PROBLEMADO ANG MUKHANG naiwan si Gavin sa harapan ng elevator. Naihilamos na niya ang mukha na para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Ilang beses niyang pinalo gamit ang kamay sa pintuan ng sumarang elevator upang doon ibunton ang kanyang nag-uumapaw na galit. Wala na. Iniwan na siyang tuluyan ng dalaga. Kung hindi lang dumating si Nancy, malamang ay naayos na nilang dalawa ang away nila. Umiigting ang panga at parehong nakakuyom ang mga kamaong bumalik ng bahay niya si Gavin. Naabutan niya si Nancy na naroon pa rin. Matamang nakatayo. Hinihintay siya na makabalik doon. “Gavin—”“Ano ba kasing ginagawa mong punyetang babae ka dito?!” muling sigaw niya na bumasag sa katahimikan ng bawat sulok ng hallway, halos lumuwa na ang mata niya sa matinding galit. “Bobo ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa’yo kagabi? Ayaw na kitang makita! Huwag ka ng magpapakita pa sa akin! Di ba?!”Napalunok na ng laway si Nancy. Noon lang niya nakitang magalit si Gavin sa kanya nang ganito ka
SINALUBONG NG NAKAKABINGING katahimikan ang buong paligid. Diretsong nagtungo si Gavin sa kusina matapos na makapasok sa loob ng bahay. Nanlumo na naman siya nang makita ang mga pagkain na ipinadala ng kanyang ina na para sana sa kanila ni Bethany. Kaninang umaga pa iyon. Lumamig na nga. Ang buong akala niya ay pagsasaluhan na nila ito at iyon ang magiging dahilan upang magkaayos sila. Napahilot na siya sa kanyang sentido nang maalala ang mga ginawang paninira ni Nancy at ang katigasan naman ng ulo na ipinamalas ni Bethany. Halos favorite pa naman ang lahat ng iyon ng dalaga. Humigpit na ang hawak niya sa sandalan ng upuan. Anong gagawin niya ngayon sa mga pagkain? Alangan namang itago niya pa? O kung hindi naman ay kainin niyang mag-isa? Hindi niya iyon makakayang lunukin.“Ano pang silbi niyo?! Pasensya na kung itatapon ko kayo.”Walang pakundangan na pinagkukuha iyon ni Gavin at dinala lahat sa lababo. Matapos na tanggalin ang sabaw at itapon, puno ng hinanakit na pinaghahagis niya
SA PAGBABALIK NI Miss Gen sa table ay nasabi nitong pumayag ang lalaki sa kanyang suggestions. Ikinatuwa nila iyong dalawa. Syempre, iyon ang naging basehan nila upang sabihin na malinis ang hangarin ng lalaki sa gagawin nitong pag-i-invest ng malaking halaga.“Pinapunta ko na lang siya dito, Bethany. Sabi ko kasi ay busy ka at hindi natin siya maaaring i-meet sa labas. Siya na ang mag-adjust. Around the area lang naman daw siya, kaya sabi ko drop by na lang.”“As in ngayon na?” tanong ni Bethany na napatayo na sa kanyang upuan, nagulat sa sinabi nito. “Oo, sabi niya.”Hinagilap ni Bethany ang make up pouch niya upang mag-retouch. Malapit na ang uwian noon kaya naman hulas na ang hitsura niya. Lapse na ang make up na kanyang suot. Kailangan niyang patungan. Ilang sandali lang ang hinintay nila at huminto na sa parking area ang sasakyan ng lalaki. Magkasama na winelcome sila ng dalawa. Saglit na nag-usap tungkol sa magiging kasunduan nila as partner in business“Nabalitaan din namin n
ISANG ITALIAN RESTAURANT ang pinili ni Patrick para sa kanilang magiging dinner ni Bethany. Halos mapatalon siya sa galak nang biglang pumayag ang babae. Ang buong akala niya pa ay decline na naman nito ang invitation niya, hindi niya sukat-akalain na papayag na ito sa araw na iyon. Sobrang pinaghandaan niya ang gabing iyon. Kailangan niyang magpa-impress sa dalaga. Baka sakaling mabago niya ang pananaw ni Bethany. Iyong tipong magkaroon ng himala na magustuhan na siya ng dalaga ngayon.“Pagkakataon ko na ito, palalampasin ko pa ba? Syempre hindi. Gagalingan ko na ngayon para naman makuha ko ang loob ni Bethany. Hindi masamang sumubok. Hindi masamang gawin ko ang lahat.”Eksaktong alas-otso naman nang dumating ang dalaga sa parking area ng restaurant na sinabi ni Patrick sa kanya kung saan siya dapat pumunta. Hindi muna pumasok si Patrick sa loob ng resto, hinintay niyang dumating ang sasakyan ng dalaga sa parking lot. Inihanda na rin niya ang bouquet na pinagawa niya pa. Nang matanaw
