Ipinarada ko na nga ang aking kotse sa GC Camp parking lot. Tinapunan ko ng tingin ang lalaking nanatiling nakapikit pa rin. Mukhang nakatulog na yata siya. "Faller Coleman," panggigising ko sa kanya sabay yugyog ng kanyang balikat. "What?!" asik niya na ikinangiwi ko. Suplado talaga! Sarap ipalapa sa mga butete, eh. Pasalamat lang talaga siya at gusto ko siya dahil kung hindi ay kanina pa siya nawalan ng hininga dahil sa napaka-antipatiko niya!"Nasa camp na tayo, Sir. Bumaba ka na. Ang kotse mo nasa MHIS pa," paalala ko pa. Napakamot naman siya sa noo. "Ibalik mo ako sa MHIS," utos niya pa sa akin. Napaawang na naman ang bunganga ko dahil sa sinabi niya."Butete ka naman my loves, my babe, my honey bunch, sweet cake. Ayoko ng bumalik, 'no? Ikaw na lang. Mag-commute o maglakad ka papunta doon. Kung hindi man kaya ay ipakuha mo na lang sa available na agent diyan," suhestiyon ko pa pero naisip ko rin na lahat ng agent ay may trabaho rin naman. Hindi na nila responsibilidad na kuni
Aaminin ko namang sobrang clingy ako pagdating sa kanya, ibig sabihin pala ay easy to get ako? Gano'n ba iyon? Tuluyan akong nanlumo. Eh, kasalanan ko bang masyado akong tapat sa nararamdaman ko para sa isang tao? Na kapag alam kong gusto ko ay ipaglalaban ko talaga at gagawin ko ang lahat para makuha lang iyon?Baka mga kailangan ko ng baguhin ang mindset kong ito. Hindi na nakakatuwa. Napabuntonghininga na naman ako at dahan-dahang tumingin sa kanya. Napaayos ako ng upo nang mapagtantong nakatitig lang din siya sa akin."Oo na! Easy to get na ako. Psss!"Naiinis akong lumabas ng kotse at walang lingong likod na nilisan ang parking lot. Agad na dumiretso ako sa Flat at nagkulong sa kwarto.Pabagsak akong nahiga sa kama at parang batang pumulahaw ng iyak para ilabas lahat ng hinaing ko sa mundo."Kasi naman! Bakit ipinanganak akong easy to get?! Hindi ba akong pwedeng maging mahinhin? Morena? Honest, iyong hindi itinatago ang mga manliligaw? Sana naging sakto lang din ang ganda at ta
"Ay, shit!" sigaw ko ng madatnang bumabaha na sa kitchen ko. "Stupid, Kenshane!" sermon ko pa sa aking sarili. Agad na tinakbo ko ang faucet at pinatay iyon. Naharangan pala ng drinks iyong butas na nilulusutan ng tubig kaya umapaw hanggang sa bumaha na sa loob.Buti na lang talaga at nakapag-install ako ng Safety Scanner. Ini-scan niyon bawat minuto ang kabuuan ng flat ko, naka-connect din ito sa cellphone ko kaya naman nalaman ko na may nangyayaring hindi maganda dito. Kapag may kaganapang ganito ay may message alert akong natanggap mula sa system ng SS. Ako ang nag-imbento nito, hindi ko pa rin nai-introduce sa lahat dahil nasa stage pa lang ng testing at ngayon nga ay na patunayan kong epektibo talaga.Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa aking mukha habang hindi alam kung saan ako magsisimula. "Shit! Paano ko ngayon lilinisin ito?" problemado kong saad sabay kamot sa aking noo. Ayokong may pumapasok sa flat ko bukod sa mga PA kaya naman 'di ako pwedeng humingi ng tulong sa k
