"Anong ngiti 'yan, bitch?" untag sa akin ni Beatrice. "Hindi ka naman naka-drugs 'no?" dagdag pa nito. Kagaya ng nakasanayan ay siya na naman ang nauna dito sa DH. Palibhasa ay bukod sa pagiging agent ay parang wala na siyang ibang trabaho o baka hindi ko lang talaga alam ang ganap niya sa buhay. Hindi kami close para alamin pa ang nangyayari sa personal na buhay niya. "It's none of your business, bitch," I retorted with attitude. "And yes, I use drug. He is the only drug I'll be using for the rest of my life," I declared dramatically, clutching my chest and staring at the ceiling.Pagbaba ko ng tingin ay nakita kong napangiwi na lang siya at pinakatitigan ako. Aaminin kong naiilang talaga ako kapag babae ang tumititig sa akin. Pakiramdam ko kasi ay hinuhusgahan nila ang pisikal kong kaanyuan. Wala naman akong dapat ikabahala dahil maganda naman ako pero ewan ko. Hindi lang ako komportable. Me and my unexplainable insecurities. "Kamusta ang paghahabol mo sa lalaking you-know-what
Bumukas ang pinto ng flat ni Gab at nakangisi pa ito. Teka, diba nasa DH ito? Nandito na rin pala?"Ayaw niya sa spoiled brat, Shane.""Narinig ko! Huwag mo ng ulitin pa."As if naman hindi siya spoiled brat!"Kaya kung gusto mong makuha ang loob niya, huwag ka ng makipag-date.""May usapan kami ni Harvey, alam mong hindi ako bumabali ng usapan.""I know, pero baliin mo na para sa Fall mo," sulsol pa nito. "Paano si Harvey?" patol ko naman. "Eh, di jowain mo na lang pareho, kaloka ito. Bahala ka nga! Basta 11: 20 AM ay nandito ka na raw." May diin pa talaga ang 'AM'. "3o 'yon, hindi 20!" pagtatama ko pa. Binawasan pa eh kulang na nga ang oras naming gumala. "Basta, dapat 11:20 AM ay nandito ka sa flat mo. 11:25 AM ay magpasundo ka sa kanya, i-text mo o tawagan mo. Sabihin mong hindi ka pupunta ng DH kapag :di ka niya sinundo. Art of pabebe 'yon.""Wow, huh? Sabagay pabebe ka kasi kay Jin," pang-aasar ko pa sa kanya. Sumama naman ang timpla ng mukha niya. Bago pa siya makapagsal
Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal sa sofa. Tahimik lang habang tumutulo ang aking mga luha. Sa gano'ng posisyon niya ako inabutan. Sinong niya? Well, ang lalaking unti-unting pumapatay sa marupok kong puso."Shane... What's wrong? What happened?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Mapait akong natawa. Nailing ako at dahan-dahang tumayo."Wala." Pilit akong ngumiti at pinunasan ang aking mga luha. Walang sali-salitang lumabas ako ng flat at agad na pinindot ang alarm ni Gab. Fortunately ay lumabas naman agad siya. Inabot nito ang kanyang cellphone at napabuntong-hininga.[FR: FALLER COLEMAN Mahal din kita, Eli.]Chineck ko ang number at oras ng received at napamura ako. Ten minutes ago. [FR: FALLER COLEMANI'm sorry, wrong sent.][TO FALLER COLEMAN: Kayo na? ] Iyon lang, wala na siyang reply kay Gabriella. Nanginginig ang kamay ko na ibinalik ang cellphone ni Gab at pumasok ulit sa flat ko. Nakatayo pa rin ang lalaki sa kung saan ko siya iniwan kanina. Nakapamulsa at halatan
