Home / All / The Story of Us (Tagalog) / Chapter 4 - Starting Over

Share

Chapter 4 - Starting Over

Author: Luna King
last update Last Updated: 2021-09-02 10:30:56

Malakas ang buhos ng ulan ng bumaba siya mula sa bus. Pailan-ilan lang din ang dumadaang mga tricycle at lahat pa iyon ay punuan. Kung wala mang sakay ang iba ay sinasabihan lamang siyang pauwi na ang mga ito at ‘di na bibiyahe dahil nga sa magagabi na at masama pa ang panahon. Buti na lamang at malaki-laki rin ang bus station na iyon at may bubong pa. Kung hindi ay paniguradong basing-sisiw siya ngayon. 

Ang lamig naman. Napahinga na lang siya ng malalim at ‘di napigilang manginig. Sky hugged herself at mas lalo pa niyang tinaasan ang pagkakazipper nang kanyang jacket. Blessing in disguise talaga na nahablot pa niya ito mula sa cabinet. 

 Hindi napigilan nang dalaga na igala ang paningin. Probinsyang-probinsya talaga ang dating ng lugar. Tantiya niya ay nasa tatlo o apat na metro lang ang lapad nang malubak na kalsada. May mga parte namang nanatiling matino pa rin ang semento, ngunit animo isang dekada na nang huling makatikim ito nang road repair. May mga malalaking puno sa gilid ng daanan. Natatabingan nang mga ito ang napakalawak na mga palayan. Sa malayo naman, natatanaw niya ang matatayog na mga bundok na nababalutan pa ng mabababang ulap. Mahamog at nanunuot sa kalamnan ang lamig.  

For a woman who grew up in the city, everything around her is new. Nakakapagbakasyon naman siya kasama ang mga kaibigan niya, but those were fun-filled adventures. Marami sila so she never felt alone. Ngayon naiiba ang sitwayson. This will be her life until she’s ready to face what she left behind. Well, pwede rin namang ‘di na siya bumalik.  Nakakatakot pero nakakaexcite at the same time. It was her first taste of freedom.  

“Ne, bakasyunista ka ba?” Isang matandang babae na may hawak-hawak pang basket ng mga kakanin ang tumabi ng upo sa kanya. 

Hindi niya ugaling basta-basta na lang makipag-usap kahit kanino but it seems that mas mabuti ng may makausap kaysa mapanisan ng laway.  

“Opo, kakarating ko lang kanina bandang ala una ng hapon.” Atubili niyang tugon. 

“Ah, galing Maynila ka ba?” Usisa pa nito. 

Ngumiti siya rito. Lihim niyang naidasal na ‘wag sana siyang mabudol. Hindi pa naman niya dala ang kanyang cellphone kaya wala siyang mahihingan nang tulong kung sakali. It was a dumb move now that she’s thinking about it. “Opo. Galing Maynila po.” 

“Aba eh, kay layu-layo pala nang biyahe mo, ano? kumain ka na ba? May matutuluyan ka ba?” Nakakunot-noo ito ngayon sa kanya. 

“’Di pa nga po eh. At wala rin po akong kakilala rito.” Alanganin siyang ngumiti sa matanda. 

Oo nga pala, sa sobrang pagmamadali niyang makaalis ay nakalimutan din niyang ‘di pa pala siya kumakain. Ang pinakahuling naging laman nang tiyan niya ay ang ceaser’s salad na inorder niya kasama si Charlie. Ngayon tuloy ay kumakalam na ng bahagya ang kanyang sikmura.  

“Ay naku! Mabuti na lang pala at nilapitan kita. Kanina pa kita napapansin dito. Hala iha, sumama ka sa’kin. Susunduin ako ng asawa ko rito mamaya lang. May kakilala akong nagpaparenta ng kwarto para sa mga bakasyunista.” Iiling-iling na tugon nito. 

Kung may naiturong magandang aral ang kanyang Daddy sa kanya, it was strictly about not talking nor trusting strangers. But this time around, binalewala niya ang pangaral nito. Isa pa, wala rito ang kanyang ama para diktahan siya. Besides, the old woman looked nothing but pleasant, at kahit pa ‘di sila magkakilala, nababakas niya ang tunay na pag-aalala sa boses nito. 

