Sky rolled her eyes as she was exiting her car, a porsche silver taycan. Kasalukuyang nakaipit sa pagitan ng tainga at balikat niya ang cellphone. “Yes madam. Pupunta po ako later.... Yes, yes, I know... pinaghirapan mo kuno ‘yan.”
Kausap niya sa kabilang linya ang isa sa mga barkada niyang si Chiena. She and her other friends were classmates way back in high school. At kahit pa nagkanya-kanya na sila ‘nung magcollege, they never lost contact. Naging mas close pa nga sila nang mga ito. They make it a point na magkita-kita two or three times a week. To Sky, her friends were the closest she ever got to having siblings.
“Hoy Bruha! ‘Wag na ‘wag niyo akong iindiyanin. Alam niyo namang I went to hell and back para lang makakuha nang mga exclusive invites na ‘to noh!” Paulit-ulit pa na pagpaalala nito.
“I know, pero kahit naman nandun’ kami, I’m sure na kay Pablo naman ang undivided attention mo.” Pagtataray pa ni Sky.
She and all their friends knew that Chiena had always been head over heels for none other than Pablo Michael Esguerro. They knew him since high school at kahit noon pa man, deads na deads na ang kanyang kaibigan dito. And yes, he’s slowly making his name as one of the most sought-after optometrists in the Philippines. Kakabalik lang nito last month galing New York where he got his doctorate degree. Fast-forward, the guy’s friends in high school are throwing an exclusive party in a high-end bar sa Makati. Scratch that, very exclusive at invites only. Nagtataka nga silang magbabarkada kung paano nakakuha itong si Chiena nang invite.
“I need your moral support, guys. He’s always surrounded by she-wolves na ready akong sakmalin anytime.” And oh, she forgot. Her friend was always melodramatic.
For the fifth time, Sky rolled her eyes again. “Oo na.. I’ll be there. Ito nga at ihahatid ko na lang sa Vontillon Corp ang mga papeles for the contract. After we go over the documents at mapirmahan nila, I’ll be out of here in no time.” Mahabang paliwanag niya rito.
Suminghot pa ito kunwari para lang konsensyahin siya. “Okay girl. Good luck! Basta mamaya ah!”
“Kuleeeeet. Now let me concentrate.” Kasalukuyan na siyang nasa lobby nang magpaalam na ito.
Okay, ready set, game face!
….......
Napakuyom nang palad si Sky habang naghihintay sa board room nang Vontillon Corp. Frustrated is an understatement for her right now. Ang inaakala niyang contract signing ay isang malaking miscommunication. She still needed to pass a final screening. Inexplain kanina sa kanila ni Mr. Gatchallian, a middle-aged man na siyang overseer project manager nang Vontillon Corp, na dalawa silang kompanya na pinagpipilian. Apparently, the COO was impressed with both of their presentations and is having a hard time to decide kaya naisipan nitong magconduct pa nang final screening. Madugong pag gigisa ang naghihintay sa kanya.
It was fine with her as she was always prepared. Kahit bumaliktad pa ang mundo, hindi maalis nun’ ang kaalamang she knew the project inside and out. Pero ang ikinakaasar niya ay ang makakabangga niya. Aida Monreal was across the room, smirking at her. She had this air of haughtiness around at para bang siguradong-sigurado ito na makukuha nito ang deal. This woman used to be working for their company. Actually, sabay sila nitong nagsimulang magtrabaho sa Poderoso Design and Builders.
When she started working for her father, she was treated like everybody else. She was interviewed, assessed, and started as a regular employee. No one knew who she was, except for her father, the board of directors, and his secretary who kept a close eye on her progress. The department heads were kept blind upang hindi siya makakuha ng special treatment.
Naassign siya sa Research and Development Department at naging magkatabi sila nang office cubicle ni Aida. They had been friends, shared lunch breaks together, and may times pa nga na they would go out after office hours kasama ang iba nilang katrabaho. Pero sabi nga nila, you should pay close attention to the people who don’t clap when you win.
Silang dalawa ni Aida ang itinuturing na asset nang kanilang team. They would bring fresh and unique ideas and come up with solutions to problems na madali at mabilis maintindihan. However, she got one step ahead of her, got assigned more tasks, and presented more projects that were deal breakers. Within the same year, she was offered a promotion. She didn’t know how, but somehow Aida learned she is the daughter of the company's owner. Nang i-announce ang promotion sa buong team nila, kinongratulate siya nang mga ito, except for Aida who was standing in the corner of the room. Nakangiti ito na parang nang-uuyam.
