Dinala si Lily ng kanyang mga paa sa lilim ng isang mayabong na punong mangga malapit sa tabing ilog. The place was her favorite hangout spot tuwing hapon. The view was at least a seven-meter-wide river na kapag diniresto mo sa pamamangka ay konektado mismo sa karagatan. Ito rin ang isa sa mga pinagkakakitaang kabuhayan ng mga taga San Bernardino na kung saan pangingisda ng tilapia ang numero unong produkto. Magkagayon man ay napakapayapa ng lugar at disiplinado ang mga tao. Kumpara sa mga nakikitang niyang ilog sa Maynila na may mga lumulutang na kung anu-ano, ang ilog dito ay napakalinis at nagmumula pa mismo sa mga kabundukan. Animo krystal ito sa kanyang paningin na kumikinang dahil sa pagtama ng sinag ng araw dito. Nakakadagdag pa sa kapayapaan ng lugar ang huni ng mga ibong nag-aawitan sa mga puno. This is the life… So peaceful…
Napatayo siya. Parang gusto kong magtampisaw.
Napangiti siya dahil sa ideyang iyon. At dahil nakasuot siya ng palda na lagpas-tuhod ang haba ay naisip niyang ililis muna ito hanggang sa kanyang hita upang hindi mabasa. Dahil sa kanyang ginawa ay napayuko siya upang itali sana ang laylayan.
“Wala sa itsura mo na ugali mo palang umihi sa pampublikong lugar.”
Napatalon at napasigaw ang dalaga. “Anak ng tikbalang!”
Natutop niya ang bibig at humarap sa pinaggalingan ng tinig ngunit paglingon niya ay walang tao. Napa-sign of the cross siya. Kwento kasi talaga ni Maymay sa kanya na huwag na huwag daw siyang lalagi sa punong manggang iyon dahil ayon sa nanay nito ay may nakatirang mga elemento sa naturang puno.
“Tabi-tabi po… pasensya na… tabi-tabi po ulit.” Pabulong na saad niya. Nagbabow pa siya sa harap ng puno.
Isang malutong na tawa ang nanggaling mula sa itaas ng puno. ‘Di niya sukat akalain ang kanyang nakita. It was Miguelito! Deymn! Hindi naman maligno ‘to eh. Greek God ‘to mamsh!
Nakahiga ito sa isang malapad na sanga ng puno. At habang tumatawa ay sapo pa nito ang tiyan. Nang papatagilid na ito ay bigla na lamang itong napahawak sa sanga dahil animo mahuhulog naman ito. Dahilan upang maging katawa-tawa ang reaksiyon nito.
It was Lily’s turn to laugh. “Oh, ano ka ngayon! Bilis talaga ng karma noh.” Patawa-tawa pang turan niya.
Miguelito was smiling down at her, clearly amused by her reaction. Umayos ito nang puwesto at ngayon nga ay nakaupo na sa sanga. “It’s nice seeing you laugh. Pero really, iihi ka talaga diyan? Ang daming mangingisdang nagsasagwan oh.” May panguso pa nitong turo sa kanyang likuran just to make a point.
Nag-init naman kaagad ang kanyang pisngi. Pakiramdam niya nag-uunahang umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. “Hindi ako iihi noh! Gusto ko lang sana magbasa ng paa.”
“Eh bakit mo itinataas ang palda mo? Paa babasain mo diba? Iihi ka eh.” Tudyo pa nito sa kanya.
“The nerve of this guy! ‘Di ako kagaya mo oi! Kung saan-saan lang nagwiwisik ng ihi.”
“Nakita mo na ba akong umihi?”
“Hindi pa! At wala akong balak!” Nagbago na ang isip niya. ‘Di na siya magtatampisaw. Nakakasira ng mood! Gwapo nga, alaskador naman!
Bibirahan na sana niya ito ng makasaysayang walk-out ngunit ‘di pa pala ito tapos mang-inis sa kanya.