Rumampada ako papunta sa kitchen niya at pumwesto sa mesang may nakahain na na pagkain. Nagutom ako dahil sa pintong nasira dahil sa kalokohan ng haduf na lalaki. Paasa rin ang pintong iyon, akala ko naman mabubuksan ko na. Hindi pala. Mana sa may-ari, eh. Hindi pa naman ako sanay na mag-stay sa flat ng iba. Ang creepy ng pakiramdam.Baka nga ay talagang nuknukan din ako ng kaartehan sa katawan. O kaya naman ako iyong introvert pero malandi. Ay ewan, 'di ko din ma-gets ang sarili ko."Akala ko ba busog ka?" sarkastiko niyang tanong at umupo na sa upuang kaharap ko."May busog bang kumakain palang?" pagtataray ko pa. Napabuntonghininga naman siya. Pabagsak kong binitiwan ang kutsara't-tinidor dahil sa ginawa niyang iyon."Problem?" inosente niyang tanong."Seriously? In front of these foods? Alam mo bang bwiset ang gano'n?""So, I'm bwiset?""Yes, you are! Punyeta." Ibinulong ko na lang ang huling salita."So, ano ka na lang na nagmumura sa harap ng pagkain?" nang-iinsulto niya ding
Perhaps not everything we desire is meant to be ours. Yeah, right, because what I want to have is not a thing but a person and his love for me.Don't let go of someone you can't bear to see in someone else's arms. That's what I've learned in the past years."Shane."Nagising ang diwa ko dahil sa boses na iyon. Mas lalo pa akong naiyak pero pilit din na nagpumiglas sa pagkakayakap niya sa akin pero mas naiinis lang ako. Ang lakas niya, hindi niya ako hinayaang makawala. "Punyeta ka talaga!" singhal ko sa pagitan na iyak ko. Kinagat ko ang kamay niya dahilan para mapaigik siya sa sakit at mapakawalan ako. Parang hanging nakalayo ako sa kanya."I hate you! I hate you so much!" singhal ko pa. Napaatras ako nang tumayo na rin siya. Wala man lang emosyon na mababasa sa kanyang mukha."Shane...""Don't call me that! Hindi tayo close!""Kensha...""Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko! Butete ka! Haduf! Nyawa!"Kulang na lang ay magwala ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mas masakit pal
"Maghanap? Akala mo gano'n kadali iyon? Palibhasa madali lang para sa'yong manakit dahil alam mong maraming nagkakandarapa sa'yo. Pakibawas ako sa listahan mo.""Ayaw mo na ba?""Malandi lang ako pero 'di ako martyr. Isa pa, hindi rin madaling maging kabit," asik ko at nangalumbaba pa. Nasa hita ko nakapatong ang siko kong pinampatungan ko din ng panga ko."Bakit? Masama bang mahalin si Eli...""Blahblablah," putol ko sa sasabihin niya. Nakita kong napasimangot siya. Naiinis ko siyang tinitigan. Bakit parang ang ang-ang niya talaga? Nasabi ko naman na nasasaktan ako dahil sa mahal niya iyong isa pero inuulit-ulit pa talaga. Sarap sambunutan ulit, eh."Shane...""Blahblah."Bahala ka diyan, ikaw ang nagtulak sa akin para ipakita ang totoo kong ugali. Hindi talaga ako mabait, hindi ako mapagpasensiya, hindi ako malandi, hindi ako clingy, hindi rin ako open sa lahat ng tao at bagay pero ng dahil sa kanya ay naging gano'n ako. Siguro oras na rin para ibalik ko ang dating ako. Ang Shane
—|•~9 YEARS AGO~•|—Napangiti ako nang mabasa ang text ni Faller Coleman. Magkikita kami mamaya sa bar ng tito kong kalbo. Mag-iisang buwan pa lang naman simula nang magkaroon ng pagkakataong mapalapit ako sa kanya pero pakiramdam ko ay ilang taon na kaming magkakilala.Napabuntonghininga na lang ako nang maalalang hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit nagkaroon kami ng koneksyon. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na ginusto kong gamitin siya para ipamukha sa kay Hance na kaya ko ring maghanap ng iba at mas lamang pa sa kanya sa lahat ng bagay. Sasabihin ko na talaga sa kanya mamaya. Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Bumungad ang hindi mahitsurang mukha ni Mommy. "Mom? Something wrong?" takang tanong mo pa. Mababakas din ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "Mom?" untag ko na naman.Nag-away ba sila ni Daddy?"Kenshane, anak, kailangan mo ng pumunta ng Pilipinas.""Mom?" may kalakasan kong sambit, nangungumpirma kong totoo ba ang aki