‘Di nga nagtagal ay dumating ang asawa nito. Driver din pala ng tricycle ang matandang lalaki. At dahil nga animo bumabagyo ay basa rin ito sa ulan. Walang oras silang inaksaya. Lumulan sila kaagad sa tricycle at bumiyahe. 

Kumukulog at kumikidlat. Malakas ang hangin at matindi ang buhos ng ulan. Buti na lang at mayroong headlights ang tricycle ng mag-asawa. Kung hindi ay iisipin niyang nasa horror film siya dahil sa sobrang dilim ng kalsadang binabagtas nila. Animo nawalan na rin yata ng kuryente dahil sa masamang panahon. ‘Di na nga niya maaninag kung may mga kabahayan ba sa gilid nang kalsada. 

“Buti at nasundo kita kaagad bago umapaw ang ilog. Tsk!” Himutok nang matandang lalaki. 

Nakikita ni Sky ang paghihirap nitong patuloy na imaneho ang tricycle sa kasagsagan nang panahon. Dagling natigilan ang dalaga. Wait, ilog?! Umapaw? Did I hear it right?

Marunong naman siyang lumangoy pero hindi niya kakayanin kung malakas masyadong ang current. She was already imagining the worst-case scenario in her head kaya alam niyang namumutla siya. 

Bahagya namang natawa ang matanda ng makita ang kanyang reaction. “’Wag kang mag-alala, neng. Low tide ngayon. Naku! Tantiya ko na ‘yan.” 

Napapailing naman ang matandang lalaki. Animo sanay na ito sa ganoong sagot nang asawa.  

“Masama ang timing mo, iha! ‘Di ka tuloy makakapaglibot ngayon.” Dagdag na wika nang matandang babae. Halos hindi nga niya na maulinigan ang boses nito dahil sa biglang paglakas pa nang ulan. 

Tipid siyang ngumiti. “Ayos lang ho ‘yun. ‘Di rin naman po ako nagmamadali sa pag-uwi.” 

‘Di nagtagal ay nakarating din sila sa kanilang paroroonan nang ligtas. Pumarada ang kanilang sinasakyan sa isang sementong bahay. Bungalow lang ito at hindi pa napipinturahan. Kahit papaano ay nakajalousie naman ang mga bintana at isang kandilang nakasindi sa sala ang maaninag mula sa loob ng bahay. Buti na lang din at may bubong na nagsisilbing maliit na tambayan sa harap ng bahay. Nakasilong ang kanilang tricycle at kahit papaano ay ‘di sila nababasa. 

“Nelia! Nelia! May uupa sa isang kwarto mo oy!” Tawag agad nang matandang babaeng kasama niya sa may-ari ng bahay.  

Kanina habang nasa daan, nalaman niyang ito pala ay si Aling Merlinda at ang asawa naman nito ay si Mang Imo. May nag-iisang anak ang mga ito na nasa edad kinse anyos pa lamang. Babae rin. Ang matanda namang nagpapaupa ng bahay ay nagngangalang Nelia. Nag-iisa lamang sa bahay na ito ang may-ari. Balo sa asawa at hindi pinalad na magkaanak kaya napag-isipan nito na parentahan na lang ang isang bakanteng kwarto sa bahay nito. 

Tila naman naaalimpungatan pang binuksan ni Aling Nelia ang pintuan ng bahay. “Hay naku Merlinda! ‘Yang bunganga mo talaga! Ano ba atin?”  

“May uupa ngang bakasyunista sa isang kwarto mo. ‘Eto nga at kasama ko.” Saad naman ni Aling Merlinda. 

Noon lang siya napansin ni Aling Nelia. “Ay halika tuloy…tuloy ka Iha. Kayo naman ‘di niyo naman sinabi kaagad.” 

Itinirik na lang ni Aling Merlinda ang mga mata at binalingan siya. “Oh siya Lily, mauna na kami sa’yo ah. Si Nanay Nelia mo na lang ang bahala sa’yo. ‘Wag kang mag-alala at mabait siya.” 

