UMANGAT ANG ISANG kamay ni Giovanni. Naipikit naman ni Briel ang kanyang mga mata nang masuyong humaplos ang likod noon sa gilid ng kanyang panga. Hindi na naman niya mapigilan ang sarili na magbigay ng reaction sa mainit na haplos ng palad nito. Nangatog na ang kanyang dalawang tuhod na parang anumang oras ay bibigay kung hindi pa titigilan ng Gobernador ang ginagawa nito sa kanyang mukha.“Mayroon ka bang boyfriend at sumama ka sa kanya o iyong dati mong fiance ang dahilan kaya ka hindi umuwi?” Gustong magsinungaling ni Briel at sampalin ito ng salitang oo, pero ayaw makisama ng kanyang dila na nanatiling nakaumid at ayaw magsalita kahit na anong pilit niya. Gusto niyang ipakita sa Gobernador na hindi niya na ito kailangan sa kanyang buhay at matagal na niyang kinalimutan ang pagmamahal na nararamdaman niya sa kanya. Ngunit paano niya gagawin iyon ngayong ayaw makisama ng kanyang katawan? Hindi niya mapilit magsinungaling? “Kung doon ka sumama, bakit ako sinugod ng kapatid mo sa B
PUNO NG KAHIHIYANG napadilat na ang mga mata ni Briel doon habang nakaawang pa rin ang kanyang labi. Hindi makapaniwala na hinayaan niyang gawin iyon ng Gobernador sa kanyang labi. Nang muling angkinin ni Giovanni iyon na ramdam niya ng namumula ay muling sumara ang kanyang mga mata at ang malala pa ay walang pag-aatubiling gumanti na ng halik ang labi ni Briel na para bang normal lang sa kanila ang bagay na iyon. Katulad ng bibig ng Gobernador, puno ng pagkauhaw siyang tumugon sa bawat galaw ng labi nito. Iyon ang naging hudyat upang hawawakan ni Giovanni ang magkabila niyang pisngi upang mas magkaroon pa ng access sa kanyang bibig. Mula sa pagkakatulak ng dalawang palad ni Briel sa dibdib ng Governor ay naglakbay ang kanyang dalawang palad paakyat ng leeg ni Giovanni at maya-maya pa ay pumulupot na iyon na parang ahas upang mas maging madiin pa ang halikan nila na para bang walang plano si Briel na pakawalan ang labi ng dating kasintahan. Hindi pa nakuntento doon si Briel, kumalas a
PUMUNTA LANG NAMAN si Briel ng Baguio nang hindi alam ni Giovanni upang e-surprise siya nito sa kanilang monthsary. Sa mga panahong iyon ay umiinit ang kanyang pangalan at alitan sa mga katunggali sa pulitika at maraming banta sa buhay ng Gobernador kung kaya naman ayaw niyang magtungo doon ang nobya. Hindi niya alam na pinairal nito ang katigasan ng ulo at ipinilit pa rin ang kanyang gusto. Nadukot si Briel ng kanyang mga katunggali na agad namang nakarating sa kanya. Kaagad niyang pinagtakpan iyon sa media, ni hindi nga iyon nakarating sa mga magulang at kapatid ni Briel. 36 hours siyang nasa pangangalaga ng kanyang katunggali. Sa mga sandaling iyon ay halos mabaliw na ang Governor para mahanap lang ang nobya na natagpuan din naman sa lugar na nasasakupan ng Benguet. Nasa pagitan na siya ng pagsuko noon pero pinilit niya itong hanapin kahit na labis silang nahirapan. Mabuti na lang at may chip ang bracelet na ini-regalo niya kay Briel, iyon ang naging daan upang mahanap ito na paran