Isa lamang ako sa pinagkaitan ng tadhana na maitama ang pagkamamaling ginawa ko. Pero kung husgahan niya ako ay para bang hindi naging maganda ang samahan namin noon. "Hey, bitch!" rinig kong saad ng boses babae at kasabay niyon ay ang pagbukas ng pinto ng Flat ko. Kaagad kong pinunasan ang aking mga luhang nagsisilandas nang makita ang mukha ni Beatrice Solomon. "What the hell? Bakit... Wanna drink? Parang gusto ko ring magpakalasing ngayon. Samahan mo ako," kaagad nitong liko sa usapan. Alam kong gusto nitong itanong kong anong nangyayari sa akin. "Uhm, babalik na lang ako kapag, uhm, okay ka na. Cheer up, bitch! Kapag hindi mo na kaya ang sakit, oras na para bumitiw ka na," sabi pa nito at umalis na. Sinamsam ko ang aking sarili at pilit na naglakad papunta sa aking kwarto. Lahat yata ng parte ng katawan ko ay naging manhid.Pinili ko na lang na magkulong ulit kaysa ang kulitin ng mga kasamahan ko. Sa ayaw at sa gusto ko ay batid ko rin namang malalaman nila ang totoong nangyari
"Bakit ba kasi hindi ako ang best man?!" maktol ni Lovimer. Kanina pa ito paulit-ulit sa kanyang tanong. Kinakabahan na nga ako at lahat pero siya ay napakakulit. Ewan ko ba kung bakit nasa dressing room ito ng mga babae eh?Matapos ang tatlong buwang paghahanda sa kasal namin ay ito na nga, ikakasal na kami ni Fall sa araw na ito. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Ganito din siguro ang naramdaman nina Kenya at Marciella noong sila ang ikakasal.Kahapon pa kami hindi pinagkikita ni Fall dahil bawal daw. Kinakabahan din kaya siya?"Kasi si Harvey ang gusto kong best man at hindi ikaw," pabalang na sagot ko sa kanya. Mas napanguso pa ito."Eh bakit si Trice ang ginawa niyong maid of honor? Gusto ko siyang maka-partner eh."Kinunotan ko naman ito ng noo. Para siyang batang nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto niyang laruan."Kasi si Bitch lang naman ang kaibigan ko. Tsaka ano naman kung si Harvey ang ka-partner niya? Tapatin mo nga ako cous, nagseselos ka ba?" nang-aasa
"Kuya Ashmer! Happy birthday!" agad na intrada ko nang pumasok ako sa opisina ng pinsan kong robot. As usual ay seryoso na naman siya. Mag-iisang linggo na rin na hindi kami nagpapansinan eh kaya heto ako at mangungulit sa kanya at pormal na hihingi ng tawad dahil sa paglilihim na ginawa ko. Isusunod ko na rin si Marciella na ni tingnan ako ay hindi ginagawa. Alam kong malaki talaga ng impact ng katotohang buhay si Percylla na niluksaan pa nila. Pero nangyari na iyon at wala naman na kaming magagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayaring iyon. Period."Hindi ko birthday," pagsusungit niya naman agad. Napangiwi na lang ako. Wala talagang sense of humor sa katawan ang isang ito."Ay? Oo nga pala. Kuya Ash, bakit ang gwapo mo?"Hindi naman ito kumibo. Sinilip ko ang kanyang ginagawa pero wala naman akong maintindihan. "Kuya Ash, pahingi naman ng mission. I'm bored."Wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kanya. Ano kayang gagawin ko para paganahin ang pusong robot ng isang ito? H
