KUMUHA SI BETHANY ng bulak at binuhusan ito ng alcohol upang simulang linisan ang palibot ng sugat. Matapos na linisin ito ay nilagyan na iyon ng gasa matapos na patakan ng ilang patak ng betadine. Sa dalas ng bawat kurap ng mga mata ay kitang-kita na nasasaktan na roon si Gavin, subalit tinitiis niya lang iyon. Hindi siya pwedeng sumigaw. Hindi niya pwedeng iparinig kay Bethany ang magiging reklamo niya dahil paniguradong wala naman itong magiging pakialam gaya kanina. Doble-doble lang ang sakit na mararamdaman niya. Makailang beses na gumalaw ang adams apple niya. Hindi naman nakaligtas iyon sa paningin ni Bethany na natatawa na lang sa itsurang ipinapakita ni Gavin. Oras na magreklamo ang binata, malilintikan ito sa kanya. Bigla niyang naalala na gumagawa lamang ang binata ng hindi mapigil na mga ungol ng pagnanasa kapag nakikipagtalik ito sa kanya. At ang ilang mga beses na iyon ay biglang bumalik sa kanyang isipan. Napakagat na ng labi si Bethany. Pilit itinataboy papalayo ang ka
NAGTAMA NA ANG mga mata nina Bethany at Gavin. Ang dalaga ang unang nag-iwas sa kanya nang hindi niya na matagalan ang paninitig ng binata sa kanya. Hindi na siya komportable. Para siyang ice cream na tinutunaw nito. Kitang-kita na rin niya ang lantarang bumalatay na awa sa mga mata ni Gavin. Marahil ay iniisip nitong pinagsisisihan na niya ang naging desisyon niya. May kurot, pero desidido pa rin siya dito.“Pupunta na ako ng kusina. Ano bang pagkain ang gusto mong lutuin ko?” tila mauubusan ng oxygen sa katawan na tanong ni Bethany, pilit niyang pinakalma ang timbre ng kanyang boses para hindi pumiyok.“Chicken stew.” diretsong sagot ni Gavin sa kanya na hindi inaalis ang kanyang mga mata.“May mga ingredients ka ba sa fridge kagaya ng sayote?” “I-check mo na lang kung meron. Sa pagkakaalam ko marami pang natira noong nakaraang grocery.” Halos lumipad na si Bethany patungo ng kusina upang makawala na siya sa kakaibang tingin ni Gavin. Baka mamaya kapag hindi pa siya aalis doon ay
NAHAGOD NA NG daliri ni Gavin ang kanyang baba habang nakaburo pa rin ang mga mata sa dalaga. Ilang sandali pa ay napaawang na ang bibig niya. Napailing-iling na rin doon ang abogado. Kung ano ang gaspang ng ugali ni Bethany nang gising ito ay siya namang amo nito habang natutulog. Gumalaw na ang adams apple niya. Dinidemonyo siya ng kanyang isipan na may gawin sa dalaga, ngunit kailangan niyang pigilan iyon at baka hindi lang injury sa noo ang abutin niya oras na magising niya ito. Matapos na huminga nang malalim ay pumasok na siya sa kwarto, kinuha ang makapal na comforter niya doon at pahagis na ibinato iyon sa katawan ng dalaga. Hindi noon nagising si Bethany kung kaya naman walang choice si Gavin kung hindi ang lumapit dito ay ayusin ang pagkakalagay noon sa katawan. “Kung hindi lang kita mahal, hinayaan kong manigas ka sa lamig.” anang binata habang ginagawa iyon, ilang beses niyang sinulyapan ang mukha nito particular na ang labi nitong ilang beses siyang inaanyayahan na abuti
NAPABALIKWAS NA NG bangon si Bethany nang pagdilat ng kanyang mga mata ay makita niyang nasa loob siya ng pamilyar na silid ng abogado. Napahawak pa siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng hilo sa ginawa niyang biglaang bangon. Agad niyang tiningnan ang kanyang katawan na may saplot pa naman. Gayunpaman ay hindi pa rin nawala ang matinding pagdududa sa isipan niya. Paano kung binihisan lang siya ni Gavin matapos na angkinin? Kailangan niyang maalala kung ano ang mga nangyari. Natatandaan niya na sa sofa siya nahiga. Iyon ang huling alaala niya bago makatulog. Pinakiramdaman niya pang mabuti kung masakit ba ang kanyang pagkababae, kung may sign na sinalbahe ito ngunit wala rin naman. Ibig sabihin lang ay walang nangyari sa pagitan nila ni Gavin kahit na doon siya natulog sa loob ng silid nila.“Binuhat niya siguro ako. Imposible naman kasi na kusa akong nag-sleep walking papasok dito. Hindi ko iyon gagawin.” pagtatanggol niya sa sarili dahil sure siya na hindi siya ang nagkusang magtung
NAGMAMADALING NALIGO ANG dalaga pagdating ng apartment niya. Dumaan na lang din siya sa isang fast food chain upang mag-take out ng kanyang almusal at sa loob na lang niya ng sasakyan iyon kinain. Habang patungo sa music center ay tinawagan niya si Miss Gen upang sabihan itong baka before lunch na siya makarating nang dahil sa biglaang pagkaipit niya sa matinding traffic. “Naiintindihan ko Miss Guzman, take your time. Maaring napagod ka kasi kagabi.” Alam ni Bethany kung ano ang kahulugan ng patutsadang iyon ng babae ngunit hindi na lang niya ito pinatulan. Wala siyang panahon para patulan siya dahil gusto na nga niyang kalimutan ang nangyari. “Pasensya ka na kung hindi ko nagawan ng paraan kagabi na hindi ka niya matangay.” Nakagat na ni Bethany ang labi. Bumabalik kasi sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila kagabi. “Ayos lang, Miss Gen…” Pagkababa ng tawag ay naipiling na lang ni Bethany ang kanyang ulo. Natatawa na sa naiisip niya. “Mali ang pagkakaintindi ni Miss Gen.