Matapos ang ilang minuto ay natapos din siya. Sobra na naman akong humanga sa kanya. Para siyang babae, pulido ang pagkakalinis ng kitchen ko. pPara bang walang nangyari. Lumabas muna siya saglit bitbit ang mop. Nakatulala lang ako sa kisame habang nakapatong pa rin sa mesa. Naramdaman ko ang pagpasok niya pero 'di ako nag-abalang tingnan siya. Nadadagdagan lang ang pagkagusto ko sa kanya lalo na kapag tinititigan ko siya."Are you okay?" untag niya sa akin sabay haplos ng pisngi ko. Umaalon na naman sa kaba ang aking dibdib.Bakit kasi pa-fall ang taong ito? Haduf! "Yeah, I-Im fine."Napasinghap na lang ako. Hindi ko siya magawang tingnan pero ang haduf ay pilit na hinuli ang paningin ko. Sa huli ay nagtagumpay siya."Ano bang iniisip mo?" usisa niya na naman sa mahinahong boses. "Iniisip ko lang kung bakit kailangan puti ang kulay ng kisame."Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya agarang napatingin ulit ako sa kanya."And then? May nakuha ka bang sagot?""Yes," tipid kong sagot
"Anong ngiti 'yan, bitch?" untag sa akin ni Beatrice. "Hindi ka naman naka-drugs 'no?" dagdag pa nito. Kagaya ng nakasanayan ay siya na naman ang nauna dito sa DH. Palibhasa ay bukod sa pagiging agent ay parang wala na siyang ibang trabaho o baka hindi ko lang talaga alam ang ganap niya sa buhay. Hindi kami close para alamin pa ang nangyayari sa personal na buhay niya. "It's none of your business, bitch," I retorted with attitude. "And yes, I use drug. He is the only drug I'll be using for the rest of my life," I declared dramatically, clutching my chest and staring at the ceiling.Pagbaba ko ng tingin ay nakita kong napangiwi na lang siya at pinakatitigan ako. Aaminin kong naiilang talaga ako kapag babae ang tumititig sa akin. Pakiramdam ko kasi ay hinuhusgahan nila ang pisikal kong kaanyuan. Wala naman akong dapat ikabahala dahil maganda naman ako pero ewan ko. Hindi lang ako komportable. Me and my unexplainable insecurities. "Kamusta ang paghahabol mo sa lalaking you-know-what
Bumukas ang pinto ng flat ni Gab at nakangisi pa ito. Teka, diba nasa DH ito? Nandito na rin pala?"Ayaw niya sa spoiled brat, Shane.""Narinig ko! Huwag mo ng ulitin pa."As if naman hindi siya spoiled brat!"Kaya kung gusto mong makuha ang loob niya, huwag ka ng makipag-date.""May usapan kami ni Harvey, alam mong hindi ako bumabali ng usapan.""I know, pero baliin mo na para sa Fall mo," sulsol pa nito. "Paano si Harvey?" patol ko naman. "Eh, di jowain mo na lang pareho, kaloka ito. Bahala ka nga! Basta 11: 20 AM ay nandito ka na raw." May diin pa talaga ang 'AM'. "3o 'yon, hindi 20!" pagtatama ko pa. Binawasan pa eh kulang na nga ang oras naming gumala. "Basta, dapat 11:20 AM ay nandito ka sa flat mo. 11:25 AM ay magpasundo ka sa kanya, i-text mo o tawagan mo. Sabihin mong hindi ka pupunta ng DH kapag :di ka niya sinundo. Art of pabebe 'yon.""Wow, huh? Sabagay pabebe ka kasi kay Jin," pang-aasar ko pa sa kanya. Sumama naman ang timpla ng mukha niya. Bago pa siya makapagsal
Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal sa sofa. Tahimik lang habang tumutulo ang aking mga luha. Sa gano'ng posisyon niya ako inabutan. Sinong niya? Well, ang lalaking unti-unting pumapatay sa marupok kong puso."Shane... What's wrong? What happened?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Mapait akong natawa. Nailing ako at dahan-dahang tumayo."Wala." Pilit akong ngumiti at pinunasan ang aking mga luha. Walang sali-salitang lumabas ako ng flat at agad na pinindot ang alarm ni Gab. Fortunately ay lumabas naman agad siya. Inabot nito ang kanyang cellphone at napabuntong-hininga.[FR: FALLER COLEMAN Mahal din kita, Eli.]Chineck ko ang number at oras ng received at napamura ako. Ten minutes ago. [FR: FALLER COLEMANI'm sorry, wrong sent.][TO FALLER COLEMAN: Kayo na? ] Iyon lang, wala na siyang reply kay Gabriella. Nanginginig ang kamay ko na ibinalik ang cellphone ni Gab at pumasok ulit sa flat ko. Nakatayo pa rin ang lalaki sa kung saan ko siya iniwan kanina. Nakapamulsa at halatan
