Happy reading! Kilig ang Aria niyo sa kamandag ni Atty. Enzo. Balak yata lamangan anv kanyang daddy hahahaha 🤣
=Enzo Dane’s Point Of View= Nasapo ko ang noo habang kaharap si dad. “Dad, it’s been months…” mahinahon na sabi ko. “I know anak, may mga kaso talagang ganito. Minsan ay inaabot pa ng taon. Matindi ang kalaban natin ngayon.” Kinuha ni dad ang folder ng kasong ito at inilapag ‘yon sa harapan ko isa-isa. Hindi ko alam na ang kasong ito ay aabutin ng ganito katagal… Napakahirap, ngunit hindi kami sumusuko ni dad. Wala pa naman kaming kaso na naipatalo… Huminga ako nang malalim, pilit na inuunawa ang mga papeles at ebidensyang inilatag ni dad. Alam kong matagal na ito—tatlong buwan na ang nakalipas mula noong nagsimula kami sa kasong ito, at sa bawat linggo, mas lalo lang itong humihirap. Pero hindi ko kayang magpatalo. Ito na marahil ang isa sa pinakamahirap na kaso na hinawakan ko, pero sa bawat pagkabigo at pagtanggap ng mas maraming dokumento, ramdam kong kinakailangan kong patunayan ang sarili ko, hindi lang bilang abogado kundi bilang anak ni dad. Maya-maya pa’y tumunog ang
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= While Enzo is resting beside me, naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang paghinga. Nang silipin ko ay napalunok ako nang makita na nakaidlio na siya habang hawak ang makapal na mga documents. ‘Kulang siguro ang tulog nito…’ Huminga ako ng malalim at ginising siya upang palipatin sa kwarto dahil hindi ko naman siya kayang buhatin. “Mm?” “Lipat ka sa room, baby… Doon ka matulog,” malambing na sabi ko at dahil doon ay bumangon siya. “Sorry baby, 3 hours lang kasi yung tulog ko…” mahinang sabi niya kaya naman ngumiti ako. “Ayos lang, ano ka ba, halika na. Matulog ka na sa kwarto,” ani ko at hinawakan ang kanyang kamay upang dalhin siya sa kwarto ko. Nang humiga siya sa kama ko ay inayos ko pa ang kumot niya. “Make yourself comfortable baby,” asik ko at hinayaan siyang yakapin ang unan ko. Iniwan ko na muna siya sa kwarto. Malapit na rin naman mag-dinner, ano bang laman ng ref ko? Hindi kasi ako ganoon kagaling sa kusina. Nang buk
=Enzo Dane’s Point of View= Isang linggo ang lumipas mula nang magkita kami ni Aria, at sa kabila ng mga masasayang araw na iyon, may nararamdaman akong kaba na hindi ko alam kung saan galing. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kulang. Nandiyan si Aria, nandiyan ang pagmamahal, pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na may ibang umaagaw ng atensyon niya. Hindi ko rin alam kung anong nangyari, pero lately, nagiging malapit siya sa isang classmate niya sa med school, si Dr. Tristan. Hindi ko naman siya sinisisi, hindi ko rin naman siya minamaliit, pero may mga pagkakataon na hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong magtago sa likod ng pagiging “mature” na boyfriend, pero natatabunan pa rin ako ng selos. Inisip ko na sana, hindi siya maging masyadong close kay Tristan. Hindi ko naman kailangang magselos, pero ang pakiramdam ko, hindi ako ang unang priority niya. Minsan, ang mga simpleng text nila ay may ibang ibig sabihin, kaya hindi ko na kayang pigilin pa. ‘Alam ko