“C’mon! Tatalikod ako at ‘di ako sisilip.” Isa pang malutong na tawa ang pinakawalan nito.
Nagpapadyak siya dahil sa tinuran nito. Animo isa siyang bata na inaway nang kalaro. Pulang-pula pa ang kanyang pisngi. Walang lingon-likod na patakbo niyang iniwan ang lugar na iyon.
……
Miguel P.O.V
Tawang-tawa si Miguel dahil sa nakitang reaksiyon ng dalaga. Napakacute nito lalo na kapag nagbablush. He was towering from her. Hanggang halos dibdib lang niya ito at naaliw siya sa tuwing nakikita niya ang samut-saring facial expressions nito. The lady always had that brave and confident face ngunit kapag nagugulat ay parang maamong usa na hindi alam ang gagawin. Animo dear caught on headlights.
He was now back on solid ground. Medyo matayog ang puno ngunit hindi naman siya nahihirapang mag-akyat baba rito. Kahit pa sinasaway siya ni Mang Temyong na mag-ingat sa pagkilos dahil baka mabinat siya ay sige pa rin siya. It was nice to be moving around rather than staying at the kind man’s house doing nothing.
Nakarinig siya ng mga yabag. Nang lumingon siya ay nakita niyang papalapit si Kaloy sa kanya.
“Kuya Miguel, si Ate Lily ba ‘yung kausap mo kanina?” Patanaw-tanaw pa ito sa direksyon kung saan tumakbo ang dalaga.
“Oo pero hindi niya kasama si Maymay!” Tukso pa niya dito.
Nakita niya ang panghihinayang sa mga mata ng binata pero agad din namang nawaglit iyon ng tila may maalala. “Eh bakit parang nakakita ng maligno si Ate Lily at kumaripas ng takbo?”
Natawa na naman siya. “Wala. May nakalimutan lang yata.”
There was mischief dancing in the young man’s eyes. “Hay nako Kuya Migz. Barako din ako kaya alam na alam ko na ‘yang ibig sabihin ng mga ngiti mo.” Tumawa pa ito.
He smirked. “Oo nga eh, barakong-barako ka kaya nga tiklop ka kapag kay Maymay na. Puro ka galawang ninja oh!” Marahan pa niyang pinitik ang pisngi ng binata.
Ngumuso ito. “Pasasaan ba’t makakamit ko rin ang matamis niyang pagtingin.” Maypaturo-turo pa itong nalalaman sa kalangitan.
Nagulat pa siya dahil bigla na lamang itong napapalatak. “Kuya! Pwede! Pag-umakyat ka ng ligaw kay Ate Lily, aakyat din ako ng ligaw kay Maymay.”
Marahan niya iton binatukan. “Ikaw talaga. Eh ‘di ako naman ang nilagari ni Tatay Temyong. Sabihan pa akong bad influence sa’yo.”
“Kuya ‘di yun sasabihin ni Tatay kung ‘di mo rin sasabihin. Kunwari lang may lakad tayo tapos didiretso na tayo kina Aling Nelia. Ganern!” Pumapalakpak pa ito.
“At papaanong ‘di malalaman ng Tatay mo eh kay kunti-konti ng populasyon dito sa barrio natin. Siyempre, may magkukwento at magkukwento ‘nun sa kanya. Eh ‘di parehas tayong napingot.”
Napabuntong-hininga siya at biglang sumeryeso. “Isa pa, magugustuhan ba niya ang isang kagaya ko?”
Natahimik silang pareho ni Kaloy. Alam niyang naaawa ito sa kanya. Gayunpaman, he was thankful enough with Kaloy and Mang Temyong. Ang mag-amang ito ang kumukupkop sa kanya ngayon. At kahit pa isa siyang estranghero sa mga ito, inaalagaan at itinuturing na rin siyang kabahagi ng pamilya ng mag-ama.
