MALALAKI ANG MGA hakbang at halos magbuhol na ang mga binti na tinungo ni Bethany ang elevator upang agad siyang makaakyat ng penthouse ng binata. Para na siyang kakapusin ng hininga. Hindi niya na gusto ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. May kakaiba sa tibok ng kanyang puso. Bumilis pa ang tibok nito na parang umaakyat na sa kanyang lalamunan habang lulan siya ng elevator. Itinipa-tipa na ng dalaga ang kanyang isang paa habang ang mga mata ay naktuon sa floor na kanilang dinadaanan. Inip na inip na siya. Kumabog pa ang puso niya habang papalapit siya nang papalapit sa palapag ng penthouse. Iyong tipong parang lalabas na iyon sa loob ng kanyang dibdib. Nanlamig na ang kanyang dalawang palad na makailang beses na ipinunas sa suot na damit. Tensyon na tensyon na siya.“Kalma, Bethany, e ‘di sana tatawagan ka na ng kapatid niya kung may masamang nangyari. Think positive. Masamang thoughts, layuan mo ang isip ko. Please lang, huwag ngayon.” kumbinsi niya pa sa sarili kahit na
NANATILING BLANGKO ANG emosyon ng mukha ni Gavin kahit pa naghuhumiyaw ang damdamin niya sa kaloob-looban niya na muling lumuhod at magmakaawa sa nobyang huwag siyang iwan nito. Ilang beses siyang napalunok ng laway upang humugot ng lakas. Kanina pa siya inuutusan ng kanyang puso na gawin iyon, ngunit komokontra naman ang kanyang isipan. Sinisigaw nitong sarado na ang isip ng nobya. Galit na galit pa rin ito. Masasayang lang ang effort niya kung gagawin niya ang bagay na iyon. Baka pagtawanan lang din siya nito. Tama na iyong sinubukan niya ng isang beses. Nais niya ring bigyan muna ito ng time na mag-isip. Baka sakaling malinawan ng isipan ang dalaga oras na hayaan niyang lumayo na pansamantala.“Paano iyong mga kuting na pinapakain mo sa ibaba? Kawawa naman. Wala ng magpapakain sa kanila.”Gustong mapahalakhak nang malakas ni Bethany. Nag-aaway na sila pero iyon pa rin ang nasa isipan ng abogado? Saka ano bang pakialam niya sa mga iyon? Ngunit nang maisip din na kakaawa naman talaga
PROBLEMADO ANG MUKHANG naiwan si Gavin sa harapan ng elevator. Naihilamos na niya ang mukha na para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Ilang beses niyang pinalo gamit ang kamay sa pintuan ng sumarang elevator upang doon ibunton ang kanyang nag-uumapaw na galit. Wala na. Iniwan na siyang tuluyan ng dalaga. Kung hindi lang dumating si Nancy, malamang ay naayos na nilang dalawa ang away nila. Umiigting ang panga at parehong nakakuyom ang mga kamaong bumalik ng bahay niya si Gavin. Naabutan niya si Nancy na naroon pa rin. Matamang nakatayo. Hinihintay siya na makabalik doon. “Gavin—”“Ano ba kasing ginagawa mong punyetang babae ka dito?!” muling sigaw niya na bumasag sa katahimikan ng bawat sulok ng hallway, halos lumuwa na ang mata niya sa matinding galit. “Bobo ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa’yo kagabi? Ayaw na kitang makita! Huwag ka ng magpapakita pa sa akin! Di ba?!”Napalunok na ng laway si Nancy. Noon lang niya nakitang magalit si Gavin sa kanya nang ganito ka
