TWO MONTHS AGO...
Mula sa pagtingin sa mga nag-uunahan na sasakyan sa labas ng taxi na sinasakyan, binaling ni Alexa ang ulo, nilingon ang katabi, abala ito sa paglagay ng kolorete sa mukha. "Sino nga ulit ang nasa mall na nagpapa-excite sayo ng todo? Akala ko pa man din pupunta tayo sa mall para sa sale, eh." "You really are old folks! It means hitting two birds with one stone, Alexa!" Sagot ni Annie, habang kinulayan ng pula ang labi. "Alam mo naman na every 100th day ng newly opened shops ng Love Dior ay bukod sa sale ay nandun din ang especial cashier nila, si Sebastian Dior!" dagdag pa nito. Sebastian Dior, thirty years old. Ang batang negosyante na animo'y artista sa kasikatan, ang nag-iisang tagapagmana ng Love Dior. Ang multi-billion net-worth company na pag-aari ng isa sa pinaka-mayaman at pinaka-prominenteng pamilya sa bansa, ang Dior family. Si Sebastian Dior ang pangarap ng bawat babae sa bansa, dalaga o hindi. Mga babaeng pangarap maging "Cinderella" at isa na dito ang kaibigan. Sa sobrang paghanga nito rito ay balewala na kung single father pa ito. Paano'ng hindi gayong mukha pa lang nito ay heaven na, idagdag mo pa ang maskulado nitong katawan. Yong katawan na halatang may sariling gym. Sadly, sabi sa news, hanggang ngayon ay devoted at broken-hearted pa rin ito sa namatay nitong asawa. Pagbaba nila sa Mall of Asia ay may mga pulubing lumapit sa kanila, namamalimos. Kung si Annie, tulad ng marami ay mabilis humindi at agad lumayo sa mga pulubi, si Alexa naman ay mabilis nangalkal sa dalang tote bag. Sumilay ang ngiti sa labi ng mahanap ang coin purse. Ang laman ng coin purse ay sadya niyang binukod para sa mga pulubing namamalimos. "Bakit ba ang hilig mo mag-limos sa mga pulubi?" "Hmm..." Alexa bit her lips while thinking. "Kasi lahat ng tao ay may karapatan mabuhay at kahit barya ay magdadagdag ng ilang minuto sa buhay nila?" "Kahit pa! Paano kung ikaw ang nangailangan ng limos? Hindi lahat ng tao lilimusan ka. Stop being naive, Alexa. The world is not full of flowers!" Umikot pa ang mata nito pagkasabi. Best friend ni Alexa si Annie mula high school. Sa college ay pareho sila ng course at pinasukan na university at ngayon ay teachers sa iisang school. Magkasing-edad lang sila pero di hamak na mas mukhang matanda ang hitsura at gawi ni Annie kumpara kay Alexa. Siguro dahil panganay ito sa apat na magkakapatid habang bunso naman si Alexa at only princess ng kuya at mga magulang niya. Tulad nang dati ay ngiti lang ang tinugon ni Alexa sa kaibigan. Nang marating nila ang shop ng Love Dior ay halos puno na ito ng mga tao. Ang Love Dior ay binubuo ng iba't ibang shops around the country, mula sa apparel, jewelry, perfumes, and beauty products. Hinablot ni Annie si Alexa papasok sa shop, nakipag-siksikan sila sa karamihan ng tao. May isang oras ang lumipas ay nagpaalam si Alexa na tutungo sa restroom at bibili rin ng tubig. Pagbalik niya ay lalo pang dumami ang tao. Hinanap niya ang kaibigan habang umiinom ng tubig. Mayamaya pa ay nag-rhyme sa tainga niya ang pamilyar na pangalan—Sebastian Dior. Sa wakas ay dumating na ang pinakahihintay ng lahat. STAMPEDE!! Kani-kaniyang unahan sa pagpila sa counter ang mga tao. Makalapit, makausap, at