NAKAUPO NA SA sofa si Bethany nang lumabas si Briel ng banyo habang tumatagaktak na sa pawis ang mukha. Kabado pa rin siya sa ginawa ni Giovanni sa kanyang pagkaladkad sa banyo. Idagdag pa ang paghalik nito nang walang paalam sa kanya upang patunayan na may nararamdaman pa rin siya sa kanya. Nasa center table na ang juice na inihanda ng kanyang hipag para sa kanila. Walang pag-aatubiling binuhat na ni Briel ang isang baso doon ng juice at saka isahang nilagok. Pinagmasdan lang naman siya ni Bethany na may kakaiba ng nasasagap sa reaction ng hipag. Hindi niya lang iyon mas inusisa pa kay Briel.“Si Tito? Tapos na kayong mag-usap? Ang bilis naman. Hindi ba dapat medyo matagal?” pilit pang pinasaya ni Bethany ang kanyang tinig na tila ba normal lang ang mga naging katanungan niya.Hindi sumagot si Briel na muling nagsalin ng juice sa kanyang ininumang baso na tipong kapag ginawa niya iyon ay mapapalitan nito ang laway ng Governor na muli niyang nalasahan after ng dalawang taon. Uhaw na u
WALA SA SARILING malalaki na rin ang naging mga hakbang ni Giovanni na sumunod na palabas ng villa nina Bethany. Hindi man niya lubos maintindihan kung ano ba talaga ang mga nangyayari pero tila ba may nais iparating ang kanyang pamangkin. Medyo shady iyon kay Giovanni. Nahihimigan niya na para bang may itinatago sa kanya ang dating nobya kung kaya ganun na lang ang kanyang reaction, o baka takot ito na makaharap ang kanyang ina kung kaya naman kailangan niya talagang sumunod. Hindi niya pwedeng pabayaan ang dating kasintahan at harapin ang kanyang ina. Paano kung marami itong katanungan sa naging relasyon nila? Baka mamaya ay akuin ni Briel ang lahat at sabihing siya ang may kasalanan kung kaya sila naghiwalay. O kung hindi naman ay ihulog siya ng dating nobya at madulas itong bigla kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan nila. Makakalkal pa ang naitago niyang rason noon. Malilintikan na siya panigurado sa dalawang pamilya kung mangyayari man ang bagay na iyon; na hindi niya mapapay
SA MGA SANDALING iyon ay nasa garden ang mag-asawang Dankworth. Pasalampak na nakaupo sa bakuran na nalalatagan ng bermuda grass. Libang na libang silang pinagmamasdan habang panaka-nakang nakikipaglaro sa kanilang apong si Brian. Makikita sa kislap ng kanilang mga mata ang galak na kaharap ang pangalawang apo. Nakapangtulog pa ang mag-asawa at halatang walang planong umalis ng mansion ng araw na iyon para sa makasama lang ang kanilang apo sa bunsong anak. May bakas ng kaunting pagsisisi na hindi nila ito nagawang kargahin at alagaan noong sanggol pa lang ito gaya ng kanilang naranasan noon sa unang apokay Gavin na si Gabe. Nagkalat ang maraming laruan ni Brian sa paligid na animo ginawang carpet nilang tatlo ang nakalatag na damong bermuda. Ang pinaka-paborito niya doon ay ang bola na pinapagulong habang dinadaganan niya ng kanyang marungis ng katawan. May iilang dahon na ng bermuda ang kanyang katawan at buhok. Sumasama sa mahinang ihip ng hangin ang bawat halakhak ni Mrs. Dankwort
HINDI NAMAN IYON pinansin ng Gobernador na ang isipan ay gumagala na sa paligid. Hinahanap ang dating nobya kahit pa alam niyang malabo itong magpakita. Nakapunta na siya sa mansion ng mga Dankworth pero hindi niya pa nagawang galugarin ang buong paligid noon. Gaya ng ina ay ngumiti lang din siya sa mga maid na hindi niya maintindihan kung bakit panay ang sulyap sa kanya tapos titingin sa mga kasamahan nila na para bang ang kanilang mga mata ay nag-uusap ng mga bagay na hindi niya magawang maunawaan kung tungkol iyon sa kung saan. Lingid sa kaalaman niya na lowkey na siyang pinag-uusapan ng mga mata nila sa pagkakaroon ng malaking hawig kay Brian. Pilit na iwinaglit iyon sa isipan ni Giovanni kahit na medyo naiilang. Kung maid lang nila ang gagawa noon sa kanya, baka nagawa na niyang sisantehin ang lahat ng iyon dahil pakiramdam niya ay wala silang modo sa kanya. “Wala pong anuman, Donya Livia.”Ginaya ni Giovanni ang inang kumuha ng maiinom upang libangin ang kanyang sariling habang