Hinawakan pa nito ang kanyang balikat bago muling sumakay sa tricycle. 

“Aling Merlinda, Mang Imo, salamat po ah!” Pahabol niyang tugon sa mga ito. 

Kumaway na lang ang mag-asawa at pinaandar na paalis ang sasakyan. 

Binalingan naman siya ni Aling Nelia. “Halika Iha, pasok ka. Pasensya na ah, ‘di ako nakapaghanda kasi hindi ko naman inakala na may bakasyunista palang magpupunta rito sa ganitong lagay ng panahon.” 

“Okay lang ho. Biglaan din kasi itong pagbabakasyon ko.” 

Magkatulong nilang dinala sa loob ng bahay ang isa niyang maliit na maleta at isang hand-carry bag. 

Dinala siya ni Aling Nelia sa kwartong katabi ng kwartong inuokopa nito. Maliit lamang iyon. Isang kama sa kaliwa at isang cabinet naman sa bandang kanan. May isang parihabang salaming nakasabit sa pader at isang maliit na mesa na napapagitnaan ng salamin at cabinet. Isang simpleng kwarto kung ikukumpara sa kanyang nakasanayang condo at sa kanilang ancestral house.  

“Iha, Lily nga ba ‘yung pangalan mo?” Pagputol ni Aling Nelia sa kanyang pagmamasid. 

Napalingon siya sa matanda na nakatayo malapit sa pintuan. She decided earlier not to use her real name para iwas komplikasyon na rin. “Opo, Emilyn po, pero Lily na kang po para maikli.” 

“Ah…oh siya Lily, doon lang ako sa kusina ah. Magluluto lang ako ng hapunan natin. Lahat kasi ng umuupa dito, kasali na sa bayad ‘yung pagkain. Three meals a day kung baga.”  

“Talaga po ba?” Manghang tanong ni Sky. She was expecting complimentary breakfast pero three meals a day was too much. Kahit nga ‘yung complimentary breakfast, agad na niyang iwinaglit sa isip ng makita niya ‘yung pinagdalhan sa kanya. Wari niya, sobra na kung mag-eexpect siya ng ganoon sa may-ari. 

“Ay oo naman!” Tumawa pa ang matanda. “Mura lang din naman ‘yung mga bilihin dito. At isa pa, hindi naman ako ‘yung masasabing nanghihingi ng malakihang halaga sa mga dayo. May pension naman ako. Ang gusto ko lang talaga, matauhan ‘tong bahay. Kahit sandali eh, magkaroon ng makausap.” 

Sky was touched by the old woman’s words. Naalala niya kanina ang loob nang bahay. Pagkapasok sa pinto bubungad agad ang munting sala. May isang pahabang upuan at may isa rin na solo lang, puro gawa sa kawayan. May isang lumang telebisyon na de-antenna pa. Bandang kanan naman makikita ang pintuan nang dalawang magkatabing kwarto na pawang kurtina lang ang nagsisilbing pantabing. Sunod naman ang isang payak na kusina. Kumpleto naman ito sa lababo hanggang sa kalan na de-uling. Mayroon ding isang maliit na pabilog na mesa na may apat na upuang kahoy ang nakapalibot. Kung susumahin, it was such a simple way of life. And she knew all too well how lonely it was living alone. Bumukod man siya o nakatira sa malaking bahay nila sa Quezon City, the feeling was the same. Parati pakiramdam niya nag-iisa siya. 

“Oh, siya doon lang ako sa kusina ah. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka.” Tumalima na ito at nagtungo na sa kusina upang ayusin ang kanilang hapunan. Naiwan siyang napapaisip. 

That night, ng matapos silang kumain ay pinagpahinga na siya ni Aling Nelia. Sabi nito eh dahil brownout, walang mapaglilibangan at walang telebisyon. Masarap din daw matulog dahil malamig ang panahon. Kanya-kanya na silang nagsipagpasukan sa kwarto at nagpahinga. 