mangitian man lang ni Sebastian. Sa kaguluhan ay nabangga ng mga tao si Alexa. Muntik na siyang mangudngod at bumagsak sa sahig dahilan para mapasigaw siya. Mabuti na lang at may nagligtas sa kanya, hinablot nito ang maliit niyang kamay. Mula sa likod ay malakas ang puwersa nang paghila sa kanya. Sa lakas ay bigla ang pag-ikot ng katawan ni Alexa. Humagis ang mineral water na iniinom, kasunod nang pagkasubsob ng mukha sa isang matigas na bagay. "Ouch!" Anas ni Alexa na sinundan ng pagbuka ng bibig at panlalaki ng mga mata. Shock nang madama niya ang basa ng buhok at damit. Nang puntong yon ay bigla na lang tumahimik ang paligid. Isang bagay na imposible mangyari, liban na lang kung... THUMP-THUMP... THUMP-THUMP... Nakakabingi ang tibok ng puso ni Alexa. Lalo pa itong lumakas nang igalaw niya ang ulo, tiningala ang tagapagligtas. Darkest brown na buhok, malinis ang gupit na lalong nagpaliwanag sa moreno at makinis nitong mukha. Walang pimples at halos walang balbas at... Kulay abo na mga mata ang bumati sa kulay tsokolate na mga mata niya. Nang masilayan niya ang mukha ng tagapagligtas, ang malakas na tibok ng puso ay bigla naman bumilis! Sa sobrang bilis ay animo'y malapit na siyang mag-flat line! THUMP-THUMP-THUMP-THUMP...... Sebastian Dior! Nakabuka rin ang bibig ng lalaki, habang pinunasan ng mga palad ang basang mukha. Ang matigas na bagay na nasubsoban ni Alexa ay ang matipunong dibdib lang naman ni Sebastian. "S - Sorry, sir." Nag-init ang mukha niya sa kapahiyaan. Iniligtas na nga siya ng lalaki sa kapahamakan, nabasa pa ito nang tumapon niyang mineral water! "Okay lang ako, miss." Ngumiti ito na nagpalabas sa pantay-pantay at maputi nitong mga ngipin. May lalaking lumapit dito—nag-abot ng tuwalya. Pero sa halip na punasan ang sarili ay marahan nitong dinampi ang tuwalya sa mukha ni Alexa. Habang pinupunasan ay hindi namalayan ni Alexa na nakatitig na siya sa mukha ni Sebastian. Animo'y kinakabisado ang bawat features ng mukha nito. Makapal at dark na dark na mga kilay at pilikmata at kulay kasoy na labi. Nag-init ang kabuoan ni Alexa pagkatanto kung gaano siya nakatitig sa lalaki habang nakatuon naman ang mata ng mga tao sa kanilang dalawa. Paghanga para sa lalaki habang panunuri naman ang sa kanya. Feeling niya ay butas-butas na siya sa sobrang panunuri ng mga tao! Pagkatuyo sa kanya ni Sebastian ay iniabot nito ang isang paper bag. Saglit na nagtama ang paningin nila. Kulay rosas ang mukha ni Alexa nang iiwas ang paningin na tuluyan naging kulay dugo pagdapo ng mainit na hininga ni Sebastian sa punong tainga niya, "Change, so you won't get sick. I hope the dress fits. It's on me." *** Hating-gabi na ay pabaling-baling pa din si Alexa sa kama. Hindi maalis sa isipan ang nangyari kanina, hanggang ngayon ay suot pa rin ang bestida na bigay ni Sebastian. Kanina, sa hapag-kainan ay nag-asal bata siya, paulit-ulit at walang katapusan ang kuwento. Hindi lang mukhang anghel sa amo ang mukha ng lalaki, ubod pa ito ng gentleman. Ang ngiti nito ay nagbibigay liwanag sa mundo ni Alexa. Kinagat ni Alexa ang maliit na labi. Kuminang ang mga mata at naging singpula ng mansanas ang mukha. Alexa is sweet and innocent, dreamy like a child. Someone