“Tara na Kaloy. Uwi na tayo at baka hinahanap na tayo ni Tatay Temyong.” Tinapik na niya ang binata.
Naglalakad na sila pauwi ng nangulit na naman ito. “Eh Kuya, tulungan mo naman akong dumiskarte.”
Napailing na lang siya sa pagiging masugid nito kay Maymay. Tumikhim muna siya bago nagsimulang ipakita dito ang pagiging henyo niya sa diskarte.
………
Naasar pa ring naalala ni Lily ang mga pangyayari kanina lang. The guy was utterly unbelievable! Mukha lang yata ang mayroon ito. Nadala pa naman siya sa malaadonis nitong anyo. Tsss! Impakto pala! Bagay siyang lumambitin ‘dun sa puno. Unggoy!
“Ate Emilyyyyyn! Hellooo hi! Atee!”
Napalingon siya sa gawing kaliwa niya at bigla ay naputol ang pagngingit-ngit niya ng makita si Maymay. Nakahawak ang isang kamay nito sa hamba ng pintuan habang naglalampaso. Gamit nito ang sinasabing traditional at minana pa sa mga ninunong panglampaso at pampakintab ng sahig: biniyak na bunot ng niyog. Hindi niya namalayang nakaabot na pala siya sa bahay nito.
Nagkibitbalikat ito at panandaliang tumigil sa ginagawa. “May nakaaway ka ba?”
“Huh?” Naconcious siya at napahawak sa mukha. “Papaano mo naman nasabi?”
Nakapameywang siya nitong sinagot. “Tzeh ‘yang mukha mo ‘di kayang idrawing kahit ni Leonardo da Vinci.” Tumawa pa ito.
At dahil gigil pa rin ay walang patumpik-tumpik pang hinila niya ito paupo sa sala at isinalaysay dito ang naganap sa tabing ilog. Tawa naman ng tawa si Maymay sa mga kwento niya. Natatakot nga siyang baka bumulagta na lang ito bigla dahil sa paghihirap na makahinga kakatawa. May papalo at hampas pa itong nalalaman.
“Kanino ka ba kampe ha? Kung makatawa ka diyan, wagas oh.” Kahit naiinis ay parang gusto na rin niyang matawa sa nakakahawang reaksiyon nito.
“Eh Ate naman, talagang napagkamalan ka pa niyang iihi ‘dun sa tabing ilog. Akalain mo ‘yun! Sa ganda mong ‘yan, pagbibitangan ka pang maghahasik ng lagim sa mga isda gamit ang ihi mo.” Tawa pa rin ito.
“Diba? Dibaaa?! Kaasar diba? As if naman na gawain ko ‘yun! Kaya ikaw, itigil mo na ang pagkahumaling sa Miguelitong ‘yun. May sa unggoy ang ugali.” Kibit-balikat pa niyang saad.
“Ahy correction Ate Lils! Miguel lang, hindi Miguelito. Palambing ko lang sa kanya ‘yun. Hehe at tsaka ang pangit pakinggan ‘pag ikaw nagsasabi. Masyadong pabagsak. Parang kulang na lang, mababaon na sa lupang pabagsak. Mas malambing pag ako nag sabi. Hihihi”
“Sinong malambing?” Kakalabas lang sa kwartong sabad ni Aling Merlinda. Nakapameywang ito ngayon sa anak.
“Ako ‘Nay, malambing. I wav you ‘Nay!” Painosente namang sagot ni Maymay sa Ina.
Itinirik na lang ni Lily ang mga mata. Bilib na talaga siya sa batang ‘to.
“Hoy Maymay umayos ka! Kebata-bata mo pa kung anu-ano na ‘yang iniisip mo.” Napanguso ang dalagita dahil sa tinuran nito. Akmang tatalikod na sana si Aling Merlinda ng biglang may maalala si Maymay. May papalo pa itong nalalaman sa upuang kawayan.
