Eksaktong kalalapag pa lang ni Sky nang kanyang bag sa table nang magring ang intercom niya sa lamesa. She knew right away the call came from her father’s office.
“Yes, Bernard?” Ito ang halos dalawampung taon nang secretary nang kanyang ama. Itinuturing na rin niya itong parang tiyuhin. He was there when his father or mother couldn’t pick her up in school kapag kapwa busy ang mga ito.
“Ms. Sky, you are requested at your father’s office.” May nahihimigan siyang kung ano sa boses nito. Nagtataka man ay inignora niya iyon. Kakamustahin na lang niya ito pagkatapos nilang mag-usap nang kanyang ama.
“Okay, I’ll be there in ten minutes.” Iyon lang at nagpaalam na siya.
She freshened up and went out to ride the elevator.
Nasa pinakataas na palapag ang president’s office. Para siyang nasosuffocate kapag papunta siya roon. Exclusive kasi ang buong floor para rito. Ang tanging bubungad lang sa’yo ay ang office table nang secretarya nito na nasa kanang bahagi at ang visitor’s lounge na nasa kaliwa naman. The lounge contained a pristine white u-shaped sofa with a rectangular coffee table made of marble. May mga magazines at refreshments din sa naturang lounge. Bagay na bagay ito sa sleek black and brown wooden design nang opisina. Nasa pinakagitna naman nang kwarto ang intimidating mahogany door leading to her father’s office.
Nakita kaagad niya si Bernard. She waved at him signaling na papasok na siya sa opisina. He extended his hand telling her to go ahead. Animo malungkot ito. Now she was worried for him. May iniinda kaya ito? Kailan ba ito huling nag leave? Kulang na lang kasi ay maging magkadikit na nang bituka nito at ang daddy niya.
Sky knocked three times and went in. Pagpasok pa lang niya, she felt the heavy atmosphere inside her father’s office. Nakita niya itong bahagyang nakayuko habang hinihilot ang sentido.
She was about to ask what’s wrong nang bigla itong magsalita sa mabigat na tono.
“What the hell did you do, Sky Isabelle?” Hindi man niya mabanaag ang mukha nito, she knew her father was furious.
Natural na magulat siya dahil wala naman siyang ideya sa tinutukoy nito. Marahan siyang lumapit sa mesa nito. “Dad, I -”
“You failed to get the deal from the Vontillon’s. Now, I’m going to ask you again, what the hell did you do?” His voice now was dead calm.
Napako siya sa kinatatayuan. Nagreplay sa isip niya ang sinabi nito. I failed? How come? Ganun’ kabilis? Akala ko ba...
Marahas na tumingin ang kanyang ama sa kanya. “You know what this deal meant for us. For the company. It’s a hundred-million-peso worth of a deal!”
“Pero ang sabi nila they needed time to decide. Bakit parang ang bilis naman yata?” Sky tried to reason to her father.
“It still doesn’t change the fact that you failed me. AGAIN! Sana hindi na lang ikaw ang naging representative ng kompanya. I should have known better not to entrust this to you.”
Nagpanting ang tainga niya sa narinig mula rito. Yes, she failed. But she really put her life and blood in this project. Countless sleepless nights at halos isang tanke yata ng kape ang naubos niya para lang masigurong flawless ang kalalabasan. But right, this is her father she’s talking about. Pakiramdam niya, kahit pa magcollapse siya sa kinatatayuan, wala itong pakialam. What matters is she delivers what is beyond expected.
“That’s unfair, dad. I gave my all to this project. Alam nang team ko ‘yan. We all did -”
“But you still failed. You, again, miscalculated everything. I asked Roman’s team to do this, remember? Gusto kong siya ang maghandle nito dahil mas lamang siya sa’yo. He’s got the experience. He’s way -”
“You trust another person’s capability more than your own daughter?” It felt like all the blood in her system rushed inside her head. Pakiramdam niya sobrang laki nang ulo niya at that moment and she couldn’t control her emotions.
There was a deafening silence for a moment. But what her father said next totally crushed her. Para siyang tinapak-tapakan nang paulit-ulit sa sagot nito.
“Yes, I trust Roman more than you. He’s been with the company longer than you and he’s handled more big-time clients than you. I believe he’s more capable in more areas than you are.”
