Share

Chapter 3

Three years na at nandito pa rin siya sa pinagtatrabahuhan niya. Maganda ang suweldo kaya hindi niya na binitiwan, at sa loob ng tatlong taon ay unti-unti namang naging tamad ang boss niya; papasok lang ito kapag may meeting, pero kapag wala ay siya ang gumagawa ng trabaho nito; kahit pagpirma ay ginagawa niya para sa tamad niyang amo.

Wala naman siyang reklamo sa trabaho, nagrereklamo lang siya kapag hindi siya binibigyan ng pera nito.

Kung tutuusin ay kaya niyang magnakaw, kaya niyang nakawin ang lahat ng pera nito, pero alam niyang mali iyon, kaya kahit piso ay wala siyang ginagalaw sa pera nito. Pinagkakatiwalaan siya ng boss niya at ayaw niya iyong sirain. Wala naman kasing halaga sa kaniya

ang pera, sapat na sa kaniya ang sahod niya bilang isang secretary at bonus na bigay nito.

Siguro kung iba ang secretary nito at hindi siya ay ubos ang pera ng lalaking iyon.

Nakangising kinuha niya ang telepono para asarin ang boss niya. “Pumasok ka ngayon at maraming gagawin,” kunwari’y galit siya.

“Huwag mo akong utusan, Karen. Ako pa rin ang boss mo,” iritadong sagot nito.

Pinalaki niya ang mata kahit hindi nakikita nito at sunod-sunod itong sinermunan.

“Oh? Boss ka? Talaga! Kaya pala lagi kang pumapasok, at paalala ko lang din sa `yo! Secretary mo ako!

Kaya hindi ko trabaho itong pinapagawa mo, kaya nga ipinakopya mo sa `kin `yang pirma mo at baka nakalimutan mong kalahating taon kong pinag-aralan iyan para ako na lang ang pipirma kung wala ka. See? Trabaho ko ba `yon? Pasalamat ka hindi kita ninanakawan.”

“Just cancel all my meetings today, and about Mr. Shun, tell him that we do accept his offer.”

“Magkano `to?” pigil tawa niyang tanong. “O sige, twenty-thousand na lang,” sagot niya sa mismong

tanong. Pinigil niyang matawa.

“Ikaw mukha ka talagang pera. Mangutang ka kasi kay Dark, maraming pera `yon, hindi `yong ako na lang. Mauubos ang pera ko sa `yo.”

Halos umikot na ang eyeballs niya sa sinabi nito. Maramot pa sa maramot `yon. “May reklamo ka? At hindi `yon magpapautang, mukha `yong unggoy e, mana sa `yo.”

“Hey! Hindi `yon to—”

Binabaan niya ito ng tawag at hindi na pinatapos ang sasabihin ng boss niya.

Malamang sobrang irita nito ngayon, sinabihan ba naman niyang unggoy. Guwapong-guwapo ito sa sarili at hindi nito tanggap na tinatawag niya lang na unggoy.

Nilibot niya ang paningin sa opisina at malapad na ngumiti. Wala siyang ibang gagawin ngayon kaya manlalandi siya.

Nagmamadaling lumabas siya at pinuntahan ang katrabaho niya sa table nito.

“Keisha! Wala akong work mamaya kaya sasama ako sa inyo!" She giggled.

"Yes!" sabay sabi ng tatlo at tumayo. "Sa wakas naman, ma’am at makakasama ka na sa `min.” Ngumisi ni Kristine sa kaniya, halatang excited ang mga ito.

“Hindi halatang excited kayo,” natatawang sabi niya.

“Kasi, Ate ang tagal ka na naming gustong isama kaso ayaw mo naman dahil marami kang ginagawa," Nicole answered her.

“Talagang mag-e-enjoy ka mamaya!”

Sana nga lang dahil unang gala niya ito at ito ang una niyang beses na makapasok sa isang bar.

“Sige, dalian niyo na para matapos na ang trabaho natin dahil wala ang boss natin ngayon. Maaga pa lang

ay aalis na tayo.” Pinataas-taas pa niya ang kilay, pero mukhang hindi kumbinsido ang mga ito. “H’wag kayong mag-alala, ako ang bahala sa inyo.”

“Sige, Ate ah. Kapag tayo pinagalitan,” ani ni Nicole.

Marahan na natawa siya. Takot kasi ang mga ito sa boss niya pero siya? Dilaan niya lang ang lalaking iyon; hindi naman kasi iyon nagagalit sa kaniya.

“Sige basta dalian n’yo!”

Sabay-sabay na tumango ang tatlo at bumalik sa trabaho. Siya naman ay bumalik sa opisina niya at minadali ang trabaho.

---

Wow! Ganito pala iyon? Ganito

pala ang hitsura ng bar.

“Doon tayo.” Hinila na siya ni Kiesha at nauna naman ang dalawa. Halos lumuwa ang mga mata niya

habang nakatingin sa nagsasayawan. Halos lumuwa na ang dibdib ng mga babae at nakikita na ang mga

puwet dahil sa eksi ng mga damit.

Grabe.

Umupo na sila.

“Naku, si Ate Karen, Manghang-mangha sa nakikita,” ani ni Nicole. Kunwari ay inirapan niya ito.

“Ang ganda pala rito. Sayaw tayo roon mamaya ha?”

“Pagkatapos, maam. Inom muna tayo,” sabi ni Kristine. Napataas ang gilid ng labi niya sa sinabi nito.

“H’wag mo nga ako tawaging ‘ma’am’, ate na lang.”

“Sige, Ate.” Sabay tawa ng tatlo.

“Pinagdiinan n’yo talaga ang ate, parang matanda na tuloy ako.” Ngumuso siya.

“Bakit ba kasi Ate wala ka pang dyowa?” tanong ni Nicole.