PAHAPYAW NA SINAMAAN na si Patrick ng tingin ni Gavin. Puno iyo ng lihim na pagbabanta sa kanya. Ngumisi lang doon si Patrick dahil nakita niya kung gaano sobrang naaasar na sa kanya ang abogado. Ilang segundo rin silang magkatitigan. Animo nagsusukatan kung sino ang unang susuko at magbibigay. Sa puntong iyon ay napansin na rin ng matanda ang tensyon sa kanilang pagitan at ang presensya ng dalagang wala pa ring imik na bahagyang nakayuko ang ulo. Salit-salitan silang tatlo na tiningnan nito.“Sino ang babaeng kasama mo, Patrick?”Magkaaway ang dalawa kaya naman hindi magawang ipagmalaki ni Gavin na girlfriend niya ang babaeng ito saka baka mamaya kapag sinabi niya ay baka biglang umalma ang dalaga. Isa pa, bakit si Patrick ang tinatanong ng matanda? Hindi ba halatang mas kilala niya ang dalaga kumpara sa lalaking kasama nito? Pilit na siyang ngumiti. Nadagdagan pa ang inis ng abogado. Akmang sasabihin niya pa rin na girlfriend niya ito nang biglang sumagot si Patrick gamit ang napaka
MULA SA MENU na tinitingnan ay napaangat na ang mga mata ni Bethany sa kaharap na lalaki. Alam niya kung sino at ano ang tinutukoy nito sa mga sandaling iyon. Hindi siya naglakas ng loob na lingunin si Gavin at baka hindi niya matagalan kung ano ang klaseng mga paninitig ng binata. Isa pa, hindi porket ganito ang asta niya ay magbabago na muli ang lahat at babalik iyon sa dati. Malalim ang pinaghuhugutan niya kasi. Siguro kung hindi niya nakitang yakap nito si Nancy, baka may pag-asa pang umayos agad sila.“Tapos na kami, Patrick, kaya hindi na kailangang pag-usapan pa ang mga bagay na ito.”Iginalaw na ni Patrick ang kanyang balikat. Medyo napahiya ngunit, nagpatuloy pa rin naman.“Pero mahal mo pa rin naman. Huwag mong itanggi. Kitang-kita sa mga mata mo. Wala na ba talagang pag-asa na maayos pa ang relasyon niyo? Alam kong wala ako sa posisyon para makialam, pero kung tungkol lang iyon sa past na relasyon ni Gavin, ang babaw mo naman. Past na nga. Nakaraan na—”“Wala kang alam, Pat
TINULAK NA NI Bethany pabukas ang pintuan ng kotse at pinilit mawalan ng emosyon ang mukha na nilingon na ang naghihintay na si Gavin. Umaliwalas naman ang mukha doon ng abogado na umayos na ng tindig nang makita siyang bumaba. Tinapos na rin ang paninigarilyo niya. Pinagmasdan na nang mataman ang mabagal na paglapit sa kanya ng dalagang hinihintay. Sa mga sandaling iyon ay parang nais na niyang tawirin ang kanilang pagitan at salubungin ang dalaga upang mahigpit na yakapin. Miss na miss na niya kasi ito.“Attorney Dankworth, hindi ba at sabi ko sa’yo ay i-message mo na lang ako kapag may kailangan ka? Hindi mo kailangang pumunta pa kung saan ako nakatira.” maagap na turan ni Bethany, ipinaramdam niya sa binata na naiirita siya. “Ako na ang kusang pupunta sa’yo…”Sa halip na sagutin ang hinaing ni Bethany nang maayos ay ikiniling lang ni Gavin ang ulo. Dama niyang hindi pa rin humuhupa ang galit ng dalaga sa kanya kahit ilang araw na ang lumilipas. Mataas pa rin ang level noon at kita
NANUOT NA SA kalamnan ni Bethany ang huling salitang binitawan ni Gavin. Para iyong asido na tinutunaw ang kanyang kalamnan. Kung makapagsalita kasi ito parang wala itong naging kasalanan sa kanya. Marahan niyang kinagat ang labi upang pigilan ang sariling sumabog. Tiningnan siya ng masama.“Ang galing-galing mo namang magsalita. Sa tingin mo ba may pagkakaiba ka sa akin? Wala. Pareho lang tayo. Kung kumapit sa balat ko ang amoy ni Patrick, sa tingin mo hindi kumapit ang amoy ni Nancy sa’yo? Huwag ka ngang magmalinis! Hawak lang ang ginawa ni Patrick sa akin, ikaw? Anong ginawa niyo, ha?”Umangat ang gilid ng labi ni Gavin. Umaalingasaw na naman kasi ang selos ng dalaga sa ex niya. “Talaga? Sa tingin mo? O ‘di sige. Halika, sabay tayong maligo para parehong malinis ang katawan natin.”Umatras si Bethany at pinalo ang kamay ni Gavin na akmang hahawak sa isang braso niya. Natigilan na panandalian dito si Gavin. Nakita niya ang takot na makikita sa mukha ng dalaga sa ginawang paglapit.
