sige na…promise I’ll behave at hindi na kita aasarin.” Nagcross-my-heart pa ito sa kanya na animo balewala rito ang dala.
Humalukipkip siya at nagpatiuna ng lumakad. Kagyat naman na sumunod ang lalaki sa kanya.
“So, hindi pa pala talaga tayo pormal na nagkakakilala. Miguel nga pala.” Maya-maya ay wika nito. Animo gusto sana nitong ilahad ang palad ngunit hinahadlangan ito nang mga bitbit nito.
Tinapunan niya ito ng tingin. “Emilyn. Lily for short.” Tipid niyang tugon.
“Now that we’re formally introduced, pwede na rin ba tayong maging magkaibigan?”
Napahinto siya sa paglakad dahil sa sinabi nito. And when she tried to look at him, she found that he was already staring at her. Heto na naman po kami sa staring contest namin.
Syempre pa, siya na naman ang unang umiwas. Tumikhim siya at nagpatuloy sa paglakad.
“Hmm… pag-iisipan ko.” Palihim niyang sinilip ang naging reaksiyon nito.
Nakakunot-noo ang binata. Tila pinag-iisipan nito ang susunod na sasabihin. She found his expression cute lalo pa at napapakagat-labi ito. Matapos niyon ay nawalan ito ng imik.
Pakipot pa kasi! Nagbehave na nga oh. ‘Yan tuloy mukhang silent treatment tayo. Gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil sa sinabi. Kung hindi lang siya magmumukhang timang ay literal niyang kakainin ang hangin para mabawi ang binitiwan niyang salita.
“So napag-isipan mo na ba?”
Nagulat pa siya ng bigla na lang itong nagsalita makaraan ang ilang minutong pananahimik.
“Ha?” Napatanga siya rito.
There he goes again, staring intently at her with those piercing dark eyes. Kanina ko pa puring-puri ang mga mata mo. Ba! Kala mo! Kung may sariling katauhan lang ang kanyang isip, malamang kanina pa ito nagpakendeng-kendeng sa harap nang lalaki. ‘Wag kasheee..
“Diba sabi mo pag-iisipan mo kung pwede mo akong maging kaibigan? Napag-isipan mo na ba?” Tila batang tanong nito sa kanya.
Natawa siyang bigla. She sighed. “Talagang niliteral mo ah?” Tumawa pa ulit siya. “Sure…friends na tayo.”
Umaliwalas naman kaagad ang mukha nito. And he smiled…oh that heart-stopping smile. Yaaaarn! Ganyaaarn! Konti pa at titigil na sa pag-ikot ang daigdig! Hiyaw ng malanding isip niya.
…....
Miguel P.O.V
Dagli siyang napangiti nang tanggapin ni Lily ang kanyang pakikipagkaibigan. Nothing’s wrong with being friends, right? Basta ang alam niya, magaan ang loob niya sa dalaga. He liked it when she is around.
“Kanina pa ba kayo nakasunod sa’min?” Narinig niyang usisa nang dalaga.
Natawa siya nang maalalang mukha silang stalker ni Kaloy sa pagbuntot kina Lily at Maymay. On his defence, gusto na niyang lapitan ang dalawa. Ito lang si Kaloy, gusto pang mag-ipon nang self-confidence.
“Mhmm... natanaw namin kayo kanina sa palengke. Medyo natagalan lang kami kasi kinailangan pa naming ligpitin ‘yung pwesto.” Paliwanag niya.
“Ibig sabihin, naubos kaagad ang paninda ninyo?” Manghang tanong naman nito.
“Yeah, daming namamakyaw. Isa pa, ang gwapo kaya nang tindero.” He smiled coyly at her.
Itinirik naman nito ang mga mata bilang tugon. “Luh! Signal #3 na po ‘yung hangin, please lang wala akong makakapitan.”
Pinanlakihan niya ito nang mata. “Okay lang ‘yan, Lily. Alam ko namang gustong-gusto mong kapitan ang mga braso ko, nahiya ka pa. ‘Eto na oh, free invite.”
“Aba talaga naman! Kapal ah!” Pinalo pa siya nito. Napahalakhak siya. And he’s back to teasing her.
Hindi naman talaga niya ugaling mang-asar, lalo pa at babae. But there’s something about this woman that brings out that side of him. Nakucute-tan siya rito kapag nagbablush ito, may it be because she’s shy or annoyed.