“Congratulations, dear! Hindi talaga ako mananalo sa’yo, or anyone in this team. Afterall, you are the owner’s daughter! Malamang pinagtatawanan mo kaming mga officemate mo sa tuwing napag-uusapan ang promotion.” Binigyang-diin pa nito ang salitang ‘owner’s daughter’. Natahimik ang lahat dahil sa tinuran nito.
Si Aida naman ay lumakad palapit sa kanya. When she was at earshot, she whispered in her ear. “Savor the moment, princess. You won’t always be on top.” Sinabayan pa ito nang walkout.
That was the last Sky heard from the woman. Hindi na rin ito pumasok kinabukasan. The last information she got was Aida applied at Mckinsey Construction.
“How are you Sky? You look good! Long time no see by the way.” The woman was smiling sickeningly sweet at her. Ngunit hindi pa man siya nakakasagot ay bumaka na naman ang bibig nito.
“Oh how silly! Of course, you're doing great. Alam mo naman pag mayayaman, utos dito, utos dun’.” Tumawa pa ito.
Sky inhaled deeply. Gustong-gusto na niyang lamukusin ang pagmumukha nito. Oh you’re on woman! Ngumiti rin siya nang ubod nang tamis dito.
“Yeah, alam mo na. Always traveling out of the country. I just came back from Paris nga eh just for this project.” And she made a point to check on her nails as if nabobored siya. She knew she was lying. Kung alam lang nitong nanganganak na ang eyebags niya just to perfect this project.
Animo umusok ang bumbumnan nito sa tinuran ni Sky. Aida still thinks of her as a spoilt princess na nagpapanggap lang na masipag. They’d worked side by side. Hindi ba talaga nito kahit kailan nakita na lumaban siya nang patas para sa promotion na ‘yun?
Bumukas ang adjoining door nang board room at muling iniluwa si Mr. Gatchallian. Umupo ito sa kabilang dulo nang meeting room.
“We'll proceed with your presentations. Ms. Monreal, you’re in first.” Binuklat na nito ang files nang McKinsey Construction.
Matalim na tumingin sa kanya si Aida. The woman mouthed ‘Watch and learn’ to her.
…...........
“That’s it for today. We’ll get in touch sa kompanyang mapipili namin. In the meantime, let’s give the board time to decide. Thank you for being here.” Nakipagkamay na si Mr. Gatchallian sa kanila. All the while during the presentation, nakapoker face lang ito. Minsang napapatango and jots something down sa file na pinasa nang presenter. Hindi tuloy niya mawari kung sino ang lamang.
Maayos na siyang nagpaalam rito while Aida was still trying to lick his boot. Nakikita niyang nagpapa-impress pa ito sa project manager. Sky rolled her eyes at nauna nang lumabas. Ayaw niyang makasabay ang babae sa elevator.
Nasa parking lot na siya nang may marinig siyang tumawag sa pangalan niya. It was the last person she wanted to see. She sighed in frustration.
“Yes? May kailangan ka?” Naiirita niyang tanong dito.
“No hard feelings, right?” Aida asked her.
Nagtaka naman siya. “Hard feelings? For what?”
Itinirik nito ang mga mata. “Oh, Sky! We both know ang project ko ang mapipili.” Tumawa pa ito. ‘Yung fake na fake, mas fake pa sa mga gold plated na alahas sa tiyangge.
Sky smiled broadly. ‘Yung ngiti na parang wala siyang pakialam. “Aida, dear, you’re getting way over your head. Baka mamaya niyan magka-hydrocephalus ka na.”
Namula naman si Aida. She could almost see her veins pop. Ngunit binawi kaagad nito ang composure.
“Let’s just see kung sino talaga sa atin ang mas magaling. I know how big of a deal this is for you.” ‘Yun lang at naglakad na ito palayo.
Sky entered her car. Malakas ang naging pagbuga niya nang hininga. It was only past 2 PM pero sobrang drained na siya.
‘Di niya napigilang tingalain ang building nang Vontillion Corp. It was really imposing. Kung titingnan, para itong isang kaharian. Ito na yata ang pinakamalaking building sa buong kaMaynilaan. And they make promising projects too. Kung sana lang ako ang mapili.
Again, she sighed. Nakailang buntong-hininga na ba siya ngayong hapong ito lang? What she’s really wondering though ay kung bakit ang McKinsey Construction ang isa sa mga napili nang naturang kompanya. May mga lumalabas kasi na balita about that company. Iilang beses na ba itong naging front page nang mga tabloids. May pagkashady daw ang mga transactions nito kasama na ang kwestiyonableng tax evasion issues. She knew Vontillon Corp did some background check on every company they do projects with, kaya nga sobrang nagtataka siya.
She was about to start her car’s ignition nang mag ring naman ang kanyang cellphone. When she checked who it was, ‘di niya napigilang mapangiti. Charlie is just the person she needed to talk to.
“Sky I need you!” Urgent nitong saad.
Nagulat naman si Sky sa pambungad nito. Charlie was usually calm and collected. Sa kanilang magbabarkada, ito ang parating chill lang at go with the flow. Not to mention that this chick is always supportive sa lahat nang bagay. Sa lahat means kahit sa mga katangahan. But Charlie gives the best advice all the time. ‘Yung tipong hahayaan ka niyang gumawa ng pagkakamali at matuto on your own rather than smother you with do’s and don’ts. How unsual. Kanina it was Chiena, ngayon naman si Charlie.
“Nasaan ka ba? Tell me what’s wrong?”
Madrama pa itong humugot nang hininga. “Robinson’s Galleria. Outfit.”
It was all Charlie needed to say for her to understand. Bigla naman siyang napatawa. Oh, right! T-shirt, shorts, at maong lang pala ang alam na suotin nang isang ‘to.
“Okay, give me an hour and I’ll be there.” ‘Yun lang at nagdrive na siya.
…......
Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop nang mga oras na iyon. Napagod sila pareho kakahanap nang pwedeng masuot mamaya para sa party. Or more like, napagod siya kakareto nang pwedeng masuot ni Charlie. Parang gusto yata nitong magsuot nang abito sa bar. Sa tuwina ay napapasimangot ito sa mga gusto niyang ipa-fit dito. After a millenia, may nagustuhan rin ito at sa wakas ay heto sila, kasalukuyang nagchichill.
“Saan nga ulit ‘yung venue?” Tanong pa ni Sky.
“The Delirium.” Nilalaro nito ang straw sa inuming frappe.
“Oh...parang bago ‘yung place ah.” Pero saglit siyang natigilan. It sounded familiar. Saan nga ba niya narinig ang pangalan na ‘yun?
Napabuntong-hininga ang kaibigan niya. And then it clicked! O to the M to the G! ‘Di nga!
Excited siyang napatingin rito. “Seriously?! Sa bar na pag-aari ni Chase?!”
“Lakasan mo pa para marinig nang madla.” Napapailing naman na turan ni Charlie. Tila balewala rito iyon. What the hell am I missing here?
“Oh eh ba’t parang ‘di ka excited? I’m sure Chase will be there. Malalaking bisita ang nandun’. He has to be there to make connections.”
“He’s going to be there, alright. He’s the host.” Malamya at walang ganang tugon nito.
“Host?! That means nasa circle of friends siya ni Pablo? What? How come?”
Charlie sighed. “He’s that opto who operated on Chase nang nasa US pa siya. They met there and became good friends. Like really good friends.”
“So, friends si BFF mo sa hardcore crush nitong si Chiena? Does she know? Oh...Oh...Oh! Is it what I think it is?” Mulagat na napatingin si Sky sa kaibigan. Realization dawned upon her.
“Chiena knows. Si Chase pa mismo ang nagbigay sa kanya nang ticket. And the catch is, I should be there with you guys.” Nakasimangot na ito ngayon.
Napapalatak siya. It confirmed her thoughts. Wow! Way to go Chase! OMGeeee! Kilig ako! Chase knows na hindi makakatanggi si Charlie kapag ang matalik na kaibigan na nito ang humingi nang pabor. It’s one of Charlie’s weaknesses.
Pakiramdam ni Sky ay tila umuusbong na ang mga lovelife nang dalawa niyang kaibigan. And to think na magkakaibigan lang ang mga lalaki sa buhay nang mga ito. Small world indeed! Samantalang siya ay mananatiling malamig na unan pa rin ang kayakap sa mga susunod na taon. Insert sad face.
Uungkatin pa sana niya ang mga detalye nang tumunog ang kanyang cellphone. It was a message from her assistant. May mga gusto raw itong papirmahan sa kanya regarding another project. Mabilis siyang nagreply na on the way na siya pabalik.
“As much as I want to drill you with questions, kailangan ko nang bumalik sa office. They need me there.” Pinulot na niya ang kanyang phone at wallet.
Niyakap naman siya ni Charlie. She knew something was up pero mamayang gabi na lang sila magchichika. Excited na siyang gisahin ito. “Ingat ka Sky. See you later!”
“Yeah, you too. See you!” Iniwan na niya ito sa coffee shop at nagmamadali tinungo ang parking area.
Eksaktong kalalapag pa lang ni Sky nang kanyang bag sa table nang magring ang intercom niya sa lamesa. She knew right away the call came from her father’s office. “Yes, Bernard?” Ito ang halos dalawampung taon nang secretary nang kanyang ama. Itinuturing na rin niya itong parang tiyuhin. He was there when his father or mother couldn’t pick her up in school kapag kapwa busy ang mga ito. “Ms. Sky, you are requested at your father’s office.” May nahihimigan siyang kung ano sa boses nito. Nagtataka man ay inignora niya iyon. Kakamustahin na lang niya ito pagkatapos nilang mag-usap nang kanyang ama. “Okay, I’ll be there in ten minutes.” Iyon lang at nagpaalam na siya. She freshened up and went out to ride the elevator. Nasa pinakataas na palapag ang president’s office. Para siyang nasosuffocate kapag papunta siya roon. Exclusive kasi ang buong floor para rito. Ang tanging bubungad lang sa’yo ay ang office table nang secretarya nito na nasa kanang bahagi at ang visitor’s lounge
Malakas ang buhos ng ulan ng bumaba siya mula sa bus. Pailan-ilan lang din ang dumadaang mga tricycle at lahat pa iyon ay punuan. Kung wala mang sakay ang iba ay sinasabihan lamang siyang pauwi na ang mga ito at ‘di na bibiyahe dahil nga sa magagabi na at masama pa ang panahon. Buti na lamang at malaki-laki rin ang bus station na iyon at may bubong pa. Kung hindi ay paniguradong basing-sisiw siya ngayon. Ang lamig naman. Napahinga na lang siya ng malalim at ‘di napigilang manginig. Sky hugged herself at mas lalo pa niyang tinaasan ang pagkakazipper nang kanyang jacket. Blessing in disguise talaga na nahablot pa niya ito mula sa cabinet. Hindi napigilan nang dalaga na igala ang paningin. Probinsyang-probinsya talaga ang dating ng lugar. Tantiya niya ay nasa tatlo o apat na metro lang ang lapad nang malubak na kalsada. May mga parte namang nanatiling matino pa rin ang semento, ngunit animo isang dekada na nang huling makatikim ito nang road repair. May mga malalaking puno sa gilid n
It was already Lily’s third week in San Bernardino. Kay bilis lang nang paglipas nang mga araw. Ni hindi nga niya napansin na ganoon katagal na pala siyang namamalagi roon. Sa loob ng maikling panahon ay halos nakagaanan na niya ng loob ang mga taga-roon. At home na siya sa mga ito, lalo na sa kanyang mga kapitbahay. She lived a simple life every day. Napag-alaman din niyang dalawang bahay lang pala ang pagitan nila ng matandang mag-asawang tumulong sa kanya. Hayun at nakilala din niya ang anak ng mga itong si Maymay. Maymay was cute and funny. Napakadaldal nito at napakajolly kaya kaagad niya itong nakagaanan ng loob. Para itong nawalay niyang kapatid at halos araw-araw ay bumibisita ito sa kanila ni Aling Nelia. Sa katunayan nga ay maaga sila nito ngayong gumising upang magkasamang mamalengke. Pero ang ipipinagtataka niya ay ang pagkukumahog nitong makaalis sila kaagad. “Ate Lily! Ate Lily! Dali na, mauna na tayo kina Nanay at Tatay. Sus! Matagal pa ang mga iyon.” Natawa siya
Dinala si Lily ng kanyang mga paa sa lilim ng isang mayabong na punong mangga malapit sa tabing ilog. The place was her favorite hangout spot tuwing hapon. The view was at least a seven-meter-wide river na kapag diniresto mo sa pamamangka ay konektado mismo sa karagatan. Ito rin ang isa sa mga pinagkakakitaang kabuhayan ng mga taga San Bernardino na kung saan pangingisda ng tilapia ang numero unong produkto. Magkagayon man ay napakapayapa ng lugar at disiplinado ang mga tao. Kumpara sa mga nakikitang niyang ilog sa Maynila na may mga lumulutang na kung anu-ano, ang ilog dito ay napakalinis at nagmumula pa mismo sa mga kabundukan. Animo krystal ito sa kanyang paningin na kumikinang dahil sa pagtama ng sinag ng araw dito. Nakakadagdag pa sa kapayapaan ng lugar ang huni ng mga ibong nag-aawitan sa mga puno. This is the life… So peaceful…
Kapwa hirap si Lily at Maymay sa pagbibitbit ng kanilang mga pinamili mula sa palengke. Isang sapad ng saging saba at isang basket na puno ng isdang tilapia ang dala-dala ni Lily samantalang sampung kilong bigas naman ang kay Maymay. “Oh my gas-bigas! Anak ng tilapia naman oh! Ang layo na ng nilakad natin wala pa ring tricycle na nagpapasakay.” Reklamo ulit ni Maymay. Maya’t-maya ang ginagawa nitong pagsusumpa sa mga tricycle na dumadaan ngunit tumatangging pasakayin sila. Ang iba kasi ay may mga karga ring samu’t-saring gulay at kakanin habang ang iba naman ay pakiyawan ang biyahe. Si Lily man ay nahihirapan na rin sa bigat ng mga dalahin. “Dalawang araw na lang kasi at fiesta na. Baka kagaya natin, last minute na pagbili na rin ang ginagawa ng ilan.”
Masaya pa silang nagtatawanan nang lalaki habang naghahabulan. Akmang babatuhin pa sana ni Lily si Miguel nang napitas nitong bunga nang amorseko. “Hooooy kayong dalawa!” Napatigil silang pareho ng marining ang sumita sa kanila. Nagkatinginan pa sila ni Miguel dahil ‘di nila namamalayang nasa harapan na pala sila ng bahay nina Aling Merlinda. Parehong nasa may tarangkahan ng bahay sina Kaloy at Maymay. Kapwa makahulugan ang mga ngiting ipinupukol ng dalawa sa kanila. Pasimpleng tumikhim si Maymay. “Kuya Miguel, Ate Lily, ah ano kasi inimbitahan ni Nanay si Kaloy na dito na lang maghapunan kasama namin.” Siniko pa nito ang katabing binata. “O – O
Malakas na hiyawan nang mga tao ang nauulinagan ni Lily habang papalapit sa may tabing-ilog. Kasalukuyang ginaganap dito ang boat race na kasama sa palaro ngayong pista. Hindi magkamayaw ang mga tao lalo na ang mga kababaihan. May ibang halos himatayin na sa kakasigaw. She rolled her eyes. Syempre dahil ‘yun kay Miguel na kasalukuyang kalahok sa laro. I mean, who wouldn’t scream their guts out? The guy was half-naked at tanging jersey shorts lang ang suot. Mabilis at may kasiguruhan ang mga kilos nito habang patuloy sa pag sagwan. Mukhang ito pa yata ang nangunguna. Papaikot na ito sa poste nang kawayan at pabalik na sa starting point. With every move he made makes his rippling muscles more evident. Klarong-klaro ang mala-adonis nitong katawan na well-sculpted. Ba’t ganun’? Wala siyang bilbil?
“...tapos ayun… iniwan ko siyang nakabulagta sa kalsada…” Nagulat pa si Lily sa ginawang pagtawa nang kanyang kasayaw. Pilit siyang ngumiti rito ngunit ang totoo’y wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit pangalan niya? Uhh.. Alvin? Ben? Mark? Sa dami nang naging kapareha niya nang gabing iyon, ni isa sa pangalan nang mga lalake ay wala na siyang maalala. Pakiramdam niya, napapaltos na rin ang kanyang mga paa. Wala pa siyang pahinga simula pa kanina dahil sa tuwing tatangkain niyang magpaalam sa isang kasayaw, may susulpot na namang bago. Nahihiya naman siyang tanggihan ang mga ito. Weh? Nahihiya o may gusto ka lang pagselosin? Pasimple niyang
Sky’s P.O.V.Sky couldn’t believe her eyes as she stared at the man in front of her. No wonder he looked somewhat familiar! Because the more she stared at him, the more she realized the similarities he had with Alessandro. Both men clearly shared the same proud and pointed nose. At tulad ng binata ay nagtataglay din ito ng mga matang nangungusap at mamula-mulang malahugis-pusong labi. Are all men born from Vontillon lineage this perfect? But didn’t they say he’s over mid-fifties or something? Bakit tila yata nasa kwarenta pa lang ang edad nito? No! In fact, he could even pass for someone who’s in his late thirties! Hindi tuloy niya mapigilang mapatitig dito ng matagal. Ikiniling naman ng lalaki ang ulo nito habang halata sa anyo ang pag-aalala. “Is there something wrong, Ms. Bustamante? Nahihilo ka na naman ba?”Napakurapkurap naman siya habang pilit na ibinabalik sa tamang huwisyo ang isipan. Maagap din niyang tinanggap ang nakalahad pa rin nitong kamay subalit dahil sa pagmamadal
Sky’s P.O.V. Sky could feel her eyes shimmer as she stared at the last piece of the strawberry shortcake. She was already in for her second round of dessert at ngayon ay napupusuan niyang subukan sana ang naturang cake. It was supposed to be her first choice a while ago ngunit naagaw ang kanyang atensyon ng mga macaroons na naroon kaya iyon na muna ang inuna niya. Tutal naman kanina lang ng tingnan niya iyon ay mayroon pang tatlong cake ang nakahain kaya’t naisip niyang balikan na lamang ang mga iyon. Subalit heto nga’t nag-iisang slice na lamang pala ang natitira and she wasn’t sure if there was another refill for it. She was about to reach for the cake spatula ng may isang kamay ang naunang umabot niyon at mab
Sky’s P.O.V. Tigalgal na napatitig si Sky sa kanyang ama. She must’ve misheard him, right? Surely her father has not yet gone senile! Sa laki ba naman ng pagod at paghihirap na pinagdaanan ng kanilang kompanya para lang makuha ang mga naglalakihang kontrata mula mula sa Vontillon Corp, hindi siya makapaniwalang ganoon at ganoon na lang ito papakawalan ng kanyang ama!“W-What do you mean, Dad? W-Why would you want to cut ties with the largest company in the country?” Puno ng pagkalitong tanong niya.Her father had a hard look on his face as he stared at her. Wari ba may kung anong mabigat na alalahanin ang nasa isip nito at tila maigi pa nitong pinag-iisipan kung sasagutin ba siya nito o hindi. Bandang huli ay napabuga na lang ito ng isang malalim na buntong-hininga bago tumuwid muli ng tayo.“I no longer see any reason why we should still continue our partnership with them.” Maikli lamang ang tugon nitong iyon ngunit bakas mula sa bawat katagang binitawan ng kanyang ama ang pinalida
Sky’s P.O.V.“What are you doing? Did I not tell you not to leave my side?” Matigas ngunit mahinang turan kaagad ng kanyang ama ng harapin siya. The volume of his voice was enough for just the two of them to hear. Kasalukuyan na sila nitong nasa kabilang bahagi ng malawak na bulwagan, malayo na mula sa kinaroroonan kanina nila Alessandro. Ilan lang din ang mga bisitang nasa ibayo nila dahil bahagyang nasa sulok na iyon ng venue. Sky let out a soft sigh. “Dad, I did try to find you a while ago but I couldn’t. Ikaw ang bigla-bigla na lang nawawala at ‘di mahagilap. Where have you been all this time?” In truth, she did look for her father after she went to the lady’s room. She even strained her eyes looking around for him pero hindi talaga niya ito makita. Sa pagkakataong iyon naman din saktong nagtama ang mga mata nila ni Alessandro, and although she did not expect it, nilapitan at kinausap siya ng binata. Kahit pa para sa kanya ay nahahati ang kalooban niya sa saya at sakit sa muli