“Ahy Mahal kong Nanay! Halika muna dito at iinterviewhin kita.”
Nagtataka man ay naupo na rin sa pahabang kawayan si Aling Merlinda. Pati ako ay naiintriga dahil sa napatuwid pa ito ng upo.
“’Nay alam kong bumbo-radyo ka ng barrio natin.” Marahang hinila ng Ina nito ang lagpas balikat na buhok ng anak.
“Erey!” Maarteng daing nito. “’Nay naman, denial pa.”
“Ikaw talagang bata ka…” Akmang tatayo na sana ito ng pigilan ng anak.
“’Nay seryoso, anong ganap ngayong fiesta? May sayawan ba ulit?” Tila pigil pa ang hiningang tanong nito.
At dahil nga totoong bumbo-radyo ng barrio si Aling Merlinda ay parang tubig na bumulwak mula sa bibig nito ang mga nasagap nitong balita mula mismo sa source: kay Kapitan Andoy.
Ayon sa kwento ng matanda, nalaman ni Lily na ilang araw na lang pala ay fiesta na sa San Bernardino. Kaya pala noong mga nakaraang araw ay napapansin niyang abala ang ilang kabataang lalaki kasama si Kapitan Andoy sa malawakang paglilinis ng barangay. Although malinis na naman talaga iyon, pero ‘yung mga may kahabaang damo sa gilid ng mga kalsada ay tinataptap nila.
Lily was familiar with fiesta celebrations dahil mayroon din naman noon sa Maynila. Pero sa pagkakaalam niya, kakaiba ang pista sa mga probinsya. Sa TV lang niya nakikita ang mga ganoong klaseng kaganapan and she knew how jovial it was. ‘Yung tipong maghahanda talaga ng iba’t ibang putahe tapos may mga kamag-anak or kaibigang pupunta sa bahay para makikain. May parada, prosesyon, at mga streamers. She was kindda’ excited to experience such event.
At ang pinaka highlight ng naturang pagdiriwang ay ang sayawang barrio na ginaganap kinagabihan ng bisperas ng pista. Dalawang taon na nang muling buhayin ni Kapitan Andoy ang naturang sayawan at talaga namang pumatok ito sa mga kabataan. Lahat ay iniimbitahang dumalo upang makisaya. Ayon pa umano sa Kapitan, paniguradong babaha na naman ng tuba at lambanog ang naturang padiriwang lalo pa’t maganda ang naging bunga ng mga niyog. Pero pakiramdam ni Lily, ang pinakexcited sa lahat ay ang dalagitang kanyang katabi. Hayon nga’t ng makaalis ang Ina nito ay sinimulan na nito ang pagpaplano ng kanilang OOTN.
“’Eto na ang pagkakataon ko ‘tweeeeeh!” Masayang hampas pa ni Maymay sa kanya.
“Pagkakataon na ano?” Takang tanong naman ni Lily dito. Nagulat pa siya sa ginawang pagpalo nito sa kanya.
Tiningnan siya nito na wari ang sagot sa katanungan niya ang pinakaobvious na bagay sa balat nang San Bernardino.
“Ang makulong sa matitipunong bisig ni Miguelito ko! Keri lang kahit mapaltos pa ang paa ko kakasayaw basta siya lang ang partner ko.” Humalakhak pa ito at paikot-ikot na nagsayaw sa munting espasyo ng sala.
Natawa siya sa tinuran ng dalagita. Maymay’s imagination was really colorful. Weeeeell, ako rin curious. Curious malaman kung anong feeling mayakap nito. Uwoo! Napahagikhik naman ang malanding isip niya.
Ngunit agad din niyang ipinilig ang kanyang ulo. Che!! Unggoy siya! Him and I together are bound for disaster. Isa pa, nandito siya ngayon sa San Bernardino dahil lang may gusto siyang pansamantalang takasan. Balang-araw, alam niyang kailangan din niyang bumalik sa Maynila.