Nag-alala naman siyang baka tuluyan itong mapikon. He was just getting on her good side. Nag-eenjoy rin siyang kausap ito at ayaw niyang ma-silent treatment.
Inilihis na lang niya usapan. “Maraming nga pala akong napansing mga bakasyunista kanina. Parang mga kagaya mo ring taga-Maynila.”
Akala niya ay tuluyan na itong naasar sa kanya dahil nawalan ito nang imik. Nang tapunan niya ito nang tingin, napansin niyang wari ay may malalim itong iniisip. Pag-aalala ba ang nababanaag niya sa mga mata nito?
Humarang siya sa daraanan nito at yumukod upang maging magka-eye level sila. Nagulat naman ito sa ginawa niya. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na pagmasdan ito. Kay amo-amo nang mukha.
“Ayos ka lang?” Malumanay niyang tanong rito.
Napatango naman ito bilang tugon. Umiwas ito at nagpatuloy na sa paglakad.
“Malapit na kasi ang pista.” Tugon nito maya-maya. He stared at her intently. Ayaw naman niyang manghimasok na lang basta kaya pinalagpas na lang niya iyon.
Speaking of fiesta, naalala niyang may sayawang magaganap sa gabi nang bisperas. Pupunta kaya ito? For sure, maraming lalapit at mag-aaya ritong makisayaw. Lily is undeniably beautiful after all. Hindi niya alam pero biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Ipinilig niya ang ulo upang maalis ang mga nasa isip.
“Ah oo, tutulong nga kami ni Kaloy bukas kina Kapitan Andoy.” Pilit niyang ibinalik sa normal ang usapan.
“Ano pa bang ibang ganap bukod sa sayawan?” Tanong pa ni Lily. Mukha namang nakabawi na ang dalaga at maayos na ulit ang mood nito.
“Ang alam ko, may mga palaro na gagawin. Bukas ko pa malalaman kung ano ang mga ‘yun pag nagmeeting na kami nina Kap.”
Muli itong napatango sa mga sinabi niya. “Hoy, baka nabibigatan ka na sa mga pinamili ko.”
Natawa siya. “Ito ba?” Sadya pa niyang iniangat sa harap nang dalaga ang mga bitbit. “Parang ‘di ko nga ramdam eh.” Pabiro pa niyang I-flinex dito ang biceps niya.
Umingos naman ito. Nakita niyang nanulis pa ang nguso nang dalaga. “Yabang!”
“Well, I accept free massage bilang pa-thank you.” Nakakaloko siyang ngumiti rito.
Napamulagat naman sa kanya si Lily. “Wow! Akala ko pa naman bukal sa kalooban.”
Malakas siyang napatawa sa itsura nito. Halatang naasar na naman ito ulit sa kanya.
…........
Marami silang napag-usapan ni Miguel habang nasa daan. Sa umpisa eh patungkol sa pista. Nabahala pa nga siya dahil nabanggit nang lalaki na marami itong namataang mga bakasyunista. Pinilit niyang hindi magpahalata rito.
Sa palagay niya’y epektibo naman dahil nagpatuloy ang kanilang masayang usapan na napadpad sa mga random na bagay. ‘Yung kung anong maisip o makita nila sa daanan, pinag-uusapan nila. And she found out that this guy could talk...a lot! Madaldal ito at masayang kausap. A little playful but most of the time, a tease.
Muli din niyang napapansin ang accent nito lalo na kapag napapaenglish ito. Sa totoo lang, the guy could be a DJ at any radio station at siguradong magniningning ang career nito. There’s something about his voice na maeengganyo kang makinig. Oh ayan! Pwede na ngang mag-DJ, pwedeng pang model ng Armani at Calvin Klein. Makakabuhay ng pamilya bes! Sa-sideline pang toothpaste model yarn.
Tinatanong din siya ni Miguel tungkol sa mga paborito niya. ‘Yung pagkain, bulaklak, kulay, hobbies…parang interview nga ang ginawa nito sa kanya. She would answer and ask back some same questions. But what she was really tempted to ask is kung talaga bang taga San Bernardino ito. Pakiramdam kasi ni Lily, him and the barrio just doesn’t add up. It’s either dayo rin ito at nagbabakasyon lang or nakapag-asawa ng foreigner ang nanay nito kaya ganoon na lang kabongga ang anyo nito. But his answer to his hobbies, likes, and interests, lahat ng sagot ng binata ay sagot ng isang typical na lalaking lumaki sa isang baryo. So baka nga half siya…at dito na sa San Bernardino pinalaki ng mga magulang.