Sky laid on her bed thinking. Mura lang talaga ang renta sa bahay. Napag-usapan na rin nila ni Aling Nelia ang magiging set-up nila dahil ipinaliwanag niya rito na baka matagal siyang mananatili sa poder nito. Nagtataka man ay tila nakakaunawa ito at hindi na nito kinuwestiyon ang kanyang pasya. Hayun at napagdesisyunan niyang magbayad na lang dito ng one month advance at two months deposit. Lahat ng iyon ay nagkakahalaga ng halos isang libo lamang. At dahil nga mangungupahan siya ng ganoon katagal, she suggested na tutulong siya sa mga gawaing bahay at bibili na rin ng mga supplies nila sa bahay tulad ng pagkain, sabon at kung ano pa. Siyempre, ‘di naitago ng matanda ang sobrang galak dahil may matagal-tagal din pala itong makakasama. Sabi pa nito na kapag umaraw na eh, mapapasyalan na niya ang ipinagmamalaking tanawin ng lugar na iyon. Kumbaga parang lihim na paraiso ang lugar, dagdag ng matanda. 

Niyon lang din niya nalaman kung nasaan siya. It was a barrio called San Bernardino. Nasa parteng Luzon pa rin pero liblib na at halos thirteen hours ang biyahe  mula sa Maynila. A long way from home indeed. Kahit papaano’y naiisip pa rin niya ang kanyang Daddy. Alam naman niyang ‘di nito mapapansin ang paglalayas niya pero kahit anupaman, ‘di niya mapigilang sumagi sa isip niya ‘yung mga panahong masaya at buo ang pamilya nila.  

She missed her mom so much. The light and love of her life. Naiisip din niya ang mga kaibigan niya. For sure iyon pang mga ‘yun ang paniguradong mauunang magpadala ng search and rescue operation para lang matunton siya. Compared to her father, it seems that mas pamilya pa niya ang kanyang barkada. Mas nararamdaman niya mula sa mga ito ang pagmamahal na dapat sana ay unang naibibigay sa tahanan. She missed them, too. Pero she also knows that she needed the space. 

Naalala niya ang party na dapat sana dadaluhan nilang magbabarkada. Ni hindi man lang siya nakapagtext o nakapag-iwan nang note para sa mga ito. She knew hahanapin siya nang mga iyon, lalo na si Jax. He has his security agency that is topnotch in the country. Walang nakakalagpas sa mga kamay nito. He has eyes and ears anywhere in the Philippines. Matutunton din siya nito sooner. ‘Di naman siya nag-aalala dahil alam niyang kilala siya nang mga kaibigan niya. They will understand her decision.  

Sorry Chiena. Piping paumanhin niya rito.  

Napabuntong-hininga na lamang si Sky. Somehow, alam niyang kailangan niyang magblend in kung gusto niyang magtagal sa lugar na iyon. Napagdesisyunan niyang ibahin ang gagamiting pangalan sakali mang may magtanong. Gusto lang niyang maging maingat lalo pa’t ayaw niyang mahanap siya ng kahit na sino. Alam niyang sa mga barkada pa lang niya, marami nang connections ang mga ito.  For now, she will become Emilyn Honralez, Lily for short. She decided to use her mother’s last name to hide.  

‘Di rin nagtagal ay nakatulog din ang dalaga ng may ngiti sa labi kahit pa may mga munti siyang agam-agam. Kasabay niyon ay ang pagtila ng ulan na bumubuhos mula sa kalangitan. Sumisilip na ang buwan at bituin, senyales ng isang magandang umaga. 