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang
HINDI PINUPUTOL ANG halik na binuhat na niya ang katawan ni Briel na wala namang naging anumang angal na nagawa pang buksan ang pintuan ng nasa likod niyang silid. Napalakas pa ang sarado doon nang sipain ni Giovanni na lumikha ng malakas na ingay na wala namang ibang naistorbo maliban sa ilang mga maid na naglilinis ng tirang kalat na kanilang iniwan sa sala ng villa. Napatingala lang sila saglit at kapagdaka ay kibit-balikat na binalewala na lang iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa nila gaya nina Briel at Giovanni na halatang wala ng sinumang makakapigil pa sa kanila. Hindi lang si Giovanni ang nawala sa kanyang sarili, dahil maging si Briel ay lunoy na rin na nagawa ng ipagkanulo ng sarili. Bumagsak sa sahig ang mga butones ng suot na damit ng lalaki ng walang pakundangang hablutin iyon ni Briel. Saglit na tumigil sa ginagawang paghalik si Giovanni na nabaling na ang atensyon sa kulang ay masira niyang polo.“G-Gabriellla—” “Ano?! Hinalikan mo na ako huwag mong sabihin na naduduwag
MAKAILANG BESES NA ibinuka ni Giovanni ang kanyang bibig habang walang kurap na nakatitig sa mukha ni Briel ang mga mata na hindi na pakiramdam niya ay nanghahapdi na. Sa totoo lang ay ang dami niyang gustong sabihin sa babae. Sa sobrang dami nga noon ay hindi na niya alam kung alin ang kanyang uunahin. Napakurap na ang kanyang mga mata, dumalas pa ang kanyang hinga. Hindi pa rin inalis ni Giovanni ang mga mata kay Briel na nanatiling nakatingin sa kanya at halatang naghihintay ng mga magiging sagot niya. Matabang na itong ngumiti pagkaraan ng ilang sandali na hindi pa rin magsalita si Giovanni. Nasa dulo na ng kanyang dila ang mga sasabihin niya, ngunit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung ano ang pumipigil sa kanya. Iyong tipong parang hirap na hirap siyang magsalita at magpakatotoo kay Giovanni. Ipinilig ni Briel ang ulo na para bang wala itong mapapala kahit na sigaw-sigawan niya pa ang lalaking kaharap. Napuno na naman ng pagkadismaya ang buong katawan niya. Umasa na n
BUMUNGISNGIS LANG DOON si Gavin na hinagod na ng isang palad ang kanyang buhok na bahagyang tumakip sa kanyang mukha. Hindi malaman ni Briel kung ano ang pumasok sa utak ng kapatid at nagpahaba ito ng kanyang buhok. Pasalamat din ito na siya ang nasusunod sa kanyang propesyon kung kaya hindi ito napupuna sa bagay na iyon. Kumislap pa ang kanyang mga mata na para bang may naiisip itong nakakakilig dahil halos mapunit ang labi sa ngiti.“Oo naman, Tito. Kayang-kaya ko pa…saka matagal na akong hulog na hulog sa pamangkin mo.” humagikhik pa ito at nagawa pang takpan ang bibig ng kanyang isang palad na para bang kinikilig sa kanyang sinabi, “Kapag narinig ito ng asawa ko baka masundan namin agad si Bryson.” dagdag pa ni Gavin na ikinahalakhak na rin ni Briel habang naiiling. Humahapay na umakyat na si Gavin ng hagdan na halatang mas lalo itong nalasing. Hindi na kailangang sabihan pa si Giovanni na halatang sakto lang ang inom na patakbong hinabol si Gavin upang alalayan itong maayos na m