Rumampada ako papunta sa kitchen niya at pumwesto sa mesang may nakahain na na pagkain. Nagutom ako dahil sa pintong nasira dahil sa kalokohan ng haduf na lalaki. Paasa rin ang pintong iyon, akala ko naman mabubuksan ko na. Hindi pala. Mana sa may-ari, eh. Hindi pa naman ako sanay na mag-stay sa flat ng iba. Ang creepy ng pakiramdam.Baka nga ay talagang nuknukan din ako ng kaartehan sa katawan. O kaya naman ako iyong introvert pero malandi. Ay ewan, 'di ko din ma-gets ang sarili ko."Akala ko ba busog ka?" sarkastiko niyang tanong at umupo na sa upuang kaharap ko."May busog bang kumakain palang?" pagtataray ko pa. Napabuntonghininga naman siya. Pabagsak kong binitiwan ang kutsara't-tinidor dahil sa ginawa niyang iyon."Problem?" inosente niyang tanong."Seriously? In front of these foods? Alam mo bang bwiset ang gano'n?""So, I'm bwiset?""Yes, you are! Punyeta." Ibinulong ko na lang ang huling salita."So, ano ka na lang na nagmumura sa harap ng pagkain?" nang-iinsulto niya ding
"Bakit ba kasi hindi ako ang best man?!" maktol ni Lovimer. Kanina pa ito paulit-ulit sa kanyang tanong. Kinakabahan na nga ako at lahat pero siya ay napakakulit. Ewan ko ba kung bakit nasa dressing room ito ng mga babae eh?Matapos ang tatlong buwang paghahanda sa kasal namin ay ito na nga, ikakasal na kami ni Fall sa araw na ito. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Ganito din siguro ang naramdaman nina Kenya at Marciella noong sila ang ikakasal.Kahapon pa kami hindi pinagkikita ni Fall dahil bawal daw. Kinakabahan din kaya siya?"Kasi si Harvey ang gusto kong best man at hindi ikaw," pabalang na sagot ko sa kanya. Mas napanguso pa ito."Eh bakit si Trice ang ginawa niyong maid of honor? Gusto ko siyang maka-partner eh."Kinunotan ko naman ito ng noo. Para siyang batang nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto niyang laruan."Kasi si Bitch lang naman ang kaibigan ko. Tsaka ano naman kung si Harvey ang ka-partner niya? Tapatin mo nga ako cous, nagseselos ka ba?" nang-aasa
"Kuya Ashmer! Happy birthday!" agad na intrada ko nang pumasok ako sa opisina ng pinsan kong robot. As usual ay seryoso na naman siya. Mag-iisang linggo na rin na hindi kami nagpapansinan eh kaya heto ako at mangungulit sa kanya at pormal na hihingi ng tawad dahil sa paglilihim na ginawa ko. Isusunod ko na rin si Marciella na ni tingnan ako ay hindi ginagawa. Alam kong malaki talaga ng impact ng katotohang buhay si Percylla na niluksaan pa nila. Pero nangyari na iyon at wala naman na kaming magagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayaring iyon. Period."Hindi ko birthday," pagsusungit niya naman agad. Napangiwi na lang ako. Wala talagang sense of humor sa katawan ang isang ito."Ay? Oo nga pala. Kuya Ash, bakit ang gwapo mo?"Hindi naman ito kumibo. Sinilip ko ang kanyang ginagawa pero wala naman akong maintindihan. "Kuya Ash, pahingi naman ng mission. I'm bored."Wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kanya. Ano kayang gagawin ko para paganahin ang pusong robot ng isang ito? H