Related chapters

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 5 - Happenstance

    It was already Lily’s third week in San Bernardino. Kay bilis lang nang paglipas nang mga araw. Ni hindi nga niya napansin na ganoon katagal na pala siyang namamalagi roon. Sa loob ng maikling panahon ay halos nakagaanan na niya ng loob ang mga taga-roon. At home na siya sa mga ito, lalo na sa kanyang mga kapitbahay. She lived a simple life every day. Napag-alaman din niyang dalawang bahay lang pala ang pagitan nila ng matandang mag-asawang tumulong sa kanya. Hayun at nakilala din niya ang anak ng mga itong si Maymay. Maymay was cute and funny. Napakadaldal nito at napakajolly kaya kaagad niya itong nakagaanan ng loob. Para itong nawalay niyang kapatid at halos araw-araw ay bumibisita ito sa kanila ni Aling Nelia. Sa katunayan nga ay maaga sila nito ngayong gumising upang magkasamang mamalengke. Pero ang ipipinagtataka niya ay ang pagkukumahog nitong makaalis sila kaagad. “Ate Lily! Ate Lily! Dali na, mauna na tayo kina Nanay at Tatay. Sus! Matagal pa ang mga iyon.” Natawa siya

    Last Updated : 2021-09-02
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 6 - Bound for Disaster

    Dinala si Lily ng kanyang mga paa sa lilim ng isang mayabong na punong mangga malapit sa tabing ilog. The place was her favorite hangout spot tuwing hapon. The view was at least a seven-meter-wide river na kapag diniresto mo sa pamamangka ay konektado mismo sa karagatan. Ito rin ang isa sa mga pinagkakakitaang kabuhayan ng mga taga San Bernardino na kung saan pangingisda ng tilapia ang numero unong produkto. Magkagayon man ay napakapayapa ng lugar at disiplinado ang mga tao. Kumpara sa mga nakikitang niyang ilog sa Maynila na may mga lumulutang na kung anu-ano, ang ilog dito ay napakalinis at nagmumula pa mismo sa mga kabundukan. Animo krystal ito sa kanyang paningin na kumikinang dahil sa pagtama ng sinag ng araw dito. Nakakadagdag pa sa kapayapaan ng lugar ang huni ng mga ibong nag-aawitan sa mga puno. This is the life… So peaceful…

    Last Updated : 2021-09-02
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 7 - The First String

    Kapwa hirap si Lily at Maymay sa pagbibitbit ng kanilang mga pinamili mula sa palengke. Isang sapad ng saging saba at isang basket na puno ng isdang tilapia ang dala-dala ni Lily samantalang sampung kilong bigas naman ang kay Maymay. “Oh my gas-bigas! Anak ng tilapia naman oh! Ang layo na ng nilakad natin wala pa ring tricycle na nagpapasakay.” Reklamo ulit ni Maymay. Maya’t-maya ang ginagawa nitong pagsusumpa sa mga tricycle na dumadaan ngunit tumatangging pasakayin sila. Ang iba kasi ay may mga karga ring samu’t-saring gulay at kakanin habang ang iba naman ay pakiyawan ang biyahe. Si Lily man ay nahihirapan na rin sa bigat ng mga dalahin. “Dalawang araw na lang kasi at fiesta na. Baka kagaya natin, last minute na pagbili na rin ang ginagawa ng ilan.”

    Last Updated : 2021-09-03
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 8 - Keep Calm

    Masaya pa silang nagtatawanan nang lalaki habang naghahabulan. Akmang babatuhin pa sana ni Lily si Miguel nang napitas nitong bunga nang amorseko. “Hooooy kayong dalawa!” Napatigil silang pareho ng marining ang sumita sa kanila. Nagkatinginan pa sila ni Miguel dahil ‘di nila namamalayang nasa harapan na pala sila ng bahay nina Aling Merlinda. Parehong nasa may tarangkahan ng bahay sina Kaloy at Maymay. Kapwa makahulugan ang mga ngiting ipinupukol ng dalawa sa kanila. Pasimpleng tumikhim si Maymay. “Kuya Miguel, Ate Lily, ah ano kasi inimbitahan ni Nanay si Kaloy na dito na lang maghapunan kasama namin.” Siniko pa nito ang katabing binata. “O – O

    Last Updated : 2021-09-03
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 9 - Two Steps Back

    Malakas na hiyawan nang mga tao ang nauulinagan ni Lily habang papalapit sa may tabing-ilog. Kasalukuyang ginaganap dito ang boat race na kasama sa palaro ngayong pista. Hindi magkamayaw ang mga tao lalo na ang mga kababaihan. May ibang halos himatayin na sa kakasigaw. She rolled her eyes. Syempre dahil ‘yun kay Miguel na kasalukuyang kalahok sa laro. I mean, who wouldn’t scream their guts out? The guy was half-naked at tanging jersey shorts lang ang suot. Mabilis at may kasiguruhan ang mga kilos nito habang patuloy sa pag sagwan. Mukhang ito pa yata ang nangunguna. Papaikot na ito sa poste nang kawayan at pabalik na sa starting point. With every move he made makes his rippling muscles more evident. Klarong-klaro ang mala-adonis nitong katawan na well-sculpted. Ba’t ganun’? Wala siyang bilbil?