who believes in the existence of a knight in shining armor who will save the damsel in distress. Someone who believes in fairytales and happy endings! *** Ilang linggo ang lumipas. Ginugol ito ng mga estudyante at guro ng St. Elizabeth Academy sa pag-ensayo para sa especial school program. Ngayong araw gaganapin ang school program upang batiin at pasalamatan ang bago nilang sponsor, ang eldest madam ng pamilya Dior. Abala ang lahat sa pag-asikaso at pagpaganda ng school gymnasium. Kinailangan naman umalis ni Alexa upang itsek ang restaurant kung saan kakain ang mga guro at bisita. Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang mga espesyal na bisita, ang pamilya Dior. Nagsimula ang school program at sunud-sunod nagbahagi ng performance ang mga estudyante. "Daddy, restroom please!" untag ng batang babae kay Sebastian. "Daddy, me too!" segunda naman ng batang lalaki. "Alright, go with your yaya." Sinenyasan ni Sebastian ang isa sa kasama nilang katulong. Pero nagtaka ang pamilya nang lumipas ang isang oras ay hindi pa rin bumabalik ang mga bata at ang katulong. At lalo silang naalarma nang bumalik ang katulong na ang batang lalaki lang ang kasama. "Sir, nawawala si Savannah!" "WHAT!!" Samantala, sa kabila ng pagod ay pinilit ni Alexa bumalik sa school para panoorin ang performance ng mga estudyante niya. Habang naglalakad sa school vicinity ay nag-ayos na siya ng sarili. Pinagpagan ang suot na uniporme. Nasa playground siya nang mag-ipit ng buhok, pero nabitawan niya ang ponytail. Yumuko siya upang damputin ito ng may nakita siyang batang babae na natutulog sa loob ng tube slide. Nakasuot ng purple lace na bestida ang bata, maputi, at dark brown ang buhok. Mukha itong manika. Maliit ang bata kaya alam niyang hindi ito estudyante sa school nila. Marahil ay kasama ito ng isa sa mga bisita. Madali itong ginising ni Alexa at pinilit na lumabas sa tube slide na sinuksukan nito. "Baby, why are you here?" "I'm hiding. "But Sevie took a long time to find me, and I ended up sleeping," turan ng bata habang naghihikab. Dahil sa private school, nagtuturo si Alexa ay sanay na siyang English-speaking ang mga bata. Pero rinig sa boses ng bata na ito ang confidence at grace, ebidensya na English-speaking ito mula pagkapanganak. "But you can't stay here, baby. Come with me; I'll take you to your mom." Inilahad ni Alexa ang palad sa bata. "Really! "You'll take me to mommy?" Nag-isip ang batang babae habang ngatngat ang labi. "Hmm... but Daddy said Mommy is an angel flying around in heaven." Alexa bit her tongue and dropped her head. She felt guilty. With her words, it's clear that her mom is already dead. Poor child; she's too young to have lost her mom. Huminga siya ng malalim bago naglagay ng ngiti sa labi. "I mean, I'll take you back to your family, shall we?" Faster than the wind—the little girl agreed. Ikinapit nito ang maliit na palad sa palad ni Alexa, at masaya silang naglakad. Thanks to my mama, from whom I got my sweet voice and kind smile. It works like a charm all the time! Puno ng kumpyansa niyang bulong habang halos tumalon sa galak. Pero ilang minuto lang ang lumipas ng nagsimula magmaktol ang bata. Bumitaw ito kay Alexa at binagsak ang