Pasimpleng uminom siya ng alak na bigay ng mga ito kanina bago niya ito sinagot.

“Gastos kasi. Kapag nagpakasal kami, gastos; Kapag naghiwalay kami, gastos. Wala naman akong pera para roon, kaya mabuti nang ganito."

“Naku, Ate, tatanda kang dalaga.”

“So, Ate, virgin ka pa?”

Muntikan niya nang maibuga ang iniinom dahil sa tanong ni Kiesha. The hell! Kailangan tagalang tanungin iyon? Nanlaki ang mata niya at hindi nakasagot sa tanong ng mga ito.

“Virgin pa nga siya,” bulong ng tatlo at sinabayan ng hagikhik.

Pinanliitan niya lamang ito ng mata at hindi pinansin.

“Ang suwerte naman, Ate ng makakauna sa `yo. Maganda na, sexy pa. Ikaw na talaga ang perfect,”

ani ni Kristine na sinabayan naman ng tango ng dalawa.

Natawa na lang siya sa kakulitan ng mga ito.

“Pero, Ate, naka-experience ka na ng kiss?” tanong ni Kiesha. Nakatitig talaga ito sa kaniya at inaabangan ang sagot niya. Talagang hindi siya titigilan ng

mga ito.

Umiling siya pero napataas ang labi niya sa mga reaksiyon ng mga kaibigan.

“Grabe ka, Ate. Twenty-eight years old ka na wala ka pang experience,” ungot ni Nicole. “Kung hindi ka lang talaga namin kilala, Ate, hindi kami maniniwala na wala ka pang karanasan. Sa ganda mo bang `yan, puwedeng-puwede kang panlaban ng Miss Universe at maging artista, pagkatapos sasabihin mong wala ka pang na-kiss?”

"Iba na kasi ngayon ang mga kabataan, Ate. Hindi naman sa nanghuhusga, pero kapag maganda ka, eighteen pa nga siguro warak na. Bata pa lang kasi ngayon na gagawa ng mag-dyowa dahil sa pag-i-internet. Minsan kasi nai-impluwensiyahan kung ano `yong nakikita.”

Napatitig siya kay Kristine at marahan na tumango. Tama naman ito.

“Hay naku. Hilahin ko `yang babaeng `yan.” Itinuro ni Kiesha ang nagsasayaw na babae at halos lumuwa na ang dibdib nito dahil sa iksi ng suot. “Nasa eighteen lang `yan, pero tingnan mo naman kung ano ang suot,” naiilang na sabi nito.

May punto naman ang kaibigan niya. Hindi niya nilalahat dahil may mga dalaga naman ngayon na maayos. Hindi siya nanghuhusga, sinasabi niya lang kung ano iyong nakikita niyang mali.

“H'wag na natin silang pakialam dahil buhay naman nila `yan,” ani niya.

“Pero sana naman naiisip nila `yang ginagawa nila. Magkaroon din sana sila ng respeto sa sarili, dahil kapag nirerespeto mo ang sarili mo rerespituhin ka rin ng ibang tao.”

“Change topic na nga. Nakai-stress kayo,” pag-iiba niya ng usapan. “Kayo mga virgin pa ba kayo?” tanong niya kaagad. Naku, curios kasi siya dahil wala namang napag-uusapan ang mga ito tungkol sa mga dyowa, pero kahit inaasahan niya na ang sagot ng mga ito ay nagugulat pa rin siya. Magaganda rin kasi ang mga ito at nasa tamang edad na rin, iyon nga lang mas matanda siya.

“Pero masarap.”

“Parang nasa langit ka kaya subukan muna, Ate.”

“Hahanap-hanapin mo talaga.”

Napailing-iling lamang siya habang sapo ang noo sa mga pinagsasabi ng mga ito.

Natigil sila sa tawanan nang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay napatigil siya. It’s Black.

“Lagot ka, Ate.”

"Sasagutin ko lang sa labas," paalam niya sa mga ito. Napakaingay kasi sa loob, alam niyang hindi sila magkakaintindihan ng lalaki.

Nang makalabas ay sinagot niya na ang tawag, maingay pa rin pero naririnig niya na ang boses sa kabilang linya.

"Hello? bakit?"

"Where are you?"

"Nasa bar," sagot niya.

"Bakit hindi mo sinabi? uminom ka ba?"

Umikot ang mata niya sa sinabi nito. "Oo nakarami na rin kami at wala kang pake, pagtuunan mo na lang ng pansin 'yang pagiging babaero mo at makipaglandian ka kung sino man yang kasama mo." Naiinis niyang turan at kaagad na pinatay ang tawag.

Hindi makaniwalang napatitig siya cellphone, nakakainis tumawag pa talaga. Ang lakas ng tupak ng isang 'to. Gusto raw siya pero nakikipag landian pa sa iba. Buti na lang talaga hindi siya nagpapadala sa pagpapa-cute nito dahil kung magpadala siya, isa siya sa mga babaeng dyonak na pumatol sa lalaking babaero.

Bumalik na siya sa loob, nawala na siya ng ganang umupo. Napatitig naman sa kanya ang mga kaibigan.

"Hulaan ko nag-away na naman kayo?"

Umiling siya pero hindi pa rin natago non ang nagkainis sa mukha niya. Inabot niya ang bagong bote at itinungga. Hindi niya 'yon tinigilan hanggang sa hindi naubos. Nakakatuwa lang dahil nakaya niya, ngiting ngiting tiningnan niya nag bote na wala ng laman at tsaka inilapag sa lamesa pero ang paningin niya ay umiikot na.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng katabi niya.

Tumango tango naman siya at ngumiti. At ang huli niyang naalala ay ang pagbagsak ng mukha niya sa kung anong bagay tsaka siya tuluyang nakatulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status