    Last Updated : 2021-09-04
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 10 - Further

    “...tapos ayun… iniwan ko siyang nakabulagta sa kalsada…” Nagulat pa si Lily sa ginawang pagtawa nang kanyang kasayaw. Pilit siyang ngumiti rito ngunit ang totoo’y wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit pangalan niya? Uhh.. Alvin? Ben? Mark? Sa dami nang naging kapareha niya nang gabing iyon, ni isa sa pangalan nang mga lalake ay wala na siyang maalala. Pakiramdam niya, napapaltos na rin ang kanyang mga paa. Wala pa siyang pahinga simula pa kanina dahil sa tuwing tatangkain niyang magpaalam sa isang kasayaw, may susulpot na namang bago. Nahihiya naman siyang tanggihan ang mga ito. Weh? Nahihiya o may gusto ka lang pagselosin? Pasimple niyang

    Last Updated : 2021-09-04
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 11 - Unexpected

    Katatapos lang mananghalian ni Lily nang mga oras na ‘yun. Nababagot naman siyang maglagi lang sa loob nang bahay kaya napag-isipan niyang tumambay na naman sa lilim nang punong mangga malapit sa ilog. Weeeh? Ang sabihin mo, nagbabakasakali kang nandun’ din si Miguel. Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang insidente sa sayawan. ‘Ni anino ni Miguel ay hindi mahagilap ni Lily. The man was nowhere to be found. Kahit sa palengke, wala ito. Hindi naman niya matanong si Kaloy tungkol dito dahil nahihiya siya. Isipin po nitong hinahanap niya ang binata. Hinihintay lang niyang ito ang kusang magkwento ngunit ni minsan ay hindi iyon nangyari. Ang lalaking lasing naman na umatake sa kanya, na napag-alaman niyang Conrado ang pangalan, ay hindi na lang niya ipinablutter. Kinabukasan matapos ang pangyayari, pumunta siya s

    Last Updated : 2021-09-05
  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 12 - Feelings

    “..kuyaaahh… koo--yaaahh…” Hapung-hapong tawag ni Maymay sa binata. May gamit na itong tungkod, na ewan ni Lily kung saan nahagilap nang dalaga. Kasalukuyang papunta sila ngayon sa rest house ng tiyuhin ni Ethan. Mula baryo ng San Bernardino, bumiyahe sila sakay nang bus nang halos isa’t kalahating oras patungo sa bayan nang Sta. Inez. Nang makababa sa bus station ay sumakay silang muli nang tricylce at bumiyahe nang kinse minutos. Akala nilang lahat, pagkababa ay mabubungaran kaagad ang bahay nang tiyuhin nito. Unfortunately, it was a big mistake! When they unboarded the tricycle, they were left by the roadside that was surrounded by huge trees. Akala nila, pinagtitripan lang sila nang binata. They were in the middle of nowhere! “Simulan na nat

    Last Updated : 2021-09-06

Latest chapter

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 156 - A Little Secret

    Sky’s P.O.V.Sky couldn’t believe her eyes as she stared at the man in front of her. No wonder he looked somewhat familiar! Because the more she stared at him, the more she realized the similarities he had with Alessandro. Both men clearly shared the same proud and pointed nose. At tulad ng binata ay nagtataglay din ito ng mga matang nangungusap at mamula-mulang malahugis-pusong labi. Are all men born from Vontillon lineage this perfect? But didn’t they say he’s over mid-fifties or something? Bakit tila yata nasa kwarenta pa lang ang edad nito? No! In fact, he could even pass for someone who’s in his late thirties! Hindi tuloy niya mapigilang mapatitig dito ng matagal. Ikiniling naman ng lalaki ang ulo nito habang halata sa anyo ang pag-aalala. “Is there something wrong, Ms. Bustamante? Nahihilo ka na naman ba?”Napakurapkurap naman siya habang pilit na ibinabalik sa tamang huwisyo ang isipan. Maagap din niyang tinanggap ang nakalahad pa rin nitong kamay subalit dahil sa pagmamadal