katawan sa lupa. "I'm tired. I don't want to walk anymore, Miss Teacher," turan nito habang nakanguso. Bumuga ng hangin si Alexa tsaka umupo, hinarap ang bata. Muli ay nginitian ito with twinkling eyes pa. "Alright, want me to piggyback you, baby?" Magic. Biglang nawala ang maktol ng bata at tumalon nang tumalon sa tuwa. Muli silang naglakad habang nagdu-duet sa kantang "Somewhere Over The Rainbow", only this time ay naka-piggyback na ang bata. "Miss Teacher, what is your name? "I need to know because Daddy told me to never talk and go with strangers, eh." Bumunghalit ang tawa ni Alexa. "Too late! You already talk and go with me, baby. "Anyway, I'm Teacher Alexandra Villegas." "Thank you for carrying me, Miss Alexandra." Puno ng lambing na sinandal ng bata ang pisngi sa pisngi ni Alexa. "How about you? "What is your name, baby?" "I'm Savannah." Natigilan sa paghakbang si Alexa nang biglang umere ang malakas na tunog ng PA system. "Pinapabatid sa lahat na kasalukuyang may nawawalang bata. Dahil dito ay naka-lockdown na ang buong school. Nakasuot ang batang babae ng purple lace na bestida, four years old. Ang pangalan ng bata ay Savannah Dior!" "Savannah Dior?" THUMP-THUMP... THUMP-THUMP...Marahan pero nasa punto ang hagod ng mga daliri ni Alexa sa grand piano habang tinutugtog ang kantang "Somewhere Over The Rainbow". Kita ang paghanga mula sa pamilya, kapuwa teachers, at mga bisita na prenteng nanunuod habang kumakain sa restaurant. Ang masayang pakikinig ay nahaluan naman ng malakas na cheers ng nasa pangalawang intro na ng kanta. Sa pangalawang intro kasi ay may munting singer na, si Savannah. "You look familiar. Have we met before?" Curious na tanong ni Sebastian kay Alexa nang nakaupo na sila. Kanina ay agad tinapos ang school program nang dumating si Alexa sa school gymnasium na karga si Savannah. Sobra ang pasalamat ng pamilya Dior kay Alexa sa pagkatagpo niya kay Savannah. Sinubukan nilang bigyan siya ng pabuya kapalit ng kabutihan-loob, pero puno ng galang niyang tinanggihan ang lahat. Napag-alaman din ng pamilya Dior na anak si Alexa ng kasalukuyang school principal at nagmula sa pamilya ng mga teacher. Magalang, edukada, may talento, maganda, at higit sa
PRESENT... Dumating ang ikatlong araw, ang takdang araw ng pagbabalik nina Sebastian at Alexa mula sa kanilang honeymoon. Sinundo sila ng itim na SUV sa hotel at resort, parehong sasakyan na naghatid sa kanila ng nakaraang araw sa ilalim ng utos ng nanay ni Sebastian. Pero bago pa sila sumakay ng sasakyan ay hindi nalimutan ipaalala ni Sebastian kay Alexa na kontrata lang ang kasal nila. He also reminded her to act as a proper and modest wife, daughter-in-law, and stepmother. Most importantly, to never disobey him, her now one and only husband! Matapos marinig ang mga salitang ito, mga salitang paulit-ulit nagdadala ng kirot sa puso ni Alexa ay hindi na sila muling nag-usap pa. Naging sobrang tahimik ang nagdaang oras hanggang tumigil ang sasakyan sa Forbes Makati sa harap ng mansyon ng mga Dior. Mula sa loob ng sasakyan ay hindi maiwasan lumuwa ang mga mata ni Alexa. Kita kasi sa tatlong palapag na mansyon ang agwat ng pamumuhay nila. Mistula kasing hotel ang mansyon ng mga Dior.
