Will update tomorrow! 💞
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= 3 MONTHS LATER… Enzo always come home to my condo, siya na nga mismo pumapasok. Hindi na rin siya kumakatok. Sa tatlong buwan na naging opisyal kami ay naging masaya ako at ganado. Lagi akong excited umuwi pagkatapos ng klase. Kahit pa sobrang busy niya ay lagi siyang may oras sa akin. Pero may hawak silang kaso ng daddy niya na tatlong buwan na ay hindi pa rin naayos. “Bakit ba hindi pa natatapos yung case niyo?” mahinahon na sabi ko at naupo sa kanyang tabi. He looked stressed, “The woman who killed her boyfriend has a backer… Maybe it was an affair, but she’s playing a victim,” paliwanag ni Enzo at nahilot ang sintido. Napansin ko ang pag galaw ng kanyang adams apple, ang gwapo… Ang hot… “Why stare at it? Touch it, baby…” malanding sabi ni Enzo at lumapit. Napahagikgik ako at hinawakan iyon ngunit tila iba ang naramdaman ni Enzo kaya huminto na ako. “Baliw, ayusin mo na nga ‘yang kaso,” natatawang sabi ko at tinapik siya sa braso.
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nakahiga si Enzo sa aking kandungan habang binabasa ang makapal na printed notes. Para daw sa kaso ‘yon, sabi niya naman. “Damn it, sino ba kasi yung backer no’n? Yakuza yata,” singhal ni Enzo at napaupo dahil mukhang seryoso talaga ang binabasa niya. Nang matapos niyang basahin ‘yon ay huminga siya ng malalim. “Baby, you should rest. Late na rin, you still have classes tomorrow.” Tumayo siya kaya ganoon rin ako. “Goodnight,” nakangiting sabi ko. Yumuko siya at hínalikan ako sa labi. “Goodnight,” pabulong niyang sabi at bahagyang lumayo. *** Pagkapasok ko sa café after my classes, natanaw ko kaagad si Enzo. He looked problematic… Siguro dahil sa case, pasimple akong lumapit iyon bang hindi niya ako mapapansin. Tumunog ang cellphone niya at sinagot niya ‘yon. “If you can’t find the man who backed that woman, try hard! If he existed in this world, you can find him. Find him,” mariing sabi niya kaya bumuntong hininga ako. Dahan-dahan akong lum
=Enzo Dane’s Point Of View= Nasapo ko ang noo habang kaharap si dad. “Dad, it’s been months…” mahinahon na sabi ko. “I know anak, may mga kaso talagang ganito. Minsan ay inaabot pa ng taon. Matindi ang kalaban natin ngayon.” Kinuha ni dad ang folder ng kasong ito at inilapag ‘yon sa harapan ko isa-isa. Hindi ko alam na ang kasong ito ay aabutin ng ganito katagal… Napakahirap, ngunit hindi kami sumusuko ni dad. Wala pa naman kaming kaso na naipatalo… Huminga ako nang malalim, pilit na inuunawa ang mga papeles at ebidensyang inilatag ni dad. Alam kong matagal na ito—tatlong buwan na ang nakalipas mula noong nagsimula kami sa kasong ito, at sa bawat linggo, mas lalo lang itong humihirap. Pero hindi ko kayang magpatalo. Ito na marahil ang isa sa pinakamahirap na kaso na hinawakan ko, pero sa bawat pagkabigo at pagtanggap ng mas maraming dokumento, ramdam kong kinakailangan kong patunayan ang sarili ko, hindi lang bilang abogado kundi bilang anak ni dad. Maya-maya pa’y tumunog ang
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= While Enzo is resting beside me, naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang paghinga. Nang silipin ko ay napalunok ako nang makita na nakaidlio na siya habang hawak ang makapal na mga documents. ‘Kulang siguro ang tulog nito…’ Huminga ako ng malalim at ginising siya upang palipatin sa kwarto dahil hindi ko naman siya kayang buhatin. “Mm?” “Lipat ka sa room, baby… Doon ka matulog,” malambing na sabi ko at dahil doon ay bumangon siya. “Sorry baby, 3 hours lang kasi yung tulog ko…” mahinang sabi niya kaya naman ngumiti ako. “Ayos lang, ano ka ba, halika na. Matulog ka na sa kwarto,” ani ko at hinawakan ang kanyang kamay upang dalhin siya sa kwarto ko. Nang humiga siya sa kama ko ay inayos ko pa ang kumot niya. “Make yourself comfortable baby,” asik ko at hinayaan siyang yakapin ang unan ko. Iniwan ko na muna siya sa kwarto. Malapit na rin naman mag-dinner, ano bang laman ng ref ko? Hindi kasi ako ganoon kagaling sa kusina. Nang buk