SINALUBONG NG NAKAKABINGING katahimikan ang buong paligid. Diretsong nagtungo si Gavin sa kusina matapos na makapasok sa loob ng bahay. Nanlumo na naman siya nang makita ang mga pagkain na ipinadala ng kanyang ina na para sana sa kanila ni Bethany. Kaninang umaga pa iyon. Lumamig na nga. Ang buong akala niya ay pagsasaluhan na nila ito at iyon ang magiging dahilan upang magkaayos sila. Napahilot na siya sa kanyang sentido nang maalala ang mga ginawang paninira ni Nancy at ang katigasan naman ng ulo na ipinamalas ni Bethany. Halos favorite pa naman ang lahat ng iyon ng dalaga. Humigpit na ang hawak niya sa sandalan ng upuan. Anong gagawin niya ngayon sa mga pagkain? Alangan namang itago niya pa? O kung hindi naman ay kainin niyang mag-isa? Hindi niya iyon makakayang lunukin.“Ano pang silbi niyo?! Pasensya na kung itatapon ko kayo.”Walang pakundangan na pinagkukuha iyon ni Gavin at dinala lahat sa lababo. Matapos na tanggalin ang sabaw at itapon, puno ng hinanakit na pinaghahagis niya
SA PAGBABALIK NI Miss Gen sa table ay nasabi nitong pumayag ang lalaki sa kanyang suggestions. Ikinatuwa nila iyong dalawa. Syempre, iyon ang naging basehan nila upang sabihin na malinis ang hangarin ng lalaki sa gagawin nitong pag-i-invest ng malaking halaga.“Pinapunta ko na lang siya dito, Bethany. Sabi ko kasi ay busy ka at hindi natin siya maaaring i-meet sa labas. Siya na ang mag-adjust. Around the area lang naman daw siya, kaya sabi ko drop by na lang.”“As in ngayon na?” tanong ni Bethany na napatayo na sa kanyang upuan, nagulat sa sinabi nito. “Oo, sabi niya.”Hinagilap ni Bethany ang make up pouch niya upang mag-retouch. Malapit na ang uwian noon kaya naman hulas na ang hitsura niya. Lapse na ang make up na kanyang suot. Kailangan niyang patungan. Ilang sandali lang ang hinintay nila at huminto na sa parking area ang sasakyan ng lalaki. Magkasama na winelcome sila ng dalawa. Saglit na nag-usap tungkol sa magiging kasunduan nila as partner in business“Nabalitaan din namin n
ISANG ITALIAN RESTAURANT ang pinili ni Patrick para sa kanilang magiging dinner ni Bethany. Halos mapatalon siya sa galak nang biglang pumayag ang babae. Ang buong akala niya pa ay decline na naman nito ang invitation niya, hindi niya sukat-akalain na papayag na ito sa araw na iyon. Sobrang pinaghandaan niya ang gabing iyon. Kailangan niyang magpa-impress sa dalaga. Baka sakaling mabago niya ang pananaw ni Bethany. Iyong tipong magkaroon ng himala na magustuhan na siya ng dalaga ngayon.“Pagkakataon ko na ito, palalampasin ko pa ba? Syempre hindi. Gagalingan ko na ngayon para naman makuha ko ang loob ni Bethany. Hindi masamang sumubok. Hindi masamang gawin ko ang lahat.”Eksaktong alas-otso naman nang dumating ang dalaga sa parking area ng restaurant na sinabi ni Patrick sa kanya kung saan siya dapat pumunta. Hindi muna pumasok si Patrick sa loob ng resto, hinintay niyang dumating ang sasakyan ng dalaga sa parking lot. Inihanda na rin niya ang bouquet na pinagawa niya pa. Nang matanaw
PAHAPYAW NA SINAMAAN na si Patrick ng tingin ni Gavin. Puno iyo ng lihim na pagbabanta sa kanya. Ngumisi lang doon si Patrick dahil nakita niya kung gaano sobrang naaasar na sa kanya ang abogado. Ilang segundo rin silang magkatitigan. Animo nagsusukatan kung sino ang unang susuko at magbibigay. Sa puntong iyon ay napansin na rin ng matanda ang tensyon sa kanilang pagitan at ang presensya ng dalagang wala pa ring imik na bahagyang nakayuko ang ulo. Salit-salitan silang tatlo na tiningnan nito.“Sino ang babaeng kasama mo, Patrick?”Magkaaway ang dalawa kaya naman hindi magawang ipagmalaki ni Gavin na girlfriend niya ang babaeng ito saka baka mamaya kapag sinabi niya ay baka biglang umalma ang dalaga. Isa pa, bakit si Patrick ang tinatanong ng matanda? Hindi ba halatang mas kilala niya ang dalaga kumpara sa lalaking kasama nito? Pilit na siyang ngumiti. Nadagdagan pa ang inis ng abogado. Akmang sasabihin niya pa rin na girlfriend niya ito nang biglang sumagot si Patrick gamit ang napaka