"Welcome back, Kenshane and Faller!" sigaw ni Ma'am Laura nang pumasok kami sa FR. After two months ay nakabalik din kami dito sa MHIS. Noon ay nagdalawang isip pa akong bumalik dahil sa nahihiya ako pero kalauna'y napagtanto ko rin na wala naman akong dapat ikahiya. At least, ang taong mahal ko ang kasama ko sa video na siyang kahalikan ko at hindi kung sino-sino lang. "Thank you," sabay naming saad. Iginiya niya ako papunta sa aking table bago pumunta sa pwesto niya. Gano'n pa rin naman pala ang arrangement ng tables at magkatabi pa rin kami.Nakakamiss talaga ang ganitong klase ng trabaho lalo na ang mga makukulit naming kasamahan at mga estudyante na kanina ay nagtitili pa nang makita kami ni Faller na magkahawak kamay habang papasok ng campus. Iyon nga lang, hindi pa rin talaga mawawala sa komunidad ang mga chismosa.Naging magaan lang din naman ang maghapon ko. Sabay-sabay na din kaming umuwi sa camp. Inihatid niya pa ako sa flat ko. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na na
"Oh, tapos tinanggap mo naman? Handa ka na ba uli? Sure na ba 'yan? Wala ng bawian? Hindi lang yan isang biro kundi commitment. Gosh, commitment, isa sa nakakatakot na salita, alam mo ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Gabriella. Nasa flat niya ako ngayon at namamalimos ng makakain. May gwapong cook naman siya kaya no problem. Kakaalis nga lang ni Jinro, eh. "Hindi," tipid kong sagot habang ngumungaya. Ipinagluto din kasi ako ng fried chicken ni Jin, hindi nga lang maanghang dahil buraot din ang isang iyon katulad nitong Silang na ito."What?!" nakapamewang nitong singhal, inirapan ko nga. Over reaction na naman, eh. Magkasalungat talaga sila ni Marciella. Bakit kaya? Magkambal naman sila."Bakit hindi mo tinanggap ang proposal? Coleman na iyon eh, Faller bebe mo na iyon. Niyayaya ka na ng kasalanan eh, ayaw pa rin? Ganda mo gurl, ha? Sobra. Halika nga at kaladkarin natin yang mahabang buhok mo, sabay na natin iyang bangs mong mahaba-haba na rin! Pabebe ka pa, eh!"Pasmado talaga a
"Shane." Hindi ko siya pinansin. Kunwari ay hindi ko siya narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Nanghiram lang ako ng libro kay Marci at tumambay dito sa benches."Sweetheart."Napapitlag pa ako dahil ibinulong niya pa iyon sa akin. Hindi na nakontento at niyakap pa ako mula sa likuran ko."Lumayo ka," ytos ko sa kanya pero sa halip na sundin ako ay mas lalo niya pang isiniksik ang kanyang sarili. Pinigilan kong mapasinghap. Halos hindi na ako makakilos pa. "Faller, isa!""Dalawa!" dugtong niya din. Naitiklop ko na lang ang librong hawak ko."Huwag mo akong inisin!""Hindi naman kita iniinis, ah? Ang bango mo naman.""Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Lumayo ka sa akin."Ipinatong niya ang kanyang panga sa balikat ko tapos dumukwang pa sa akin. Pilit ko namang inilalayo ang mukha ko pero nahihirapan lang ako. Tuluyang dumampi ang kanyang labi sa pisngi ko."Namimiss na kita. Namimiss ko na ang dating ikaw." Bakas sa kanyang tono ang lungkot. Tuluyan na akong napasingha
Halos linggo na rin akong nagkukulong sa flat ko. Hindi na rin naman ako pumapasok pa sa MHIS dahil nga sa punyetang scandal kuno na iyon. Wala din akong kinakausap na kahit na sino sa kanila. Wala din akong pakialam kung nalaman na ba nina Kuya Ashmer na minsang akong nabuntis. Ang sakit-sakit lang kasi, eh. Umasa pa naman ako na makikita ko pa ang anak kong lumaki. Excited akong makita siya actually pero bakit sa isang iglap lang ay nawala agad siya. Ni hindi ko man lang nga nalaman kung babae ba o lalaki.Wala na palang mas sasakit pa kung sarili mo ng laman at dugo ang mawala sa'yo. Handa kang isumpa ang buong mundo. Hindi na rin nga ako kumakain sa DH, lagi akong nasa S-Area kapag nagugutom ako. Sinisiguro ko rin na wala akong makakasabay na PA kapag pumupunta ako doon. Lahat sila ay iniiwasan ko. Lahat sila ay walang kwenta sa paningin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ihihiwalay ang sarili ko sa kanila. Hindi naman ako galit, frustrated lang ako sa nangyari at sa sar
