Three years na at nandito pa rin siya sa pinagtatrabahuhan niya. Maganda ang suweldo kaya hindi niya na binitiwan, at sa loob ng tatlong taon ay unti-unti namang naging tamad ang boss niya; papasok lang ito kapag may meeting, pero kapag wala ay siya ang gumagawa ng trabaho nito; kahit pagpirma ay ginagawa niya para sa tamad niyang amo.Wala naman siyang reklamo sa trabaho, nagrereklamo lang siya kapag hindi siya binibigyan ng pera nito.Kung tutuusin ay kaya niyang magnakaw, kaya niyang nakawin ang lahat ng pera nito, pero alam niyang mali iyon, kaya kahit piso ay wala siyang ginagalaw sa pera nito. Pinagkakatiwalaan siya ng boss niya at ayaw niya iyong sirain. Wala naman kasing halaga sa kaniya ang pera, sapat na sa kaniya ang sahod niya bilang isang secretary at bonus na bigay nito. Siguro kung iba ang secretary nito at hindi siya ay ubos ang pera ng lalaking iyon. Nakangising kinuha niya ang telepono para asarin ang boss niya. “Pumasok ka ngayon at maraming gagawin,” kunwari’y g
Read more