NAGNGALIT NA ANG mga ngipin ni Giovanni upang supilin ang baha ng kanyang strangherong emosyon. Marami siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung tama bang iusal niya iyon gayong wala naman doon ang kanyang dating nakarelasyon na magbibigay ng linaw sa lahat ng mga iyon. Kumibot-kibot na ang kanyang nangangatal na bibig. Humapdi na rin ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Abot-abot na rin ang kanyang kaba na para bang nasa harapan siya ng mga kalaban at makikipag-debate rito sa kanila. Nakita niya kung paano matakot sa kanya ang mga mata ng bata sa mas humigpit na hawak nito sa damit ng kanyang Lolo na kulang na lang ay mahubaran sa ginawa niyang paglapit. Tumayo pa ang bata upang talikuran lang siya na ilang hakbang na lang ang layo ay tuluyang makakalapit na siya sa kanila. Bahagya itong umingit na nangunyapit na sa leeg ni Mr. Dankworth. Hindi na itinuloy pa ni Giovanni ang paglapit. Sa tanawing iyon ay parang nahahati ang kanyang puso. Gusto na niya itong mayakap. Hindi niya
MALAPAD ANG NGISING iniiling ni Briel ang kanyang ulo na tila wala na rin sa tamang pag-iisip. Sa kabila ng lantarang warning ni Giovanni na malapit na siya ay hindi man lang siya kinabahan kahit na katiting. Lalo pa ngang na-excited doon si Briel na mas ginalingan ang paggiling sa ibabaw nito hanggang sa maramdaman niya sa kanyang loob ang mainit na katas nito na sinundan nang sabay at malakas nilang ungol na dalawa. Nanghihinang bumagsak ang katawan ni Briel na katawan ni Giovanni na agad namang niyakap ng Gobernador. Bumalatay ang masiglang ngiti sa kanyang labi na hindi makapaniwala na muling may nangyari sa kanilang dalawa ng dalaga. Ilang minuto ang lumipas at inalis niya si Briel sa kanyang ibabaw na halatang pagod at parang nanlalantang gulay ang katawan “Shower tayo, Baby…” bulong niya nang makita ang kalat ng kanyang katas na kumapit sa katawan. Umungol si Briel at umiling ngunit wala itong nagawa nang buhatin niya na ang katawan at walang imik na dalhin sa bathroom. Yakap
NAMUMULA ANG MAGKABILANG tainga na lumabi na si Giovanni na agaran ang naging pag-iling ng kanyang ulo. Natatawa siya sa reaction ni Briel at the same time ay napuno ng gigil ang kalamnan. Walang pasubaling hinugot niya ang kanyang sarili at muli pa iyong ibinaon nang mas malalim sa lagusan nitong sobrang dulas at basang-basa na. “No, Baby, it’s not that big at wala akong anumang ginamit. Kung ano ito noong huli mong natikman, siya pa rin ito hanggang ngayon. Your pretty pussy were just tight and of course you’d missed me.” paanas niyang tugon binasa na ng dila kanyang labi. Halos tumirik ang mga mata ni Briel na napahawak na sa buhok ng Gobernador nang mas bilisan niya pa ang pagbagyo at sunod-sunod na ang paglabas at pasok sa kanyang bukana. Dama na ng Gobernador na mas nag-init pa doon si Briel sa dami ng tubig na inilalabas ng pagkababae niya kaya mas ganado siya. “Ang sarap mo pa rin talaga!” puno ng gigil na turan pa ni Giovanni na patuloy sa ginagawa sa ibabaw. Sa tindi nam