Kinuha ko ang aking phone at hinanap ang number ni Fall at tinawagan. Kapag sinagot niya ay sasabihin kong buntis ako pero kapag hindi ay huwag na lang din. Nakailang ulit na ako pero palaging out of coverage ang linya. Napabuntonghininga na lang ako. Fine, hindi ko na muna sasabihin sa'yo. Let's take our time. Ang mga sumunod na araw ay mas naging mahirap para sa akin. Naranasan ko na ang sinasabi nilang paglilihi, mabuti na lang din at hindi ako pinabayaan nina Lovimer. Sila din ang gumagawa ng paraan para hindi mapansin nina Kuya Ashmer ang kalagayan ko.Palagi din akong pagod. Binalak kong mag file ng leave sa MHIS pero magiging boring lang ang bawat araw ko. Muli na namang lumipas ang araw, linggo at buwan, isang buwan na din ang anak ko, week lang kasi nun ng malaman kong buntis ako. Ganun kabilis ang mga pangyayari, kung iisipin ko nga ay baka nabaliw na ako eh. Mas pinili kong maging positibo sa kabila ng hirap ng kalooban na nararamdaman ko dahil natatakot akong maapektuh
"L-Lovimer, anong ginagawa mo rito?" alangang tanong ko pa sa haduf kong pinsan. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Nag-aalala kung narinig niya ba ang naging usapan namin ni Trice sa loob."Where's Beatrice?" Mas lalong nanilim pa ang kanyang awra. Hindi ko tuloy alam kung ako o si Beatrice ang problema niya."Bakit?" Si Trice iyon na nasa likuran ko na nagsusumiksik. Mukhang siya nga ang pakay nitong isa at hindi ako.Nakahinga ako nang maluwag. Praning lang talaga ako. Eh sa natatakot pa rin ako kapag nalaman nilang buntis ako eh tapos hinayaan ko pang umalis si Fall knowing na may nangyari sa amin. Paniguradong magagalit talaga sila.Lumabas na kami at dumiretso sa sala. "What is the result?" galit pa rin ang isa. Nagtaka naman ako."Anong result ang pinagsasabi mo diyan?" asik naman ni Trice. Tahimik na nakikinig lang ako habang prenteng nakaupo at nakasandal sa sofa. Mukhang naniwala talaga ang ugok na ito na si Beatrice ang gagamit ng PT. I smell something fishy with this
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari at kung ano ba ang nangyayari sa akin. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng kwarto ni Trice.Nakita ko siyang hindi mapakali, lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya. Parang mas nahihilo ako habang tinititigan siya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo ko pang tanong. Agad naman siyang napatingin at lumapit sa akin."Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabakasan ko ang kanyang boses ng totoong pag-aalala.. "Medyo. Baka stress lang ako.""Sana nga gano'n lang," wala sa sarili niyang sambit. Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa awra at pananalita niya. "Bitch, bakit?" usisa ko pa."Wala naman. Magpahinga ka lagi nang maaga. Huwag kang magpupuyat. Tsaka obserbahan mo ang sarili mo, ha? Wala kang pagsasabihan sa mga nararamdaman mo lalo na sa kay Lovimer.""Bakit ba? Hindi kita maintindihan.""Basta, gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magkagulo.