MULA SA MENU na tinitingnan ay napaangat na ang mga mata ni Bethany sa kaharap na lalaki. Alam niya kung sino at ano ang tinutukoy nito sa mga sandaling iyon. Hindi siya naglakas ng loob na lingunin si Gavin at baka hindi niya matagalan kung ano ang klaseng mga paninitig ng binata. Isa pa, hindi porket ganito ang asta niya ay magbabago na muli ang lahat at babalik iyon sa dati. Malalim ang pinaghuhugutan niya kasi. Siguro kung hindi niya nakitang yakap nito si Nancy, baka may pag-asa pang umayos agad sila.“Tapos na kami, Patrick, kaya hindi na kailangang pag-usapan pa ang mga bagay na ito.”Iginalaw na ni Patrick ang kanyang balikat. Medyo napahiya ngunit, nagpatuloy pa rin naman.“Pero mahal mo pa rin naman. Huwag mong itanggi. Kitang-kita sa mga mata mo. Wala na ba talagang pag-asa na maayos pa ang relasyon niyo? Alam kong wala ako sa posisyon para makialam, pero kung tungkol lang iyon sa past na relasyon ni Gavin, ang babaw mo naman. Past na nga. Nakaraan na—”“Wala kang alam, Pat
PAGKATAPOS NIYANG MALIGO ay nahiga na si Giovanni sa kama sa pag-asang makakatulog na siya agad. Ilang beses niyang tiningnan ang larawan ni Briel sa kanyang cellphone bago niya ipikit ang mga mata. Pakiramdam niya mula nang may nangyari sa kanila ay hindi niya na kayang gumalaw pa ng babae dahil sa isipan niya ay nagtataksil siya kay Gabrielle. Nagtataksil kahit na alam naman niya sa kanyang sarili na wala silang relasyon. Nasa tamang hulog pa ba ang isip niya? Ganun siya binaliw ng isang Gabriella Dankworth.“You need to stop this fantasy, Giovanni. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa iyo? Ng kanyang pamilya? Ng pamilya mo? Siguradong may comment sila. Saka sigurado ka na gusto mo ang spoiled brat na iyon ng mga Dankworth? Liberated din iyon, kaya nga siya magaling sa kama. Alam na alam niya kung paano niya papaligayahin ang biktima niya. Hindi mo alam kung ila na rin ang nakatalik niya.”Sinubukan niyang lasunin ang isipan ng mga bagay na negatibo patungkol kay B
BINUHAY NA NI Giovanni ang makina ng kanyang sasakyan upang lisanin na ang lugar at bumalik na ng hotel suite. Kagaya ng kanyang inaasahan na magiging reaction ng mga tinakasan niya, naabutan niya ang mga bodyguard at ang kanyang secretary na hagas na hagas at sobrang nag-aalala sa pagkawala niya. Ang akala nila ay kung saan na siya pumunta. Ni hindi nila magawang tawagan ang phone niyang iniwan dito. Nakahinga lang sila nang maluwag ng makita nila ang pagbabalik ng Gobernador sa loob ng hotel suite. “Bakit mag-isa kang lumabas, Governor Bianchi? Paano kung may ibang nangyari sa’yo?” Tahimik na naupo sa sofa si Giovanni. Kung kanina ay mukhang pagod siya, ngayon ay pagod na pagod na ang hitsura niya. Marahil ay nang dahil iyon sa pag–iisip na ginawa niya habang papauwi tungkol kay Briel at doon sa babae na matagal na niyang hinahanap. Hindi niya makuha kung bakit pamilyar ang dalawa. “Wala namang masamang nangyari kung kaya kumalma ka na. Mabilis ka niyang tatanda.” mahinang sambit