NILINGON NI BRIEL ang ina na nakatingin din sa kanilang banda. Sinundan naman iyon ng tingin ni Bethany kahit na nababalot na siya ng hiya ng mga sandaling iyon. Iniisip na hindi naman siguro nagsumbong si Gavin sa kanila ng tungkol sa away nila kung kaya naroon ang mag-ina ngayon upang kumbinsihin siyang makipagbati sa kanya. Hindi ganun kababaw ang abugado na magpapakampi sa kanila at hihingi ng saklolo dahil sa pagmamatigas niya pa rin. Prenteng nakaupo na ang Ginang ngayon sa sofa na abala na ang mga matang lumilibot sa paligid. Walang anu-ano ay pahaklit na kinuha ni Briel ang isang kamay ni Bethany at hinila na ang dalaga palapit sa kanyang ina. Tututol pa sana doon ang dalaga ngunit sa lakas ni Briel, hindi niya na nagawang umangal at pa nagpabigat ng kanyang katawan para di madala.“Halika, sasabihin ko sa’yo ang dahilan bakit kami napasugod dito ngayon ni Mommy.” Hinayaan ni Bethany na hilahin siya ni Briel. Napilitan na siyang maupo sa harap ng mag-ina na ang mga mata ay pa
NAPALINGON NA SI Bethany sa Ginang. Iyon ba? Iyon ba ang plano ni Gavin kaya pinapunta sila rito? Mababakas na ang pag-aalinlangan sa mukha ng dalaga kung sasagot ba siya sa Ginang o hindi. Sa bandang huli minabuti na lang niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya. Kailangan din naman niyang mailabas ang side niya. Hindi iyong puro side lang ni Gavin ang alam nila sa kanilang problema. “Tita, pasensya na po pero ang totoo po niyan—” “Alam namin, Bethany.” agad na pagputol sa kanya ni Briel, alam nila? “Alam namin ni Mommy na hindi pa kayo umaabot sa puntong mag-uusap tungkol sa kasal pero what if magpakasal na lang kaya kayo para naman hindi na kayo nagbabangayan. Itali niyo na sa bawat isa sa mga sarili niyo. Problem solved!”Napaawang na ang bibig ni Bethany. Mukhang na-misunderstand na naman ng mag-ina ang sasabihin. “Doon din naman kayo papunta. Ayos lang naman sa akin na mauna na kayong magpakasal sa amin kahit pa mas nauna akong ma-engaged. Panganay si Kuya Gav sa akin at
SINUNOD NI BETHANY at ni Briel ang utos ng Ginang. Magkaharap silang naupo na sa table at dinampot ang menu ng naturang restaurant. Hindi naman nagtagal at nakapili na sila ng pagkain. Dahil kilala na sila ni Bethany ay hindi na nakaramdam ang dalaga ng anumang pagkailang sa kanilang mag-ina. Parang normal na lang ang makasalo sila sa kabila ng lagay ng relasyon na meron sila ni Gavin ngayon. Maliit ng napangiti ang dalaga. Batid niyang naging bahagi na ng buhay niya ang mag-ina at hindi na mai-aalis pa. Habang naghihintay ng kanilang order na dalhin sa table nila ay pinagsalikop na ni Briel ang mga palad.“Bethany, may tsismis ako.” pagbubukas ni Briel ng kanilang usapan na pinalo pa ang isang braso ng dalaga, “Sinamantala ng producer fiancé ni Nancy sa Canada ang kanyang pagbabalik dito sa bansa para makipagrelasyon sa isang batang modelo doon sa Canada. Iyon ang naging ganti ng lalaking iyon sa pagpili ni Nancy sa kanya kumpara sa kay Kuya Gav na matagal na niyang kasintahan.” kwen
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P