=Enzo Dane’s Point of View= Tatlong araw ang lumipas mula nung nagkaayos kami ni Aria, at sa kabila ng lahat, ramdam ko pa rin ang pagka-selos. Lalo na’t madalas ko siyang makita kasama si Dr. Tristan, lalo na tuwing nagkakaroon sila ng study group o kumakain sila sa labas. Hindi ko na kayang pigilin ang mga nararamdaman ko. Alam ko na wala akong karapatan, pero hindi ko rin matanggap na masyado siyang malapit kay Tristan. Isang araw, nang magkasama kami ni Aria sa café, nakita ko na naman si Dr. Tristan na tumawag kay Aria. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero may kumulo na naman sa dibdib ko. Hindi ko na kayang magpanggap na hindi ko siya pinapansin. Nang matapos ang tawag, dumiretso ako sa kanya. “Si Tristan na naman?” tanong ko, na may kaunting kaba sa boses. Tumingin siya sa akin, at nakita ko sa mata niya ang kalituhan. “Enzo, bakit? Hindi mo na ba ako pinapayagang makipag-usap sa kanya?” Nagkibit-balikat ako, hindi makatingin sa mata niya. “Bakit ba kayo
=Enzo Dane’s Point of View= Tatlong linggo na ang lumipas, at hindi ko pa rin kayang kontrolin ang selos ko kay Dr. Tristan. Bawat oras na magkasama sila ni Aria, naiisip ko na may nangyayari sa kanila. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Alam kong wala namang masama, pero hindi ko pa rin kayang tanggapin na ibang tao na naman ang palaging kasama si Aria. Isang araw, pagkatapos ng klase ni Aria, nagpunta ako sa café kung saan sila madalas mag-aral ni Dr. Tristan. Hindi ko na kinaya, at sumunod ako sa kanya. Pagtapat ko sa kanila, si Aria at si Tristan ay nakaupo sa isang sulok ng café, malapit sa bintana, at tila abala sa kanilang mga libro at laptop. Nakita ko si Aria na nakangiti habang nakikinig kay Tristan, at may kung anong hindi magandang nararamdaman na naman ako. Lalo na nang makita kong si Tristan ay nakasandal sa lamesa, parang may matinding kumpiyansa. May mga pagkakataong tinitingnan siya ni Aria ng may ngiti sa mga mata. Hindi ko na
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Hindi pa rin labis na makapaniwala si Enzo na bading si Tristan. Natutulala siya habang nagbabasa ng makapal na reading at halos panay ang buntong hininga. “Mukha ka namang kinikilabutan diya ?” asar ko. Pinigilan ko namang ipahiwatig ang tono ng pang-aasar ngunit kusang lumalabas iyon. “It’s not funny, Aria Maeve Sienna. I was hurt by some nonsense I found out late, damn it.” Inilapag niya ang readings at suminghal. Napasandal sa sofa sa kanyang condominium. “Baby…” malambing na tawag ko at lumingkis sa kanya. “Nakakatampo ka, isa ka pa… How could you make me feel like this. I was sleepless thinking you’re not into me anymore just because I was busy, damn it. I hate this,” bulong ni Enzo puno ng pagrereklamo. “I love you baby,” malambing kong sabi. Bumuntong hininga si Enzo at nakalabing tumitig. “No secrets… Dapat sa relationship,” bulong niyang reklamo kaya ngumiti ako. “Hmm. Hindi ba magse-secret kahit bawal ipagsabi sa iba,” pani
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= The next night, Enzo decided to take me with him. Sa kung saan pinaglalamayan ang dalawang inosenteng nadamay. May dala siyang abuloy na nakalagay sa puti na envelope, pagkapasok namin doon ay marami ang umiiyak dahil isang board passer rin pala ang isa sa nadamay at ang isa naman ay tita ng board passer. Malungkot ang lahat at nang makapasok kami ay sumilip muna kami sa nasawi. “Ako na ang maglalagay ng abuloy. Lapitan mo na muna yung pamilya,” mahinang sabi ko. Inabot ni Enzo iyon sa akin kaya pumunta ako sa may gilid sa kung saan may malaking kahon at pagsusulatan. Pagkasulat ko ay inilagay ko ang pangalan ng law firm nila Enzo. “Salamat po,” nanghihinang sabi ng bantay doon. Ngunit nang hanapin ko si Enzo ay napahinto ako nang sinusugod na siya ng pamilya ng namatay. “Kayo! Kayo ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko, at kapatid ko!” sigaw ng isang ginang na umiiyak at dinuduro si Enzo. Napansin ko agad ang sakit sa mga ma