Tinag na ang haring araw pero di tulad nang dati na mistulang alarm clock siya, laging on time, ngayon ay nakasubsob padin siya sa malambot na unan. Pagod siya, kaya kahit ano'ng tunog ng alarm ay di siya nakabangon. Paano'ng hindi eh tumatak kay Sebastian ang sinabi niyang "Teach me," kaya magdamag nga siya nitong tinuruan—kung paano nito gustong halinahin ng inosenteng asawa! Gano'n pa man para kay Alexa, kung ito ang paraan para maangkin ng buo ang asawa, so be it! Bumalikwas siya ng bangon pag alala na bibisitahin niya ang pamilya ngayong araw. SA WALK-IN CLOSET... Salubong ang kilay niya na nilinga-linga ang paningin. Bukod sa ilan niyang pantulog ay ang mga regalo lang na damit, sapatos, at alahas ng granny at biyenan ang nakasalansan sa closet. Wala ang gamit at maleta niya. Hinalughog niya ang bawat sulok ng closet. Paghila sa huling hanay ng mga damit ay napahinga siya ng malalim. Sa wakas natagpuan niya ang maleta—sa sulok ng closet natatakpan ng magagarang bestida. "Ba
Kabababa lang ni Sebastian ng kotse ng nagulantang sa nasaksihan. Sa harap ng mansyon ay nagliliyab ang apoy. Nasa sahig ang asawa niya, umiiyak matapos sampalin ng nanay niya sa harap ng maraming kasambahay. "Mama! Bakit mo sinampal ang asawa—" PAK!! PAK!! Umalingawngaw ang malutong na tunog ng kambal na sampal. Natigilan siya, nagpantig ang tainga sa lakas ng inabot na sampal mula sa kanyang nanay. "Asawa? "Kung asawa talaga ang tingin mo kay Alexa, di dapat naisip mo ang pride at reputation niya bago mo isinama at pinarada sa honeymoon niyo ang ulupong na yon! " Nandidilat ang mga mata at namumula ang mukha ni Mikaela, ebidensya kung gaano kapuyos ang galit nito. Hindi siya nakasagot, deserved niya ang sampal dahil mali ang ginawa niya pero... hindi ito deserve ng asawa niya. "Mama napag-usapan na namin ito ng asawa ko. "He promised me that it would be the last time he would sleep with another woman and be away from me!" Tumigil ang mundo niya pagdinig sa matapang na salita n
Mahigpit ang hawak ni Sebastian sa manibela. Nagmamaneho siya palayo ng mansyon, habang ang isipan ay naiwan sa umiiyak na asawa. Nadatnan niya itong umiiyak at iniwan niya rin itong umiiyak. Si Sebastian ang unang lalaki sa buhay ni Alexa, ang unang lalaki na pinag-alayan nito ng puso at sarili. Hindi manhid si Sebastian, ramdam niya ang pagmamahal ni Alexa para sa kanya sa bawat kibot ng katawan at sa bawat ngiti ng labi nito. But what to do when he can't love her back? He's been sleeping with Katelyn for almost a year now, but he never once tells her that he loves her because he doesn't. Sebastian's heart still belongs to one and the same person, and that is his first wife. Ring-ring-ring... "Seb, asan ka?" Sa kabilang linya ay umere ang mapanghalina na tinig ni Katelyn. "Driving..." walang emosyon sagot ni Sebastian. "Let's meet." "Kate, huwag ngayon. I want to be alone, eh." "No, I'll come to you." Dismayado nitong sabi. Kung dati rati ay ayaw ni Sebastian nadidismaya si K
"KATELYN." Halos bulong na sambit ni Alexa, pero naulinagan ito ni Sebastian dahilan para magsalubong ang makakapal nitong kilay. Pero bago pa nito mapagtanto ang nangyari ay nakalakad na palayo si Alexa. Panic rose from his heart and enveloped his entire being. He raced after her, who was about to walk out of their room. Alexa clutched the knob, and the door swung open, but within seconds it was forcefully shut. Halos lumipad ang kaluluwa niya bago naramdaman na naka-subsob na siya sa malapad at matigas na dibdib ng asawa. He grabs her and hugs her tightly. He held her arms close to his chest, trapping her small body completely. "Walang nangyari samin, believe me, Alexa! You can ask my bodyguards. Katelyn found me, we talked, and then I went home to you! And didn't I promise, I promised you I will never sleep with another woman!" Natataranta nitong sabi. Sa posisyon ni Alexa, ay kitang-kita niya ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib nito. Gusto niya hawakan—pakiramdaman ang tibok
EARLIER EVENT... "You don't come to our townhouse anymore. I miss you!" Nakanguso na turan ni Katelyn tsaka sinunggaban ng halik si Sebastian. Sa kalasingan ay hindi agad nakabawi si Sebastian, pero ng maramdaman ang pilit pagpasok ng dila ni Katelyn sa bibig niya ay agad siyang nagka-wisyo at tinulak ito. "Kate, enough! We talk about this, remember?" "Seb, how can you cope without being intimate with me? Paano mo ko natatanggihan? Paano mo ko natitiis?" Balot ng tampo ang tinig ng babae habang nakadagan kay Sebastian. Huminga ng malalim si Sebastian at umayos ng upo tsaka inialis ang babae sa kandungan niya. "I promised Alexa..." "Right, this is about that "Cinderella" wanna be wife of yours!" Sarkastikong putol ng babae kay Sebastian. Naningkit ang mga mata nito. "You've been fucking her, kaya natatanggihan mo na ko ngayon!" "Words Kate!" Dumilim ang hitsura ni Sebastian. Nakita ito ng babae na mabilis nagpalit ng diskarte. Pinulupot nito ang mga braso sa leeg ni Sebastian at
"Kailan ang huling period mo? Regular ba ang period mo? How about menstrual cramps? Do you suffer any during period?" Sunod-sunod ang tanong ng may edad na doctor sa nakahigang si Alexa. Animo'y manika—walang ekspresyon ang puti niyang mukha. Nasa examination table siya—pina-pap smear. Lulubog nalang ang araw ay di padin tapos ang checkup at test na ginagawa sa kanya, from full body checkup to transvaginal ultrasound to egg cell counts. Sa utak niya ay paulit-ulit nag-echoe ang may awtoridad na salita ng biyenan, "I'll give you a month to get pregnant with Sebastian." Pero paano siya magbubuntis gayon sabi niya kay Sebastian, she doesn't want his touch. Kaninang umaga para siyang magnanakaw na pumasok sa silid nila maiwasan lang ito, kaso nahuli siya nito at niyakap siya ng walang sali-salita. Sa higpit ng yakap nito ay halos lisanin siya ng hangin. But the whole time seeing Sebastian in tears, the corner of her heart hurt. Like hundreds of needles poking her, she wanted to hug him
Nilingon ni Sebastian ang dumapong palad sa balikat niya. Ngumuso siya pagkita sa palad ng Lola bago bumalik muli sa pagpupunas ng basang towel sa braso ng asawa. "Iho, please kumain kana muna at matulog. Kame na muna ang bahala kay Alexa, hmm." Tiningnan ni Sebastian ang Lola, pero di siya nagsalita bagkus marahan tinanggal ang kamay nito sa balikat niya. Nagbuntong-hininga si madam Antoinette, bakas na bakas niya—nilang lahat ang puyat, pagod, at pagkabalisa sa nangungutim na eyebags at magulong buhok ni Sebastian. Malayo sa gawi nito ay lukot-lukot din ang damit nito ngayon na natatakpan lang ng disposable hospital gown. Magtatatlong araw nang comatose si Alexa; magtatatlong araw na din hindi natutulog at kumakain ng maayos si Sebastian. Personal niyang inalagaan si Alexa. Pinagbawalan din niya ang lahat bukod sa doctor na hawakan ito. Paulit-ulit siyang pinakiusapan ng pamilya niya at pamilya ni Alexa na hayaan muna sila magbantay dito para makapagpahinga siya, pero ayaw niya