"Welcome back, Kenshane and Faller!" sigaw ni Ma'am Laura nang pumasok kami sa FR. After two months ay nakabalik din kami dito sa MHIS. Noon ay nagdalawang isip pa akong bumalik dahil sa nahihiya ako pero kalauna'y napagtanto ko rin na wala naman akong dapat ikahiya. At least, ang taong mahal ko ang kasama ko sa video na siyang kahalikan ko at hindi kung sino-sino lang. "Thank you," sabay naming saad. Iginiya niya ako papunta sa aking table bago pumunta sa pwesto niya. Gano'n pa rin naman pala ang arrangement ng tables at magkatabi pa rin kami.Nakakamiss talaga ang ganitong klase ng trabaho lalo na ang mga makukulit naming kasamahan at mga estudyante na kanina ay nagtitili pa nang makita kami ni Faller na magkahawak kamay habang papasok ng campus. Iyon nga lang, hindi pa rin talaga mawawala sa komunidad ang mga chismosa.Naging magaan lang din naman ang maghapon ko. Sabay-sabay na din kaming umuwi sa camp. Inihatid niya pa ako sa flat ko. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na na
"Oh, tapos tinanggap mo naman? Handa ka na ba uli? Sure na ba 'yan? Wala ng bawian? Hindi lang yan isang biro kundi commitment. Gosh, commitment, isa sa nakakatakot na salita, alam mo ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Gabriella. Nasa flat niya ako ngayon at namamalimos ng makakain. May gwapong cook naman siya kaya no problem. Kakaalis nga lang ni Jinro, eh. "Hindi," tipid kong sagot habang ngumungaya. Ipinagluto din kasi ako ng fried chicken ni Jin, hindi nga lang maanghang dahil buraot din ang isang iyon katulad nitong Silang na ito."What?!" nakapamewang nitong singhal, inirapan ko nga. Over reaction na naman, eh. Magkasalungat talaga sila ni Marciella. Bakit kaya? Magkambal naman sila."Bakit hindi mo tinanggap ang proposal? Coleman na iyon eh, Faller bebe mo na iyon. Niyayaya ka na ng kasalanan eh, ayaw pa rin? Ganda mo gurl, ha? Sobra. Halika nga at kaladkarin natin yang mahabang buhok mo, sabay na natin iyang bangs mong mahaba-haba na rin! Pabebe ka pa, eh!"Pasmado talaga a
"Shane." Hindi ko siya pinansin. Kunwari ay hindi ko siya narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Nanghiram lang ako ng libro kay Marci at tumambay dito sa benches."Sweetheart."Napapitlag pa ako dahil ibinulong niya pa iyon sa akin. Hindi na nakontento at niyakap pa ako mula sa likuran ko."Lumayo ka," ytos ko sa kanya pero sa halip na sundin ako ay mas lalo niya pang isiniksik ang kanyang sarili. Pinigilan kong mapasinghap. Halos hindi na ako makakilos pa. "Faller, isa!""Dalawa!" dugtong niya din. Naitiklop ko na lang ang librong hawak ko."Huwag mo akong inisin!""Hindi naman kita iniinis, ah? Ang bango mo naman.""Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Lumayo ka sa akin."Ipinatong niya ang kanyang panga sa balikat ko tapos dumukwang pa sa akin. Pilit ko namang inilalayo ang mukha ko pero nahihirapan lang ako. Tuluyang dumampi ang kanyang labi sa pisngi ko."Namimiss na kita. Namimiss ko na ang dating ikaw." Bakas sa kanyang tono ang lungkot. Tuluyan na akong napasingha
Halos linggo na rin akong nagkukulong sa flat ko. Hindi na rin naman ako pumapasok pa sa MHIS dahil nga sa punyetang scandal kuno na iyon. Wala din akong kinakausap na kahit na sino sa kanila. Wala din akong pakialam kung nalaman na ba nina Kuya Ashmer na minsang akong nabuntis. Ang sakit-sakit lang kasi, eh. Umasa pa naman ako na makikita ko pa ang anak kong lumaki. Excited akong makita siya actually pero bakit sa isang iglap lang ay nawala agad siya. Ni hindi ko man lang nga nalaman kung babae ba o lalaki.Wala na palang mas sasakit pa kung sarili mo ng laman at dugo ang mawala sa'yo. Handa kang isumpa ang buong mundo. Hindi na rin nga ako kumakain sa DH, lagi akong nasa S-Area kapag nagugutom ako. Sinisiguro ko rin na wala akong makakasabay na PA kapag pumupunta ako doon. Lahat sila ay iniiwasan ko. Lahat sila ay walang kwenta sa paningin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ihihiwalay ang sarili ko sa kanila. Hindi naman ako galit, frustrated lang ako sa nangyari at sa sar