Sa gabing iyon, nakita ko ang isang Enzo na hindi ko kailanman inakala na makikita ko. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama, naka-upo at nakatungo ang ulo, pilit na iniinda ang bigat na nakapatong sa kanyang mga balikat. Hindi ko mapigilang lumapit at maupo sa tabi niya, pero naramdaman kong masyado siyang malayo, kahit na ilang pulgada lang ang pagitan namin. “Aria…” bulong niya, halos hindi ko marinig. Nagulat ako nang makita ang panginginig ng kanyang mga kamay. “Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko, pero ang daming nasasaktan. Ang daming nadadamay… Parang… parang wala akong silbi kung hindi ko kayang protektahan ang mga inosenteng tao.” Hinaplos ko ang kanyang likod, pilit na nagbibigay ng kahit kaunting ginhawa. Pero ramdam kong mas malalim pa ang sugat na dala niya. Tila hindi sapat ang mga salitang pwedeng sabihin para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. “Enzo…” bulong ko, pero iniwasan niya ang tingin ko. Napan
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= “Anong ginagawa mo dito?” malamig kong tanong habang sinusubukang huwag magpakita ng emosyon. “Legal counsel ako ng ospital na ‘to,” kalmado niyang sagot habang nakatingin sa akin nang diretso. “Looks like we’ll be seeing a lot of each other.” Halos mamilipit ang kamay ko sa inis. Gusto ko sanang tanungin kung bakit sa dami ng lugar ay dito pa siya napadpad, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong bigyan siya ng satisfaction na naiinis ako. “Kung nandito ka para manggulo, baka pwede kang humanap ng ibang ospital na abalahin,” sagot ko nang may bahid ng iritasyon. Umangat ang isang kilay niya. “Relax, Doc. I’m not here to ruin your day—well, not entirely. Trabaho lang. I take my job seriously, unlike some people who run away from their responsibilities.” Napasinghap ako sa sinabi niya. Alam kong may pinatatamaan siya, at ramdam ko ang sakit ng mga salita niya kahit pa anong pilit kong huwag pansinin. “If you’re implying something, j
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After my mom made a heartfelt words to my dad, bumaba na sila ng stage at lumapit sa table namin. “My unica hija,” malambing na sabi ni mommy at yumakap sa akin ng mahigpit. “I missed you so much anak,” bulong niya. “I miss you too mommy.” “Will you stay with us for good?” bungad ni daddy pagkayakap niya sa akin. Napahinto ako bigla. Sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang pag-aabang ni Enzo sa mga sagot ko. “I’ll think about it dad. The salary is good there,” mahinahon na sabi ko. “If you lack financial, I can handle it anak. Hindi mo na kinukuha ang allowance mo sa akin,” sabi ni daddy pagkaupo namin. “No dad, I have to be independent rin po ‘no. I’m old enough to be married,” kalmadong sabi ko. Napansin ko ang asul na mata ni Enzo na sumiring kaya naman napairap rin ako. ‘He’s really getting into my nerves…’ Then suddenly, I remember his case. Napanalo niya kaya? Pagkatapos ng dinner, nagkayayaan ang lahat na magpunta sa garden pa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= 4 YEARS LATER… Halos madaliin kong tumakbo pababa ng airport hila-hila ang maleta ko. Male-late na ako sa wedding anniversary ni mommy at daddy! May tinapos pa kasi akong operation bago ang flight ko. Nang makalabas ay pumara agad ako ng taxi. Habang on the way sa venue ay napasandal ako sa taxi. Pagod na pagod ako eh. Halos 20 minutes rin ang byahe papunta sa venue galing sa airport. Pagkababa sa hotel ay inutos ko na sa tauhan nila daddy ang maleta dahil maayos naman na ang dress na suot ko. Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang makahabol sa main event ng anniversary nila mommy at daddy. Habang tumatakbo ay halos hindi ko mapigil ang sariling katawan ma bumangga sa mataas na bulto na nasa harapan ko dahil sa bilis ko at madulas ang heels. “Oh my god! I’m sorry!” mabilis na sabi ko at lumayo, nang tingalain ko ito ay halos manlaki ng bahagya ang mata ko dahil nakilala ko kaagad ang may ari ng asul na pares na mga mata. ‘Damn, w
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Today was my last day here in Philippines. After our last conversation, I’ve never seen him, nor I even look for him. Kusa ko siyang nakikita sa kung saan-saan ngunit kahit tapunan ng tingin ay hindi niya ibinigay sa akin. I admit, I’m hurt. Ang sakit lang isipin na hanggang doon na lang talaga kami… Namimiss ko na siya… Sobra… Habang inaantay ang flight ko ay napatitig ako sa ticket at passport ko. ‘G-Gusto ko siyang makita at hilingin na balikan niya ako, but then he discarded me like I was nothing. G-Gusto ko magalit na lang sa kanya…’ Habang nakaupo ako sa departure area, ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Sa bawat tiktak ng orasan, parang may hinihila sa akin pabalik, pero pilit kong nilalabanan. Sinulyapan ko ang ticket at passport sa kamay ko. Ang mga ito na lang ang nagpapapaalala na may bagong simula akong naghihintay. Pero bakit ang bigat-bigat? ‘Gusto ko siyang makita… kahit sa huling pagkakataon.’ Napapikit ako at h
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After drinking for another hour, naramdaman ko na ang hilo sa akin. Tumigil na ako dahil gusto ko na umuwi. “Lasing ka na beb?” tanong ng kaklase kong babae. Umiling naman ako. “Inaantok lang. Kailangan ko na rin umuwi pero,” sagot ko at bumuntong hininga. Later on lumipat yung kaklase kong lalake sa tabi ko. “Did you drive a car?” tanong niya kaya umiling ako. “I’ll just ride a taxi.” “Isasakay na kita mamaya,” suhestyon niya. “Kaya ko na.” After 15 minutes tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Ako rin ang nagbayad ng nagastos namin. Pinilit ko maglakad ng deretso para lang hindi mahalata na lasing ako. Sa labasan ay naghintay ako ng taxi ngunit bago pa man pumaypay ang kamay ko ay may puntay sa kinatatayuan ko. Paglingon ko ay natigilan ako nang makita si Enzo. “I wanted to drive you home, but I know I drank a lot more than you did… I’ll just come with you,” mahinahon niyang sabi. “There’s no need, Enzo.” “I think I have to,”
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= It’s a week ago since Enzo and I last met each other… Nasa bahay ako at walang gana sa lahat. Akala ko okay na ako, okay na ang puso ko… Pero hindi pa pala. I was hurt… “M-Mommy,” mahinang tawag ko kay mommy na nasa kusina at naghahanda ng gabihan. “Oh anak?” tugon niya at nilingon ako. “M-Mommy… A-Ayoko na po dito,” mahinang bulong ko. Napahinto siya sa pagluluto at sumeryoso ang mukha. Pinatay niya ang kalan at nilapitan ako ngunit isang hawak niya lang at ayos sa mga buhok ko ay tumulo na ang luha ko. ‘Ang sakit…’ “W-Why anak? A-Ano ‘yon? Say it to mommy,” pag-aalo niya at niyakap ako. Panay ang hikbi ko sa kanyang nga balikat. “I-I can’t stay here, s-seeing Enzo… P-Parang pinapatay ang puso ko sa sakit mommy. Ang sakit… A-Akala ko…” “A-Akala ko a-ayos na ako…” panay ang hikbi ko at halos hindi ako makahinga kakaiyak. “A-Ano g-gusto mo gawin anak?” “M-Mommy… I-Ilayo n-niyo na po ako dito, k-kahit saang bansa b-bast