"ARRGH! Seb, please! I'm sorry!" Katelyn choked between sobs. Pilit siyang kumawala sa pagkakahigit sa leeg niya ni Sebastian. Nang mahimasmasan si Sebastian ay di nito naiwasan magalit at magwala. Balot ito ng guilty feelings dahil sa nangyari, pero kung meron man nanalo sa sistema niya yon ay ang takot sa magiging reaksyon ng asawang si Alexa pag nalaman nito ang nagawa niya. Pinangibabawan siya ng takot, kaya napag-desisyonan niya na ano man ang mangyari ay hindi niya hahayaan malaman ito ng asawa. Kung kailangan maglumuhod siya kay Katelyn ay gagawin niya masiguro lang na hindi ito magsasalita pero bigo siya. Sa halip na sumang-ayon ay ginamit pa nito ang pagkakataon para i-blackmail siya. Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Sebastian habang higit higit si Katelyn sa pader ng cabin. "How could you fucking have the audacity to blackmail me? After what you did!" "FUCKING BULSHIT!!" Dumagundong ang sigaw ni Sebastian na sinundan ng matinis na sigaw ni Katelyn! Sinuntok ni Sebastia
"What?! D - Drugged?! How?" Sunod-sunod na tanong ni Alexa habang balot ng lito. Paano gayon bantay sarado siya ni Gavin unless... "Gavin, did you do this?" Nanghuhusgang tanong ni Alexa na kitang ikinagulat ni Gavin. Mabilis nitong idinistansya ang katawan sa kanya. "Gusto mo ba ayusin ko yong tanong ko? Gavin, inutusan kaba ni Katelyn na i-drugs ako?" It took her everything to sit on the bed. Nang makaupo ay bumati sa kanya ang nakatalikod na si Gavin, hinubad nito ang suot na wristwatch tapos sinundan ng itim nitong coat na pareho nitong inilapag sa coffee table. Tapos pumihit ito paharap sa kanya, napasinghap siya. Kung gaano kainit ang katawan nito ay gano'n naman kalamig ang ekspresyon nito. Humakbang ito palapit sa kanya habang iniangat hanggang siko ang manggas ng suot nitong long sleeve shirt. Nang nakalapit ay muli nitong hinimas ang buhok niya. Pero imbes na kumalma siya sa hawak nito ay lalo lang tumahip ang dibdib niya. "Let me help you, madam." Turan ni Gavin sa mala
"We need to talk," turan ni Sebastian. Marahan inilapag sa kama ng cabin si Katelyn. "Why, Seb?" Pinukol ni Katelyn ang tingin kay Sebastian. Sampung taon na silang magkakilala pero sa unang beses ay ngayon lang siya nakadama ng takot sa simpleng salita nito. Nanginig ang kaloob-looban niya. We need to talk was all it took for her to reminisce about every moment she had with him. The very first time she saw him... at that bar. Magdidisi-otso palang siya nang isama ng nanay para magtrabaho sa bar para makalikom ng pangpiyansa ng tatay. That time Sebastian and his friends were VIP customers. He never looks her way, but her eyes always fall his way. In the dimly lit place, he shines brighter than the moon and stars combined. Nasa kanya na ang lahat—gwapo, mukhang masarap na katawan, at makapal na bulsa! Gano'n paman di lang ito ang ikinahulog ni Katelyn kay Sebastian. It's his smile—a smile that is full of promise of forever happiness. Sa simula palang ay batid na niyang hindi ito para
"Okay bumalik ka kaagad ha..." Nagtaka si Alexa, pakiramdam kasi niya habang kinakalas ang palad sa palad ng asawa ay tila bumagal ang oras. Nadama niya ang pagtigas ng ribcage niya, particular ang sternum niya. Tapos unti-unting bumagal ang pintig ng puso niya. Pakiramdam niya pagkalas ng palad nila ay siyang tigil ng tibok ng puso niya. She stared at her hand—without Sebastian's hand in it, she felt empty. "Madam, gusto mo ihatid na kita sa suite niyo ni Mister Dior?" Tanong ni Gavin na nagpabalik sa kanya sa huwisyo. Kumurap ang mga mata niya, huminga siya ng ubod ng lalim—parang ngayon lang ulit nakahinga kasi ngayon lang ulit tumibok ang puso niya. "Gavin, gusto kong uminom, pwede mo ko samahan sa bar?" Mahinang tugon niya habang nakapako ang tingin sa pigura ng asawa na papalayo. In-excused niya ang sarili kina Madam Wong at Luke na sinimulan naman ikutin ang iba pang mga bisita. Sa open deck nakapwesto ang mini bar ng yate. Hindi palainom si Alexa. In the past, she'd only
Trust, patience, slowly everything faded... Humigpit ang hawak ni Alexa sa tela ng damit niya. Kahit singbigat ng adobe ang ulo ay pilit niya tong itinaas. Ika nga ng biyenan, she is the youngest madam Dior, and vowing to shameless people should never be part of her vocabulary. Taas-noo niyang tiningnan si Katelyn na humangos palapit. Sa taas ng takong nito ay halos madapa ito. Ang kaninang butil ng luha ni Alexa na nilipad ng hangin ay nagbigay kinang sa mga mata niya ngayon. Tinakpan nito ang bahid ng lungkot sa mukha niya. Sinundan ng tingin ni Sebastian ang tinitingnan niya—nanlaki ang may kasingkitan nitong mga mata tapos mabilis ibinalik ang tingin sa kanya. "Wait, Alexa, let me explain—" Hindi nito natapos ang sinasabi nang sa harap ng lahat ay walang anu-anong niyapos ni Katelyn. "Seb, I love this dress so much!" Eksaheradong turan nito, pero ni kaunti ay di tinapunan ng tingin ni Sebastian. Napako kasi ang tingin ni Sebastian kay Alexa habang di maipinta ang mukha. Sa k
BATANGAS PORT... Mentras palapit nang palapit sa port ang luxury van na sinasakyan nina Sebastian at Alexa ay palakas nang palakas ang tunog ng fireworks. Iba't ibang kulay na fireworks na pinaningning ang madilim na kalangitan. Tila kinikiliti naman si Sebastian, napapangisi habang nakapangalumbabang pinanood ang asawa. Nakabukas ang bintana ng sasakyan. Kaysa tumabi kay Alexa ay pinili niyang umupo sa harap nito at sa kabuoan ng biyahe ay animo'y lovestruck na pinagmasdan ito. Halos di kumurap ang mga mata—takot na pagkumurap siya ay maglaho ito. Ayaw man aminin pero, nitong nagdaang linggo napagtanto niya—she was his light of hope. The man from above must have pitied him, so he gave him a chance to change his choice. He gave him a chance to smile again. He gave him her, who is pure and who is his alone. "Sobrang ganda!" Wika nito na hindi inalis ang tingin sa labas. Di alintana ang malamig na simoy ng hangin. Ayaw siyang tingnan nito? Kagabi pag galing sa main shop ng Love Dio
Tinatangay ng hangin ang itim na buhok ng babae sa bawat lapat ng mga paa nito sa sidewalk tiles. Mentras lumalakas ang hagupit ng malamig na hangin ay humihigpit ang yakap nito sa sarili. Kalmado ang ngiti sa labi ni Alexa habang nakaupo sa leather couch sa VIP room ng Love Dior. Mula sa kinauupuan ay tanaw niya sa glass wall ang kalsada sa labas. Ang malapad na kalsada ay pinaliligiran ng sidewalks. Nag-aagaw na ang dilim at nililipad ng malamig na hangin ang mga dahon mula sa mga puno sa animo'y park na sidewalks. September na. Sinimulan na naman siyang dalawin ng kakatwang panaginip na yon—panaginip na napapanaginipan niya lang tuwing ber months. Ang maputing babae sa asul na bestida. Tulad ngayon ay madilim at malamig din sa panaginip niya. Naglalakad mag-isa ang babae sa sidewalk habang ang maraming tao ay nasa malapad na kalsada. Mag-isa lang din nitong tinatahak ang kabilang direksyon. Kumikinang ang madilim na gabi sa iba't ibang kulay ng mga ilaw. Perhaps it's Christmas o
Patuloy ang paglagaslas ng tubig mula sa shower. Dinaig pa ni Sebastian ang lalaking ilang taon natigang. Parang papel lang na pinunit ang suot na pantulog ni Alexa habang patuloy ang pagsibasib sa labi nito. Namalayan nalang ni Alexa na n*******d na siya nang kiniliti ng may kalamigan na tubig ang dibdib niya. Tubig na dumaloy pababa sa tiyan niya. Kiliti na lalong nagpataas sa mga balahibo niya. Sa kabila ng pagkabasa ay sing-init ng apoy ang katawan ng asawa. Sandal-sandal siya nito sa pader habang dikit na dikit ang mga katawan nila. Sa pagitan nila ay ang ubod ng tigas nitong pagkalalake na sige ang tusok sa pusod niya. Gumapang pababa ang labi ni Sebastian pinaliguan ng halik ang bawat parte niya. Bawat halik ay nag-iiwan ng marka. "Sebastian ahhh..." Ungol ni Alexa nang biglang balutin ng mainit na bibig ni Sebastian ang isang dibdib niya habang ang palad ay madiin ang pagpisil sa isa. Tulad ng sanggol ay salit-salitang sinipsip nito ang dibdib niya na nagdala ng sobra-sobra