Sa bagay, karamihan naman sa mga foreigners, mas gustong manirahan dito sa Pilipinas dahil mas mura ang cost of living at mas warm and friendly ang mga tao.
“Kamusta naman ang stay mo sa munting baryo namin?” Maya-maya’y saad nito. Nabanggit na rin kasi niya kani-kanina lang ang biglaang desisyon niyang pagbabakasyon sa San Bernardino. Siyempre pa, naghabi siya nang kwento upang maitago ang tunay na dahilan.
“Hmmm…nag-eenjoy naman ako. At infairness, mababait talaga ang mga tao rito.” Napangiti siya dahil sa maikling panahon ng paglalagi niya sa baryo ay pakiramdam niya, nakakita siya ng isang lugar where she felt that she belongs.
“Nakakapagod siguro sa Maynila, ano?”
“Sobra.” Sagot niya rito. “Sobrang nakakapagod.” Kung pwede lang ‘di na bumalik ‘dun.
“Well, it’s a good thing na naisipan mong magpahinga muna. ‘Di naman kasi maganda sa katawan na puro trabaho na lang.”
“Coming here was one of the best decisions I made.” Wika niya.
Napangiti naman ang binata. “Yeah…the best… baka nga may plano ang Nasa Itaas kaya ka Niya pinagbakasyon at dinala rito.” And he looked right at her. ‘Yung tingin na with chunks…malaman!
Hoooy hanu nah! Puso behave! Katinuan kapit lang huh! Wala sa loob na nag-iwas siya ng tingin. Alam niyang namumula na naman siya.
“Ah ano… sa fiesta… imbitado kang kainin ang bahay namin!” Nagkukumahog niyang pag-iiba ng usapan.
Bigla ay tumawa ito ng malakas. “Ano kamo? Imibitado akong kainin ang bahay niyo? Mukha ba akong anay sa paningin mo?”
Nataranta siya. Gaaaaaahh! Engot! Engot! Wala na bang mas obvious?! Alam niyang pulang-pula na ang kanyang pisngi.”
“Ang ibig kong sabihin – “
“Relax! ‘Di ko uubusin ang bahay niyo.” Isa pang malutong na tawa ang pinakawalan nito.
And he’s back to teasing her again. Nang akmang hahampasin niya ito sa braso ay bigla na lamang itong kumaripas ng takbo. Sinubukan niya itong habulin.
“Miguel! Bumalik ka dito!”
Pero hindi siya pinakinggan nito. Bagkos ay tawa lang ito ng tawa sa kanya.
Masaya pa silang nagtatawanan nang lalaki habang naghahabulan. Akmang babatuhin pa sana ni Lily si Miguel nang napitas nitong bunga nang amorseko. “Hooooy kayong dalawa!” Napatigil silang pareho ng marining ang sumita sa kanila. Nagkatinginan pa sila ni Miguel dahil ‘di nila namamalayang nasa harapan na pala sila ng bahay nina Aling Merlinda. Parehong nasa may tarangkahan ng bahay sina Kaloy at Maymay. Kapwa makahulugan ang mga ngiting ipinupukol ng dalawa sa kanila. Pasimpleng tumikhim si Maymay. “Kuya Miguel, Ate Lily, ah ano kasi inimbitahan ni Nanay si Kaloy na dito na lang maghapunan kasama namin.” Siniko pa nito ang katabing binata. “O – O
Malakas na hiyawan nang mga tao ang nauulinagan ni Lily habang papalapit sa may tabing-ilog. Kasalukuyang ginaganap dito ang boat race na kasama sa palaro ngayong pista. Hindi magkamayaw ang mga tao lalo na ang mga kababaihan. May ibang halos himatayin na sa kakasigaw. She rolled her eyes. Syempre dahil ‘yun kay Miguel na kasalukuyang kalahok sa laro. I mean, who wouldn’t scream their guts out? The guy was half-naked at tanging jersey shorts lang ang suot. Mabilis at may kasiguruhan ang mga kilos nito habang patuloy sa pag sagwan. Mukhang ito pa yata ang nangunguna. Papaikot na ito sa poste nang kawayan at pabalik na sa starting point. With every move he made makes his rippling muscles more evident. Klarong-klaro ang mala-adonis nitong katawan na well-sculpted. Ba’t ganun’? Wala siyang bilbil?