“Will you ever see my worth, dad? O talagang break or make lang ako sa’yo?” It was a question that escaped Sky’s mouth before she could stop.
Her father looked at her suddenly. Gulat? Takot? Galit? Disbelief? Hinanakit? She could see many different emotions all at once reflecting in his eyes. But he was still, unmoving.
She proceeded to move toward her father’s table. She just stopped when she was a foot away. His father averted his eyes. He instantly looked resigned, sad even. Parang may pinaglalabanan ito na hindi niya mawari. Like some sort of internal battle na hindi nito ma-isaboses. But she was too hurt and angry to care.
“C’mon dad, answer me!” She couldn’t help but raise her voice. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napagtaasan niya ito nang boses. Natural lang na nagulat ito sa sudden outburst niya.
Tila naman natauhan ito. “Stop it, young lady! Don’t test me!” Ganting bulyaw naman nito.
“I lived my entire life to please you. Lahat ginawa ko na! I even gave up my dreams for this!” She spread her arms just to emphasize her point.
“I just want you to look at me! I just want you to love me, dad! Gusto ko lang nang pamilya! But you treated me and my mother like garbage. Namatay si mommy nang hindi man lang nakakaamot nang pagmamahal sa’yo! Madamot ka, dad! Mukha kang pera! Inuna mo pa ang kompanya! Wala kang kwentang ama!”
Umalingawngaw sa loob nang opisina ang malakas na sampal na dumapo sa pisngi nang dalaga.
Dinuro siya nang kanyang ama. “Wala kang alam...I thought I raised you better than this. Kung alam ko lang na ganito ka lumaki, sana -”
“Sana ano? Sana iniwan mo na lang kami ni mommy? Sana hindi mo na lang ako naging anak?” Nang-uuyam na tumawa si Sky.
“Matagal ka nang walang pamilya. You left us even before I was born. Now I’m just making it formal.” Lumapit siya sa mesa nito at inilapag doon ang kanyang employee’s ID. Matapang niya itong muling hinarap.
“I quit... I quit your company... I quit this life... and above all else, I quit being your daughter.” ‘Yun lang at naglakad na siya palayo.
Naulinagan pa niya ang boses nang kanyang ama na tinatawag siya. But at that moment, she just felt numb. Her brain was on the brink of shutting down. Basta ang alam niya, mabilis siyang lumisan sa opisina nito. There were no tears shed as she walked away from the life that gave her nothing but heartaches.
Nakita niyang nakatayo sa may elevator si Bernard. Mukhang sinadya nitong panatilihing nakastandby mode ang elevator para sa kanya. Ngumiti ito nang malungkot at marahang yumukod sa kanya. Now she knew what his sad smile meant. It was for her all along.
Bago pa man muling paandarin nito ang elevator, sumaludo pa ito sa kanya. Sumilay na ang totoong ngiti mula rito.
“Spread your wings, Sky.”
Pakiramdam niya may kung anong bumara sa lalamunan niya. She was truly touched. At alam niyang that is exactly what she needed to do.
…......
Para sa tatay niya, the highlight of her life are her setbacks. Well, what’s new, diba? Kahit naman noong maliit pa siya, her Father never looked at her, never believed in her, and never once praised her. She even gave up her dream to become a writer and studied business. Pero kahit anong gawin niya, kahit gaano pa man karami ang maging accomplishments niya, it will always be shadowed by her failures. Pakiramdam ni Sky, kasalukuyan nang kinikwestiyon nang kanyang ama ang kalangitan kung ba’t siya pa ang naging anak nito.
Her name is Sky Isabelle Honralez Bustamante. People around her always say that she has it all. ‘Yung tatlong M na hinahangad ng lahat: Mapera, Maganda, at Matalino. To them, she was the perfect princess living in her perfect world. Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng isang matatag at kilalang kompanya, the Poderoso Design and Builders. Hindi niya mapigilang mapangiti ng mapakla. If her world was so perfect, then why the hell is she running away from it?