Alessandro’s P.O.V.“Up until this point, nothing suspicious had been detected.” Pabulong na wika sa kanya ni Ethan.Katatapos lang nitong kausapin si Max na noon ay nakapwesto sa ikalawang palapag kung saan overlooking ang venue. Alessandro could also clearly see the man from where they were standing. Nakatayo ito habang nakakapit sa railings at tinatanaw ang mga nangyayari sa kanila sa ibaba.“Do you think Hector backed out last minute seeing there are too many of our men surrounding the venue?” He heard Ethan ask. Balisa pa nitong palihim na iginala ang pangin sa mga panauhin.Siya naman ay marahang napabitaw nang kanina pa kinikimkim na buntong-hininga. He didn’t like any of these at all. Masyadong tahimik. Masyadong kalmado ang lahat. Biglang bumalik sa isip niya ang dalawang babalang nakasulat sa puting tarhetang nakaipit sa palaso. First, it warned him to be wary with the deliveries coming in and out of the hotel. Hence, Ethan made sure to secure the entrance, exits, and all th
Dear Valued Readers, Hello po ulit sa inyong lahat! Kamusta mustasa aking mga readers? Long time no read sa aking monthly Author's Note. Hehehe well ayun, you're all probably wondering bakit pautay-utay na 'yung pag-a-update ko. Sorry na po... huhuhu busy lang po sa aking other side hustles. Struggle is real pero go lang nang go. Rest assured na tatapusin ko po talaga ang novel na ito. Hehehe excited din akong mapiece together na 'yung mga pangyayari. Alam kong marami rin kayong mga katanungan at masasagot lahat nang iyan sa buwan nang jaraaaaaaaan: HULYO! HAHAHAHAHA omg omg siguro hate niyo na ako... 'wag naman hahaha peace mga kapatid! Sabi nga ni Sky diba, "Kapit lang!" So ayun na nga... give me time and space and the Milkyway charot hahaha nakakapressure and at the same time, nakakachallenge palang isulat ang ending. But I still hope you all like it :) See you soon! Love lots! ~Luna King
Alessandro’s P.O.V.Sinubukan pa niyang tumikhim upang muling ibalik sa dating tono ang boses. Damn it! Umayos ka, Alessandro!“I heard from your father his assistant couldn’t make it.” Sabi na lang niya.Marahang napatango naman ang dalaga. “Yes. Something came up last minute kaya hindi siya makapunta rito. May kinailangan kasi siyang asikasuhin sa Batangas and apparently, it’s one thing that can’t be postponed.”Natigilan naman si Alessandro. He suddenly remembered the property Señor Heneroso owned in Batangas. Sa pagkakatanda niya, may malaking farm doon ang mga manugang nang namayapa nitong asawa. He initial
Ethan’s P.O.V. Ethan felt the sound of the blood running through his veins and the loud thumping of his heart drowned the noise around him. His muddled mind tried its best to remember the background investigation he had once conducted on Sky. How come he didn’t notice it before?! Subalit bigla rin niyang naalalang hindi rin naman kasi siya nagtagal sa naturang paaralan. Siguro ay dalawang taon lang din ang iginugol niya roon dahil iyon nga’t nagtransfer na siya sa isang specialized military school. Kaya siguro hindi na rin iyon pinansin pa nang kanyang isipan… because it was just a minor detail in her past anyway. Isa pa’y ang siniguro niya noon ay kung anong pinagkakaabalahan nang dalaga at pati na rin ang tungkol sa kompanya nang pamilya nito. After all, the Poderoso did fail to get the business
Ethan’s P.O.V.Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Halos sabay din silang kumilos nang kaibigan upang tawirin ang munting espasyo sa pagitan nila upang saglit na magyakapan.“I didn’t know you were home! Ang akala ko nga hindi na kita makikita pa kasi roon sa Canada ka na lang maglalagi.” Aniya rito nang bumitaw na.Mavie laughed at his remark. “Grabe ka naman. Umuwi kaya ako rito three years ago. Sadly, kayo naman ni Alessandro ang hindi ko mahagilap. Nagpunta pa nga ako sa mansyon pero si Nana Leticia lang ang nakausap ko. Sabi pa niya, nasa US daw kayong lahat…”Bigla namang natigilan si Ethan. ‘Di yata’t ang tinutukoy nito ay noong panahong nagpapagaling pa si Alessandro. At natur