=Enzo Dane’s Point of View= Isang linggo ang lumipas mula nang magkita kami ni Aria, at sa kabila ng mga masasayang araw na iyon, may nararamdaman akong kaba na hindi ko alam kung saan galing. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kulang. Nandiyan si Aria, nandiyan ang pagmamahal, pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na may ibang umaagaw ng atensyon niya. Hindi ko rin alam kung anong nangyari, pero lately, nagiging malapit siya sa isang classmate niya sa med school, si Dr. Tristan. Hindi ko naman siya sinisisi, hindi ko rin naman siya minamaliit, pero may mga pagkakataon na hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong magtago sa likod ng pagiging “mature” na boyfriend, pero natatabunan pa rin ako ng selos. Inisip ko na sana, hindi siya maging masyadong close kay Tristan. Hindi ko naman kailangang magselos, pero ang pakiramdam ko, hindi ako ang unang priority niya. Minsan, ang mga simpleng text nila ay may ibang ibig sabihin, kaya hindi ko na kayang pigilin pa. ‘Alam ko
=Enzo Dane’s Point of View= Tatlong araw ang lumipas mula nung nagkaayos kami ni Aria, at sa kabila ng lahat, ramdam ko pa rin ang pagka-selos. Lalo na’t madalas ko siyang makita kasama si Dr. Tristan, lalo na tuwing nagkakaroon sila ng study group o kumakain sila sa labas. Hindi ko na kayang pigilin ang mga nararamdaman ko. Alam ko na wala akong karapatan, pero hindi ko rin matanggap na masyado siyang malapit kay Tristan. Isang araw, nang magkasama kami ni Aria sa café, nakita ko na naman si Dr. Tristan na tumawag kay Aria. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero may kumulo na naman sa dibdib ko. Hindi ko na kayang magpanggap na hindi ko siya pinapansin. Nang matapos ang tawag, dumiretso ako sa kanya. “Si Tristan na naman?” tanong ko, na may kaunting kaba sa boses. Tumingin siya sa akin, at nakita ko sa mata niya ang kalituhan. “Enzo, bakit? Hindi mo na ba ako pinapayagang makipag-usap sa kanya?” Nagkibit-balikat ako, hindi makatingin sa mata niya. “Bakit ba kayo
=Enzo Dane’s Point of View= Tatlong linggo na ang lumipas, at hindi ko pa rin kayang kontrolin ang selos ko kay Dr. Tristan. Bawat oras na magkasama sila ni Aria, naiisip ko na may nangyayari sa kanila. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Alam kong wala namang masama, pero hindi ko pa rin kayang tanggapin na ibang tao na naman ang palaging kasama si Aria. Isang araw, pagkatapos ng klase ni Aria, nagpunta ako sa café kung saan sila madalas mag-aral ni Dr. Tristan. Hindi ko na kinaya, at sumunod ako sa kanya. Pagtapat ko sa kanila, si Aria at si Tristan ay nakaupo sa isang sulok ng café, malapit sa bintana, at tila abala sa kanilang mga libro at laptop. Nakita ko si Aria na nakangiti habang nakikinig kay Tristan, at may kung anong hindi magandang nararamdaman na naman ako. Lalo na nang makita kong si Tristan ay nakasandal sa lamesa, parang may matinding kumpiyansa. May mga pagkakataong tinitingnan siya ni Aria ng may ngiti sa mga mata. Hindi ko na
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Hindi pa rin labis na makapaniwala si Enzo na bading si Tristan. Natutulala siya habang nagbabasa ng makapal na reading at halos panay ang buntong hininga. “Mukha ka namang kinikilabutan diya ?” asar ko. Pinigilan ko namang ipahiwatig ang tono ng pang-aasar ngunit kusang lumalabas iyon. “It’s not funny, Aria Maeve Sienna. I was hurt by some nonsense I found out late, damn it.” Inilapag niya ang readings at suminghal. Napasandal sa sofa sa kanyang condominium. “Baby…” malambing na tawag ko at lumingkis sa kanya. “Nakakatampo ka, isa ka pa… How could you make me feel like this. I was sleepless thinking you’re not into me anymore just because I was busy, damn it. I hate this,” bulong ni Enzo puno ng pagrereklamo. “I love you baby,” malambing kong sabi. Bumuntong hininga si Enzo at nakalabing tumitig. “No secrets… Dapat sa relationship,” bulong niyang reklamo kaya ngumiti ako. “Hmm. Hindi ba magse-secret kahit bawal ipagsabi sa iba,” pani
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=Dahil sa nangyari ay nagkaroon ako ng bahagyang hiya at pagkailang sa kanyang presensya. Tila sasabog ang mukha ko sa sobrang init nito sa tuwing nasusulyapan ko ang mukha niya at nararamdaman ko ang presensya niya.One day, I was summoned to his office due to his busy schedules. Busy rin naman ako sa ospital pero kaso ko ang hawak niya kaya dapat lang siguro… Tama lang naman na ako ang pumunta ‘di ba?While I was waiting outside his office, I heard kasi nagbibihis siya. ‘Yon ang habilin niya sa secretary niya kaya wala akong pagpipilian.“Come in!” malakas na sabi niya kaya binuksan ko ang pinto papasok sa opisina niya at napalunok ako nang bahagyang makita ang dibdib niya dahil sinasarado niya ang ilan sa mga butones na hindi natapos.Umiwas tingin ako kaagad nang nakatingin siya sa akin habang sinasarado iyon. Ang asul niyang mata ay matalim at makahulugan na nakatitig.Sinong hindi maiilang sa gwapo niyang mukha lalo na’t may pinagsamahan kami k
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= A day later, hinarap ako ni Enzo. “It seems like the hospital is at fault, and the doctor. I found out that both of them are cooperating to ruin you huh?” Hinarap niya sa akin ang tablet na dala niya. “What did you do? Why do they hate you so much?” kwestyon ni Enzo at nakapandekwatrong naupo sa harapan ko. “Ewan. I’m just doing my best as a doctor, and maybe they hated that I’m determined,” walang ganang sagot ko. Pasimple kong nahilot ang sintido, inaamin kong nas-stress ako. Aside from my case, hawak ko rin ang kaso ng ibang mga doctor dito sa hospital ko. “Hmm, then let’s do this. I won’t be back in a while, doc…” Napatitig ako kay Enzo sa sinabi niya, ba’t kailangan pa niya sabihin sa akin? ‘Ano ‘yan update?!’ “You might miss me, but please don’t. I’ll investigate about your case,” mayabang niyang sabi kaya napangiwi ang mukha ko. Alam ko naman gwapo siya pero anong sinasabi sabi niyang mamimiss ko siya?! “Kapal. Kahit mawala k
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=“It seems that you found a new and persistent enemy, doc.” Tumaas kaagad ang kilay ko sa bungad ni Enzo na dala-dala ang apat na folder.“Ano na naman ‘yan?” pagod na pagod kong sabi at napaupo na lang sa harap ng desk ko.Nagkibit balikat siya at huminga ng malalim. “Another 4 cases of malpractice, and one is done by you.” “Ako? Wala akong mali sa mga operasyon na nagawa ko, never in my life that I will make a mistake.” I was so confident not until he opened up the folder and placed it in front of me.Napahinto ako nang makilala ang pasyenteng iyon, but t-that was from abroad pa… Kinuha ko ang papel at tinitigan.“C-Care to elaborate?” nangatal ang labi ko dahil ang pasyenteng iyon ay ipinasa ko na sa ibang doctor dahil aalis na ako sa bansa at babalik sa Pinas.“You seem disturbed, did you really not made a mistake?” he sarcastically said but then hindi ako nakasagot.“J-Just elaborate.”“This patient died yesterday, her parents came here and sue
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Meanwhile… Kaharap ko na naman si Enzo, handing me a piece of folder with important documents inside. “Abogado ka ‘di ba? Why don’t you try talking about it the easy way I can understand?” nauubos pasensya kong sabi. Mahina siyang natawa. “I thought you’re a genius?” asar niya. “Yeah, but I don’t have the time to process those terms when I’m a doctor. Kaya ka nga ginawang abogado ‘di ba?” sarkasmo kong sagot. Ngumisi ang labi niya at tumango tango. “Tawang tawa? Ilahad mo na kaya yung kaso?” napipikon kong sumbat kay Enzo na gwapong gwapo na nakangisi habang nakatitig sa mukha ko na para bang nag-eenjoy siya na naiinis ako. Napangisi si Enzo, halatang inaasar ako sa bawat salita niya. “Relax, doc. Akala ko ba sanay ka sa pressure? Or is it different kapag ako ang kaharap mo?” Napasinghap ako sa inis. “Kahit sino pa ang kaharap ko, hindi mo ako kayang ilagay sa alanganin, Atty. Fuentabella. Kung gusto mong pag-usapan ang kaso, pag-usapa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Enzo’s face were shocked after hearing what happened to his sister, at the same time he doesn’t have a clue. Inilipat rin kalaunan si Elysia sa isang pribadong kwarto at ako ang naging doctor niya. After 2 hours, naisipan ko bisitahin siya. “Good evening, Ely.” “H-Hello ate,” nahihiyang tugon niya kaya matipid ko siyang nginitian. “Ease up, Ely. Ako lang ‘to,” nakangiting sabi ko. “Check ko lang yung IV mo ha,” paalam ko na rinnat inayos ang dextrose niya. Maya-Maya ay naramdaman kong bumukas ang pinto at iniluwa no’n si Enzo at Elias. Tsk, parehas na gwapo. Halatang mana kay tito-atty. “You’re here pala, ate,” bati ni Elias at lumapit kay Ely. Sinulyapan ko si Enzo na tahimik lang na nakatingin sa akin. Ang buhok niyang palaging nakaayos ay bagsak ngayon at humaharang ang ilang hibla sa kanyang mga mata, pero kahit na ganoon kitang kita pa rin ang lakas ng dating niya. Habang inaayos ko ang IV ni Elysia, ramdam ko ang bigat ng tingin
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= A few days later… It was my 5th day in working here at this hospital. I receieved a lot of patients and at the same time I was discriminated. Wala akong gana at dahil na ‘yon sa head doctor dito, gigil na gigil ito sa akin at dahil hindi nila alam na ako ang may ari ng ospital ay hindi sila natatakot na tiradurin ako na mukhang bago lang sa kanila. “Kahit pa graduate ka at nakapasa with highest score, iba pa rin ang hirap ng school sa Pinas kaya huwag mo ‘ko tuturuan!” sermon nito sa akin ngunit nanatili akong nakatayo sa harap niya at nakatungo ang ulo. ‘I am sa surgeon…’ “Okay doc,” kalmadong sabi ko na lang. Habang naglalakad ako palabas ng operating room, naririnig ko pa rin ang pagbulong-bulungan ng mga staff. “Ang yabang no’n, akala mo kung sinong magaling… bago pa lang naman.” “Pinapasikat lang ng apelyido, kaya siguro nakuha ‘tong posisyon na ‘to…” Bawat salitang naririnig ko ay parang kutsilyong bumabaon sa dignidad ko, p
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= “Anong ginagawa mo dito?” malamig kong tanong habang sinusubukang huwag magpakita ng emosyon. “Legal counsel ako ng ospital na ‘to,” kalmado niyang sagot habang nakatingin sa akin nang diretso. “Looks like we’ll be seeing a lot of each other.” Halos mamilipit ang kamay ko sa inis. Gusto ko sanang tanungin kung bakit sa dami ng lugar ay dito pa siya napadpad, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong bigyan siya ng satisfaction na naiinis ako. “Kung nandito ka para manggulo, baka pwede kang humanap ng ibang ospital na abalahin,” sagot ko nang may bahid ng iritasyon. Umangat ang isang kilay niya. “Relax, Doc. I’m not here to ruin your day—well, not entirely. Trabaho lang. I take my job seriously, unlike some people who run away from their responsibilities.” Napasinghap ako sa sinabi niya. Alam kong may pinatatamaan siya, at ramdam ko ang sakit ng mga salita niya kahit pa anong pilit kong huwag pansinin. “If you’re implying something, j
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After my mom made a heartfelt words to my dad, bumaba na sila ng stage at lumapit sa table namin. “My unica hija,” malambing na sabi ni mommy at yumakap sa akin ng mahigpit. “I missed you so much anak,” bulong niya. “I miss you too mommy.” “Will you stay with us for good?” bungad ni daddy pagkayakap niya sa akin. Napahinto ako bigla. Sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang pag-aabang ni Enzo sa mga sagot ko. “I’ll think about it dad. The salary is good there,” mahinahon na sabi ko. “If you lack financial, I can handle it anak. Hindi mo na kinukuha ang allowance mo sa akin,” sabi ni daddy pagkaupo namin. “No dad, I have to be independent rin po ‘no. I’m old enough to be married,” kalmadong sabi ko. Napansin ko ang asul na mata ni Enzo na sumiring kaya naman napairap rin ako. ‘He’s really getting into my nerves…’ Then suddenly, I remember his case. Napanalo niya kaya? Pagkatapos ng dinner, nagkayayaan ang lahat na magpunta sa garden pa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= 4 YEARS LATER… Halos madaliin kong tumakbo pababa ng airport hila-hila ang maleta ko. Male-late na ako sa wedding anniversary ni mommy at daddy! May tinapos pa kasi akong operation bago ang flight ko. Nang makalabas ay pumara agad ako ng taxi. Habang on the way sa venue ay napasandal ako sa taxi. Pagod na pagod ako eh. Halos 20 minutes rin ang byahe papunta sa venue galing sa airport. Pagkababa sa hotel ay inutos ko na sa tauhan nila daddy ang maleta dahil maayos naman na ang dress na suot ko. Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang makahabol sa main event ng anniversary nila mommy at daddy. Habang tumatakbo ay halos hindi ko mapigil ang sariling katawan ma bumangga sa mataas na bulto na nasa harapan ko dahil sa bilis ko at madulas ang heels. “Oh my god! I’m sorry!” mabilis na sabi ko at lumayo, nang tingalain ko ito ay halos manlaki ng bahagya ang mata ko dahil nakilala ko kaagad ang may ari ng asul na pares na mga mata. ‘Damn, w