Competition yata ‘to ni Enzo at Aria kung sinong mas mahal ang isa’t isa eh hahahaha ano na Aria? Lugi ka na yata. Mas mahal ka ni Enzo tsk!
=Enzo Dane’s Point of View= Isang linggo ang lumipas mula nang magkita kami ni Aria, at sa kabila ng mga masasayang araw na iyon, may nararamdaman akong kaba na hindi ko alam kung saan galing. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kulang. Nandiyan si Aria, nandiyan ang pagmamahal, pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na may ibang umaagaw ng atensyon niya. Hindi ko rin alam kung anong nangyari, pero lately, nagiging malapit siya sa isang classmate niya sa med school, si Dr. Tristan. Hindi ko naman siya sinisisi, hindi ko rin naman siya minamaliit, pero may mga pagkakataon na hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong magtago sa likod ng pagiging “mature” na boyfriend, pero natatabunan pa rin ako ng selos. Inisip ko na sana, hindi siya maging masyadong close kay Tristan. Hindi ko naman kailangang magselos, pero ang pakiramdam ko, hindi ako ang unang priority niya. Minsan, ang mga simpleng text nila ay may ibang ibig sabihin, kaya hindi ko na kayang pigilin pa. ‘Alam ko
=Enzo Dane’s Point of View= Tatlong araw ang lumipas mula nung nagkaayos kami ni Aria, at sa kabila ng lahat, ramdam ko pa rin ang pagka-selos. Lalo na’t madalas ko siyang makita kasama si Dr. Tristan, lalo na tuwing nagkakaroon sila ng study group o kumakain sila sa labas. Hindi ko na kayang pigilin ang mga nararamdaman ko. Alam ko na wala akong karapatan, pero hindi ko rin matanggap na masyado siyang malapit kay Tristan. Isang araw, nang magkasama kami ni Aria sa café, nakita ko na naman si Dr. Tristan na tumawag kay Aria. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero may kumulo na naman sa dibdib ko. Hindi ko na kayang magpanggap na hindi ko siya pinapansin. Nang matapos ang tawag, dumiretso ako sa kanya. “Si Tristan na naman?” tanong ko, na may kaunting kaba sa boses. Tumingin siya sa akin, at nakita ko sa mata niya ang kalituhan. “Enzo, bakit? Hindi mo na ba ako pinapayagang makipag-usap sa kanya?” Nagkibit-balikat ako, hindi makatingin sa mata niya. “Bakit ba kayo
=Enzo Dane’s Point of View= Tatlong linggo na ang lumipas, at hindi ko pa rin kayang kontrolin ang selos ko kay Dr. Tristan. Bawat oras na magkasama sila ni Aria, naiisip ko na may nangyayari sa kanila. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Alam kong wala namang masama, pero hindi ko pa rin kayang tanggapin na ibang tao na naman ang palaging kasama si Aria. Isang araw, pagkatapos ng klase ni Aria, nagpunta ako sa café kung saan sila madalas mag-aral ni Dr. Tristan. Hindi ko na kinaya, at sumunod ako sa kanya. Pagtapat ko sa kanila, si Aria at si Tristan ay nakaupo sa isang sulok ng café, malapit sa bintana, at tila abala sa kanilang mga libro at laptop. Nakita ko si Aria na nakangiti habang nakikinig kay Tristan, at may kung anong hindi magandang nararamdaman na naman ako. Lalo na nang makita kong si Tristan ay nakasandal sa lamesa, parang may matinding kumpiyansa. May mga pagkakataong tinitingnan siya ni Aria ng may ngiti sa mga mata. Hindi ko na
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Hindi pa rin labis na makapaniwala si Enzo na bading si Tristan. Natutulala siya habang nagbabasa ng makapal na reading at halos panay ang buntong hininga. “Mukha ka namang kinikilabutan diya ?” asar ko. Pinigilan ko namang ipahiwatig ang tono ng pang-aasar ngunit kusang lumalabas iyon. “It’s not funny, Aria Maeve Sienna. I was hurt by some nonsense I found out late, damn it.” Inilapag niya ang readings at suminghal. Napasandal sa sofa sa kanyang condominium. “Baby…” malambing na tawag ko at lumingkis sa kanya. “Nakakatampo ka, isa ka pa… How could you make me feel like this. I was sleepless thinking you’re not into me anymore just because I was busy, damn it. I hate this,” bulong ni Enzo puno ng pagrereklamo. “I love you baby,” malambing kong sabi. Bumuntong hininga si Enzo at nakalabing tumitig. “No secrets… Dapat sa relationship,” bulong niyang reklamo kaya ngumiti ako. “Hmm. Hindi ba magse-secret kahit bawal ipagsabi sa iba,” pani
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= The next night, Enzo decided to take me with him. Sa kung saan pinaglalamayan ang dalawang inosenteng nadamay. May dala siyang abuloy na nakalagay sa puti na envelope, pagkapasok namin doon ay marami ang umiiyak dahil isang board passer rin pala ang isa sa nadamay at ang isa naman ay tita ng board passer. Malungkot ang lahat at nang makapasok kami ay sumilip muna kami sa nasawi. “Ako na ang maglalagay ng abuloy. Lapitan mo na muna yung pamilya,” mahinang sabi ko. Inabot ni Enzo iyon sa akin kaya pumunta ako sa may gilid sa kung saan may malaking kahon at pagsusulatan. Pagkasulat ko ay inilagay ko ang pangalan ng law firm nila Enzo. “Salamat po,” nanghihinang sabi ng bantay doon. Ngunit nang hanapin ko si Enzo ay napahinto ako nang sinusugod na siya ng pamilya ng namatay. “Kayo! Kayo ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko, at kapatid ko!” sigaw ng isang ginang na umiiyak at dinuduro si Enzo. Napansin ko agad ang sakit sa mga ma
Sa gabing iyon, nakita ko ang isang Enzo na hindi ko kailanman inakala na makikita ko. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama, naka-upo at nakatungo ang ulo, pilit na iniinda ang bigat na nakapatong sa kanyang mga balikat. Hindi ko mapigilang lumapit at maupo sa tabi niya, pero naramdaman kong masyado siyang malayo, kahit na ilang pulgada lang ang pagitan namin. “Aria…” bulong niya, halos hindi ko marinig. Nagulat ako nang makita ang panginginig ng kanyang mga kamay. “Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko, pero ang daming nasasaktan. Ang daming nadadamay… Parang… parang wala akong silbi kung hindi ko kayang protektahan ang mga inosenteng tao.” Hinaplos ko ang kanyang likod, pilit na nagbibigay ng kahit kaunting ginhawa. Pero ramdam kong mas malalim pa ang sugat na dala niya. Tila hindi sapat ang mga salitang pwedeng sabihin para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. “Enzo…” bulong ko, pero iniwasan niya ang tingin ko. Napan
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=Habang nakatayo ako sa gitna ng sala ng condo niya, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan si Enzo, na tila ba isang taong walang matakasan, walang mapuntahan. Narinig ko ang kaluskos ng gripo mula sa banyo, at hindi ko maiwasang mapalunok. Sobrang sakit na makita siyang ganito, parang unti-unti siyang kinakain ng trabaho niya, ng mga pangyayari sa paligid niya. Hindi ko siya kayang pabayaan sa ganitong sitwasyon.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong lumapit sa pinto ng banyo at marahang kumatok. “Enzo, please… labas ka diyan. Hayaan mong tulungan kita,” bulong ko, umaasang maririnig niya ako at mapagtanto na hindi siya nag-iisa.Ilang minuto ang lumipas at walang sagot. Ngunit sa wakas, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Halos mapaiyak ako nang makita ang itsura niya. Namumula ang mga mata niya, tila ba hindi niya kayang itago ang bigat na dinadala niya kahit anong pilit niyang ngumiti.“I’m sorry, Sienna… I didn’t
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=Ngunit isang linggo na ang lumipas ay alam kong may mas malala na nangyayari kay Enzo. His dad called me…“Aria, can I ask you a favor?” Ang mahinahon na boses ni Tito Eros ay pinakaba ako.“Sure tito…”“Can you go to Enzo’s office? He’s not eating. Masyado siyang focused sa case, I think as a young lawyer… He’s very affected,” kalmadong sabi nito.“Sige po tito, pupuntahan ko. Hindi ko na lang po sasabihin,” maayos na sabi ko.Dahil doon ay napabuntong hininga ako. I was also busy with my upcoming practical exams.Pagkatapos kong kausapin si Tito Eros, hindi ko maiwasang kabahan. Kilala ko si Enzo — hindi siya ang tipo ng tao na basta-basta bumibitaw. Ngunit alam ko rin na may hangganan ang bawat tao, kahit gaano pa sila kalakas. At sa sitwasyon ngayon, parang unti-unting nauubos ang lakas niya dahil sa kasong hawak niya.Agad akong nagbihis at nagmaneho patungo sa opisina ni Enzo. Pagdating ko roon, ramdam ko na agad ang bigat ng atmospera. Tahimi