Kapwa hirap si Lily at Maymay sa pagbibitbit ng kanilang mga pinamili mula sa palengke. Isang sapad ng saging saba at isang basket na puno ng isdang tilapia ang dala-dala ni Lily samantalang sampung kilong bigas naman ang kay Maymay. “Oh my gas-bigas! Anak ng tilapia naman oh! Ang layo na ng nilakad natin wala pa ring tricycle na nagpapasakay.” Reklamo ulit ni Maymay. Maya’t-maya ang ginagawa nitong pagsusumpa sa mga tricycle na dumadaan ngunit tumatangging pasakayin sila. Ang iba kasi ay may mga karga ring samu’t-saring gulay at kakanin habang ang iba naman ay pakiyawan ang biyahe. Si Lily man ay nahihirapan na rin sa bigat ng mga dalahin. “Dalawang araw na lang kasi at fiesta na. Baka kagaya natin, last minute na pagbili na rin ang ginagawa ng ilan.”
Masaya pa silang nagtatawanan nang lalaki habang naghahabulan. Akmang babatuhin pa sana ni Lily si Miguel nang napitas nitong bunga nang amorseko. “Hooooy kayong dalawa!” Napatigil silang pareho ng marining ang sumita sa kanila. Nagkatinginan pa sila ni Miguel dahil ‘di nila namamalayang nasa harapan na pala sila ng bahay nina Aling Merlinda. Parehong nasa may tarangkahan ng bahay sina Kaloy at Maymay. Kapwa makahulugan ang mga ngiting ipinupukol ng dalawa sa kanila. Pasimpleng tumikhim si Maymay. “Kuya Miguel, Ate Lily, ah ano kasi inimbitahan ni Nanay si Kaloy na dito na lang maghapunan kasama namin.” Siniko pa nito ang katabing binata. “O – O
Malakas na hiyawan nang mga tao ang nauulinagan ni Lily habang papalapit sa may tabing-ilog. Kasalukuyang ginaganap dito ang boat race na kasama sa palaro ngayong pista. Hindi magkamayaw ang mga tao lalo na ang mga kababaihan. May ibang halos himatayin na sa kakasigaw. She rolled her eyes. Syempre dahil ‘yun kay Miguel na kasalukuyang kalahok sa laro. I mean, who wouldn’t scream their guts out? The guy was half-naked at tanging jersey shorts lang ang suot. Mabilis at may kasiguruhan ang mga kilos nito habang patuloy sa pag sagwan. Mukhang ito pa yata ang nangunguna. Papaikot na ito sa poste nang kawayan at pabalik na sa starting point. With every move he made makes his rippling muscles more evident. Klarong-klaro ang mala-adonis nitong katawan na well-sculpted. Ba’t ganun’? Wala siyang bilbil?