PARANG SUMABOG NA bombang umalingawngaw sa pandinig ni Briel ang sinabi ni Bethany patungkol sa pagpunta ni Giovanni ng Canada na lingid sa kanyang kaalaman. Bakas na bakas iyon sa mukha niya; ang labis na pagkagulat dito. Ibig sabihin ay hindi aksidente ang pagkikita nilang dalawa. Sinadya iyon ng dating Gobernador kaya sila ay nagtagpo. “Ha? Pumunta siya ng Canada?” naguguluhan na naman niyang tanong na tumayo pa upang harapin ang hipag niya.Bakit hindi niya alam iyon? Bakit sa Hongkong na sila nagkita? Hindi kaya mula Canada pa lang ay sinundan na siya nito patungo sa Hongkong? Bakit hindi niya napansin? Bakit hindi nito sinabi sa kanya noong nasa Hongkong na sila? Napakarami ng kanyang katanungan na alam niyang si Giovanni lang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya.“Oo, hindi mo ba alam?” naguguluhan na rin na tanong ni Bethany sa hipag na hindi na niya mapigilang pagtaasan ng isang kilay, hindi naman ito mapagpanggap kung kaya bakit siya magsisinungaling sa kanya? “Kung ga
MAKULAY, MAINGAY AT naging masaya ang unang Pasko na sama-sama silang nagdiwang nito. Ganun nila ipinagdiwang ang noche buena ng taong iyon. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Giovanni at Briel. Maliit pa man ang kanilang pamilya ay nagkaroon sila ng parlor games per family. Ang mag-asawang Dankworth ang magkakampi. Ang mag-anak nina Bethany at Gavin. Sina Giovanni at Briel kasama si Brian na tanging palakpak lang ang ginagawa upang ipakita na excited siya. At upang mas maging masaya ang kanilang pagdiriwang doon ay sinali nila ang mga tauhan ni Giovanni at ng kanilang mga maid. Halos lahat naman sa kanila ay nakakuha ng prizes at gifts. Sa kanilang lahat, ang sobrang nag-enjoy sa mga palaro nila ay sina Brian at Gabe.“Bilisan niyo na kasing sundan ni Tito si Brian nang may kakampi ka na at hindi ka nang-aagaw ng anak ng iba.” pahaging ni Bethany nang gustong hiramin na naman ni Briel si Bry, hindi niya kasi mauto ang anak na palaging naka-karga
NANATILING NAKATAYO LANG doon si Briel. Pinapanood si Giovanni na kausapin ang kanilang anak na pulang-pula ang mukha bunga ng kanyang pag-iyak. Particular na ang ilong nito. Lumambot pa ang tingin niya sa anak na halatang naghahanap na ng kalinga ng ama niya. Bilang ina, hindi na niya mapigilan na mahabag sa ginagawa ng kanilang anak.“Brian, tama ang Daddy. Magbibihis lang siya sa kabilang silid at babalik din agad dito.” eksena na ni Briel, nagbabakasakaling pakikinggan siya ng kanyang anak tutal siya naman ang palaging kasama at siya ang nagpalaki.Parang walang narinig si Brian na hindi man lang nilingon ang ina. Isinandal pa nito ang ulo sa dibdib ni Giovanni at patuloy na ipinakita ang kanyang mga hikbi. Puno ng pagdududa ang mga mata nitong patuloy na namula pa doon.“O siya sige, sumama ka na sa Daddy mo at iwan mo na ako dito. Hindi mo naman yata ako love eh. Sige na, Gabriano…” Hindi pa rin nag-react doon si Brian kahit na pinalungkot pa ni Briel ang kanyang boses. Nasakta
MATAPOS NA MARINIG iyon ay nilingon na ni Giovanni ang anak na pinaglalaruan na ang toy cars na kanyang pasalubong. Pinapagulong iyon sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan habang panaka-naka ang tingin sa kanya. Tumingin siya ulit sa itaas na palapag ng mansion. Ano kaya at siya na ang umakyat at magsabi kay Briel ng pinapasabi ng ina? Ang lungkot naman kung doon lang din silang tatlo sa mansion kahit pa pagod sa biyahe. Kahit pagod at gusto na rin niyang matulog, syempre gusto rin niyang pumunta ng Batangas para makita ang pamangkin at mga apo dito.“Daddy?” kuha ng atensyon ni Brian kay Giovanni nang mapansin ng bata ang dahan-dahan nitong paghakbang papuntang hagdan upang takasan siya. Puno ng pagiging inosente ang mga matang nagtatanong na iyon. “Where?”Ngumiti lang si Giovanni at namulsa na ang mga kamay. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa anak.“Aakyat lang ako. Pupuntahan ko lang ang Mommy.” Patakbong lumapit na sa kanya ang bata at itinaas na ang dalawang kamay na anim
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili