Kung ako lang si Aria baka gawin ko ng totoo ‘to eh HAHAHAHA! Kaso hindi 💀🙈
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nang matapos niyang sagutin ang tawag, napansin ko ang bahagyang pagbabago sa mukha niya—seryoso na naman siya, ngunit may lambing sa mga mata niya tuwing ako’y tinititigan. “Okay ka lang?” tanong ko, medyo nag-aalangan ngunit gusto ko ring malaman kung okay lang siya matapos ang pagkakasagutan nila ng kliyente kanina. Ngumiti siya, pilit na itinatago ang pagod na nadarama. “Okay lang ako, Aria,” sagot niya, at may kakaibang init sa mga mata niya. “Kaya lang… sa tuwing may kliyenteng tulad kanina, pakiramdam ko kailangan kong magpahinga kasama ang isang tao na alam kong hindi ako huhusgahan o pipilitin.” Nagbiro ako, pilit binubura ang tensyon. “Pahinga lang ba talaga ang hanap mo, Attorney Fuentabella?” Tumawa siya, at sa halakhak niyang iyon, naramdaman kong bumalik ang dati niyang kakulitan. “Depende. Kung kasama ka, baka higit pa sa pahinga ang kailangan ko.” Mapanukso siyang ngumiti, at hindi ko mapigilan ang pagpintig ng puso ko
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Dahil sa paghihintay ni Enzo sa desisyon ko na totohanin namin ang relasyon namin ay halos dalawang araw kaming hindi nagkita ngunit binabagabag ako ng isip ko. Hindi ko naman itatanggi na kagusto-gusto talaga siya. ‘Si Enzo na ‘yan eh, bukod sa pagiging youngest lawyer and a Harvard graduate, he’s also handsome and— I don’t know about his attitude… As a boyfriend but it’s not hard to like Enzo. You’ll fall for him without even noticing… That’s what I felt for him when we’re younger…’ Napatingin ako sa kawalan habang nag-iisip. Ang dami kong tanong sa sarili ko—kung bakit ako nagdadalawang-isip pa, kung bakit hindi ko kayang sumugal kahit may parte ng puso ko na matagal nang may nararamdaman kay Enzo. ‘Hindi naman niya ako pinipilit, pero bakit ang hirap tanggapin na gusto rin niya ako?’ Habang patuloy akong naglalakad pabalik sa condo ko, naisip kong baka nga ang takot ko ang humaharang. Takot na baka masaktan, takot na baka masira ang pa
=Enzo Dane’s Point Of View= Hindi ko mapigil ang ngiti sa mga labi, parang napupunit na nga ito sa sobrang saya na nararamdaman ko. “H-Hoy, para kang baliw na nakangiti diyan.” Pagpansin ni Aria kaya natakpan ko ang bibig at ngumiti ng malaki. “I’m sorry. I can’t explain how happy I am. Knowing that you are mine,” ani ko at inakbayan si Aria habang naglalakad kami sa pasilyo ng condominium namin. “I’ll just drop you by, I need to go home since dad need me on his case, I’ll be back by 10 PM.” Pagpaapaalam ko sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. Nang makapasok siya ay ngumiti ako. “I’ll see you tonight?” pabulong na aniya ko at pinantayan ang mukha niya dahil baka nangalay na ang kanyang leeg sa kakatingala sa akin. “Mmm, ingat ka ha,” malambing na sabi niya kung kaya’t natakpan ko ang bibig. ‘Damn it, it was too sweet for my ears.’ Kumawala ang ngiti sa labi ko at dahil doon ay natawa si Aria. “You should go na, I’m sure Tito Eros is waiting for you. Babye!” “Hmm, by
=Enzo Dane’s Point Of View= Habang papalabas ako ng bahay, hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang message ni Aria. Simpleng bilin lang sa kape, pero para bang kahit anong simpleng bagay kapag galing sa kanya ay nagpapasaya sa akin. Pagdating ko sa coffee shop, sinadyang pumili ako ng espesyal na order para sa kanya—alam kong gusto niya ang may extra caramel at konting whipped cream. Dahil gabi na, naisip ko ring dagdagan ng maliit na brownie para may konting surprise siya. Pagdating ko sa condo, sinikap kong huwag gumawa ng ingay. Pagbukas ng pinto, natanaw ko si Aria na nakaupo sa sofa, nakakunot ang noo habang binabasa ang isang libro. Napatingala siya nang makita akong pumasok, at tumayo agad. “Ang tagal mo naman! Akala ko nakalimutan mo na yung bilin ko,” biro niya, ngunit may halong lambing ang boses. “Hindi ko nga nakakalimutan ang mga gusto mo, ‘no,” sagot ko at iniabot ang kape pati ang brownie. Napangiti siya nang makita ang extra sa order. “Wow, brow
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= 3 MONTHS LATER… Enzo always come home to my condo, siya na nga mismo pumapasok. Hindi na rin siya kumakatok. Sa tatlong buwan na naging opisyal kami ay naging masaya ako at ganado. Lagi akong excited umuwi pagkatapos ng klase. Kahit pa sobrang busy niya ay lagi siyang may oras sa akin. Pero may hawak silang kaso ng daddy niya na tatlong buwan na ay hindi pa rin naayos. “Bakit ba hindi pa natatapos yung case niyo?” mahinahon na sabi ko at naupo sa kanyang tabi. He looked stressed, “The woman who killed her boyfriend has a backer… Maybe it was an affair, but she’s playing a victim,” paliwanag ni Enzo at nahilot ang sintido. Napansin ko ang pag galaw ng kanyang adams apple, ang gwapo… Ang hot… “Why stare at it? Touch it, baby…” malanding sabi ni Enzo at lumapit. Napahagikgik ako at hinawakan iyon ngunit tila iba ang naramdaman ni Enzo kaya huminto na ako. “Baliw, ayusin mo na nga ‘yang kaso,” natatawang sabi ko at tinapik siya sa braso.
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nakahiga si Enzo sa aking kandungan habang binabasa ang makapal na printed notes. Para daw sa kaso ‘yon, sabi niya naman. “Damn it, sino ba kasi yung backer no’n? Yakuza yata,” singhal ni Enzo at napaupo dahil mukhang seryoso talaga ang binabasa niya. Nang matapos niyang basahin ‘yon ay huminga siya ng malalim. “Baby, you should rest. Late na rin, you still have classes tomorrow.” Tumayo siya kaya ganoon rin ako. “Goodnight,” nakangiting sabi ko. Yumuko siya at hínalikan ako sa labi. “Goodnight,” pabulong niyang sabi at bahagyang lumayo. *** Pagkapasok ko sa café after my classes, natanaw ko kaagad si Enzo. He looked problematic… Siguro dahil sa case, pasimple akong lumapit iyon bang hindi niya ako mapapansin. Tumunog ang cellphone niya at sinagot niya ‘yon. “If you can’t find the man who backed that woman, try hard! If he existed in this world, you can find him. Find him,” mariing sabi niya kaya bumuntong hininga ako. Dahan-dahan akong lum
=Enzo Dane’s Point Of View= Nasapo ko ang noo habang kaharap si dad. “Dad, it’s been months…” mahinahon na sabi ko. “I know anak, may mga kaso talagang ganito. Minsan ay inaabot pa ng taon. Matindi ang kalaban natin ngayon.” Kinuha ni dad ang folder ng kasong ito at inilapag ‘yon sa harapan ko isa-isa. Hindi ko alam na ang kasong ito ay aabutin ng ganito katagal… Napakahirap, ngunit hindi kami sumusuko ni dad. Wala pa naman kaming kaso na naipatalo… Huminga ako nang malalim, pilit na inuunawa ang mga papeles at ebidensyang inilatag ni dad. Alam kong matagal na ito—tatlong buwan na ang nakalipas mula noong nagsimula kami sa kasong ito, at sa bawat linggo, mas lalo lang itong humihirap. Pero hindi ko kayang magpatalo. Ito na marahil ang isa sa pinakamahirap na kaso na hinawakan ko, pero sa bawat pagkabigo at pagtanggap ng mas maraming dokumento, ramdam kong kinakailangan kong patunayan ang sarili ko, hindi lang bilang abogado kundi bilang anak ni dad. Maya-maya pa’y tumunog ang
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= While Enzo is resting beside me, naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang paghinga. Nang silipin ko ay napalunok ako nang makita na nakaidlio na siya habang hawak ang makapal na mga documents. ‘Kulang siguro ang tulog nito…’ Huminga ako ng malalim at ginising siya upang palipatin sa kwarto dahil hindi ko naman siya kayang buhatin. “Mm?” “Lipat ka sa room, baby… Doon ka matulog,” malambing na sabi ko at dahil doon ay bumangon siya. “Sorry baby, 3 hours lang kasi yung tulog ko…” mahinang sabi niya kaya naman ngumiti ako. “Ayos lang, ano ka ba, halika na. Matulog ka na sa kwarto,” ani ko at hinawakan ang kanyang kamay upang dalhin siya sa kwarto ko. Nang humiga siya sa kama ko ay inayos ko pa ang kumot niya. “Make yourself comfortable baby,” asik ko at hinayaan siyang yakapin ang unan ko. Iniwan ko na muna siya sa kwarto. Malapit na rin naman mag-dinner, ano bang laman ng ref ko? Hindi kasi ako ganoon kagaling sa kusina. Nang buk