“...tapos ayun… iniwan ko siyang nakabulagta sa kalsada…” Nagulat pa si Lily sa ginawang pagtawa nang kanyang kasayaw. Pilit siyang ngumiti rito ngunit ang totoo’y wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit pangalan niya? Uhh.. Alvin? Ben? Mark? Sa dami nang naging kapareha niya nang gabing iyon, ni isa sa pangalan nang mga lalake ay wala na siyang maalala. Pakiramdam niya, napapaltos na rin ang kanyang mga paa. Wala pa siyang pahinga simula pa kanina dahil sa tuwing tatangkain niyang magpaalam sa isang kasayaw, may susulpot na namang bago. Nahihiya naman siyang tanggihan ang mga ito. Weh? Nahihiya o may gusto ka lang pagselosin? Pasimple niyang
Katatapos lang mananghalian ni Lily nang mga oras na ‘yun. Nababagot naman siyang maglagi lang sa loob nang bahay kaya napag-isipan niyang tumambay na naman sa lilim nang punong mangga malapit sa ilog. Weeeh? Ang sabihin mo, nagbabakasakali kang nandun’ din si Miguel. Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang insidente sa sayawan. ‘Ni anino ni Miguel ay hindi mahagilap ni Lily. The man was nowhere to be found. Kahit sa palengke, wala ito. Hindi naman niya matanong si Kaloy tungkol dito dahil nahihiya siya. Isipin po nitong hinahanap niya ang binata. Hinihintay lang niyang ito ang kusang magkwento ngunit ni minsan ay hindi iyon nangyari. Ang lalaking lasing naman na umatake sa kanya, na napag-alaman niyang Conrado ang pangalan, ay hindi na lang niya ipinablutter. Kinabukasan matapos ang pangyayari, pumunta siya s
“..kuyaaahh… koo--yaaahh…” Hapung-hapong tawag ni Maymay sa binata. May gamit na itong tungkod, na ewan ni Lily kung saan nahagilap nang dalaga. Kasalukuyang papunta sila ngayon sa rest house ng tiyuhin ni Ethan. Mula baryo ng San Bernardino, bumiyahe sila sakay nang bus nang halos isa’t kalahating oras patungo sa bayan nang Sta. Inez. Nang makababa sa bus station ay sumakay silang muli nang tricylce at bumiyahe nang kinse minutos. Akala nilang lahat, pagkababa ay mabubungaran kaagad ang bahay nang tiyuhin nito. Unfortunately, it was a big mistake! When they unboarded the tricycle, they were left by the roadside that was surrounded by huge trees. Akala nila, pinagtitripan lang sila nang binata. They were in the middle of nowhere! “Simulan na nat
Hapunan na nang makilala nila Lily at nang kanyang mga kasamahan si Mang Berto, ang tiyuhin ni Ethan at asawa naman ni Aling Maring. Humingi pa nang paumanhin ang matandang lalaki dahil hindi man lang daw sila nito personal na nawelcome sa tahanan nito. Hindi raw kasi nito maiwan ang tindahan dahil parating maraming customer at may mga order pang ginagawa. Nalaman nilang mayroon palang pag-aaring panaderya ang mag-asawa na 20 years nang inservice. Ipinagmalaki pa ni Ethan na ang iba sa mga recipeng tinapay nang tindahan ay imbento pa mismo ni Aling Maring. Super sarap daw nang mga iyon kaya parating sold-out at kung minsan nga’y kinukulang pa. Namula naman ang matandang babae dahil sa pagbibida ni Ethan rito. Nang matapos silang maghapunan ay niyaya sila ni Mang Berto na tumambay sa likod bahay at magbonfire. Aniya’y maaliwalas naman ang kalangita
She stared at Miguel as he tried to rub the sleep off his eyes. “Lily? Ikaw ba ‘yan?” Agad naman siyang nakahuma nang marinig niyang sinambit nito ang pangalan niya. “So-sorry… naistorbo yata kita. Paalis na ako, actually.” Nagmamadali na lamang siyang tumalikod upang sana’y itago ang pagkapahiya ngunit maagap siyang pinigilan nang binata. “Hindi, ayos lang. You don’t need to go. Please.. stay.” Marahan naman siyang muling humarap dito at atubiling umupo sa kalapit ring wooden recliner. “I’m sorry.” Halos sabay pa nilang basag sa namumuong katahimikan. Sabay rin silang napatingin sa isa’t isa. “Para saan?” Once again, they were in sync.
