"Ay, shit!" sigaw ko ng madatnang bumabaha na sa kitchen ko. "Stupid, Kenshane!" sermon ko pa sa aking sarili. Agad na tinakbo ko ang faucet at pinatay iyon. Naharangan pala ng drinks iyong butas na nilulusutan ng tubig kaya umapaw hanggang sa bumaha na sa loob.Buti na lang talaga at nakapag-install ako ng Safety Scanner. Ini-scan niyon bawat minuto ang kabuuan ng flat ko, naka-connect din ito sa cellphone ko kaya naman nalaman ko na may nangyayaring hindi maganda dito. Kapag may kaganapang ganito ay may message alert akong natanggap mula sa system ng SS. Ako ang nag-imbento nito, hindi ko pa rin nai-introduce sa lahat dahil nasa stage pa lang ng testing at ngayon nga ay na patunayan kong epektibo talaga.Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa aking mukha habang hindi alam kung saan ako magsisimula. "Shit! Paano ko ngayon lilinisin ito?" problemado kong saad sabay kamot sa aking noo. Ayokong may pumapasok sa flat ko bukod sa mga PA kaya naman 'di ako pwedeng humingi ng tulong sa k
Matapos ang ilang minuto ay natapos din siya. Sobra na naman akong humanga sa kanya. Para siyang babae, pulido ang pagkakalinis ng kitchen ko. pPara bang walang nangyari. Lumabas muna siya saglit bitbit ang mop. Nakatulala lang ako sa kisame habang nakapatong pa rin sa mesa. Naramdaman ko ang pagpasok niya pero 'di ako nag-abalang tingnan siya. Nadadagdagan lang ang pagkagusto ko sa kanya lalo na kapag tinititigan ko siya."Are you okay?" untag niya sa akin sabay haplos ng pisngi ko. Umaalon na naman sa kaba ang aking dibdib.Bakit kasi pa-fall ang taong ito? Haduf! "Yeah, I-Im fine."Napasinghap na lang ako. Hindi ko siya magawang tingnan pero ang haduf ay pilit na hinuli ang paningin ko. Sa huli ay nagtagumpay siya."Ano bang iniisip mo?" usisa niya na naman sa mahinahong boses. "Iniisip ko lang kung bakit kailangan puti ang kulay ng kisame."Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya agarang napatingin ulit ako sa kanya."And then? May nakuha ka bang sagot?""Yes," tipid kong sagot
"Anong ngiti 'yan, bitch?" untag sa akin ni Beatrice. "Hindi ka naman naka-drugs 'no?" dagdag pa nito. Kagaya ng nakasanayan ay siya na naman ang nauna dito sa DH. Palibhasa ay bukod sa pagiging agent ay parang wala na siyang ibang trabaho o baka hindi ko lang talaga alam ang ganap niya sa buhay. Hindi kami close para alamin pa ang nangyayari sa personal na buhay niya. "It's none of your business, bitch," I retorted with attitude. "And yes, I use drug. He is the only drug I'll be using for the rest of my life," I declared dramatically, clutching my chest and staring at the ceiling.Pagbaba ko ng tingin ay nakita kong napangiwi na lang siya at pinakatitigan ako. Aaminin kong naiilang talaga ako kapag babae ang tumititig sa akin. Pakiramdam ko kasi ay hinuhusgahan nila ang pisikal kong kaanyuan. Wala naman akong dapat ikabahala dahil maganda naman ako pero ewan ko. Hindi lang ako komportable. Me and my unexplainable insecurities. "Kamusta ang paghahabol mo sa lalaking you-know-what
Bumukas ang pinto ng flat ni Gab at nakangisi pa ito. Teka, diba nasa DH ito? Nandito na rin pala?"Ayaw niya sa spoiled brat, Shane.""Narinig ko! Huwag mo ng ulitin pa."As if naman hindi siya spoiled brat!"Kaya kung gusto mong makuha ang loob niya, huwag ka ng makipag-date.""May usapan kami ni Harvey, alam mong hindi ako bumabali ng usapan.""I know, pero baliin mo na para sa Fall mo," sulsol pa nito. "Paano si Harvey?" patol ko naman. "Eh, di jowain mo na lang pareho, kaloka ito. Bahala ka nga! Basta 11: 20 AM ay nandito ka na raw." May diin pa talaga ang 'AM'. "3o 'yon, hindi 20!" pagtatama ko pa. Binawasan pa eh kulang na nga ang oras naming gumala. "Basta, dapat 11:20 AM ay nandito ka sa flat mo. 11:25 AM ay magpasundo ka sa kanya, i-text mo o tawagan mo. Sabihin mong hindi ka pupunta ng DH kapag :di ka niya sinundo. Art of pabebe 'yon.""Wow, huh? Sabagay pabebe ka kasi kay Jin," pang-aasar ko pa sa kanya. Sumama naman ang timpla ng mukha niya. Bago pa siya makapagsal
Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal sa sofa. Tahimik lang habang tumutulo ang aking mga luha. Sa gano'ng posisyon niya ako inabutan. Sinong niya? Well, ang lalaking unti-unting pumapatay sa marupok kong puso."Shane... What's wrong? What happened?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Mapait akong natawa. Nailing ako at dahan-dahang tumayo."Wala." Pilit akong ngumiti at pinunasan ang aking mga luha. Walang sali-salitang lumabas ako ng flat at agad na pinindot ang alarm ni Gab. Fortunately ay lumabas naman agad siya. Inabot nito ang kanyang cellphone at napabuntong-hininga.[FR: FALLER COLEMAN Mahal din kita, Eli.]Chineck ko ang number at oras ng received at napamura ako. Ten minutes ago. [FR: FALLER COLEMANI'm sorry, wrong sent.][TO FALLER COLEMAN: Kayo na? ] Iyon lang, wala na siyang reply kay Gabriella. Nanginginig ang kamay ko na ibinalik ang cellphone ni Gab at pumasok ulit sa flat ko. Nakatayo pa rin ang lalaki sa kung saan ko siya iniwan kanina. Nakapamulsa at halatan
Rumampada ako papunta sa kitchen niya at pumwesto sa mesang may nakahain na na pagkain. Nagutom ako dahil sa pintong nasira dahil sa kalokohan ng haduf na lalaki. Paasa rin ang pintong iyon, akala ko naman mabubuksan ko na. Hindi pala. Mana sa may-ari, eh. Hindi pa naman ako sanay na mag-stay sa flat ng iba. Ang creepy ng pakiramdam.Baka nga ay talagang nuknukan din ako ng kaartehan sa katawan. O kaya naman ako iyong introvert pero malandi. Ay ewan, 'di ko din ma-gets ang sarili ko."Akala ko ba busog ka?" sarkastiko niyang tanong at umupo na sa upuang kaharap ko."May busog bang kumakain palang?" pagtataray ko pa. Napabuntonghininga naman siya. Pabagsak kong binitiwan ang kutsara't-tinidor dahil sa ginawa niyang iyon."Problem?" inosente niyang tanong."Seriously? In front of these foods? Alam mo bang bwiset ang gano'n?""So, I'm bwiset?""Yes, you are! Punyeta." Ibinulong ko na lang ang huling salita."So, ano ka na lang na nagmumura sa harap ng pagkain?" nang-iinsulto niya ding
Perhaps not everything we desire is meant to be ours. Yeah, right, because what I want to have is not a thing but a person and his love for me.Don't let go of someone you can't bear to see in someone else's arms. That's what I've learned in the past years."Shane."Nagising ang diwa ko dahil sa boses na iyon. Mas lalo pa akong naiyak pero pilit din na nagpumiglas sa pagkakayakap niya sa akin pero mas naiinis lang ako. Ang lakas niya, hindi niya ako hinayaang makawala. "Punyeta ka talaga!" singhal ko sa pagitan na iyak ko. Kinagat ko ang kamay niya dahilan para mapaigik siya sa sakit at mapakawalan ako. Parang hanging nakalayo ako sa kanya."I hate you! I hate you so much!" singhal ko pa. Napaatras ako nang tumayo na rin siya. Wala man lang emosyon na mababasa sa kanyang mukha."Shane...""Don't call me that! Hindi tayo close!""Kensha...""Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko! Butete ka! Haduf! Nyawa!"Kulang na lang ay magwala ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mas masakit pal
"Maghanap? Akala mo gano'n kadali iyon? Palibhasa madali lang para sa'yong manakit dahil alam mong maraming nagkakandarapa sa'yo. Pakibawas ako sa listahan mo.""Ayaw mo na ba?""Malandi lang ako pero 'di ako martyr. Isa pa, hindi rin madaling maging kabit," asik ko at nangalumbaba pa. Nasa hita ko nakapatong ang siko kong pinampatungan ko din ng panga ko."Bakit? Masama bang mahalin si Eli...""Blahblablah," putol ko sa sasabihin niya. Nakita kong napasimangot siya. Naiinis ko siyang tinitigan. Bakit parang ang ang-ang niya talaga? Nasabi ko naman na nasasaktan ako dahil sa mahal niya iyong isa pero inuulit-ulit pa talaga. Sarap sambunutan ulit, eh."Shane...""Blahblah."Bahala ka diyan, ikaw ang nagtulak sa akin para ipakita ang totoo kong ugali. Hindi talaga ako mabait, hindi ako mapagpasensiya, hindi ako malandi, hindi ako clingy, hindi rin ako open sa lahat ng tao at bagay pero ng dahil sa kanya ay naging gano'n ako. Siguro oras na rin para ibalik ko ang dating ako. Ang Shane