“...tapos ayun… iniwan ko siyang nakabulagta sa kalsada…” Nagulat pa si Lily sa ginawang pagtawa nang kanyang kasayaw. Pilit siyang ngumiti rito ngunit ang totoo’y wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit pangalan niya? Uhh.. Alvin? Ben? Mark? Sa dami nang naging kapareha niya nang gabing iyon, ni isa sa pangalan nang mga lalake ay wala na siyang maalala. Pakiramdam niya, napapaltos na rin ang kanyang mga paa. Wala pa siyang pahinga simula pa kanina dahil sa tuwing tatangkain niyang magpaalam sa isang kasayaw, may susulpot na namang bago. Nahihiya naman siyang tanggihan ang mga ito. Weh? Nahihiya o may gusto ka lang pagselosin? Pasimple niyang
Katatapos lang mananghalian ni Lily nang mga oras na ‘yun. Nababagot naman siyang maglagi lang sa loob nang bahay kaya napag-isipan niyang tumambay na naman sa lilim nang punong mangga malapit sa ilog. Weeeh? Ang sabihin mo, nagbabakasakali kang nandun’ din si Miguel. Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang insidente sa sayawan. ‘Ni anino ni Miguel ay hindi mahagilap ni Lily. The man was nowhere to be found. Kahit sa palengke, wala ito. Hindi naman niya matanong si Kaloy tungkol dito dahil nahihiya siya. Isipin po nitong hinahanap niya ang binata. Hinihintay lang niyang ito ang kusang magkwento ngunit ni minsan ay hindi iyon nangyari. Ang lalaking lasing naman na umatake sa kanya, na napag-alaman niyang Conrado ang pangalan, ay hindi na lang niya ipinablutter. Kinabukasan matapos ang pangyayari, pumunta siya s
“..kuyaaahh… koo--yaaahh…” Hapung-hapong tawag ni Maymay sa binata. May gamit na itong tungkod, na ewan ni Lily kung saan nahagilap nang dalaga. Kasalukuyang papunta sila ngayon sa rest house ng tiyuhin ni Ethan. Mula baryo ng San Bernardino, bumiyahe sila sakay nang bus nang halos isa’t kalahating oras patungo sa bayan nang Sta. Inez. Nang makababa sa bus station ay sumakay silang muli nang tricylce at bumiyahe nang kinse minutos. Akala nilang lahat, pagkababa ay mabubungaran kaagad ang bahay nang tiyuhin nito. Unfortunately, it was a big mistake! When they unboarded the tricycle, they were left by the roadside that was surrounded by huge trees. Akala nila, pinagtitripan lang sila nang binata. They were in the middle of nowhere! “Simulan na nat
Hapunan na nang makilala nila Lily at nang kanyang mga kasamahan si Mang Berto, ang tiyuhin ni Ethan at asawa naman ni Aling Maring. Humingi pa nang paumanhin ang matandang lalaki dahil hindi man lang daw sila nito personal na nawelcome sa tahanan nito. Hindi raw kasi nito maiwan ang tindahan dahil parating maraming customer at may mga order pang ginagawa. Nalaman nilang mayroon palang pag-aaring panaderya ang mag-asawa na 20 years nang inservice. Ipinagmalaki pa ni Ethan na ang iba sa mga recipeng tinapay nang tindahan ay imbento pa mismo ni Aling Maring. Super sarap daw nang mga iyon kaya parating sold-out at kung minsan nga’y kinukulang pa. Namula naman ang matandang babae dahil sa pagbibida ni Ethan rito. Nang matapos silang maghapunan ay niyaya sila ni Mang Berto na tumambay sa likod bahay at magbonfire. Aniya’y maaliwalas naman ang kalangita
She stared at Miguel as he tried to rub the sleep off his eyes. “Lily? Ikaw ba ‘yan?” Agad naman siyang nakahuma nang marinig niyang sinambit nito ang pangalan niya. “So-sorry… naistorbo yata kita. Paalis na ako, actually.” Nagmamadali na lamang siyang tumalikod upang sana’y itago ang pagkapahiya ngunit maagap siyang pinigilan nang binata. “Hindi, ayos lang. You don’t need to go. Please.. stay.” Marahan naman siyang muling humarap dito at atubiling umupo sa kalapit ring wooden recliner. “I’m sorry.” Halos sabay pa nilang basag sa namumuong katahimikan. Sabay rin silang napatingin sa isa’t isa. “Para saan?” Once again, they were in sync.