She never shed tears. Tuyong-tuyo na yata ang tearducts niya at wala na siyang mapiga mula rito. Aalis siya and she's not planning to look back. Bumalik lang siya sa condo niya para kumuha ng ilang damit at pera. Pero the rest, credit cards, alahas, susi ng kotse, cellphone, lahat ng mga iyon ay iniwan niya sa condo niya.
Nakakapagod palang mabuhay para sa ibang tao. Nakakapagod palang ialay ang pagkatao mo sa taong kahit kalian hindi makikita ang mga paghihirap mo para lang mapasaya siya. And so, she decided na magpakalayo. Basta pumunta lang siya sa isang bus station somewhere in Pasay area at sumakay ng bus without even knowing where the destination is.
Madilim na sa labas ng bintana pero patuloy pa rin ang kanilang pagtahak papunta sa isang lugar na wala siyang kaide-ideya kung saan papunta.
Napangiti na lamang siya ng malungkot. Today marks the beginning of my own reality.
…....
Music was blasting through the roofs at puro hiyawan na ang mga VIP guests dahil sa napaka upbeat tunes na pinapatugtog nang DJ. Infairness, napakagaling nitong mang-hype nang crowd. People are jumping up and down and dancing like crazy. Mahahalatang nakainom na ang karamihan dahil sa sobrang magaslaw na pagsasayaw. Gayunman, hindi magawang mag enjoy nilang magbabarkada. Panay ang check nila sa kanya-kanyang phone.
“Wala pa rin ba?” Untag ni Chiena maya-maya.
Julienne raised his phone to let everyone see his screen. “Nope. Nada.”
“But she promised to be here with us tonight. Kahit ‘tong si Julienne na super busy in-between hospital and clinic duties, nandito.” Naghihimutok na tugon ni Chiena.
“Chien, we all know kung gaano kabigat ang responsibility na nakapatong sa balikat ni Sky. Ever since the day we knew her, she’s been under pressure.” Sabad naman ni Jax.
“I agree with Jax. Actually, magkasama kami kaninang hapon. But I do think she’s super busy. Namention niya something about a project with Vontillion Corp.” Sansala naman ni Charlie.
Inakbayan naman ni Ava si Chiena. “Hon, relax. Malay mo, running late lang ang drama ni Sky. Alam mo naman ‘yun. She’s sometimes late but always shows up. Anyway, kanina ko pa napapansin na panay ang sulyap sa direction natin nitong si Papa P.”
Lilingon na sana sila ngunit maagap silang napigilan ni Ava. “Ano ba guys... masyado naman obvious kung lahat tayo titingin sa kanya. One at a time naman.”
Chiena just rolled her eyes. “Duh! As if naman mapapansin ako niyan. Can someone please tell me kung nag reply na ba si Sky?”
Biglang napatayo sa kinauupang high chair si Julienne. Sinapo nito ang noo nang kaibigan. “Are you sick? Kumain ka na ba? Magkaka-alien invasion na ba? Himala yata at denial kang nagnanakaw nang tingin sa’yo si Pablo.
Nagkatawanan silang magkaibigan. They all knew na self-proclaimed Pablonatics itong si Chiena. Kulang na lang yata ay ipatelevise nito ang undying love nito para sa huli. The broadcast part was already done, well, campus-wise noong high school sila. And by the way, their school is a huge and well-known university, complete from pre-school to doctorate department. So, you can only imagine.
“Well, somebody’s gonna’ talk about Charlie’s outfit tonight. Guys, backless mini-dress! Seryoso, akala ko magsusuot ‘to nang medieval long gown.” Once again, the table resonated with carefree laughs.
“Well, I hope you’re prepared ‘cause the lion is on the prowl.” Jax motioned his whisky glass toward the direction of Chase. The guy was sitting with Pablo kasama ang ilan pang kalalakihan.
Napasimangot naman si Charlie na nuo’y nakatalikod sa mga ito. Sinadya niya talagang doon umupo upang maiwasan ang mga titig nang lalaki.
“Can someone please contact Sky.” Iritadong dagdag pa nang dalaga.
“Okay.. Okay.. Mga party-pooper na’to.” Inakbayan ni Ava sina Chiena at Charlie. “Let’s give Sky her first MIA pass, that is if MIA nga siya tonight. Don’t worry, bukas na bukas, susugurin ko ‘yun sa condo niya.”