NAKIPAGLABAN PA NG titigan si Briel kay Giovanni na hindi pa rin napapalis ang matingkad na ngiti sa kanyang labi. Hindi niya alam kung ano ang sumilid sa kanyang isipan ng sandaling iyon para mas titigan pa ang mukha ng Gobernador. Habang tumatagal mas lalo pang nagiging magandang lalaki ito sa kanya.‘Crush mo lang siya oo, pero ang mas lumalim doon hindi na pwede! Gumising ka nga, Gabriella!’Nailang na si Giovanni sa paninitig na ginagawa sa kanya ng kapatid ng asawa ng kanyang pamangkin. Siya na ang unang nagbawi doon at ibinaling na ang sa iba. Alam na alam niya ang mga titig na iyon ng isang babae. Maraming babae na ang ginawa iyon sa kanya kung kaya naman hindi na iyon bago pa sa kanya. Ang isipin na may pagnanasa sa kanya ang bunsong anak ng mga Dankworth, parang kinikilabutan siya.“It's getting late, Gabriella. I'll take you home. Baka rin hinahanap ka na ng mga magulang mo sa inyo.”Wala ng mukha si Briel para magsalita pa at mangatwiran upang manatili pa sa lugar dahil na
KIBIT-BALIKAT NA INIIWAS ni Briel ang kanyang mga mata kay Giovanni na hindi na niya matagalan. Para siyang napapaso ng mga titig nito kahit na malamang ay siya lang naman ang nag-iisip ng bagay na iyon. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga salita na sa panlasa niya ay masarap iyon. Masyadong malayo ang agwat ng edad nila kaya hindi na ito kataka-taka na hindi pasado sa panlasa ng Gobernador ang inuming iyon. Ayaw naman niyang maging bastos na para bang pinapamukha niya sa lalaki ang edad. Sa ibang pagkakataon, ni-realtalk na niya ito ngunit hindi niya kaya. Ayaw niyang mawalan siya ng respeto sa kanya at saulain ang sagot. Sumugat na sa kakaibang ngiti ang labi ni Briel nang harapin na ni Giovanni ang kanyang secretary na kinuha na ang atensyon niya habang may tinuturo ito sa hawak na cellphone.“May mga bisita po kayo, Governor Bianchi. Nag-send ng message. Papapasukin ko pa po ba o re-schedule?” alanganin nitong tanong na bahagyang sumulyap kay Briel gamit ang gilid ng mg
BAHAGYANG NATIGILAN SA tanong niya si Giovanni. Ang buong akala ng Gobernador ay nasagot na niya ang tanong ni Briel kanina kaya nagtataka siya na bumalik sila doon ngayon. Nilingon na niya ang kanyang secretary na natigilan na rin sa pagkain sa tahasan na sinabing iyon ni Briel sa kanya. Halata na ito ang nais sumagot ni Giovanni. Iyon ang bagay na nabasa ni Briel kaya nilingon na niya rin ang secretary ng lalaki. “Ahm, Miss Dankworth bukod kasi sa pagod na ngayong araw si Governor Bianchi sa mga meetings niya, isinasaalang-alang din niya ang estado niya sa lipunan. Hindi naman siguro lingid sa'yo iyon di ba? Hindi pwedeng palagi siyang kumain sa labas. Pwede naman kung sakali, pero kailangan na i-set muna natin. Siguraduhin na magiging safe ang paligid. High profile si Governor Bianchi at hindi pwede na kung saan-saan lang siya kakain o pupunta kung kailan niya gustuhin. Sana ay maintindihan mo ang bagay na iyon.”Tumango-tango si Briel at binitawan na ang hawak niyang kubyertos. H
SA MAY ELEVATOR na sila nag-abot ni Giovanni. Dahil sa kalutangan ni Briel, pagmamadali at excitement ay basta na lang din siya lumulan doon dahil nasa loob na sila at napapalibutan pa ng mga bodyguard niya ang Gobernador. Hindi malaman ni Briel kung ganun ba talaga ang hitsura ng mga bodyguard ng lalaki pero nailang na siya sa kanila nang minsan niyang tingnan sila. Nang sumara ang pintuan at muntik siyang mapasubsob sa pader, mabilis siyang hinila ni Giovanni sa braso upang huwag siyang mapahamak doon. Parang nagising ang diwa ni Briel na patulog-tulog nang dahil sa biglaang paghawak niya sa braso niya.“Careful…” mahina lang iyon pero halos mapunit na ang labi ni Briel sa kanyang sobrang saya at kilig. Tumikhim si Briel upang klaruhin ang kanyang boses. Gusto niya lang may linawin kay Giovanni. Ngayong nakalulan na sila ng elevator na paakyat at hindi naman pababa, gusto niyang may itanong sa Gobernador.“Bahagi ba ng hotel na ito ang restaurant na sinasabi mo? Bakit paakyat tayo