PUNO NG PAGSUYONG iniiling ni Giovanni ang kanyang ulo upang pabulaanan ang binibintang na ni Briel. Hindi naman talaga iyon ang naiisip niya habang nakatingin sa katawan nito kung kaya marapat na itanggi niya. Upang pigilan na kumalat pa ang lumatay na sakit at pagkapahiya sa mukha ni Briel ay mabilis na umahon ng kama si Giovanni para lapitan siya. Sa loob ng isang kisap-mata ay walang kahirap-hirap na nagawa ng Gobernador na ikulong sa kanyang mga bisig ang hubad na katawan ni Briel na mabilis na dumiklap. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na nagawa pang makapagbigay ng reaksyon ng babae na agad inangkin ni Giovanni ang labi matapos na hawakan nito ang kanyang baba upang mas magkaroon siya ng mas malawak na access. Nakapikit ang mga matang sinipsip na ng Gobernador ang labi ni Briel.“No, you never changed even a bit. You are still gorgeous, Briel like two years ago.” nanghihinang bulong pa ni Giovanni na mas ginaanan ang halik na ginagawa sa labi na sa sobrang gaan, pakiramdam n
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel na manindig ang kanyang mga balahibo sa buong katawan lalo na sa may bandang kanyang batok nang maramdaman nito ang pagtama ng mainit na hininga doon ng Gobernador. Hindi niya maintindihan kung naiihi ba siya o natatae. Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng bagay na ito. Hindi pa nakatulong na nakayakap ito sa kanya kung kaya naman nararamdaman niya ang init ng katawan nito na malamang ay dala pa rin ng kanyang ininom na alak kanina. May kung anong pumipintig na sa may bandang puson ni Briel, at bilang batikan ay alam niyang init na rin iyon ng kanyang katawan na tumutugon sa binibigay ni Giovanni ngayon. Hindi na niya mapigilan ang pakiramdam na parang kinikiliti ang gitnang bahagi ng mga hita niya na mabilis niyang pinagdikit. Mariin na niyang naipikit ang kanyang mga mata. Pilit na humuhugot ng lakas upang labanan ang ginagawa ni Giovanni na alam niya saan sila hahantong kung hindi niya iyon mapipigilan nang maaga. Bago pa siya makaangal ay nahigit na n
HINDI NAGLAON AY nakatulog na si Brian na iginupo na ng antok. Papikit na rin sana noon ang mga mata ni Briel nang mag-vibrate ang cellphone niya. Si Giovanni iyon. Tinatanong kung tulog na raw ba siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na biglang nagising ang diwa sa message na natanggap niya dito.‘Ano naman kung gising pa ako? Gusto niya ba ng continuation doon sa ginagawa namin kanina?’Napakagat na ng labi niya si Briel nang maramdaman na may nag-iinit sa kanyang tiyan na para ba siyang kinikiliti. Ilang minuto niyang pinakatitigan ang message ng Gobernador na hindi na naman nadagdagan pa. Iniisip niya kung magre-reply ba siya o hindi na at hahayaan na lang niyang bukas ng umaga magkita? Kung pupuntahan niya ito, ano naman ang sasabihin niya? Hindi niya rin naman kailangan magpaliwanag.‘Baka naman gusto niya lang talagang mangumusta. At oo nga pala, iyong mga labahin niyang damit.’Nasapo na niya ang noo nang maalala ang hinubad nitong damit. Marahil ay nagtataka na rin
MARAHANG ITINANGO NI Gabe ang kanyang ulo na sumasang-ayon sa sinabi ng kanyang Lolo. Tiningnan ni Mr. Dankworth ang asawa sabay iling na halatang dismayado sa inasta nito kanina. Nakuha na niya kung bakit nagagalit si Briel sa ina. Gusto niya sana itong kausapin ng tungkol doon, pero ayaw niyang marinig ng apo at makadagdag pa sa emotional stress ng bata. Sinarili na lang niya muna ang mga sasabihin niya.“Kaya nga po Lolo nag-sorry na ako kay Tita Briel…”“Gabe, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ng Lolo. Hindi lahat ng pagkakamali ay makukuha sa isang simpleng sorry lang natin lalo na kung involve ang emotions natin. Okay? Kagaya niyan. I am sure nag-sorry na rin ang Tita Briel mo habang umiiyak ka, di ba hindi mo pa rin siya pinakinggan kahit may sorry na siyang sinabi?”Hinintay ni Mr. Dankworth ang reaction ni Gabe na muli lang marahang itinango ang kanyang ulo.“Bakit kaya? Bakit kaya hindi mo siya pinakinggan? Kasi galit ka noon sa kanya at pinapairal mo ang baha ng emosyon
NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Briel na hindi maitatangging naantig ang puso at nakuha na ni Gabe ang buong atensyon sa paghingi pa lang nito ng tawad. Hindi man niya sabihin ay bahagyang nabasa na ang bawat sulok ng mga mata niya. Ang makatanggap ng sorry sa isang batang paslit na nakagawa ng mali ay hindi naman big deal pero ang sincere noon at pure innocent sa pandinig niya. Ayaw niya na sanang pansinin pa ang pamangkin, pero hindi niya kaya na basta talikuran na lang ito. Mahalaga ito sa kanya. Mahal niya ito kagaya na lang ng pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Biglang natunaw na ang inis niya sa paslit. Parang bulang naglaho at sumama iyon sa hangin. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.“I want to sleep with you and Lolo Governor with Brian, tonight. Please let me do it, Tita Briel…”‘Tsk, nagmana talaga siya kay Kuya Gav! May gustong hilingin kaya kinakailangang mag-sorry.’Umikot si Briel upang harapin sila at sabihin ang laman ng damdamin niya. Hindi porket bata at mahal niya
SA HALIP NA tumigil at makinig ang mga bata ay mas lalo pang umiyak ang magpinsan na ang akala ay sila ang pinapagalitan ni Briel at pinagtataasan ng boses. Hindi na maikakaila ang pagkarindi ng babae sa mga nangyayari.“Oh my God naman! Bakit niyo ba ako pinapahirapan ng ganito? Gavina? Gabriano? Ayaw niyo talagang tumigil? Wala kaming ginagawang masama sa inyong dalawa ha? Kung makaiyak naman kayo para kayong minamaltrato!” Gulantang na tinitigan siya ni Giovanni na windang na windang na rin sa boses ng dalawang bata. “Briel—” “Ano? Wala ka bang maisip na gawin para patigilin sila o kunin ang isa sa kanila? Do something naman, Giovanni!”Napaawang na ang bibig ng Gobernador na pati siya ay biglang nadamay sa init ng ulo nito. Tinalikuran siya ni Briel na akmang patungo na ng pintuan ng silid nang biglang lumakas pa ang iyak ni Brian na nagwawala na sa ibabaw ng kama. Hindi siya pinansin ni Briel na sa mga sandaling iyon ay nais ng humingi ng tulong sa kanyang ina sa ibaba. “Momm
NATATARANTA NA BUMABA ng kama si Giovanni upang tulungan ang nakasalampak na si Briel na makatayo. Iginiya niya ito at maingat na pinaupo sa gilid ng kama habang hindi niya inaalis ang mga mata sa mukha ng dating nobya. Putlang-putla ang mukha ni Briel dala ng takot na baka mapahamak si Gabe. Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Giovanni na ganun na rin ang nararamdaman. Nanatiling yakap pa rin ni Briel ang pamangkin na kapansin-pansin ang pananahimik na ginagawa. Salit-salitan ang naging mga tingin nito sa kanila ni Giovanni. Iyong tipong binabasa nito kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kanyang Tita Briel at Lolo Governor. Bata pa siya pero magaling siyang makabasa ng emosyon ng mga taong nasa paligid niya. Nahuhulaan niya kung galit o takot.“Are you okay, G-Gabe?” masuyong haplos ni Giovanni sa ulo at mukha ng bata na pa-squat ng naupo sa harapan nila habang pigil ang hinga, iyong alak sa katawan niya ay tuluyan nang nilipad ng kaganapang iyon. “Sabihin mo kay Lolo, ayos ka lang b