“Guys, utang na loob, let’s have fun. Gusto kong magwalwal. I am so stressed sa totoo lang.” Naihilamos pa ni Julienne ang palad sa mukha.
Ngumiti na rin sa wakas si Chiena. “Basta, Ava, check on Sky, ha?”
Tumango naman ang dalaga at nagthumbs up pa.
“Good time it is!” Hinila na ni Chiena si Charlie papunta sa dance floor. Kagyat naman na sumunod ang iba pa nilang barkada.
Malakas ang buhos ng ulan ng bumaba siya mula sa bus. Pailan-ilan lang din ang dumadaang mga tricycle at lahat pa iyon ay punuan. Kung wala mang sakay ang iba ay sinasabihan lamang siyang pauwi na ang mga ito at ‘di na bibiyahe dahil nga sa magagabi na at masama pa ang panahon. Buti na lamang at malaki-laki rin ang bus station na iyon at may bubong pa. Kung hindi ay paniguradong basing-sisiw siya ngayon. Ang lamig naman. Napahinga na lang siya ng malalim at ‘di napigilang manginig. Sky hugged herself at mas lalo pa niyang tinaasan ang pagkakazipper nang kanyang jacket. Blessing in disguise talaga na nahablot pa niya ito mula sa cabinet. Hindi napigilan nang dalaga na igala ang paningin. Probinsyang-probinsya talaga ang dating ng lugar. Tantiya niya ay nasa tatlo o apat na metro lang ang lapad nang malubak na kalsada. May mga parte namang nanatiling matino pa rin ang semento, ngunit animo isang dekada na nang huling makatikim ito nang road repair. May mga malalaking puno sa gilid n
It was already Lily’s third week in San Bernardino. Kay bilis lang nang paglipas nang mga araw. Ni hindi nga niya napansin na ganoon katagal na pala siyang namamalagi roon. Sa loob ng maikling panahon ay halos nakagaanan na niya ng loob ang mga taga-roon. At home na siya sa mga ito, lalo na sa kanyang mga kapitbahay. She lived a simple life every day. Napag-alaman din niyang dalawang bahay lang pala ang pagitan nila ng matandang mag-asawang tumulong sa kanya. Hayun at nakilala din niya ang anak ng mga itong si Maymay. Maymay was cute and funny. Napakadaldal nito at napakajolly kaya kaagad niya itong nakagaanan ng loob. Para itong nawalay niyang kapatid at halos araw-araw ay bumibisita ito sa kanila ni Aling Nelia. Sa katunayan nga ay maaga sila nito ngayong gumising upang magkasamang mamalengke. Pero ang ipipinagtataka niya ay ang pagkukumahog nitong makaalis sila kaagad. “Ate Lily! Ate Lily! Dali na, mauna na tayo kina Nanay at Tatay. Sus! Matagal pa ang mga iyon.” Natawa siya
Dinala si Lily ng kanyang mga paa sa lilim ng isang mayabong na punong mangga malapit sa tabing ilog. The place was her favorite hangout spot tuwing hapon. The view was at least a seven-meter-wide river na kapag diniresto mo sa pamamangka ay konektado mismo sa karagatan. Ito rin ang isa sa mga pinagkakakitaang kabuhayan ng mga taga San Bernardino na kung saan pangingisda ng tilapia ang numero unong produkto. Magkagayon man ay napakapayapa ng lugar at disiplinado ang mga tao. Kumpara sa mga nakikitang niyang ilog sa Maynila na may mga lumulutang na kung anu-ano, ang ilog dito ay napakalinis at nagmumula pa mismo sa mga kabundukan. Animo krystal ito sa kanyang paningin na kumikinang dahil sa pagtama ng sinag ng araw dito. Nakakadagdag pa sa kapayapaan ng lugar ang huni ng mga ibong nag-aawitan sa mga puno. This is the life… So peaceful…
Kapwa hirap si Lily at Maymay sa pagbibitbit ng kanilang mga pinamili mula sa palengke. Isang sapad ng saging saba at isang basket na puno ng isdang tilapia ang dala-dala ni Lily samantalang sampung kilong bigas naman ang kay Maymay. “Oh my gas-bigas! Anak ng tilapia naman oh! Ang layo na ng nilakad natin wala pa ring tricycle na nagpapasakay.” Reklamo ulit ni Maymay. Maya’t-maya ang ginagawa nitong pagsusumpa sa mga tricycle na dumadaan ngunit tumatangging pasakayin sila. Ang iba kasi ay may mga karga ring samu’t-saring gulay at kakanin habang ang iba naman ay pakiyawan ang biyahe. Si Lily man ay nahihirapan na rin sa bigat ng mga dalahin. “Dalawang araw na lang kasi at fiesta na. Baka kagaya natin, last minute na pagbili na rin ang ginagawa ng ilan.”