NANATILING NAKAUPO LANG si Giovanni at ayaw na tumayo kahit pa tinawag na siya ni Briel. Tandang-tanda niya ang panahong iyon na wala pa siyang nararamdaman para sa bunso ng mga Dankworth. Mahinang natawa pa ang Gobernador nang maalala iyon hanggang sa nanliit ang kanyang mga mata. Para kasing tutang inabandona ito ng may-ari at nanghihingi ng atensyon sa kanya. Napilitan tuloy siya noong tumayo para dito. Walang imik na lumapit na sa kanilang table at tiningan na ng masama doon si Albert. Si Albert na sinuyod ang kabuohan ni Giovanni na para bang sa ibang planeta siya nanggaling at sumulpot.“Hmm, hija narito ka pala...” approach ni Giovanni dahil wala pa rin talaga siyang masabi sa babae.Napaungot na si Briel nang marinig ang boses ni Giovanni. Biglang yumabang din ang kanyang mga mata. Para tuloy gusto na lang niyang yumakap sa bulto ng katawan ng Gobernador at isumbong ang mga maling ginawa ni Albert sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ang komportable niya talaga sa kanya kahit
HINDI NAMAN NA iyon inulit ng secretary na matapos pagmasdan ang reaction ni Giovanni ay piniling manahimik na lang at huwag ng guluhin pa ang nananahimik na Gobernador na ang magkabilang tainga ay nasa table nina Briel. Nasa kalahati na ang kape ng Gobernador nang biglang may sumigaw at bumulabog sa mga customer na ini-enjoy ang hapong iyon. Nabaling na ang mga mata nila sa kanya.“Gabriella!” Napalingon na si Giovanni sa pinanggalingan ng tinig na bukana ng coffee shop hindi dahil sa lakas noon kundi dahil sa pangalan na kanyang sinabi. Isang matangkad na lalaki ang pumasok doon at direktang nakatingin na sa table nina Briel na halata ang galit na nakabakas sa kanyang mukha. Noong panahong iyon ay hindi niya pa kilala kung sino iyon, kung hindi pa dahil sa secretary niya ay hindi niya malalaman na ang dating nobyo pala iyon ng pamangkin niyang si Bethany na sa mga sandaling iyon naman ay fiance din ng bunsong anak ng mga Dankworth. Medyo napaangat ang kilay ni Giovanni doon. Masyad
ISANG YAKAP NA mahigpit ng ilang minuto ang nangyari bago maghiwalay sina Briel at Giovanni ng araw na iyon. Ganundin ang ginawa niya kay Brian na halos ayaw pang umalis sa bisig niya. Si Giovanni pa-akyat ng Baguio, at sina Briel naman ay pabalik na ng Maynila. Ilang araw pa ang lumipas at nakuha na rin agad ni Giovanni ang PSA ng anak na sa kanya na naka-apelyido. Ang sunod niyang ginawa doon ay ang kunan ito ng passport na agad din naman niyang nakuha dahil ginamitan na naman niya iyo ng kapangyarihan. Masiglang ibinalita niya iyon kay Briel nang makauwi ng mansion, na kahit pareho silang pagod sa trabaho ay nagawa pang halos isang oras na mag-usap sa video call upang pag-usapan ang excitement nila pareho.“Two weeks tayo doon, Briel. One week para sa trabaho ko at another week para sa pamamasyal natin.”Sa narinig ay mas na-excited pa si Briel na kulang na lang ay hilahin ang bawat oras upang mangyari na ang araw na pinakahihintay nila. Hindi na sila nagkita ni Giovanni ng Linggon