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 155 - Desserts and Desires

    Sky’s P.O.V. Sky could feel her eyes shimmer as she stared at the last piece of the strawberry shortcake. She was already in for her second round of dessert at ngayon ay napupusuan niyang subukan sana ang naturang cake. It was supposed to be her first choice a while ago ngunit naagaw ang kanyang atensyon ng mga macaroons na naroon kaya iyon na muna ang inuna niya. Tutal naman kanina lang ng tingnan niya iyon ay mayroon pang tatlong cake ang nakahain kaya’t naisip niyang balikan na lamang ang mga iyon. Subalit heto nga’t nag-iisang slice na lamang pala ang natitira and she wasn’t sure if there was another refill for it. She was about to reach for the cake spatula ng may isang kamay ang naunang umabot niyon at mab

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 154 - Ties

    Sky’s P.O.V. Tigalgal na napatitig si Sky sa kanyang ama. She must’ve misheard him, right? Surely her father has not yet gone senile! Sa laki ba naman ng pagod at paghihirap na pinagdaanan ng kanilang kompanya para lang makuha ang mga naglalakihang kontrata mula mula sa Vontillon Corp, hindi siya makapaniwalang ganoon at ganoon na lang ito papakawalan ng kanyang ama!“W-What do you mean, Dad? W-Why would you want to cut ties with the largest company in the country?” Puno ng pagkalitong tanong niya.Her father had a hard look on his face as he stared at her. Wari ba may kung anong mabigat na alalahanin ang nasa isip nito at tila maigi pa nitong pinag-iisipan kung sasagutin ba siya nito o hindi. Bandang huli ay napabuga na lang ito ng isang malalim na buntong-hininga bago tumuwid muli ng tayo.“I no longer see any reason why we should still continue our partnership with them.” Maikli lamang ang tugon nitong iyon ngunit bakas mula sa bawat katagang binitawan ng kanyang ama ang pinalida

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 153 - The Future and The Past

    Sky’s P.O.V.“What are you doing? Did I not tell you not to leave my side?” Matigas ngunit mahinang turan kaagad ng kanyang ama ng harapin siya. The volume of his voice was enough for just the two of them to hear. Kasalukuyan na sila nitong nasa kabilang bahagi ng malawak na bulwagan, malayo na mula sa kinaroroonan kanina nila Alessandro. Ilan lang din ang mga bisitang nasa ibayo nila dahil bahagyang nasa sulok na iyon ng venue. Sky let out a soft sigh. “Dad, I did try to find you a while ago but I couldn’t. Ikaw ang bigla-bigla na lang nawawala at ‘di mahagilap. Where have you been all this time?” In truth, she did look for her father after she went to the lady’s room. She even strained her eyes looking around for him pero hindi talaga niya ito makita. Sa pagkakataong iyon naman din saktong nagtama ang mga mata nila ni Alessandro, and although she did not expect it, nilapitan at kinausap siya ng binata. Kahit pa para sa kanya ay nahahati ang kalooban niya sa saya at sakit sa muli

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 152 - Questions and Doubts

    Alessandro’s P.O.V.“Up until this point, nothing suspicious had been detected.” Pabulong na wika sa kanya ni Ethan.Katatapos lang nitong kausapin si Max na noon ay nakapwesto sa ikalawang palapag kung saan overlooking ang venue. Alessandro could also clearly see the man from where they were standing. Nakatayo ito habang nakakapit sa railings at tinatanaw ang mga nangyayari sa kanila sa ibaba.“Do you think Hector backed out last minute seeing there are too many of our men surrounding the venue?” He heard Ethan ask. Balisa pa nitong palihim na iginala ang pangin sa mga panauhin.Siya naman ay marahang napabitaw nang kanina pa kinikimkim na buntong-hininga. He didn’t like any of these at all. Masyadong tahimik. Masyadong kalmado ang lahat. Biglang bumalik sa isip niya ang dalawang babalang nakasulat sa puting tarhetang nakaipit sa palaso. First, it warned him to be wary with the deliveries coming in and out of the hotel. Hence, Ethan made sure to secure the entrance, exits, and all th