Sky’s P.O.V.Sky couldn’t believe her eyes as she stared at the man in front of her. No wonder he looked somewhat familiar! Because the more she stared at him, the more she realized the similarities he had with Alessandro. Both men clearly shared the same proud and pointed nose. At tulad ng binata ay nagtataglay din ito ng mga matang nangungusap at mamula-mulang malahugis-pusong labi. Are all men born from Vontillon lineage this perfect? But didn’t they say he’s over mid-fifties or something? Bakit tila yata nasa kwarenta pa lang ang edad nito? No! In fact, he could even pass for someone who’s in his late thirties! Hindi tuloy niya mapigilang mapatitig dito ng matagal. Ikiniling naman ng lalaki ang ulo nito habang halata sa anyo ang pag-aalala. “Is there something wrong, Ms. Bustamante? Nahihilo ka na naman ba?”Napakurapkurap naman siya habang pilit na ibinabalik sa tamang huwisyo ang isipan. Maagap din niyang tinanggap ang nakalahad pa rin nitong kamay subalit dahil sa pagmamadal
Sky’s P.O.V. Sky could feel her eyes shimmer as she stared at the last piece of the strawberry shortcake. She was already in for her second round of dessert at ngayon ay napupusuan niyang subukan sana ang naturang cake. It was supposed to be her first choice a while ago ngunit naagaw ang kanyang atensyon ng mga macaroons na naroon kaya iyon na muna ang inuna niya. Tutal naman kanina lang ng tingnan niya iyon ay mayroon pang tatlong cake ang nakahain kaya’t naisip niyang balikan na lamang ang mga iyon. Subalit heto nga’t nag-iisang slice na lamang pala ang natitira and she wasn’t sure if there was another refill for it. She was about to reach for the cake spatula ng may isang kamay ang naunang umabot niyon at mab
Sky’s P.O.V. Tigalgal na napatitig si Sky sa kanyang ama. She must’ve misheard him, right? Surely her father has not yet gone senile! Sa laki ba naman ng pagod at paghihirap na pinagdaanan ng kanilang kompanya para lang makuha ang mga naglalakihang kontrata mula mula sa Vontillon Corp, hindi siya makapaniwalang ganoon at ganoon na lang ito papakawalan ng kanyang ama!“W-What do you mean, Dad? W-Why would you want to cut ties with the largest company in the country?” Puno ng pagkalitong tanong niya.Her father had a hard look on his face as he stared at her. Wari ba may kung anong mabigat na alalahanin ang nasa isip nito at tila maigi pa nitong pinag-iisipan kung sasagutin ba siya nito o hindi. Bandang huli ay napabuga na lang ito ng isang malalim na buntong-hininga bago tumuwid muli ng tayo.“I no longer see any reason why we should still continue our partnership with them.” Maikli lamang ang tugon nitong iyon ngunit bakas mula sa bawat katagang binitawan ng kanyang ama ang pinalida
Sky’s P.O.V.“What are you doing? Did I not tell you not to leave my side?” Matigas ngunit mahinang turan kaagad ng kanyang ama ng harapin siya. The volume of his voice was enough for just the two of them to hear. Kasalukuyan na sila nitong nasa kabilang bahagi ng malawak na bulwagan, malayo na mula sa kinaroroonan kanina nila Alessandro. Ilan lang din ang mga bisitang nasa ibayo nila dahil bahagyang nasa sulok na iyon ng venue. Sky let out a soft sigh. “Dad, I did try to find you a while ago but I couldn’t. Ikaw ang bigla-bigla na lang nawawala at ‘di mahagilap. Where have you been all this time?” In truth, she did look for her father after she went to the lady’s room. She even strained her eyes looking around for him pero hindi talaga niya ito makita. Sa pagkakataong iyon naman din saktong nagtama ang mga mata nila ni Alessandro, and although she did not expect it, nilapitan at kinausap siya ng binata. Kahit pa para sa kanya ay nahahati ang kalooban niya sa saya at sakit sa muli