To My Dear Readers, VIRTUAL HUUUUUUGXX!! Omg! My first ever Author's Note! (uwu! <3) Wait lang.. hahaha let me gather my thoughts... (T__T) Thank you very much for finding time to read my first published book. Sana po mag-enjoy kayo. I'll be updating soon (hopefully two to three chapters per day). Still writing more chapters para hindi kayo mabitin and everyday may bago kayong aabangan. Wait for meeeeee...... (T__T) For now, feel free to read na lang muna 'yung mga available chapters. You can also share your thoughts and comments. I'll gladly read them. Just know that I appreciate you guys. (=*.*=) Once again, thank you! Love lots! Let's spread positivity woooot!! (^.^) Luna King <3
Sky’s P.O.V.Sky couldn’t believe her eyes as she stared at the man in front of her. No wonder he looked somewhat familiar! Because the more she stared at him, the more she realized the similarities he had with Alessandro. Both men clearly shared the same proud and pointed nose. At tulad ng binata ay nagtataglay din ito ng mga matang nangungusap at mamula-mulang malahugis-pusong labi. Are all men born from Vontillon lineage this perfect? But didn’t they say he’s over mid-fifties or something? Bakit tila yata nasa kwarenta pa lang ang edad nito? No! In fact, he could even pass for someone who’s in his late thirties! Hindi tuloy niya mapigilang mapatitig dito ng matagal. Ikiniling naman ng lalaki ang ulo nito habang halata sa anyo ang pag-aalala. “Is there something wrong, Ms. Bustamante? Nahihilo ka na naman ba?”Napakurapkurap naman siya habang pilit na ibinabalik sa tamang huwisyo ang isipan. Maagap din niyang tinanggap ang nakalahad pa rin nitong kamay subalit dahil sa pagmamadal
Sky’s P.O.V. Sky could feel her eyes shimmer as she stared at the last piece of the strawberry shortcake. She was already in for her second round of dessert at ngayon ay napupusuan niyang subukan sana ang naturang cake. It was supposed to be her first choice a while ago ngunit naagaw ang kanyang atensyon ng mga macaroons na naroon kaya iyon na muna ang inuna niya. Tutal naman kanina lang ng tingnan niya iyon ay mayroon pang tatlong cake ang nakahain kaya’t naisip niyang balikan na lamang ang mga iyon. Subalit heto nga’t nag-iisang slice na lamang pala ang natitira and she wasn’t sure if there was another refill for it. She was about to reach for the cake spatula ng may isang kamay ang naunang umabot niyon at mab
Sky’s P.O.V. Tigalgal na napatitig si Sky sa kanyang ama. She must’ve misheard him, right? Surely her father has not yet gone senile! Sa laki ba naman ng pagod at paghihirap na pinagdaanan ng kanilang kompanya para lang makuha ang mga naglalakihang kontrata mula mula sa Vontillon Corp, hindi siya makapaniwalang ganoon at ganoon na lang ito papakawalan ng kanyang ama!“W-What do you mean, Dad? W-Why would you want to cut ties with the largest company in the country?” Puno ng pagkalitong tanong niya.Her father had a hard look on his face as he stared at her. Wari ba may kung anong mabigat na alalahanin ang nasa isip nito at tila maigi pa nitong pinag-iisipan kung sasagutin ba siya nito o hindi. Bandang huli ay napabuga na lang ito ng isang malalim na buntong-hininga bago tumuwid muli ng tayo.“I no longer see any reason why we should still continue our partnership with them.” Maikli lamang ang tugon nitong iyon ngunit bakas mula sa bawat katagang binitawan ng kanyang ama ang pinalida
Sky’s P.O.V.“What are you doing? Did I not tell you not to leave my side?” Matigas ngunit mahinang turan kaagad ng kanyang ama ng harapin siya. The volume of his voice was enough for just the two of them to hear. Kasalukuyan na sila nitong nasa kabilang bahagi ng malawak na bulwagan, malayo na mula sa kinaroroonan kanina nila Alessandro. Ilan lang din ang mga bisitang nasa ibayo nila dahil bahagyang nasa sulok na iyon ng venue. Sky let out a soft sigh. “Dad, I did try to find you a while ago but I couldn’t. Ikaw ang bigla-bigla na lang nawawala at ‘di mahagilap. Where have you been all this time?” In truth, she did look for her father after she went to the lady’s room. She even strained her eyes looking around for him pero hindi talaga niya ito makita. Sa pagkakataong iyon naman din saktong nagtama ang mga mata nila ni Alessandro, and although she did not expect it, nilapitan at kinausap siya ng binata. Kahit pa para sa kanya ay nahahati ang kalooban niya sa saya at sakit sa muli