Masaya pa silang nagtatawanan nang lalaki habang naghahabulan. Akmang babatuhin pa sana ni Lily si Miguel nang napitas nitong bunga nang amorseko. “Hooooy kayong dalawa!” Napatigil silang pareho ng marining ang sumita sa kanila. Nagkatinginan pa sila ni Miguel dahil ‘di nila namamalayang nasa harapan na pala sila ng bahay nina Aling Merlinda. Parehong nasa may tarangkahan ng bahay sina Kaloy at Maymay. Kapwa makahulugan ang mga ngiting ipinupukol ng dalawa sa kanila. Pasimpleng tumikhim si Maymay. “Kuya Miguel, Ate Lily, ah ano kasi inimbitahan ni Nanay si Kaloy na dito na lang maghapunan kasama namin.” Siniko pa nito ang katabing binata. “O – O
Malakas na hiyawan nang mga tao ang nauulinagan ni Lily habang papalapit sa may tabing-ilog. Kasalukuyang ginaganap dito ang boat race na kasama sa palaro ngayong pista. Hindi magkamayaw ang mga tao lalo na ang mga kababaihan. May ibang halos himatayin na sa kakasigaw. She rolled her eyes. Syempre dahil ‘yun kay Miguel na kasalukuyang kalahok sa laro. I mean, who wouldn’t scream their guts out? The guy was half-naked at tanging jersey shorts lang ang suot. Mabilis at may kasiguruhan ang mga kilos nito habang patuloy sa pag sagwan. Mukhang ito pa yata ang nangunguna. Papaikot na ito sa poste nang kawayan at pabalik na sa starting point. With every move he made makes his rippling muscles more evident. Klarong-klaro ang mala-adonis nitong katawan na well-sculpted. Ba’t ganun’? Wala siyang bilbil?
“...tapos ayun… iniwan ko siyang nakabulagta sa kalsada…” Nagulat pa si Lily sa ginawang pagtawa nang kanyang kasayaw. Pilit siyang ngumiti rito ngunit ang totoo’y wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit pangalan niya? Uhh.. Alvin? Ben? Mark? Sa dami nang naging kapareha niya nang gabing iyon, ni isa sa pangalan nang mga lalake ay wala na siyang maalala. Pakiramdam niya, napapaltos na rin ang kanyang mga paa. Wala pa siyang pahinga simula pa kanina dahil sa tuwing tatangkain niyang magpaalam sa isang kasayaw, may susulpot na namang bago. Nahihiya naman siyang tanggihan ang mga ito. Weh? Nahihiya o may gusto ka lang pagselosin? Pasimple niyang
Katatapos lang mananghalian ni Lily nang mga oras na ‘yun. Nababagot naman siyang maglagi lang sa loob nang bahay kaya napag-isipan niyang tumambay na naman sa lilim nang punong mangga malapit sa ilog. Weeeh? Ang sabihin mo, nagbabakasakali kang nandun’ din si Miguel. Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang insidente sa sayawan. ‘Ni anino ni Miguel ay hindi mahagilap ni Lily. The man was nowhere to be found. Kahit sa palengke, wala ito. Hindi naman niya matanong si Kaloy tungkol dito dahil nahihiya siya. Isipin po nitong hinahanap niya ang binata. Hinihintay lang niyang ito ang kusang magkwento ngunit ni minsan ay hindi iyon nangyari. Ang lalaking lasing naman na umatake sa kanya, na napag-alaman niyang Conrado ang pangalan, ay hindi na lang niya ipinablutter. Kinabukasan matapos ang pangyayari, pumunta siya s
Sky’s P.O.V.Sky couldn’t believe her eyes as she stared at the man in front of her. No wonder he looked somewhat familiar! Because the more she stared at him, the more she realized the similarities he had with Alessandro. Both men clearly shared the same proud and pointed nose. At tulad ng binata ay nagtataglay din ito ng mga matang nangungusap at mamula-mulang malahugis-pusong labi. Are all men born from Vontillon lineage this perfect? But didn’t they say he’s over mid-fifties or something? Bakit tila yata nasa kwarenta pa lang ang edad nito? No! In fact, he could even pass for someone who’s in his late thirties! Hindi tuloy niya mapigilang mapatitig dito ng matagal. Ikiniling naman ng lalaki ang ulo nito habang halata sa anyo ang pag-aalala. “Is there something wrong, Ms. Bustamante? Nahihilo ka na naman ba?”Napakurapkurap naman siya habang pilit na ibinabalik sa tamang huwisyo ang isipan. Maagap din niyang tinanggap ang nakalahad pa rin nitong kamay subalit dahil sa pagmamadal