Alessandro’s P.O.V.“Up until this point, nothing suspicious had been detected.” Pabulong na wika sa kanya ni Ethan.Katatapos lang nitong kausapin si Max na noon ay nakapwesto sa ikalawang palapag kung saan overlooking ang venue. Alessandro could also clearly see the man from where they were standing. Nakatayo ito habang nakakapit sa railings at tinatanaw ang mga nangyayari sa kanila sa ibaba.“Do you think Hector backed out last minute seeing there are too many of our men surrounding the venue?” He heard Ethan ask. Balisa pa nitong palihim na iginala ang pangin sa mga panauhin.Siya naman ay marahang napabitaw nang kanina pa kinikimkim na buntong-hininga. He didn’t like any of these at all. Masyadong tahimik. Masyadong kalmado ang lahat. Biglang bumalik sa isip niya ang dalawang babalang nakasulat sa puting tarhetang nakaipit sa palaso. First, it warned him to be wary with the deliveries coming in and out of the hotel. Hence, Ethan made sure to secure the entrance, exits, and all th
Dear Valued Readers, Hello po ulit sa inyong lahat! Kamusta mustasa aking mga readers? Long time no read sa aking monthly Author's Note. Hehehe well ayun, you're all probably wondering bakit pautay-utay na 'yung pag-a-update ko. Sorry na po... huhuhu busy lang po sa aking other side hustles. Struggle is real pero go lang nang go. Rest assured na tatapusin ko po talaga ang novel na ito. Hehehe excited din akong mapiece together na 'yung mga pangyayari. Alam kong marami rin kayong mga katanungan at masasagot lahat nang iyan sa buwan nang jaraaaaaaaan: HULYO! HAHAHAHAHA omg omg siguro hate niyo na ako... 'wag naman hahaha peace mga kapatid! Sabi nga ni Sky diba, "Kapit lang!" So ayun na nga... give me time and space and the Milkyway charot hahaha nakakapressure and at the same time, nakakachallenge palang isulat ang ending. But I still hope you all like it :) See you soon! Love lots! ~Luna King
Alessandro’s P.O.V.Sinubukan pa niyang tumikhim upang muling ibalik sa dating tono ang boses. Damn it! Umayos ka, Alessandro!“I heard from your father his assistant couldn’t make it.” Sabi na lang niya.Marahang napatango naman ang dalaga. “Yes. Something came up last minute kaya hindi siya makapunta rito. May kinailangan kasi siyang asikasuhin sa Batangas and apparently, it’s one thing that can’t be postponed.”Natigilan naman si Alessandro. He suddenly remembered the property Señor Heneroso owned in Batangas. Sa pagkakatanda niya, may malaking farm doon ang mga manugang nang namayapa nitong asawa. He initial
Ethan’s P.O.V. Ethan felt the sound of the blood running through his veins and the loud thumping of his heart drowned the noise around him. His muddled mind tried its best to remember the background investigation he had once conducted on Sky. How come he didn’t notice it before?! Subalit bigla rin niyang naalalang hindi rin naman kasi siya nagtagal sa naturang paaralan. Siguro ay dalawang taon lang din ang iginugol niya roon dahil iyon nga’t nagtransfer na siya sa isang specialized military school. Kaya siguro hindi na rin iyon pinansin pa nang kanyang isipan… because it was just a minor detail in her past anyway. Isa pa’y ang siniguro niya noon ay kung anong pinagkakaabalahan nang dalaga at pati na rin ang tungkol sa kompanya nang pamilya nito. After all, the Poderoso did fail to get the business
Ethan’s P.O.V.Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Halos sabay din silang kumilos nang kaibigan upang tawirin ang munting espasyo sa pagitan nila upang saglit na magyakapan.“I didn’t know you were home! Ang akala ko nga hindi na kita makikita pa kasi roon sa Canada ka na lang maglalagi.” Aniya rito nang bumitaw na.Mavie laughed at his remark. “Grabe ka naman. Umuwi kaya ako rito three years ago. Sadly, kayo naman ni Alessandro ang hindi ko mahagilap. Nagpunta pa nga ako sa mansyon pero si Nana Leticia lang ang nakausap ko. Sabi pa niya, nasa US daw kayong lahat…”Bigla namang natigilan si Ethan. ‘Di yata’t ang tinutukoy nito ay noong panahong nagpapagaling pa si Alessandro. At natur