Alessandro’s P.O.V.“Up until this point, nothing suspicious had been detected.” Pabulong na wika sa kanya ni Ethan.Katatapos lang nitong kausapin si Max na noon ay nakapwesto sa ikalawang palapag kung saan overlooking ang venue. Alessandro could also clearly see the man from where they were standing. Nakatayo ito habang nakakapit sa railings at tinatanaw ang mga nangyayari sa kanila sa ibaba.“Do you think Hector backed out last minute seeing there are too many of our men surrounding the venue?” He heard Ethan ask. Balisa pa nitong palihim na iginala ang pangin sa mga panauhin.Siya naman ay marahang napabitaw nang kanina pa kinikimkim na buntong-hininga. He didn’t like any of these at all. Masyadong tahimik. Masyadong kalmado ang lahat. Biglang bumalik sa isip niya ang dalawang babalang nakasulat sa puting tarhetang nakaipit sa palaso. First, it warned him to be wary with the deliveries coming in and out of the hotel. Hence, Ethan made sure to secure the entrance, exits, and all th
Dear Valued Readers, Hello po ulit sa inyong lahat! Kamusta mustasa aking mga readers? Long time no read sa aking monthly Author's Note. Hehehe well ayun, you're all probably wondering bakit pautay-utay na 'yung pag-a-update ko. Sorry na po... huhuhu busy lang po sa aking other side hustles. Struggle is real pero go lang nang go. Rest assured na tatapusin ko po talaga ang novel na ito. Hehehe excited din akong mapiece together na 'yung mga pangyayari. Alam kong marami rin kayong mga katanungan at masasagot lahat nang iyan sa buwan nang jaraaaaaaaan: HULYO! HAHAHAHAHA omg omg siguro hate niyo na ako... 'wag naman hahaha peace mga kapatid! Sabi nga ni Sky diba, "Kapit lang!" So ayun na nga... give me time and space and the Milkyway charot hahaha nakakapressure and at the same time, nakakachallenge palang isulat ang ending. But I still hope you all like it :) See you soon! Love lots! ~Luna King
Alessandro’s P.O.V.Sinubukan pa niyang tumikhim upang muling ibalik sa dating tono ang boses. Damn it! Umayos ka, Alessandro!“I heard from your father his assistant couldn’t make it.” Sabi na lang niya.Marahang napatango naman ang dalaga. “Yes. Something came up last minute kaya hindi siya makapunta rito. May kinailangan kasi siyang asikasuhin sa Batangas and apparently, it’s one thing that can’t be postponed.”Natigilan naman si Alessandro. He suddenly remembered the property Señor Heneroso owned in Batangas. Sa pagkakatanda niya, may malaking farm doon ang mga manugang nang namayapa nitong asawa. He initial
Ethan’s P.O.V. Ethan felt the sound of the blood running through his veins and the loud thumping of his heart drowned the noise around him. His muddled mind tried its best to remember the background investigation he had once conducted on Sky. How come he didn’t notice it before?! Subalit bigla rin niyang naalalang hindi rin naman kasi siya nagtagal sa naturang paaralan. Siguro ay dalawang taon lang din ang iginugol niya roon dahil iyon nga’t nagtransfer na siya sa isang specialized military school. Kaya siguro hindi na rin iyon pinansin pa nang kanyang isipan… because it was just a minor detail in her past anyway. Isa pa’y ang siniguro niya noon ay kung anong pinagkakaabalahan nang dalaga at pati na rin ang tungkol sa kompanya nang pamilya nito. After all, the Poderoso did fail to get the business
Ethan’s P.O.V.Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Halos sabay din silang kumilos nang kaibigan upang tawirin ang munting espasyo sa pagitan nila upang saglit na magyakapan.“I didn’t know you were home! Ang akala ko nga hindi na kita makikita pa kasi roon sa Canada ka na lang maglalagi.” Aniya rito nang bumitaw na.Mavie laughed at his remark. “Grabe ka naman. Umuwi kaya ako rito three years ago. Sadly, kayo naman ni Alessandro ang hindi ko mahagilap. Nagpunta pa nga ako sa mansyon pero si Nana Leticia lang ang nakausap ko. Sabi pa niya, nasa US daw kayong lahat…”Bigla namang natigilan si Ethan. ‘Di yata’t ang tinutukoy nito ay noong panahong nagpapagaling pa si Alessandro. At natur