Sky’s P.O.V. Sky could feel her eyes shimmer as she stared at the last piece of the strawberry shortcake. She was already in for her second round of dessert at ngayon ay napupusuan niyang subukan sana ang naturang cake. It was supposed to be her first choice a while ago ngunit naagaw ang kanyang atensyon ng mga macaroons na naroon kaya iyon na muna ang inuna niya. Tutal naman kanina lang ng tingnan niya iyon ay mayroon pang tatlong cake ang nakahain kaya’t naisip niyang balikan na lamang ang mga iyon. Subalit heto nga’t nag-iisang slice na lamang pala ang natitira and she wasn’t sure if there was another refill for it. She was about to reach for the cake spatula ng may isang kamay ang naunang umabot niyon at mab
Sky’s P.O.V. Tigalgal na napatitig si Sky sa kanyang ama. She must’ve misheard him, right? Surely her father has not yet gone senile! Sa laki ba naman ng pagod at paghihirap na pinagdaanan ng kanilang kompanya para lang makuha ang mga naglalakihang kontrata mula mula sa Vontillon Corp, hindi siya makapaniwalang ganoon at ganoon na lang ito papakawalan ng kanyang ama!“W-What do you mean, Dad? W-Why would you want to cut ties with the largest company in the country?” Puno ng pagkalitong tanong niya.Her father had a hard look on his face as he stared at her. Wari ba may kung anong mabigat na alalahanin ang nasa isip nito at tila maigi pa nitong pinag-iisipan kung sasagutin ba siya nito o hindi. Bandang huli ay napabuga na lang ito ng isang malalim na buntong-hininga bago tumuwid muli ng tayo.“I no longer see any reason why we should still continue our partnership with them.” Maikli lamang ang tugon nitong iyon ngunit bakas mula sa bawat katagang binitawan ng kanyang ama ang pinalida
Sky’s P.O.V.“What are you doing? Did I not tell you not to leave my side?” Matigas ngunit mahinang turan kaagad ng kanyang ama ng harapin siya. The volume of his voice was enough for just the two of them to hear. Kasalukuyan na sila nitong nasa kabilang bahagi ng malawak na bulwagan, malayo na mula sa kinaroroonan kanina nila Alessandro. Ilan lang din ang mga bisitang nasa ibayo nila dahil bahagyang nasa sulok na iyon ng venue. Sky let out a soft sigh. “Dad, I did try to find you a while ago but I couldn’t. Ikaw ang bigla-bigla na lang nawawala at ‘di mahagilap. Where have you been all this time?” In truth, she did look for her father after she went to the lady’s room. She even strained her eyes looking around for him pero hindi talaga niya ito makita. Sa pagkakataong iyon naman din saktong nagtama ang mga mata nila ni Alessandro, and although she did not expect it, nilapitan at kinausap siya ng binata. Kahit pa para sa kanya ay nahahati ang kalooban niya sa saya at sakit sa muli