Kinuha ko ang aking phone at hinanap ang number ni Fall at tinawagan. Kapag sinagot niya ay sasabihin kong buntis ako pero kapag hindi ay huwag na lang din. Nakailang ulit na ako pero palaging out of coverage ang linya. Napabuntonghininga na lang ako. Fine, hindi ko na muna sasabihin sa'yo. Let's take our time. Ang mga sumunod na araw ay mas naging mahirap para sa akin. Naranasan ko na ang sinasabi nilang paglilihi, mabuti na lang din at hindi ako pinabayaan nina Lovimer. Sila din ang gumagawa ng paraan para hindi mapansin nina Kuya Ashmer ang kalagayan ko.Palagi din akong pagod. Binalak kong mag file ng leave sa MHIS pero magiging boring lang ang bawat araw ko. Muli na namang lumipas ang araw, linggo at buwan, isang buwan na din ang anak ko, week lang kasi nun ng malaman kong buntis ako. Ganun kabilis ang mga pangyayari, kung iisipin ko nga ay baka nabaliw na ako eh. Mas pinili kong maging positibo sa kabila ng hirap ng kalooban na nararamdaman ko dahil natatakot akong maapektuh
"L-Lovimer, anong ginagawa mo rito?" alangang tanong ko pa sa haduf kong pinsan. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Nag-aalala kung narinig niya ba ang naging usapan namin ni Trice sa loob."Where's Beatrice?" Mas lalong nanilim pa ang kanyang awra. Hindi ko tuloy alam kung ako o si Beatrice ang problema niya."Bakit?" Si Trice iyon na nasa likuran ko na nagsusumiksik. Mukhang siya nga ang pakay nitong isa at hindi ako.Nakahinga ako nang maluwag. Praning lang talaga ako. Eh sa natatakot pa rin ako kapag nalaman nilang buntis ako eh tapos hinayaan ko pang umalis si Fall knowing na may nangyari sa amin. Paniguradong magagalit talaga sila.Lumabas na kami at dumiretso sa sala. "What is the result?" galit pa rin ang isa. Nagtaka naman ako."Anong result ang pinagsasabi mo diyan?" asik naman ni Trice. Tahimik na nakikinig lang ako habang prenteng nakaupo at nakasandal sa sofa. Mukhang naniwala talaga ang ugok na ito na si Beatrice ang gagamit ng PT. I smell something fishy with this
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari at kung ano ba ang nangyayari sa akin. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng kwarto ni Trice.Nakita ko siyang hindi mapakali, lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya. Parang mas nahihilo ako habang tinititigan siya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo ko pang tanong. Agad naman siyang napatingin at lumapit sa akin."Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabakasan ko ang kanyang boses ng totoong pag-aalala.. "Medyo. Baka stress lang ako.""Sana nga gano'n lang," wala sa sarili niyang sambit. Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa awra at pananalita niya. "Bitch, bakit?" usisa ko pa."Wala naman. Magpahinga ka lagi nang maaga. Huwag kang magpupuyat. Tsaka obserbahan mo ang sarili mo, ha? Wala kang pagsasabihan sa mga nararamdaman mo lalo na sa kay Lovimer.""Bakit ba? Hindi kita maintindihan.""Basta, gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magkagulo.