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Hindi ko alam kung dahil ba sa paraan ng pagkakasabi niya o dahil sa titig niyang parang binabasa ang buong pagkatao ko, pero hindi ako mapakali sa sasakyan. Everything between us will change? Anong ibig sabihin niya roon? At bakit parang may alam siyang hindi ko alam? Huminga ako nang malalim at pilit na binalewala ang kung anong gulo sa dibdib ko. Ayoko nang bigyan ng kulay. Kung may binabalak siyang kalokohan, hindi ako papayag. “Enzo,” matigas kong sabi. “Hmm?” Hindi man lang siya nag-abala na lingunin ako, pero naroon pa rin ang ngiti sa labi niya. “Hindi ako pumayag. Hindi ako sasama sa gala.” Tila ba inaasahan na niya ang sagot ko dahil napailing na lang siya at napangisi. “Oh, you will.” Nagtaas ako ng kilay. “At paano mo naman nasigurado ‘yan?” “I sent an invitation to your hospital’s board of directors.” Halos mapanganga ako. “You what?!” “Yeah. Your name’s already on the guest list, and guess what?” Binalingan niya
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Pagkatapos ng pang-aasar niyang ‘yon, nagpatuloy kaming kumain, pero hindi ko na siya halos tiningnan. Baka kasi makita niya kung gaano ko na pinipigilan ang sarili kong hindi ngumiti. Lintek na Enzo. Kahit kailan hindi ko siya natalo sa mga asaran namin. Kahit noong mga panahong mag-best friends pa lang kami, laging siya ang may huling banat, laging siya ang may pang-aalaska na hindi ko masabayan. Akala ko ba, Aria, hindi mo na siya hahayaang makaapekto sa’yo? Pero heto ako ngayon—hindi mapakali, hindi makatingin nang diretso, at parang may butteflies sa sikmura tuwing ngingisi siya. Damn it. “I feel like I deserve a reward,” biglang sabi niya habang inaayos ang manggas ng suit niya. Napasulyap ako sa kanya, pinipilit maging deadpan. “Para saan?” He smirked. “For making you smile.” Napaigtad ako. “Anong—Hindi ako nakangiti!” “Tanggi ka pa,” natatawa niyang sabi. “Kitang-kita ko kanina. Akala mo hindi ko nahuli ‘yung maliit na ngi
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Pagdating ko sa coffee shop na malapit sa ospital, halos kalahating oras na ang lumipas pero wala pa rin si Enzo. Hindi naman ako naiinip, pero bakit parang may kaunting kaba sa dibdib ko? Umorder ako ng cappuccino at umupo sa sulok kung saan hindi ako madaling mapansin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nag-aalalang makita ako ng ibang tao kasama si Enzo. Alam naman ng lahat na magkaibigan kami noon pa, hindi ba? Pero bakit parang may ibang pakiramdam ngayon? Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Enzo. Suot pa rin niya ang itim niyang suit, bahagyang magulo ang buhok, at mukhang pagod. Pero kahit pagod siya, hindi pa rin nawawala ang presensya niyang kayang punuin ang isang buong silid. Dire-diretso siyang lumapit sa akin at walang sabi-sabing umupo sa harapan ko. “Late ka,” bungad ko, sinadyang gawing impit ang tono para hindi mahalata ang pang-aabang ko sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Pagkapasok namin sa opisina niya, agad akong umupo sa sofa habang siya naman ay tumayo sa harap ng mesa, niluwagan ang tie niya at bumuntong-hininga. Ngayon ko lang talaga napansin—he looked exhausted. Ang Enzo na kilala ko ay laging maayos, laging handa sa kahit anong laban, laging may pang-asar na ngiti sa mukha. Pero ngayon, para siyang may bitbit na buong mundo sa balikat niya. “You sure you’re okay?” tanong ko ulit, mas mahinahon na ngayon. “I’m fine, doc.” Iyon lang ang sagot niya, pero halatang hindi siya okay. Pinagmasdan ko siya habang dumaan siya sa gilid ng mesa, kinuha ang basong may tubig at uminom. Ang bawat galaw niya ay parang mabigat, pero hindi niya ito ipinapahalata. Napansin yata niyang hindi ako natitinag sa pagtitig sa kanya kaya napangisi siya nang bahagya. “You’re staring.” Napaayos ako ng upo. “Wala kang pakialam.” “Hmm, let me guess… you missed me?” tukso niya, pero halata sa tono niya na gusto lang niyang
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Then suddenly, for a moment, I was reminded of the fiancé he’s been hiding before. Are they married now? While we are eating, I suddenly wanted to ask him. “How are you and your wife?” malumanay ang pananalita ko ngunit napahinto siya. “Wife?” pag-uulit niya na tila ba nabingi siya sa aking inulat. Ang asul niyang mata ay nakatuon sa akin ngunit ang tingin niya ay nangengwestyon. “Y-You had a fiance before I left,” pabulong na asik ko. Napahinto siya lalo at tila naunawaan ang sinabi ko. “Oh, about that. My fiance left, so we didn’t really got married.” On his remarks, napahinto ako. Iniwan rin siya? Is it because of me? Napatingin ako sa kanya, pilit iniintindi ang sinabi niya. “Your fiancée left?” mahinahon kong ulit, pero sa totoo lang, may kung anong bigat ang bumagsak sa dibdib ko. Tumango siya at muling sumubo ng pagkain, parang kaswal lang ang usapan na ‘to para sa kanya. “Yeah. She left, just like that.” May bahagyang pait sa