Alessandro’s P.O.V.“Up until this point, nothing suspicious had been detected.” Pabulong na wika sa kanya ni Ethan.Katatapos lang nitong kausapin si Max na noon ay nakapwesto sa ikalawang palapag kung saan overlooking ang venue. Alessandro could also clearly see the man from where they were standing. Nakatayo ito habang nakakapit sa railings at tinatanaw ang mga nangyayari sa kanila sa ibaba.“Do you think Hector backed out last minute seeing there are too many of our men surrounding the venue?” He heard Ethan ask. Balisa pa nitong palihim na iginala ang pangin sa mga panauhin.Siya naman ay marahang napabitaw nang kanina pa kinikimkim na buntong-hininga. He didn’t like any of these at all. Masyadong tahimik. Masyadong kalmado ang lahat. Biglang bumalik sa isip niya ang dalawang babalang nakasulat sa puting tarhetang nakaipit sa palaso. First, it warned him to be wary with the deliveries coming in and out of the hotel. Hence, Ethan made sure to secure the entrance, exits, and all th
Dear Valued Readers, Hello po ulit sa inyong lahat! Kamusta mustasa aking mga readers? Long time no read sa aking monthly Author's Note. Hehehe well ayun, you're all probably wondering bakit pautay-utay na 'yung pag-a-update ko. Sorry na po... huhuhu busy lang po sa aking other side hustles. Struggle is real pero go lang nang go. Rest assured na tatapusin ko po talaga ang novel na ito. Hehehe excited din akong mapiece together na 'yung mga pangyayari. Alam kong marami rin kayong mga katanungan at masasagot lahat nang iyan sa buwan nang jaraaaaaaaan: HULYO! HAHAHAHAHA omg omg siguro hate niyo na ako... 'wag naman hahaha peace mga kapatid! Sabi nga ni Sky diba, "Kapit lang!" So ayun na nga... give me time and space and the Milkyway charot hahaha nakakapressure and at the same time, nakakachallenge palang isulat ang ending. But I still hope you all like it :) See you soon! Love lots! ~Luna King
Alessandro’s P.O.V.Sinubukan pa niyang tumikhim upang muling ibalik sa dating tono ang boses. Damn it! Umayos ka, Alessandro!“I heard from your father his assistant couldn’t make it.” Sabi na lang niya.Marahang napatango naman ang dalaga. “Yes. Something came up last minute kaya hindi siya makapunta rito. May kinailangan kasi siyang asikasuhin sa Batangas and apparently, it’s one thing that can’t be postponed.”Natigilan naman si Alessandro. He suddenly remembered the property Señor Heneroso owned in Batangas. Sa pagkakatanda niya, may malaking farm doon ang mga manugang nang namayapa nitong asawa. He initial
Ethan’s P.O.V. Ethan felt the sound of the blood running through his veins and the loud thumping of his heart drowned the noise around him. His muddled mind tried its best to remember the background investigation he had once conducted on Sky. How come he didn’t notice it before?! Subalit bigla rin niyang naalalang hindi rin naman kasi siya nagtagal sa naturang paaralan. Siguro ay dalawang taon lang din ang iginugol niya roon dahil iyon nga’t nagtransfer na siya sa isang specialized military school. Kaya siguro hindi na rin iyon pinansin pa nang kanyang isipan… because it was just a minor detail in her past anyway. Isa pa’y ang siniguro niya noon ay kung anong pinagkakaabalahan nang dalaga at pati na rin ang tungkol sa kompanya nang pamilya nito. After all, the Poderoso did fail to get the business
Ethan’s P.O.V.Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Halos sabay din silang kumilos nang kaibigan upang tawirin ang munting espasyo sa pagitan nila upang saglit na magyakapan.“I didn’t know you were home! Ang akala ko nga hindi na kita makikita pa kasi roon sa Canada ka na lang maglalagi.” Aniya rito nang bumitaw na.Mavie laughed at his remark. “Grabe ka naman. Umuwi kaya ako rito three years ago. Sadly, kayo naman ni Alessandro ang hindi ko mahagilap. Nagpunta pa nga ako sa mansyon pero si Nana Leticia lang ang nakausap ko. Sabi pa niya, nasa US daw kayong lahat…”Bigla namang natigilan si Ethan. ‘Di yata’t ang tinutukoy nito ay noong panahong nagpapagaling pa si Alessandro. At natur