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After a few days, sinubukan ko puntahan si Enzo sa kanyang condo. Kinakabahan ako at hindi maipaliwanag ang nararamdaman. ‘Itataboy niya kaya ako?’ I knocked on his door three times, my heart is thumping very hard and I cannot do anything… Nang marinig ko ang pagbukas no’n ay napasinghap ako. Pagbukas no’n ay tumambad sa akin ang bahagyang namumutla na mukha ni Enzo. “Can I come in?” pabulong na tanony ko, huminga siya ng malalim at tumango. Sumunod ako sa kanya sa sala at doon ko nakita ang kumpol kumpol na kable ng kanyang laptop, at mga papers and documents na nakakalat. Tila inaaral niya ang kaso… “H-How’s your shoulder?” pabulong na kwestyon ko matapos maupo sa parteng sofa na walang laman na papel. “Good,” malamig niyang tugon. Hindi naman ganito si Enzo noon, kahit seryoso siya at hindi siya ganito kalamig lalo na pagdating sa akin. Ngunit ngayon ay iba… “E-Enzo… About the case—” “It’s not something I can share… I’m sorry,
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Mabilis akong sumunod sa kanya, pinilit ko siyang habulin. “Enzo sandali!” Habol ko at lakad takbo ang ginawa. “Enzo!” Ngunit nang nasa pinto niya na ay mabilis niyang sinara ang pinto dahilan para maiwan ako sa labas. Panay ang katok ko. “J-Just rest!” rinig ko ang malakas niyang sigaw sa kabilang pinto kaya mariin akong napapikit. Wala akong nagawa. Alam ko ang password ng kanyang condo pero tingin ko ay may kailangan siyang gawin. ‘Ang bakal na ‘yon? I-Ibig bang sabihin no’n hindi pa siya magaling?’ Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa labas ng pinto ni Enzo. Pinilit kong kumalma, kahit na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit niya kailangang magtago? Ano ang ginagawa niya na ayaw niyang malaman ko? “Enzo, please… Open the door,” mahinang tawag ko, pero walang sagot. Tila lalo pang bumibigat ang bawat segundo na lumilipas. Alam kong dapat ko siyang intindihin, pero hindi ko maiwasang magtaka at mag-alala. Hinawakan k
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Huminga ako ng malalim. It’s been a month since I last saw Enzo who’s maybe busy with her new fiance or on a case? I don’t wanna know. I’m sure, ayoko na malaman. But there’s a part of me who's curious. I’m dying to know if he’s happy. Because I am not. “Hey… Malapit na, kaunting tiis na lang and you’ll be done with your hell week.” Pagpapagaan ni Marco sa loob ko kaya ngumiti ako. Sapilitan man ngunit mahalaga ay nagagawa ko. “Oo nga eh, after this, isang taon pa tapos pwede na ako mag-duty sa hospital. Ang bilis,” tugon ko at tinitigan ang libro ko. “Yes! Just wait 13 months, Aria…” “Ihatid na kita sa condo mo?” anyaya niya kaya ngumiti ako at tumango. Nang makababa sa condo ay kinawayan ko siya. “Thank you so much Marco!” “Hmm! Take care!” sigaw niya at kumaway. Dahil doon ay umakyat na ako sa condo ko mismo. Ngunit pagbukas ng elevator ay napahinto ako nang makaharap si Enzo. Unang sumalubong sa akin ay ang asul niyang mata, ang