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Putangina. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to. “As if,” masungit kong sagot habang ibinaba ang folder sa mesa niya nang may diin. “Nandito lang ako kasi baka kailangan mo ‘to sa kaso mo. Period.” Tumango-tango siya, pero halata sa ngisi niya na hindi siya naniniwala. “Right. And you just happened to pass by my law firm with those records in hand?” Nagtaas ako ng kilay. “Exactly.” “And that totally doesn’t sound like an excuse?” Huminga ako nang malalim at tumingala, pilit pinipigilan ang sarili ko na sipain ang lamesa niya. “Enzo, putangina ka talaga. If you don’t need the records, I’ll leave.” “Woah, woah.” Pinatong niya ang siko niya sa mesa, nakangisi pa rin. “Don’t be so defensive, doc. You’re starting to sound guilty.” “Guilty saan?” “Missing me.” Binigyan ko siya ng deadly glare, pero mukhang mas lalo lang siyang na-eentertain. “Alam mo, attorney, gusto talaga kitang suntukin minsan.” “Go ahead. Pero baka lalo kan
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Pagkatapos ng ilang segundong pagtititigan namin ni Enzo, ako na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umiwas sa paraan ng pagtitig niya—masyadong sigurado, masyadong kampante na kaya ko ang lahat, kahit ako mismo kanina lang ay muntik nang matalo ng kaba. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa lounge. Pagod na pagod ako, pero alam kong hindi pa tapos ang araw ko. Saktong pag-upo ko pa lang sa couch ay naramdaman ko ang presensya ni Enzo sa tabi ko. Hindi ko na rin nagawang magulat. Pakiramdam ko, kahit saan ako magpunta, parang may radar siya pagdating sa akin. “Stress reliever?” tanong niya sabay abot ng isang boteng tubig. Tinanggap ko iyon nang hindi siya tinitingnan. “Hindi mo ba ako bibigyan ng energy drink? Alam mo namang hindi ko kailangan ng tubig lang.” “You’re a doctor. Alam mong hindi maganda ang sobrang caffeine.” Napanguso ako at uminom ng tubig bago siya sinulyapan. Nakasa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Ilang araw ang lumipas, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho, pero parang sinadya ni Enzo na guluhin ang sistema ko. Tuwing may meeting kami tungkol sa kaso, hindi ko alam kung paano niya nagagawang balansehin ang pagiging seryosong abogado at pagiging panggulo sa isipan ko. Katulad ngayon. Nakaupo kami sa isang pribadong restaurant kung saan niya ako dinala para pag-usapan ang magiging approach namin sa deposition. Ang kaso? Hindi ako makapag-focus dahil sa paraan niyang tumitig sa akin—parang may ibang agenda maliban sa kaso. “Can you stop looking at me like that?” iritable kong sabi habang binubuklat ang folder sa harap ko. Nag-angat siya ng tingin mula sa baso ng whiskey niya at ngumiti. “Like what?” Napairap ako. “Like you’re thinking of something other than work.” “Hmm, guilty,” walang kahirap-hirap niyang inamin. “Pero sino bang may kasalanan? Hindi ko naman ginustong maadik sa presensya mo, doc.” Napaat
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nagtagal pa kami sa opisina niya, hindi nagmamadaling tapusin ang usapan, hindi rin nagmamadaling umalis. Parang kahit wala kaming sinasabi, may sariling paraan ang hangin sa pagitan naming dalawa para magkaintindihan. “So,” basag niya ulit sa katahimikan. “What now, doc?” Napakunot ang noo ko. “What do you mean?” Umayos siya ng upo, ini-cross ang isang paa sa ibabaw ng tuhod niya, all casual and confident—Enzo Fuentabella in his natural state. “You’re cleared from the case. Wala ka nang dapat ipag-alala. Pwede ka nang bumalik sa dati mong routine, wala nang istorbo na kagaya ko.” Nagkibit-balikat ako, nag-aalangan kung dapat ko ba siyang seryosohin. “That’s good, right?” Ngumiti siya, pero hindi ito ‘yong usual na mapang-asar niyang ngiti. “Right.” Tumingin siya sa akin nang matagal, as if waiting for something. Nang hindi ako nagsalita, siya na ulit ang nagpatuloy. “Pero tell me honestly, doc… did you really want me gone?” Napalunok a