  • The Story of Us (Tagalog)   Author's Note #9

    Dear Valued Readers, Hello po ulit sa inyong lahat! Kamusta mustasa aking mga readers? Long time no read sa aking monthly Author's Note. Hehehe well ayun, you're all probably wondering bakit pautay-utay na 'yung pag-a-update ko. Sorry na po... huhuhu busy lang po sa aking other side hustles. Struggle is real pero go lang nang go. Rest assured na tatapusin ko po talaga ang novel na ito. Hehehe excited din akong mapiece together na 'yung mga pangyayari. Alam kong marami rin kayong mga katanungan at masasagot lahat nang iyan sa buwan nang jaraaaaaaaan: HULYO! HAHAHAHAHA omg omg siguro hate niyo na ako... 'wag naman hahaha peace mga kapatid! Sabi nga ni Sky diba, "Kapit lang!" So ayun na nga... give me time and space and the Milkyway charot hahaha nakakapressure and at the same time, nakakachallenge palang isulat ang ending. But I still hope you all like it :) See you soon! Love lots! ~Luna King

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 151 - The Third String

    Alessandro’s P.O.V.Sinubukan pa niyang tumikhim upang muling ibalik sa dating tono ang boses. Damn it! Umayos ka, Alessandro!“I heard from your father his assistant couldn’t make it.” Sabi na lang niya.Marahang napatango naman ang dalaga. “Yes. Something came up last minute kaya hindi siya makapunta rito. May kinailangan kasi siyang asikasuhin sa Batangas and apparently, it’s one thing that can’t be postponed.”Natigilan naman si Alessandro. He suddenly remembered the property Señor Heneroso owned in Batangas. Sa pagkakatanda niya, may malaking farm doon ang mga manugang nang namayapa nitong asawa. He initial

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 150 - Unfolding

    Ethan’s P.O.V. Ethan felt the sound of the blood running through his veins and the loud thumping of his heart drowned the noise around him. His muddled mind tried its best to remember the background investigation he had once conducted on Sky. How come he didn’t notice it before?! Subalit bigla rin niyang naalalang hindi rin naman kasi siya nagtagal sa naturang paaralan. Siguro ay dalawang taon lang din ang iginugol niya roon dahil iyon nga’t nagtransfer na siya sa isang specialized military school. Kaya siguro hindi na rin iyon pinansin pa nang kanyang isipan… because it was just a minor detail in her past anyway. Isa pa’y ang siniguro niya noon ay kung anong pinagkakaabalahan nang dalaga at pati na rin ang tungkol sa kompanya nang pamilya nito. After all, the Poderoso did fail to get the business

  • The Story of Us (Tagalog)   Chapter 149 - The Stars Realign

    Ethan’s P.O.V.Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Halos sabay din silang kumilos nang kaibigan upang tawirin ang munting espasyo sa pagitan nila upang saglit na magyakapan.“I didn’t know you were home! Ang akala ko nga hindi na kita makikita pa kasi roon sa Canada ka na lang maglalagi.” Aniya rito nang bumitaw na.Mavie laughed at his remark. “Grabe ka naman. Umuwi kaya ako rito three years ago. Sadly, kayo naman ni Alessandro ang hindi ko mahagilap. Nagpunta pa nga ako sa mansyon pero si Nana Leticia lang ang nakausap ko. Sabi pa niya, nasa US daw kayong lahat…”Bigla namang natigilan si Ethan. ‘Di yata’t ang tinutukoy nito ay noong panahong nagpapagaling pa si Alessandro. At natur

DMCA.com Protection Status